Share

Chapter 5 (Part 3)

Mabilis namang nilampasan ni Raiden si Manang Gloria at tinungo ang kuwarto ni Arielle. Ng makaliko siya sa kanan ay nakita niyang walang malay ang dalawang guard at nakahimlay sa sahig. Nagulat din ang mga bisita ni Raiden ng makita ito. Pinulsuhan niya ang dalawa; humihinga pa ang mga ito at parang natutulog lang.

"Sleeping Pills", pahayag ni Raiden at pumasok sa kuwarto ni Arielle. Wala na siyang na abutan na kahit ano maliban sa bukas na bentana. Lumapit siya roon at nakita ang iilang mga sanga na may crack.

Hinala ni Raiden na ginamit ng babae ang sanga para makababa. Ng matansya ang taas ay tsaka ito tumalon.

"I'll find her!" saad niya at mabilis na tumakbo pababa sa sala. Gustuhin niya man pabayaan nalang si Arielle ngunit hindi kaya ng konsensiya niya kapag may mangyaring masama rito.

Samantala...

Labis na tuwa ang nararamdaman ni Arielle sa mga oras na 'to. Tahimik siyang nakalabas sa bahay na 'yon. Laking pasasalamat niya ng may nakita pa siyang sleep pills sa bag niya—ginagamit kasi 'yon ni Arielle kapag hindi siya makatulog ng maayos nang nasa H.Q. pa s'ya. Medyo nahirapan lang s'ya sa pagbaba mula sa kwarto niya papunta sa labas dahil sobrang mataas iyon. Kung direkta siyang tatalon ay 90% ang chance na mabalitaan siya ng buto. Kaya ang ginawa niya ay tumalon s'ya sa matibay na sanga at nag lambitin doon. Ng medyo kaya niya na ang impact ay mabilis siyang bumitaw sa sanga at dumaan sa medyo madilim na bahagi upang makabalas at hindi mahalata ni Raiden.

Ngayon ay papunta na siya sa location ng target. Nakita niya sa may unahan ang sasakyan ni Agent Gray kaya lumapit siya roon.

"What's up!" sigaw niya rito.

"Ang aga mo naman. Buti at pinayagan kang umalis!" sigaw na pabalik ni Agent Gray.

"Tumakas lang ako. Kinulong kasi ako sa kwarto!" nag hiwalay na silang dalawa ayon sa plano ng makapunta sa intersection. Ang dalawa pang agent ng team hawk ay hindi makakapunta dahil masama ang pakiramdam ng mga ito. Kaya naman silang dalawa lang ang nasa operation ngayon.

"Agents, are you in your locations now?" Rinig niya mula sa earpiece na suot niya.

"Yes/Malapit na."

Pinarada niya ang kaniyang motor sa madilim na bahagi ng daan. Naka black outfit si Agent Red para madali lang siyang makakahalo sa dilim. Dahan-dahan siyang pumasok sa pribadong lugar na 'yon. Ang bawat hakbang niya ay puno ng pag iingat dahil baka may mga trap siyang matapakan.

"8, over!" rinig niyang saad ni Agent Gray sa earpiece.

"10, over!" pahayag niya.

"Roger! Back up is on the way. Again, back up is on the way!"

Ang tinutukoy ni Ms. Lavender na back up ay ang mga lokal na pulisya ng lugar. Isang itim na van ang huminto sa harapan ng mga taong nakikita nila.

"Nasaan na ang mga baril?" Tanong ng lalaki na kabababa lang sa van. Binuksan ng lalaki ang truck na nasa likuran nila at tumambad ang iba't-ibang klaseng baril.

"Nasaan ang pera?" Tanong ng lalaking nag bukas sa truck. Lumabas ang dalawang lalaki mula sa van na may dala-dalang brief case. Binuksan nila 'yon sa harapan ng ka transaction nila. Sabay-sabay silang tumawa tsaka nag palitan ng produkto. Hinintay munang makaalis ang van na may lamang mga baril. Ng makaalis na ay...

"JUSTICE CREED! DROP YOUR WEAPONS OR I'LL SHOOT YOU!" sigaw niya kaya nagulat naman ang mga ito. Nag paunahang tumakas ang mga suspect kaya wala siyang nagawa kun'di barilin ang mga ito sa paa. Narinig niya ang pagbuhay ng makina ng truck kaya mabilis niyang binaril ang gulong nito. Unti-unti na siyang lumabas sa kadiliman at nag simula ng mag palitan nang putok ng baril.

"KAPAG AKO MABARIL, HINDI KO KAYO BUBUHAYIN!" banta niya sa mga ito habang nagtatago sa isang malaking puno. Hindi pa rin natitinag ang mga kalaban niya at pinapaulanan pa rin siya ng bala ng baril. Umayos siya sa pagkakatago at isa-isang inasinta ang mga kalaban. Wala na siyang pakialam kung mapatay niya ang mga 'yon. Tumahimik naman ang mga suspect dahil wala ng bala ang mga baril nila. Siyam sa kanila ay may tama na ng baril samantalang wala ng buhay ang isa sa kanila. Unti-unti na siyang lumapit sa mga ito.

"ITAAS ANG MGA KAMAY!" utos niya sa mga ito. Mabilis namang sumunod ang mga lalaki dahil wala na silang laban; wala na rin sila bala. Habang pinupusasan niya isa-isa ang mga ito ay may narinig siyang paparating na police car. Hindi rin nag tagal ay pinuntahan na siya ng mga ito at tinulungang pusasan ang mga kalaban.

"Maraming salamat, Agent Red!" sabay saludo ng isang officer sa kaniya.

"You're welcome. Pakidala nalang po sila sa hospital at baka maubusan sila ng dugo." Pagkatapos ay umalis na siya roon.

"Good job Agents! Now, you may go back to the H.Q."

"Talaga Ms. Lavender?"

"No, not you, Agent Red. Bumalik ka na ro'n sa bahay ni Mr. Benedict. Hindi ko alam kung paano ka nakalabas pero alam kung dinaan mo 'to sa pagtakas." Utos sa kaniya ni Ms. Lavender.

"Paano ang motor ko?"

"Si Agent Gray na ang bahala. Oh, wait! According sa Inner ay dadaan daw diyan si Mr. Benedict, siguradong hinahanap ka na nun kaya hintayin mo nalang siya." Tugon ni Ms. Lavender bago tuluyang mawala ang koneksiyon n'ya sa mga ito. Bagsak-balikat siyang naglakad pabalik. Ang baril na ginamit niya ay itinago niya sa kaniyang motor. Alam niyang malapit na rin si Gray para kunin 'yon.

Makalipas ang labinlimang minuto ng paglalakad ay may narinig siyang busina ng sasakyan. Ng iangat niya ang kaniyang mukha ay nakita niya si Raiden na bumaba mula rito.

"Where have you been? Ang kulit mo. I told you earlier that you can't just roam around as if you gained your memories!" sermon nito sa kaniya.

"I'm tired." saad niya kaya hindi na siya nag dalawang isip na sumakay sa sasakyan. Habang pauwi ay hindi niya maiwasang makatulog. Nagising nalang siya dahil sa mahinang tapik sa kaniya ni Raiden.

"Wake up!"

Bumaba naman siya sa kotse at pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang mga mukha ng hindi mga kilalang tao.

"Arielle, right?" Nagtataka man ay tumango nalang siya sa babaeng nag tanong sa kaniya.

"Thank God walang nangyaring masama sa'yo. I've heard that you lost some of your memories?" Tanong ni Guia.

"Go back to your room." Utos ni Raiden ng makapasok siya sa loob.

"Nagugutom ako." Sagot naman ni Arielle. Hinawakan naman ni Raiden ang laylayan ng damit niya tsaka hinila papunta sa kusina. Ipinaghain siya ni Manang Gloria pagkatapos ay nag simula na siyang kumain. Pakiramdam niya ay unti-unti namang bumabalik ang lakas niya.

"Kung gusto niyong kumain ay kumain din kayo, hindi yung nakatingin lang kayo sa'kin." Pahayag niya sa mga ito. Nag tinginan lang naman ang mga magkakaibigan at sabay-sabay na bumalik sa sala; naiwan lang doon si Raiden na nakatutok sa screen.

"Kailan ka pa naging unggoy?" Ipinakita sa kaniya ni Raiden ang footage kung paano siya tumalon at nag lambitin sa sanga. Muntikan pa siyang mabulunan dahil sa napanood.

'Ang pangit ko palang lumambitin.' Ani niya sa kaniyang sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status