Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 4: Mga Kakaibang Pangyayari

Share

Chapter 4: Mga Kakaibang Pangyayari

Author: JGJ Writes
last update Huling Na-update: 2021-09-02 16:48:05

Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan.

"Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili.

Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan. 

Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang.

"Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni.

"Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses.

Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita.

Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi.

"Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya.

"Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin.

"Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya.

"Eh bakit nga kita tatawaging Prinsesa? Siguro ay natutulog ka na naman diyan ng gising noh?" saad pa niya sa akin. 

"Tse!" bulalas ko naman sa kaniya.

"Hindi na kita pahihiramin ng mga pocketbook ko sa bahay." Pananakot ko sa kaniya.

Sumimangot naman ito sa akin at maya-maya'y biglang ngumiti saka nag-peace sign pa ng kaniyang mga daliri.

Pagkatapos ng klase namin ni Elsa ay naglakad lamang kami ulit pauwi gaya ng madalas naming ginagawa sa araw-araw.

Upang mabilis kaming makarating ng bahay ay sa kakahuyan kami muling dumaan.

Sa bawat pagdaan namin ni Elsa sa mga punongkahoy ay napapansin ko rin ang pagyukod ng mga ito sa amin.

"Elsa, nakikita mo ba ang mga nakikita ko?" manghang tanong ko sa kaibigan.

"Ang alin?" maang niyang balik tanong sa akin.

"Yumuyukod ang mga puno sa atin," bulalas ko naman sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa aking sinabi. 

"H'wag mo akong takutin nang ganiyan Diana, alam mo namang nasa gitna tayo ng kakahuyan," hilakbot nitong anas.

Napabuntong hininga naman ako sa kaniya.

"Ano ba kasi ang nakita mo?" tanong pa niyang muli sa akin.

"Hayaan mo na nga at baka guni-guni ko lang din iyon."

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may bukana ng kakahuyan.

Biglang umihip ang malakas na hangin at halos lahat ng nasa paligid nami'y tila baga gustong tangayin niyon.

Dahil sa lakas ng hangin ay tinangay niyon ang panyo kong itinali sa aking buhok.

"Ang panyo ko!" malakas na bulalas ko.

"Hayaan mo na 'yan, Diana. Bumili ka na lamang ng bago at baka mapahamak ka pa kung ito'y iyong susundan," saad naman ni Elsa at pinigilan pa ako sa aking braso.

"Mahalaga ang panyong 'yon sa akin!" sambit ko naman sa kaniya at kinalas ang aking braso na pigil-pigil niya.

"Pero kailangan na nating umuwi at malapit nang magdilim, Diana," wika pa nito sa akin.

"Kung gusto mo ay mauna ka nang umuwi at pakisabi na lang kina Nanay at Tatay na hahanapin ko muna ang aking panyo," tugon ko naman sa kaniya.

"Ano bang mayroon sa panyong 'yon at 'di mo na lang kasi palitan?" naiiling na tanong ni Elsa.

"Basta mahalaga sa akin ang panyong iyon! Mauna ka nang umuwi at hahanapin ko lamang ito," mariin ko pang sabi sa kaniya.

"Sigurado ka bang magpapaiwan ka rito?" turan sa akin ni Elsa.

"Hindi ka ba natatakot sa mga Engkantong maaari mong makita rito?" muli pa niyang tanong sa akin.

"Walang mga Engkanto, Elsa! Mga likhang kwento lamang 'yan ng mga tsismosang kapitbahay natin sa baryo," nakaingos kong saad sa kaniya.

"Hay, ewan!" Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita.

"O siya, mauna na ako sa'yo at marami pa rin akong gagawin sa bahay." Paalam nito sa akin at agad ko naman iyong tinanguan bilang pagsang-ayon.

Agad kong tinahak ang landas patungo sa kung saan tinangay ng malakas na hangin ang aking panyo.

Himala namang huminto sa pag-ihip ang malakas na hangin nang makarating ako sa gitnang bahagi ng kakahuyan.

"Nasaan na kaya 'yon?" bulong ko sa sarili at nagpalinga-linga sa paligid.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinisipat ko ang bawat maraanan upang makita ang aking panyo. 

"Ang ganda niya!" rinig kong turan ng isang maliit na boses mula sa kung saan.

"Oo nga, tunay ngang isa siyang diwata na may dugong maharlika," tugon naman ng isa pang boses na tiyak kong kausap ng naunang boses na aking narinig.

Hinanap ko ang mga nag-uusap ngunit wala akong nakitang tao sa paligid. 

Tanging mga ibon lamang sa itaas ng sanga ng puno ang siyang aking nasilayan malapit doon.

Pinakatitigan kong maigi ang mga ibong iyon ngunit 'di ko naman nakitang bumuka ang kanilang mga bibig.

"Nahihibang ka na Diana pati mga ibong nananahimik ay pinag-iisipan mo nang nagsasalita." Naiiling na tinampal ko ang pisngi.

Muli kong itinuon ang pansin sa paghahanap ng panyong kaytagal na panahon kong kasama at iningatan. Ang panyong iyon ay kasama ko pang napulot nina Nanay at Tatay rito sa may kakahuyan kung kaya't hindi iyon maaaring mawala nang ganoon na lamang sa akin. 

"Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig.

Luminga-linga ako upang hanapin ang taong tumatawag sa aking pangalan.

Ngunit wala akong nakitang tao sa paligid.

"Diana..." Muling tawag sa akin ng malamyos na tinig.

"Sino ka?" lakas loob kong tanong sa malamyos na tinig pero sa kaibuturan ng aking katawan ay kinakabahan na akong tunay.

Napahawak ako sa aking kwintas at nakaramdam ako ng kapayapaan.

Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng isang nilalang mula sa aking likuran.

"Diana..." Muli kong narinig ang malamyos na tinig ngunit sa pagkakataong ito'y parang napakalapit na niya sa akin na tila baga bumubulong lamang sa aking tainga.

Napasinghap ako ng malakas at nagtayuan ang lahat ng mga balahibo sa aking katawan.

"Sino ka?" utal kong tanong sa tinig na 'di ko naman makita kung sino ang nagmamay-ari.

"Bakit 'di ka magpakita sa akin?" hamon ko pa sa tinig at nagsisimula nang manginig ang aking mga tuhod.

"H'wag kang matakot Diana." Naramdaman ko ang lamig ng hanging dumapo sa aking katawan ngunit nananatiling mainit naman ang kung anong bagay na nakadikit sa akin mula sa likurang bahagi ko ng katawan ko.

Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Elsa tungkol sa mga Engkanto na narito raw sa may kakahuyan.

"Hindi! Hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa mga Engkanto na 'yan," usal ko sa aking isipan.

 "Diana..." Muli ko na namang narinig ang malamyos na tinig.

"Bakit hindi ka magpakita sa akin?" malakas ang boses kong tanong sa malamyos na tinig.

"Hindi ako natatakot sa'yo kaya magpakita ka sa akin." Paghamon ko pa sa malamyos na tinig.

Humakbang ako patungo sa isang puno nang mapansin ang panyo kong nilipad ng hangin, tatlong hakbang mula rito sa aking kinatatayuan.

"Ang panyo ko!" masayang bulalas ko at mabilis na tinungo iyon.

Dinampot ko iyon at agad na idinampi sa aking pisngi sabay nang pagpikit ng aking mga mata.

"Salamat at nakita rin kita," madamdamin kong wika at tila maiiyak na sa sobrang saya na aking nadarama.

Matagal ako sa ganoong ayos nang makarinig ako ng mga tinig na nag-uusap mula sa kung saan.

"Bakit kasi hindi mo pa siya lapitan?" dinig kong tanong ng isang maliit na boses.

"Oo nga para naman makilala ka na niya," saad naman ng isa pang maliit na boses.

"Magsitigil kayo at baka marinig niya, kayo!" saway naman ng isang baritonong boses na kaysarap pakinggan sa aking tainga.

Idinilat ko ang mga mata at inilinga ang aking mga paningin sa paligid ngunit wala akong nakita roon kundi tanging mga ibon lamang din na siyang nagpapaikot-ikot sa paglipad. 

Naramdaman ko ang paghapdi ng aking sikmura.

"Nahihibang na yata ako dala ng gutom. Makauwi na nga!" anas ko sa aking sarili.

Nagsimula na akong humakbang pabaybay palabas ng kakahuyan.

Paglingon ko mula sa aking pinanggalingan ay nakita kong nakatayo roon ang lalaking laman ng aking isipan sa buong oras ng aming klase.

Ang pinakagwapong nilalang na aking nakita sa tanang buhay ko! Ang nag-iisang pinakagwapong nilalang sa buong baryo namin at kasing gwapo ng mga holywood celebrity na aking napapanood lamang sa telebisyon.

Matangkad, maputi at mamula-mula ang kaniyang mga labi na parang kaysarap halikan. May kulay gintong buhok ito na lagpas balikat ang haba ngunit ‘di mo maipagkakamaling ito'y isang babae sapagkat napakatikas ng kaniyang tindig. Makikita ring alaga nito ang kaniyang katawan.

"Siya ang lalaking nakita ko kanina!" bulalas ko sa aking sarili.

Pumihit ako pabalik sa aking pinanggalingan kanina upang lapitan ang lalaking nakatingin din lamang sa akin.

Mabibilis ang mga hakbang kong naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki. 

'Di ko na alintana ang gutom na aking nadarama ng mga sandaling iyon.

'Di ko rin inalis ang mga mata sa pakikipagtitigan sa kaniya at baka bigla na lamang itong mawala sa aking paningin.

Muntik pa akong matapilok dala nang pagmamadaling makalapit sa kaniya.

Mabuti na lamang at mabilis din niya akong nahapit sa aking baywang.

Nagtama ang aming mga mata at tinitigan ko ang kaniyang maamong mukha lalo na ang kaniyang kulay asul na mga mata na tila baga kay tagal ko na iyong nakita.

Namalayan ko na lamang ang aking sarili na parang may sariling buhay ang aking mga kamay na kusang humaplos sa kaniyang pisngi.

'Di ko mawari sa aking sarili kung bakit parang kay tagal na panahon ko na siyang kilala at may kung anong saya akong nadarama sa aking puso na parang gustong lumundag mula sa loob ng aking dibdib. 

Wala sa loob na bumigkas ako ng isang pangalan. "Nicolo..."

Umihip ang malamyos na hangin sa aming paligid at tila isang musika sa aking pandinig ang huni ng mga ibong nagpaikot-ikot sa paglipad.

"Diana!" usal nito sa aking ngalan.

Tumagos sa puso ko ang kaniyang tinig at naglululundag iyon sa tuwa.

Kilalang-kilala ng pakiramdam ko ang pagkakadikit ng aming mga katawan at kilalang-kilala rin ng aking pandinig ang kaniyang tinig.

"Bakit pakiwari ko'y kaytagal na kitang kilala?" malamyos kong tanong sa kaniya habang patuloy na hinahaplos ang pisngi nito. 

"Porque te he cuidado durante mucho tiempo querida Princesa" tugon naman niya sa akin sa kakaibang lenggwahe na agad ko rin namang naintindihan.

"Sapagkat matagal na kitang binabantayan, Mahal na Prinsesa." Kahulugan ng kaniyang mga binigkas sa akin.

"Prinsesa? Sino ang iyong prinsesang tinutukoy?" manghang balik tanong ko sa kaniya.

"Kung gayon ay nauunawaan mo na pala ang ating lenggwahe," wika naman niya sa akin. 

Kahit ako ay nagulat din sa aking sarili na nauunawaan ko ang kaniyang mga sinabi sa ibang lenggwahe.

"Sino ang Prinsesang iyong tinutukoy?" muli kong tanong sa kaniya.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maisip ang prinsesang sinasabi nito.

Dahan-dahan niya akong inalalayang tumayo habang patuloy na nakahapit pa rin siya sa aking baywang. Kung kaya naman magkadikit pa rin ang aming mga katawan at parang halos ayaw ko nang malayo pa sa kaniya.

"Alisin mo ang anumang lungkot na nariyan sa iyong puso," masuyong wika nito at hinaplos ng kaniyang daliri ang aking pisngi.

"Malalaman mo rin ang lahat nang kasagutan sa tanong mo sa nakatakdang panahon." Ngumiti ito sa akin at ipinitik ang kaniyang mga daliri sa ere.

Nakaramdam ako ng antok at tuluyang pumikit ang aking mga mata patungo sa isang masayang panaginip.  

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
c Nicolo na nga ung nakita ni Diana
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

    Huling Na-update : 2021-09-17

Pinakabagong kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status