Share

Chapter 5 (Part 2)

Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman sa sarili kaya nag tatalon siya sa kama. Para sa kaniya ay napakalaking bagay na 'yon dahil simula nga ng mapadpad siya rito ay hindi na siya nakaaalis ng bahay. Nag padala siya ng mensahe sa H.Q. na kailangan niya ang kaniyang motor. Tanging problema niya nalang ngayon ay kung paano siya makakaalis ng hindi nahahalata ni Raiden. Sigurado kasi siyang may mga hidden cameras sa paligid.

Sa pag mumuni-muni ay narinig niya ang boses ng mag-asawa. Sinilip niya ang kaniyang bintana at doon ay naaninagan niya ang mga ito; may bitbit na mga gulay at prutas, mayroon ding karne at kung ano-ano pang mga kasangkapan. Bumaba siya sa sala para salubungin ang mga ito.

"Bakit po ang dami niyong pinamili?" tanong nito ng pumasok ang mag-asawa.

"May mga bisita si sir Raiden na darating mamayang gabi." sagot ni Manang Gloria at inilapag ang mga pinamili sa mesa.

"Ano po bang mayroon?" tanong ni Arielle habang pa simpleng kumuha ng mansanas.

"Hugasan mo muna 'yan bago kanin." aalala ni Mang Miguel sa kaniya. Sinunod naman 'yon ni Arielle.

"Hindi namin alam. Hindi rin naman siya makuwento sa'min. Basta taon-taon may ganito." Dagdag ni Mang Miguel.

"Baka naman po ay birthday niya?" Kumagat si Arielle sa mansanas na hawak niya.

"Sa December 5 pa ang birthday ni Sir Raiden." sagot ni Manang Gloria habang tinatanggal isa-isa ang mga pinamili sa plastic bag at sa bayong.

"Siya nga po pala, gaano na po kayo katagal dito?" Muling tanong ni Arielle at nag hila ng upuan. Iniisip niyang baka mayroon siyang makuhang clue tungkol sa lalaki.

"Siguro ay higit isang dekada na rin. Alam mo Elle, mabait naman 'yan si Sir Raiden kaya lang ay hindi talaga siya mahilig makipag usap sa ibang tao. Ayaw niya rin sa tatanga-tanga at makulit dahil mabilis mag-init ang ulo niya."

"Gano'n po pala. Manang Gloria, 'diba po may mga bisita si Raiden mamaya, pwede po ba akong lumabas ng bahay? I mean, gusto ko lang pong maglakad-lakad at baka po makatulong 'yon sa pagbalik ng memorya ko."

"No", mabilis naman silang napalingon sa nag salita. Doon nga ay nakita nila si Raiden na nakasandal sa pintuan ng kusina.

"Bakit naman?" Tanong ni Arielle at kumuha ulit ng mansanas na nasa mesa.

"Because I say so."

"Maglalakad-lakad lang naman ako sa labas. Saglit lang promise!" itinaas niya pa ang kanang kamay niya.

"You can walk around in your room."

"Paano ko maibabalik ang alaala ko kung hindi mo ako pinapayagan sa mga bagay na gusto maaaring makatulong sa'kin?" Reklamo niya.

"I'll hire you a phycologist."

"It won't work. Hayaan mo na ako kahit mamayang gabi lang. Tsaka busy ka naman mamaya 'diba? Naku baka masira ko pa yung party n'yo kapag nandito lang ako."

"That's why I'll lock you up."

"ANO? HINDI 'YON MAKATARUNGAN!" sigaw niya rito at ibinagsak sa mesa ang mansanas na hawak niya; nadurog naman 'yon dahil sa lakas ni Arielle.

"Don't shout at me. Clean your mess." Kalmadong utos nito sa babae.

"Ikaw nalang kung gusto mo. TABI!" binangga niya ang braso ni Raiden ng dumaan siya sa harapan nito. Mabilis siyang umakyat papunta sa kwarto niya at isinarado ang pintuan.

"Hindi ko na kaya 'to! Aalis na ako sa bahay na 'to sa ayaw at gusto ng lalaking 'yon!"

"Hindi ka makakaalis dito hanggang hindi ka pa magaling. Nandito na ang dalawang bodyguard mo at babantayan ka nila 2—

"SHUT UP! HINDI KO KAILANGAN NG BODYGUARD!" sigaw niya. Inis na inis na siya to the point na inayos niya ang iilan niyang mga gamit.

Nanatili lang siya roon hanggang sa gumabi. Alas syete y media ay naririnig niya ang mga paparating na sasakyan. Dumungaw naman siya sa bintana at doon nga ay nakita niya ang mga mamahaling sasakyan at mga bisita na may magagarang suot. Nag sipasukan na ang mga ito ng salubungin sila ni Raiden sa labas.

Pinihit ni Arielle ang pintuan ng kuwarto niya. Nakita niya ang dalawang lalaki na nagbabantay nga harap ng kaniyang kwarto. Nakatayo lang ang mga ito at nakatalikod sa kaniya.

Alas nuwebe siya ng gabi aalis kaya mas pinili niya munang matulog.

Samantala...

Busy ang lahat na kumakain sa hapagkainan. Ang naturang party ay reunion ng closest friend ni Raiden. Kadalasan sa mga ito ay childhood at highschool friend niya.

"Ang sarap talagang mag luto nina Manang Gloria at Mang Miguel." komento ni Rhyven—isa sa childhood friend niya.

"I agreed. Pang high class restaurant ang mga luto nila." Dagdag ni Sheena—girlfriend ni Rhyven.

"How are you doing?" Tanong ni Raiden sa mga ito.

"We're fine. Anyway, we would like to invite you guys to our wedding!" excited na pahayag ni Guia.

"Talaga? Congrats Guia and Anton!" bati ni Vince sa kanilang dalawa.

"Kailan ba ang kasal?" Tanong ni Rhyven.

"3 months from now hehe!" sagot ni Anton at hinawakan ang kamay ni Guia. Ipinakita sa mga ito ang engagement ring nila.

"Ibig sabihin si Vince nalang at si Raiden ang wala pang partner sa buhay. Ano guys galawa-galaw kung ayaw n'yong tumandang mag-isa haha." Biro sa kanila ni Rhyven.

"I don't have time for that thing." Seryosong tugon ni Raiden at ibinalik ang tingin sa pagkain.

"Pre, sino yung babaeng nasa bintana kanina?" Nag angat naman ng tingin si Raiden kay Vince.

"Ha? Raiden, may binabahay ka na ba? Haha lakas mo 'tol!" biro ni ulit ni Rhyven.

"Don't mind her. She's the girl that I've mentioned you before."

"Yung aksidente mong nabangga at nawalan ng alaala?" Vince

"Yes. She's annoying!" pagkompirma ni Raiden. Dumaan sa likuran nila si Manang Gloria at may dalang pagkain.

"Manang, saan mo dadalhin 'yan?" Usisa ni Rhyven ng mapansin ito.

"Kay Arielle po. Hindi pa siya kumakain, eh." Sagot nito at muling naglakad paakyat.

"Bakit dinadalhan lang siya ng pagkain? Why don't you let her to join us." Suhesyon ni Vince.

"No one can handle her attitude. She might cause a mess if she's with us." Sagot ni Raiden. Bigla naman silang nakarinig na parang may nabasag mula sa itaas kaya agad silang tumakbo papunta roon. Nakita nila ang namumutlang si Manang Gloria at ang basag na mangkok sa sahig.

"What happened?" Tanong ni Raiden.

"A-ariel—

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status