"Since you mentioned that your memories are slowly coming back at dahil wala ka na rin sa puder ng kaibigan ko, what did you do for living? O natatandaan mo na ba trabaho mo noon? Kasi 'diba umuupa ka pala?" tanong ni Vince habang papunta sila sa apartment ni Arielle. Sinamahan siya nito para bitbitin ang iilang pinamili niya."I am a V.A." sagot niya. Ng nasa tapat na sila ng apartment ni Arielle ay inilagay niya na ang passcode. Pagkatapos ay unti-unti na itong umawang."You have a spacious room. Are you living by yourself?" tanong ni Vince ng makapasok siya sa loob ng apartment ni Arielle. Laking pasasalamat niya at nakapaglinis siya rito dahil kung hindi ay malaking kahihiyan 'yon para sa kaniya."Hindi naman. May mga kasama ako rito." sagot niya habang nilalapag isa-isa ang mga pinamili niya. "Really? Family mo ba or friends?""I don't have them. Mga kasama ko rito ay ipis tapos daga." casual niyang tugon. "That's creepy." komento ni Vince."But you know what's creepier?" tanon
[The decision was made by the higher-ups. So, for your new mission...[You will need to monitor him 24/7. Kung saan siya pupunta ay dapat naroroon ka rin. Dapat mong makilala ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Also, know his strengths and weaknesses.]"HINDI PUWEDE 'YON! ANO YUN MAGIGING BODYGUARD NIYA AKO?"[Mas lumala ang sitwasyon ngayon. May natanggap ang Inner Creed na impormasiyong maaaring may kasabwat din na malaking tao si Benedict—kung totoo nga ang natanggap nilang balita na siya ang mastermind sa lahat ng mga illegal na gawain dito sa bansa. Kaya nga ibinigay sa'yo ang mission na 'yon. Unfortunately, you kept on playing tricks kaya ka napaalis. You know what you did at lumabag 'yon sa protocol natin as agents.]"Paano nakasisigurong reliable nga ang ibang tips o informations na pumapasok sa Inner Creed?"[It's not a hundred percent guaranteed. Kaya nga to verify the informations they received, pinapadala nila tayo as undercover. Now, you can't do anything but to accept t
"Team, let's wait for Agent Gray's signal before we proceed to our next plan, understand?" "Clear!" sabay-sabay na tugon ng mga agents ng team. Nasa isang mission sila at halos abot kamay na nila ang rurok ng tagumpay, hudyat nalang ng isang agent na lumilibang sa target ang kailangan ngayon. Nasa isang hotel sila dahil naroroon ang pakay nilang tao. Nakasuot sila ng civilian; ang iba ay nag panggap na guest at may iilan din na cleaner."Agent Red, where are you going?" tanong ng leader nila ng makita ang pag akyat ng isang babaeng naka semi formal na damit at halatang galing sa mayamang pamilya. Huminto ito sa second floor at tiningnan ang leader nila bago mag salita."Gutom na ako kaya kailangan ng tapusin ang mission na 'to," sagot ni Agent Red kasabay ang pagbukas ng elevator. Mabilis namang sumunod ang mga ito sa kaniya at under maintenance ang ibang elevator ay napilitan ang mga ito na tumakbo sa hagdanan. Samantalang pagbukas ng pintuan ng elevator ay may nakabanggang tao si
Sinadyang mag paiwan ni Red sa H.Q. dahil kailangan niyang mag isip kung paano siya makakapasok sa bahay ng kaniyang target nang hindi mahahalata. Ayon sa dokumentong nasa kaniya, pinaghihinalaang si Ace Raiden Benedict na isang bilyonaryo ay mastermind ng isang sindikato at bumibili ng illegal firearms. Ang mission niya ay malaman ang katotohanan sa likod ng mga haka-hakang ito. Bigla naman siyang nakatanggap ng mensahe galing galing sa Inner Team na nasa sementeryo raw ang target niya. Ipinag walang-kibo niya naman iyon dahil wala itong planong sundan ang lalaki. Samantalang tumunog naman ang kaniyang bracelet —isa sa mga means of communication nila. Ng pinindot niya ang pinaka screen ay biglang lumitaw ang isang maliit na hologram sa harapan niya. Lumabas ang isang mapa at may naka pinned roon na location. Kalakip nun ay isang mensahe na naging dahilan ng biglaang pagbangon niya sa pagkakaupo.'Agent Red, 1NW. Back up needed.'Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motor na wal
"This will be your room." Saad ng katiwala kay Arielle —sinabi niya na 'yon lang ang natatandaan niya simula ng magising siya sa hospital."Paano po kayo?" Tanong niya."May sarili rin kaming kwarto. Kung may kailangan ka ay hanapin mo lang si Manang Gloria o 'di kaya ay ako mismo, Miguel ang pangalan ko." Tumango naman si Arielle bilang tugon. Iniwan na siya ni Mang Miguel at nagmamadali niyang ni lock ang pinto.Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid na 'yon. Vintage ang tema ng kwarto; may isang kama sa gilid na kasya lang ang isang tao, may maliit din na drawer at nakapatong doon ang isang vase na may lamang tulips at sa may bandang pintuan ay may cabinet na hanggang dibdib ng tao ang laki—may nakapatong din doon na salamin. Kapag buksan naman ang bintana ay bubungad sa kaniya ang isang tahimik na kalsada at mga naglalakihang puno ng mangga. Rinig na rinig din ang pag-awit ng mga ibon na masarap pakinggan sa taenga. Ang bahay na kinaroroonan niya ay nasa gitna ng
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Arielle?" Bungad na tanong ni Manang Gloria kay Arielle ng idilat niya ang kaniyang mga mata. "Ano pong nangyari?" Inosenteng tanong niya at hinawakan ang ulo."Bigla kang nawalan ng malay habang nasa loob ka ng kwarto mo. Pinagbabawalan ka muna ni Sir Raiden na lumabas rito." Bigla namang naningkit ang mga mata niya sa narinig."Bakit naman po? Wala naman akong ginagawang masama para ikulong dito sa kwarto. This is against my rights!""Naku, h'wag kang magalit. Maniwala ka o sa hindi ay pinoprotektahan ka lang ni Sir." "Iwan n'yo po muna ako." Sumunod naman ang ginang sa sinabi niya. Pakiramdam din kasi ni Manang Gloria ay hindi niya kakayanin na bantayan ang dalaga dahil masyado itong bungangera.***************Tahimik na bumaba si Arielle sa sala. Nakita niya kasing umalis ang mag-asawa kaya sa tingin niya ay malaya siyang makakapagmasid sa paligid. Pagkababa niya ay agad siyang lumiko sa kaliwa at doon nga ay may nakita siyang mga nakasabit na pai
Nasa sala silang dalawa at hinihintay ang pag dating ng sekretarya ni Raiden. Nagtataka nga si Arielle kung bakit sumama rin ito nang bumaba siya. Tahimik silang nakaupo sa sofa ng biglang may nag doorbell sa labas ng gate. Tumakbo naman ng mabilis si Arielle papunta roon kahit wala siyang sapin sa paa. Buti nalang ay may nakalagay na 'sign board' kung hindi ay tiyak na maliligaw siya. Masaya niyang binuksan ang gate at bumungad sa kaniya ang isang babaeng matangkad at medyo petite. Hindi niya ipagkakailang maganda nga ang sekretarya ng lalaki. Mabilis niyang kinuha sa mga kamay nito ang pagkaing dala-dala nang taong kaharap niya."Pwede po patulong sa pagdala papasok sa bahay?" Tinaasan lang siya ng kilay nito at marahas na inilapag ang mga 'yon sa harapan niya."Do I look like a helper to you? Look at yourself, para kang palaboy sa kalye. You have a messy hair, walang style sa pananamit at walang sapin sa paa. Seriously?" Pangungutya nito habang pabalik-balik siyang tiningnan nito
Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman sa sarili kaya nag tatalon siya sa kama. Para sa kaniya ay napakalaking bagay na 'yon dahil simula nga ng mapadpad siya rito ay hindi na siya nakaaalis ng bahay. Nag padala siya ng mensahe sa H.Q. na kailangan niya ang kaniyang motor. Tanging problema niya nalang ngayon ay kung paano siya makakaalis ng hindi nahahalata ni Raiden. Sigurado kasi siyang may mga hidden cameras sa paligid.Sa pag mumuni-muni ay narinig niya ang boses ng mag-asawa. Sinilip niya ang kaniyang bintana at doon ay naaninagan niya ang mga ito; may bitbit na mga gulay at prutas, mayroon ding karne at kung ano-ano pang mga kasangkapan. Bumaba siya sa sala para salubungin ang mga ito."Bakit po ang dami niyong pinamili?" tanong nito ng pumasok ang mag-asawa."May mga bisita si sir Raiden na darating mamayang gabi." sagot ni Manang Gloria at inilapag ang mga pinamili sa mesa."Ano po bang mayroon?" tanong ni Arielle habang pa simpleng kumuha ng mansanas."Hugasan mo muna 'ya