Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

Share

Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

Author: JGJ Writes
last update Last Updated: 2021-09-03 23:46:47

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat?

Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad.

Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon.

Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili...

Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon.

Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na  bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon.

Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito.

Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang pakiramdam pero hindi ang totoong nangyari kanina.

Nayakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin at dumampi sa aking balat.

Hinaplos ko ang aking mga braso upang maibsan ang lamig ng hangin.

Nakakapagtakang ni hindi man lang nagawang uguyin ng hangin ang mga dahon ng halaman sa aking paligid pero kakaibang lamig ang bigay nito sa'kin na nagpapatayo pa sa mga balahibo ko sa braso.

Napalingon ako sa pintuan nang may marinig akong papalapit na yabag.

Biglang bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok doon si Nanay.

"Narito ka na pala Diana, ba't sabi ni Elsa na nasa kakahuyan ka pa raw at hinahanap ang iyong panyong nilipad ng hangin?" tanong sa akin ni Nanay.

"Ah... Eh... Madali ko lamang po itong natagpuan kung kaya't agad din po akong naglakad pauwi rito, Nay," pagdadahilan ko sa kaniya.

"O siya, kumain ka na muna at malamang gutom ka na," ani pa niya sa akin.

Biglang kumalam ang sikmura ko nang marinig ang pagkain.

Hinintay ko munang makalabas ng silid ko si Nanay bago sumunod sa kaniya.

Nang nasa amba na ako ng pintuan ay parang may nag-udyok sa'king lingunin ang bintana kaya ginawa ko iyon.

Gano'n pa rin ang natatanaw ko mula rito, ang kakahuyan...

Nahigit ko ang aking hininga nang may naaninag akong gumalaw sa masukal na bahagi ng kakahuyan.

Kumabog nang malakas ang puso ko habang hinihintay na muling mahagip ng paningin ko ang paggalaw na iyon.

Abot-abot ang kaba ko habang pigil-hiningang nag-aabang pero di na ulit nangyari iyon.

Napakurap-kurap ako dahil imposibleng guni-guni ko lamang iyon.

"Diana!" tawag sa'kin ni Nanay na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Andiyan na po, Nay!" mabilis kong sagot at dali-dali nang sumunod dito palabas ng aking silid.

"Siguro, pinaglalaruan lamang ako ng aking imahinasyon. Kailangan ko na yatang kumain talaga dahil kakaiba ang dulot sa'kin nang nalipasan ng gutom," ani ko sa aking isipan.

********

Dalawang araw na simula noong huling tapak ko sa loob ng kakahuyan.

Dala-dala ko pa rin ang mga katanungan tungkol sa pangyayaring iyon na di mabigyan ng malinaw na paliwanag.

Sa loob ng mga nagdaang araw ay ilang ulit kong natagpuan ang sarili na tinatanaw ang kakahuyan.

Pinipigilan ko ang kuryosidad na nag-uudyok sa'kin tuwina na muling tumapak sa lugar na iyon upang alamin kung gaano katotoo ang karananasan kong parang isang panaginip lamang na hindi naman.

Pero mukhang nakatakda sa araw na ito ang muli kong pagtapak sa kakahuyan.

Anibersaryo ngayon nina Nanay at Tatay at matagal ko nang binabalak na ipasyal sila sa araw na ito doon sa espesyal na lugar na bahagi ng kakahuyang nagbibigay sa'kin ng kahiwagaan.

Kaya naman maaga akong gumising upang magluto ng aming kakainin sa loob ng kakahuyan.

Dahan-dahan ang aking pagkilos upang hindi ko sila magising.

Nilalagay ko na ang mga pagkain sa loob ng basket nang lumabas naman buhat sa silid si Tatay.

"O Diana, anak ba't ang aga mo 'ata ngayon nagising?" tanong niya sa akin.

"Tay, 'di po ba anibersaryo ng kasal ninyo ngayon ni Nanay?" balik tanong ko naman sa kaniya.

Tumingin ito sa maliit na kalendaryong nakasabit sa pader ng aming munting kubo.

"Naku, nakalimutan ko na sa sobrang dami ng aking ginagawa," kumakamot sa ulong tugon ni Tatay.

"Ano na naman ang nakalimutan mo Dante? Matanda ka na ngang talaga at makakalimutin na," naiiling na saad naman ni Nanay buhat sa may pintuan ng kanilang silid.

Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Nay! Tay! May sorpresa po ako sa inyong dalawa," nakangiting sambit ko sa kanila.

Lumingon sila sa akin at nagtatanong ang kanilang mga mata.

"Magbihis po muna tayo at nang makaalis na rin. Isuot niyo po ang pinakamaganda ninyong damit pang-alis ha," wika ko pa sa kanila.

"Pero..." Naputol ang anumang sasabihin ni Tatay nang paluin siya ni Nanay sa kaniyang braso.

"Pagbigyan mo na ang anak natin, Dante. Mabuti pa nga siya ay naalala niya ang araw ng kasal natin," naluluhang wika ni Nanay kay Tatay.

"O siya, hala! Tara nang magsipagkilos nang makaalis na. Masyado na ring mainit kung tanghali na tayo aalis," turan naman ni Tatay.

Pagpasok ko ng aking silid ay aksidenteng nahagip ng mga mata ko ang palumpon ng mga bulaklak sa isang tabi.

Sa araw-araw na pagsulpot ng mga bulaklak na iyon ay itinigil ko na rin ang katatanong kung kanino iyon galing.

Nasasanay na akong laging nakatatanggap niyon kaya ang ginagawa ko na lamang ay iniipon ko ang mga ito sa loob ng aking aparador.

Iyong ilan sa mga ito ay nangalanta na at iyong mga medyo bago pa ay presko pa ring tingnan.

Kasama na sa araw-araw kong inaabangan ay ang bulaklak na ipinapadala sa akin ng kung sino. Habang tinitingnan ang mga bulaklak ay kakaibang kapayapaan ang nadarama ko sa aking loob kung kaya naman di ko na kinukwestiyon ang pinanggalingan ng mga ito.

Napangiti ako at dinala ang mga bulaklak sa aking ilong upang ito ay samyuin.

"Kaybabango at kaygaganda ninyong tunay!" naaliw kong wika.

Pumikit ako at ninamnam muli ang bango ng mga bulaklak.

"Tama, aayusin ko kayo upang ibigay kina Nanay at Tatay!" masayang anas ko sa aking sarili.

Inilatag ko ang mga bulaklak sa higaang papag at masayang tinanggalan iyon ng mga namamatay ng talutot.

Pinagsama-sama kong inilapag sa isang bahagi ng papag ang mga iyon.

Nang matapos ako sa pagsasaayos ng mga bulaklak na aking ibibigay kina Nanay at Tatay ay agad kong itinabi muna ang mga iyon sa isang banda ng higaang papag.

Hinawakan ko ang mga patay na talutot ng mga bulaklak upang itapon sana ang mga iyon.

Ngunit sa aking pagkagulat ay muling bumalik ang makulay na buhay ng mga patay na talutot ng bulaklak.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan.

"Paanong nangyari na muling nabuhay ang inyong mga kulay?" manghang bulalas ko sa mga bulaklak.

Pinagmasdan kong maigi ang mga talutot at pilit inapuhap sa aking isipan ang dahilan kung pa'no iyon nangyari.

"Diana! Akala ko ba aalis tayo?" Tawag tanong ni Nanay sa akin habang kumakatok ito sa may pinto ng aking silid.

"Nariyan na po, Nay!" sagot ko naman sa kaniya.

Itinabi ko muna ang mga talutot sa loob ng aking aparador at mabilis ang kilos kong naligo.

Nagsuot lang ako ng medyo lumang skinny jeans ko na tinernuhan ko na lang cotton blouse.

Pagkatapos kong isuot ang lumang rubber shoes ay kinuha ko na ang mga bulaklak na aking inayos at lumabas na ng aking silid.

"Happy Anniversary Nay, Tay!" Masayang bati ko sa kanilang dalawa at humalik sa kanilang pisngi.

Maluha-luhang yumakap sa akin si Nanay at medyo emosyonal ito nang magsalita.

"Salamat, Diana! Salamat at dumating ka sa buhay namin." At humagulgol ito ng iyak.

"Nay!" usal ko at agad na niyakap ito.

"Tama ang Nanay mo Diana. Salamat at dumating ka sa buhay namin," emosyonal ding saad ni Tatay sa'kin.

"Tay!" bulalas ko naman dito at nilapitan upang ito'y aking yakapin.

Sinenyasan ko si Nanay na lumapit kaya't pareho ko silang niyakap.

"O siya, tama na ngang drama 'yan at baka hindi na tayo makaalis pa," anas naman ni Tatay.

Agad na kaming naghanda sa pag-alis.

Nilakad lang namin ang papunta sa loob ng kakahuyan.

Binaybay namin ang loob ng kakahuyan patungo sa mismong kasukalan niyon.

"Diana, sigurado ka bang dito ang punta natin?" tanong ni Tatay sa'kin.

"Opo, Tay!" tugon ko naman sa kaniya.

"Sa ibang lugar na lang siguro tayo pumunta, Diana," saad naman ni Nanay sa'kin.

Nahimigan ko ang takot sa kaniyang boses na tila baga anumang sandali ay may kung anong pwedeng mangyari.

"Nay..." Bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita.

"Kung tungkol na naman po sa Engkanto 'yang ikinatatakot mo, hindi po totoo 'yan. Kaya wala po kayong dapat na ikabahala," mahabang salaysay ko sa kaniya.

"Oo nga naman Mahal, 'wag ka na masyadong mag-alala pa at narito naman kami ni Diana," turan naman ni Tatay.

Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad hanggang sa mapasok na namin ang mismong kasukalan ng kakahuyan.

Pare-pareho kaming namangha nang makita namin ang isang talon na napapalibutan ng iba't-ibang uri ng makukulay na mga bulaklak.

"Ang ganda, Anak!" manghang bulalas ni Nanay.

"Oo nga, Anak. Mayroon palang magandang talon dito sa loob ng kasukalan?" manghang tanong din sa'kin ni Tatay.

Wala sa sariling napatango ako sa kanila.

Alam kong may magandang tanawin dito sa loob ng kakahuyan.

Ngunit hindi ko alam na higit pa pala roon ang ganda na aking inaasahan.

"Ito ba ang sinasabi mong sorpresa mo sa amin, Anak?" masayang tanong ni Nanay sa'kin.

"Napakaganda, Diana at labis mo talaga kaming pinasaya," turan naman ni Tatay.

Puro tango lamang ang siyang tanging nagawa ko.

Parang nakita ko na ang lugar ngunit 'di ko lamang mawari kung saan.

Inilinga ko sa paligid ang mga mata at humanap ng maaari naming maupuan.

Nakita ko ang malaking punongkahoy na tila baga ako'y tinatawag niyon.

"Nay! Tay! Doon po muna ako at aayusin ko lang po ang mga dala nating pagkain." Paalam ko sa kanila.

"Sige, Anak! Susunod kami sa'yo roon," sagot naman ni Tatay sa'kin na abala sa pagtampisaw ng kaniyang mga paa sa tubig na nagmumula sa talon.

Humakbang ako papunta sa malaking punongkahoy at doon ay sinimulan kong maglatag ng banig saka ipinatong ang basket na aking dala-dala.

"Ang ganda talaga ng Prinsesa!" rinig kong wika ng isang maliit na boses mula sa kung saan.

Parang pamilyar sa'kin ang boses kaya't luminga ako sa paligid upang hanapin ang nagsalitang iyon.

Pero wala akong nakita kahit isang anino ng tao.

Hindi ako mapakali at parang may kung sinong tao ang nakatingin sa akin.

Muli kong nilinga ang aking mga mata sa paligid ngunit wala akong nakita.

"Guni-guni ko lamang iyon!" ani ko sa aking isipan.

Inayos kong muli ang mga pagkain at tuluyan nang tinawag sina Nanay at Tatay.

Agad naman silang lumapit sa'kin at inaya na silang kumain.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
lagi tlgang nakabantay c Nicolo sayo Diana
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

    Last Updated : 2021-09-04
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

    Last Updated : 2021-09-06
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

    Last Updated : 2021-09-07
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

    Last Updated : 2021-09-09
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

    Last Updated : 2021-09-11
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

    Last Updated : 2021-09-14
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

    Last Updated : 2021-09-17
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

    Last Updated : 2021-09-22

Latest chapter

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status