Share

Chapter 2

Sinadyang mag paiwan ni Red sa H.Q. dahil kailangan niyang mag isip kung paano siya makakapasok sa bahay ng kaniyang target nang hindi mahahalata. Ayon sa dokumentong nasa kaniya, pinaghihinalaang si Ace Raiden Benedict na isang bilyonaryo ay mastermind ng isang sindikato at bumibili ng illegal firearms. Ang mission niya ay  malaman ang katotohanan sa likod ng mga haka-hakang ito.

Bigla naman siyang nakatanggap ng mensahe galing galing sa Inner Team na nasa sementeryo raw ang target niya. Ipinag walang-kibo niya naman iyon dahil wala itong planong sundan ang lalaki. Samantalang tumunog naman ang kaniyang bracelet —isa sa mga means of communication nila. Ng pinindot niya ang pinaka screen ay biglang  lumitaw ang isang maliit na hologram sa harapan niya. Lumabas ang isang mapa at may naka pinned roon na location. Kalakip nun ay isang mensahe na naging dahilan ng biglaang pagbangon niya sa pagkakaupo.

'Agent Red, 1NW. Back up needed.'

Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motor na walang pag-aalinlangan. Natutuwa siyang may mga bagay na nakakapaglibang pa rin sa kaniya sa t'wing naiinip siya. Sampung minuto lang ang kinailangan niya upang makarating sa binigay na lokasiyon. Nakita niyang gumagalaw ang target nila papalapit sa kinaroroonan niya kaya mas lalo siyang natuwa. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang dalawang lalaking tumatakbo. Ang isa ay may hawak-hawak na medyo malaking supot samantalang ang isa ay may dalang bag na puno ng laman.

Nagtago siya sa isang poste na kung saan ay sigurado siyang dadaan ang dalawa.

"Hahaha s-siguro ay n-nalito na natin s-sila. Tatanga-tanga ba naman ang mga p-pulis na 'yon." Sabi ng lalaking may dala ng bag. Halatang hinahabol pa ang mga hininga nilang dalawa ng may maramdaman silang bagay na nakatutok sa likod ng mga ulo nila.

"Itaas ang mga kamay. At h'wag kayong mag kakamaling manlaban dahil isang kalabit ko lang ng gatilyo, mapupunta na kayo sa impy-rno." Banta sa kanila ng taong tumututok sa kanila ng baril. Dahan-dahan naman nilang ibinaba ang dala nilang mga gamit at itinaas ang dalawang kamay.

"Kung sino ka man, please pakawalan mo na kami. G-ginawa lang naman namin yun dahil wala na kaming makain." Pagmamakaawa ng lalaking may dala ng supot na ngayon ay pinupusasan na ni Agent Red ang kaniyang kamay. Dahil nakatuon ang atensiyon niya rito ay biglang tumakbo ang isa pang lalaki kaya mabilis niyang kinasa ang baril at kinalabit ang gatilyo.

"I WARNED YOU! GUSTO MO BA TALAGANG MAMAT-Y!" sigaw niya. Hindi niya naman pinatamaan ang lalaki bagkus ay sa semento niya lang ipinutok ang baril kanina. Ngunit dahil sa takot ay muling bumalik ang lalaking tumakbo kanina sa dati niyang pwesto at ibinigay ang dalawang kamay niya para pusasan ni Agent Red.

"Susunod ka rin naman pala kailangan pang pagbantaan ang buhay mo tsk. Bakit n'yo ba kasi ginawa ang magnakaw sa bangko? Hindi n'yo ba alam na mag tatagal kayo sa kulungan?" Sermon niya sa mga ito.

"Kasi po ma'am yun lang ang naisip namin na madaling paraan para agad na magkapera." Saad ng lalaking nag tangkang tumakas.

"Oo nga ma'am. Masyado na kasi kaming nalulong sa sugal at marami na ang nautangan namin." Dagdag pa ng isa.

"Dahil sa pagiging sugalero niyo ayan tuloy ang napala n'yo. Paano na ang mga pamilya n'yo? Kawawa sila pag nagkataon lalo pa kung may mga anak kayo kasi siguradong magiging tampulan sila ng tukso." Nanatiling tahimik naman ang dalawa kaya sa tingin ni Agent Red ay natamaan ang mga ito. Hindi naman nag tagal dumating sa kinaroroonan nila ang pulisya kasama ang si Agent Gray na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.

"I got goosebumps everytime I saw your freaking smile." Bungad nito ng tuluyang makalapit sa kanila si Agent Gray.

"Grabe ka naman. I'm just amazed with your skills. Biruin mo kakabigay ko palang ng signal sa'yo tapos ilang minuto lang ay nahuli mo na ang mga krimenal na 'yan. Iisipin ko na talaga na anak ka ni Flash HAHAHA!"

"I know right. Kaya nga hindi makatarungan ang pag paparusa ng higher-ups sa'kin." Saad niya at umirap ang mata. Narinig naman niyang tumawa ng mahina si Agent Gray kaya napataas ang kilay niya.

"Stop laughing! Baka isipin kong may lihim kang pagtingin sa'kin." Biro pa nito.

"Hoy tumigil ka sa kagaganyan mo, Red. Kapag magkatotoo ba ang sinabi mo, may pag-asa ba ako sa'yo?" Biro rin nito sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo!" muli itong sumakay sa kaniyang motor at binuhay ang makina.

"Ito naman hindi na mabiro. Anyway, balita ko si Raiden Benedict ang pinapasubaybayan sa'yo. Naku girl, ingat ka sa kaniya. Mahilig daw siyang manigaw kahit babae at mailap sa mga tao minsan." Paalala ni Gray. Napabuntong hininga naman si Red bago sumagot.

"Mas dapat siyang matakot sa'kin. I can k-ll him without any trace." Saad niya at pinaharurot ang motor pabalik sa H.Q. Gusto niyang doon nalang matulog dahil malapit na rin mag simula ang mission niya. Kapag nangyari iyon ay hindi siya makakabalik sa Quarters habang hindi pa natatapos 'yon.

Habang nasa byahe pa siya ay muli na naman siyang nakatanggap ng mensahe mula sa Inner na malapit lang sa kinaroroonan niya ang kaniyang target. Napag desisyonan niyang ihinto ang motor at gawin ang balak niya ngayon mismo. Nag message muna siya sa Base na kunin ang sasakyan niya sa ibinigay na address.

Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw niya ang plate number ng sasakyan ni Raiden Benedict. Tinansiya niya muna kung gaano katagal para maabutan siya ng sasakyan nito pagkatapos ay tumawid s'ya sa gitna ng kalsada.

"Miss! Wake up!" Rinig niyang saad ng isang boses ng lalaki bago siya mawalan ng malay.

****************

Napatigil ang Doctor na tumitingin sa kalagayan ni Red ng makita ang bracelet nito na kapareha ng sa kaniya. Mabilis niyang tinawagan ang Core para ikumperma ang pagkakakilanlan niya at doon nga'y napag alaman ng Doctor na tama nga ang hinala niya. Hindi nag tagal ay nakatanggap din siya ng tawag.

[Doctor Mercado, kumusta si Arielle?] Bungad ng kabilang linya.

"She's fine. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakabangga sa kaniya." Napabuntong hininga naman ang kausap niya ng marinig 'yon.

[Buti naman. Napaka impulsive niya talaga sa kahit na anong bagay. Ang daming paraan para makuha ang atensiyon ni Benedict at mas pinili pa talagang ipasagasa ang sarili.]

"Actually, it's a brave act for me. I bet she's from Outer and you must be Ms. Lavender, right?"

[Yes, Doc Mercado. She's in her punishment slash mission ngayon. Kailangan niyang makapasok sa bahay ng lalaking naghatid sa kaniya riyan.]

"Alright. Ako na ang bahala. She's awake now." Pagkatapos ay ibinaba ang tawag. Nag usap pa silang dalawa bago tuluyang lumabas ng E.R. ang Doctor.

"How is she, Doc.?"

"Unfortunately, she's suffering from temporary amnesia. Kilala mo ba siya o may idea ka na ba tungkol sa kaniya?" Tanong ni Doctor Mercado.

"I tried but I can't find any informations." Palihim namang napangiti ang Doctor. Wala talagang mahahanap ang lalaki na kahit na ano tungkol sa kaniya dahil tinutulungan din siya ng government at ng buong Justice Creed.

"In that case, I suggest na pansamantala mo muna siyang kupkupin sa pamamahay mo hanggang sa makarecover siya ng tuluyan. ." Pangungonsensiya ng Doctor.

"Okay, Doc."

"Bukas ay maaari na siyang makalabas dito sa hospital." Dagdag ng Doctor bago umalis.

"Agent Red successfully completed the first step."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status