"Team, let's wait for Agent Gray's signal before we proceed to our next plan, understand?"
"Clear!" sabay-sabay na tugon ng mga agents ng team. Nasa isang mission sila at halos abot kamay na nila ang r***k ng tagumpay, hudyat nalang ng isang agent na lumilibang sa target ang kailangan ngayon. Nasa isang hotel sila dahil naroroon ang pakay nilang tao. Nakasuot sila ng civilian; ang iba ay nag panggap na guest at may iilan din na cleaner."Agent Red, where are you going?" tanong ng leader nila ng makita ang pag akyat ng isang babaeng naka semi formal na damit at halatang galing sa mayamang pamilya. Huminto ito sa second floor at tiningnan ang leader nila bago mag salita."Gutom na ako kaya kailangan ng tapusin ang mission na 'to," sagot ni Agent Red kasabay ang pagbukas ng elevator. Mabilis namang sumunod ang mga ito sa kaniya at under maintenance ang ibang elevator ay napilitan ang mga ito na tumakbo sa hagdanan.Samantalang pagbukas ng pintuan ng elevator ay may nakabanggang tao si Agent Red. Tumilapon ang dala nitong mga papeles kaya agad siyang humingi ng tawad."Get out," isang malamig na boses ang narinig niya kaya hindi niya maiwasang mapatingin sa nag salita. He has a dark brown eyes, thick eyebrows and a flawless face."Wake up to your unimaginable dream and get lost, NOW!" lumabas naman siya sa elevator at sumakay roon ang lalaki. Kung wala siya sa mission ay paniguradong makikipag-away pa siya rito."Hintay Mr. Benedict!" rinig niya pang sigaw ng lalaking nakabanggaan niya. Ng malapit na siya sa kwarto ay naglakad siya ng normal para walang magduda sa mga ikinikilos niya; maaari ang target nila ay may mga mata rin sa tabi-tabi."Room 204...here you are!" pa simple niyang idinikit ang kaniyang taenga sa pintuan at doon nga'y may narinig siyang hindi kaaya-kaaya."I'm c-cumm—""ITAAS ANG KAMAY AT WALANG KIKILOS NG MASAMA!" sigaw nito pagkatapos marahas na sinipa ang pintuan. Maging siya ay nagtaka dahil hindi man lang nila 'yon ni locked."What do y-you m-mean?" Tanong ng lalaki habang hinahabol pa ang hininga."You're under arrest Mr. Talles for multiple crimes. You have the right to remain silent." Saad ni Agent Gray at pinusasan ang walang kamalay-malay na si Mr. Talles. Dumating naman ang buong Team Hawk ng JUSTICE CREED—samahan ng mga agents na binuo para tumulong sa pag sugpo ng krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa bansa. Napabuntong hininga naman ang leader nila ng makitang successful ang mission nila."Hoy Agent Gray, mag damit ka na at huwag mo kaming painggitin sa malulusog mong ano diyan. Meron din naman kami niyan, hindi nga lang gaano pinagpala." Natawa naman ang mga kasamahan niya maliban sa kanilang team leader."Grabe ka Agent Red, hindi mo man lang kami pinatapos. Hindi tuloy natuloy si Mr. Talles sa pagpapalaba—"Shhhh! Oo na tama ka na. Magpalit ka na ng damit at sumunod sa H.Q." Saad nito at nauna ng umalis sa kasama niya. Ng makababa sila ay maraming mga tao ang nagtataka kung ano ba ang nangyari. Hinarang pa nga sila ng security guard ngunit ng ipinakita nila ang kanilang ID card ay matiwasay silang nakalabas ng hotel.****************"Follow me, Agent Red." Pagkarating nila sa H.Q. ng Team Hawk ay 'yon agad ang sinabi sa kaniya ng kanilang leader. May idea na siya sa mangyayari dahil hindi naman ito ang unang beses na pinatawag siya nito sa opisina pagkatapos ng mission. Ang Justice Creed ay mayroong apat na team at bawat team ay may kaniya-kaniyang headquarters. Dalawa ang nasa inner ng Creed—sila ang nakatuka sa hacking, tracking at gathering ng informations ng mga targets nila. Kung mayroong mga kaso na sa tingin ng gobyerno ay mas mabilis itong masusulosyonan ng Creed ay agad nila itong pinapasa sa Core—ito ang nagbibigay ng instructions at mga files from government to Justice Creed and vice versa. Ang team naman nila ay ang Outer ng Creed—sila ang mas may pinakamahirap na trabaho dahil sila mismo ang susugod kung nasaan ang kanilang target. Sa madaling salita, ang Core ang pinakaunang makakakita ng missions at sila lang din ang maaaring makipag interact sa mga officers ng gobyerno. Ang Inner naman ay trabaho nilang mag track at hack ng mga informations ng target o kung ano pa man ang may kinalaman sa computer sa mga mission nila. Last but not the least, ang Outer, sila ang nasa field para hulihin ang mga krimenal."Have a seat." Utos ng leader nila. Sumunod naman ito roon"Ano po bang pag-uusapan natin?" Magalang nitong tanong. Ramdam niya kasi na seryoso ito ngayon."What's with your behavior a while ago? You're being impulsive and impatient, again." Sermon nito sa kaniya."Sorry, Ms. Lavender. Ang tagal lang kasi natin sumugod eh nagugutom na ako." Pag sasabi niya ng totoo na halos ikadismaya ni Lavender."For food's sake! Muntikan ng mapahamak ang buong team dahil lang sa gutom ka? What's with you!" napayuko nalang siya dahil wala rin naman siyang mahanap na excuses."Masyado mo akong in-stress, Red. Anyway, I received your month's performance and...how could I explain this?" Bahagya niyang hinilot ang kaniyang sentido bago muling mag salita."Gusto mo Ms. Lavender ako nalang mag explain para sa'yo?" Hindi naman matukoy ng leader nila kung nagbibiro ba ito o hindi."This is the third time that you came to my office for the month..." Bahagya itong huminto at tinitigan si Red na ngayon ay nakatingin lang sa mesang nakapagitan sa kanila."... because of this, higher ups decided to give you a punishment.""WHAT? WHY!?" Halos lumuwa ang mata nito sa gulat. Hindi niya maintindihan kung bakit siya binigyan ng punishment gayun ay wala naman siyang ginawang masama—at least she thinks so."Are you listening to me? I just told you the reason. Okay, fine uulitin ko para sa'yo. Dahil sa tatlong beses ka ng napupunta rito sa opisina ko, napag desisyonan ng higher ups na bigyan ka ng parusa.""Dahil lang doon? Bakit pag papuntahin ko ba sila sa bahay pwede rin akong mag demand na ibigay nila sa'kin ang pera nila kasi tatlong beses na nilang ginawa 'yon?""Stop talking nonsense, Red. It's because of your impatient kaya ka nila pinarusahan. You're not only risking your life but also ours. Kung may mga kasama pala sila na nasa paligid edi madadamay rin ang mga ka team natin and worst even civilias.""Don't argue with me dahil wala na akong magagawa sa desisyon nila. Here. Basahin mo at nariyan ang mga impormasiyon tungkol sa ibinigay nilang parusa." Ng makita palang niya ang nakasulat sa cover ay hindi niya maiwasang magtanong."Wait! Bakit binigyan ako ng sariling mission bilang punishment?" Hindi naman sumagot si Lavender dahil paniguradong marami pa itong itatanong pabalik."Ms. Lavender, ano 'to?" Pag pupumilit ni Red."Bring and study those info's to your house. Justice Creed won't leave you. We're just behind the walls. Good luck!" muli niyang tiningnan ang magiging mission niya 'kuno'.MISSION #1: EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET (Ace Raiden Benedict Case)Sinadyang mag paiwan ni Red sa H.Q. dahil kailangan niyang mag isip kung paano siya makakapasok sa bahay ng kaniyang target nang hindi mahahalata. Ayon sa dokumentong nasa kaniya, pinaghihinalaang si Ace Raiden Benedict na isang bilyonaryo ay mastermind ng isang sindikato at bumibili ng illegal firearms. Ang mission niya ay malaman ang katotohanan sa likod ng mga haka-hakang ito. Bigla naman siyang nakatanggap ng mensahe galing galing sa Inner Team na nasa sementeryo raw ang target niya. Ipinag walang-kibo niya naman iyon dahil wala itong planong sundan ang lalaki. Samantalang tumunog naman ang kaniyang bracelet —isa sa mga means of communication nila. Ng pinindot niya ang pinaka screen ay biglang lumitaw ang isang maliit na hologram sa harapan niya. Lumabas ang isang mapa at may naka pinned roon na location. Kalakip nun ay isang mensahe na naging dahilan ng biglaang pagbangon niya sa pagkakaupo.'Agent Red, 1NW. Back up needed.'Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motor na wal
"This will be your room." Saad ng katiwala kay Arielle —sinabi niya na 'yon lang ang natatandaan niya simula ng magising siya sa hospital."Paano po kayo?" Tanong niya."May sarili rin kaming kwarto. Kung may kailangan ka ay hanapin mo lang si Manang Gloria o 'di kaya ay ako mismo, Miguel ang pangalan ko." Tumango naman si Arielle bilang tugon. Iniwan na siya ni Mang Miguel at nagmamadali niyang ni lock ang pinto.Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid na 'yon. Vintage ang tema ng kwarto; may isang kama sa gilid na kasya lang ang isang tao, may maliit din na drawer at nakapatong doon ang isang vase na may lamang tulips at sa may bandang pintuan ay may cabinet na hanggang dibdib ng tao ang laki—may nakapatong din doon na salamin. Kapag buksan naman ang bintana ay bubungad sa kaniya ang isang tahimik na kalsada at mga naglalakihang puno ng mangga. Rinig na rinig din ang pag-awit ng mga ibon na masarap pakinggan sa taenga. Ang bahay na kinaroroonan niya ay nasa gitna ng
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Arielle?" Bungad na tanong ni Manang Gloria kay Arielle ng idilat niya ang kaniyang mga mata. "Ano pong nangyari?" Inosenteng tanong niya at hinawakan ang ulo."Bigla kang nawalan ng malay habang nasa loob ka ng kwarto mo. Pinagbabawalan ka muna ni Sir Raiden na lumabas rito." Bigla namang naningkit ang mga mata niya sa narinig."Bakit naman po? Wala naman akong ginagawang masama para ikulong dito sa kwarto. This is against my rights!""Naku, h'wag kang magalit. Maniwala ka o sa hindi ay pinoprotektahan ka lang ni Sir." "Iwan n'yo po muna ako." Sumunod naman ang ginang sa sinabi niya. Pakiramdam din kasi ni Manang Gloria ay hindi niya kakayanin na bantayan ang dalaga dahil masyado itong bungangera.***************Tahimik na bumaba si Arielle sa sala. Nakita niya kasing umalis ang mag-asawa kaya sa tingin niya ay malaya siyang makakapagmasid sa paligid. Pagkababa niya ay agad siyang lumiko sa kaliwa at doon nga ay may nakita siyang mga nakasabit na pai
Nasa sala silang dalawa at hinihintay ang pag dating ng sekretarya ni Raiden. Nagtataka nga si Arielle kung bakit sumama rin ito nang bumaba siya. Tahimik silang nakaupo sa sofa ng biglang may nag doorbell sa labas ng gate. Tumakbo naman ng mabilis si Arielle papunta roon kahit wala siyang sapin sa paa. Buti nalang ay may nakalagay na 'sign board' kung hindi ay tiyak na maliligaw siya. Masaya niyang binuksan ang gate at bumungad sa kaniya ang isang babaeng matangkad at medyo petite. Hindi niya ipagkakailang maganda nga ang sekretarya ng lalaki. Mabilis niyang kinuha sa mga kamay nito ang pagkaing dala-dala nang taong kaharap niya."Pwede po patulong sa pagdala papasok sa bahay?" Tinaasan lang siya ng kilay nito at marahas na inilapag ang mga 'yon sa harapan niya."Do I look like a helper to you? Look at yourself, para kang palaboy sa kalye. You have a messy hair, walang style sa pananamit at walang sapin sa paa. Seriously?" Pangungutya nito habang pabalik-balik siyang tiningnan nito
Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman sa sarili kaya nag tatalon siya sa kama. Para sa kaniya ay napakalaking bagay na 'yon dahil simula nga ng mapadpad siya rito ay hindi na siya nakaaalis ng bahay. Nag padala siya ng mensahe sa H.Q. na kailangan niya ang kaniyang motor. Tanging problema niya nalang ngayon ay kung paano siya makakaalis ng hindi nahahalata ni Raiden. Sigurado kasi siyang may mga hidden cameras sa paligid.Sa pag mumuni-muni ay narinig niya ang boses ng mag-asawa. Sinilip niya ang kaniyang bintana at doon ay naaninagan niya ang mga ito; may bitbit na mga gulay at prutas, mayroon ding karne at kung ano-ano pang mga kasangkapan. Bumaba siya sa sala para salubungin ang mga ito."Bakit po ang dami niyong pinamili?" tanong nito ng pumasok ang mag-asawa."May mga bisita si sir Raiden na darating mamayang gabi." sagot ni Manang Gloria at inilapag ang mga pinamili sa mesa."Ano po bang mayroon?" tanong ni Arielle habang pa simpleng kumuha ng mansanas."Hugasan mo muna 'ya
Mabilis namang nilampasan ni Raiden si Manang Gloria at tinungo ang kuwarto ni Arielle. Ng makaliko siya sa kanan ay nakita niyang walang malay ang dalawang guard at nakahimlay sa sahig. Nagulat din ang mga bisita ni Raiden ng makita ito. Pinulsuhan niya ang dalawa; humihinga pa ang mga ito at parang natutulog lang."Sleeping Pills", pahayag ni Raiden at pumasok sa kuwarto ni Arielle. Wala na siyang na abutan na kahit ano maliban sa bukas na bentana. Lumapit siya roon at nakita ang iilang mga sanga na may crack.Hinala ni Raiden na ginamit ng babae ang sanga para makababa. Ng matansya ang taas ay tsaka ito tumalon."I'll find her!" saad niya at mabilis na tumakbo pababa sa sala. Gustuhin niya man pabayaan nalang si Arielle ngunit hindi kaya ng konsensiya niya kapag may mangyaring masama rito.Samantala...Labis na tuwa ang nararamdaman ni Arielle sa mga oras na 'to. Tahimik siyang nakalabas sa bahay na 'yon. Laking pasasalamat niya ng may nakita pa siyang sleep pills sa bag niya—ginag
Panibagong araw, panibagong pasakit para kay Arielle. Ang dalawa niyang bodyguards nang nakaraan ay naging lima na ngayon—dalawang babae at tatlong lalaki. Mas lalo siyang nayayamot kasi kahit na ultimong pagpunta niya sa banyo ay nakabuntot pa rin ang mga ito. Minsan nga ay naiisip niya na si Raiden na ang may misyon na eexpose siya. Hindi rin kasi siya makakikos ng maayos dahil sa maraming pagbabago sa pamamahay na iyon. Kung alam niya lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat ay baka umisip pa siya ng mas magandang plano.Nakita niyang umalis ang sasakyan ni Raiden kaya nakaisip na naman siya ng plano. Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at gaya ng inaasahan ay sumunod ang mga bodyguards niya. Tinungo niya ang kusina at nadatnan niya ngang nagluluto si Manang Gloria samantalang natanaw niya sa labas ang asawa nito na nag didilig ng mga halaman."Manang Gloria tulungan na po kita. Kailan po pala babalik si Raiden?" tanong nito habang tinitikman ang lasa ng niluluto ni manang."Hindi rin
"Ineng? Gising na, kakain na tayo." panggigising sa kaniya ni manang Gloria. Nasa labas lang siya ng pintuan dahil naka locked ang kuwarto ni Arielle. Simula ng maukopahan ito ay hindi na siya muling nakatapak sa silid na iyon."Ineng, kakain na!" Medyo nilakasan na ni manang ang pagsigaw at pagkataok sa pintuan. Hinuha niya ay natutulog na naman ang dalaga."Mauna na po kayo manang. Susunod nalang po ako maya-maya!" sagot niya. Bakas naman sa boses niya na bagong gising palang kaya hindi na siya muling inistorbo ni manang. Bumaba ito kasama ang tatlong mga lalaking bodyguards ni Arielle; bawal magkasabay-sabay ang mga ito baka may kung anong gawin na naman siya. "Where is she?" tanong ni Raiden ng makitang hindi nila kasama si Arielle."Susunod nalang daw siya. Halatang bagong gising." sagot ni manang at umupo sa mesa. Gusto ni Raiden na lahat ay sabay-sabay kakain dahil masyadong malungkot kapag mag-isa lang. Hindi na rin naman iba sa kaniya ang mag-asawa dahil matagal na panahon n