Share

Chapter 3

"This will be your room." Saad ng katiwala kay Arielle —sinabi niya na 'yon lang ang natatandaan niya simula ng magising siya sa hospital.

"Paano po kayo?" Tanong niya.

"May sarili rin kaming kwarto. Kung may kailangan ka ay hanapin mo lang si Manang Gloria o 'di kaya ay ako mismo, Miguel ang pangalan ko." Tumango naman si Arielle bilang tugon. Iniwan na siya ni Mang Miguel at nagmamadali niyang ni lock ang pinto.

Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid na 'yon. Vintage ang tema ng kwarto; may isang kama sa gilid na kasya lang ang isang tao, may maliit din na drawer at nakapatong doon ang isang vase na may lamang tulips at sa may bandang pintuan ay may cabinet na hanggang dibdib ng tao ang laki—may nakapatong din doon na salamin. Kapag buksan naman ang bintana ay bubungad sa kaniya ang isang tahimik na kalsada at mga naglalakihang puno ng mangga. Rinig na rinig din ang pag-awit ng mga ibon na masarap pakinggan sa taenga.

Ang bahay na kinaroroonan niya ay nasa gitna ng kakahuyan—hindi naman siya literal na kakahuyan sadyang malawak lang ang lupain nila, yung tipong dalawang beses pang higit na mas malaki sa Philippine Arena. Mga tanim na gulay ang nasa bandang likuran ng lupain, napapalibutan din ng mga malalaking puno ang bawat mga bakod. Sa may bandang harapan naman ay makikita ang nakahilirang mga iba't-ibang klase ng bulaklak at dinadayo rin 'yon ng mga paru-paro na nakapagpadagdag ng natural na ganda ng paligid.

Dahil sa medyo nagugutom na siya ay sinubukan niyang abutin ang isang bunga ng mangga na malapit sa durungawan. Ilang beses niya pang sinubukan ngunit hindi talaga maabot-abot ng dalawa niyang kamay.

"Isa nalang talaga! Kapag hindi pa rin kita makuha susugurin kita sa labas!" Muli niyang sinubukan ngunit gano'n pa rin ang nangyari. Muntikan pa siyang malaglag dahil tumadyas ang pinapatungan ng isa niyang paa. Dahil sa inis ay agad siyang bumaba papunta sa labas.

"Ma'am Arielle, saan ka pupunta? Teka lang ma'am mag tsinelas ka muna!" habol na sigaw ni Manang Gloria. Tinawag niya ang kaniyang asawa na si Mang Miguel para pigilan sa pag alis ang babae dahil 'yon ang bilin sa kanila ng amo.

Halos madismaya naman sila sa ginawa ni Arielle.

"ARIELLE! BUMABA KA DIYAN! H'WAG KANG TATALON!" sigaw ni Manang Gloria habang mabilis na kinuha ang keypad niyang cellphone at tinawagan ang lalaki.

"GUSTO KO LANG NG MANGGA!" sigaw niya pabalik sa mga ito.

[Hello sir? Naku pasensiya na po kung napatawag kami kahit nasa trabaho ka. Si ma'am Arielle po kasi ay umakyat sa puno ng mangga. Sinubukan na po namin siyang pababain pero gusto niya lang daw kumain ng mangga sa itaas ng puno. Sir, anong gagawin namin? Baka tumalon siya kasi diba wala pa siyang naaalala? Okay po sir. Bilisan n'yo.] Pagkatapos maibaba ng tawag ay muli niyang tinitigan kung saan naroroon si Arielle ngayon. Sinubukan namang umakyat ni Mang Miguel sa puno, dahil sa medyo may edes na ay nahirapan siyang makarating sa unang sanga nito.

"MIGUEL, BUMABA KA DIYAN AT BAKA IKAW PA ANG MADISGRASYA! PABALIK NA RAW SI SIR RAIDEN KAYA HINTAYIN NALANG NATIN SIYA!" sigaw ng matandang babae sa asawa.

Samantalang enjoy na enjoy si Arielle sa ginagawa niya sa itaas ng puno. Ilang taon na rin kasi simula ng huling beses siyang nakaakyat sa ganito. Sa pagkakaalala niya ay 'yon pa ang mga panahong hindi pa siya kasapi ng kanilang samahan ngayon. Pagkaraan pa ng halos sampung minuto ay naagaw ang atensiyon niya sa isang Bugatti na papasok sa loob ng gate. Suspetsiya niya ay 'yon na ang lalaking pakay niya. Hindi nga siya nagkamali ng makitang bumaba ito sa sasakyan.

"What do you think you're doing?" Tanong nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

'Teka, bakit parang pamilyar siya sa'kin? Nagkita na ba kami? Tama! Siya yung lalaki sa elevator kung saan may hinuli kami! Ngayon, hindi ko na palalampasin ang lahat ng ginawa niya at kung paano niya itrato ang ibang tao!'

"Nagpapahangin lang. Masyado kasing mainit sa loob kahit naka aircon." Sagot niya habang pumitas muli ng mangga.

"Come here. I'll put you in the fridge." Muntikan na siyang matawa dahil sa sinabi ng lalaki.

"Umakyat ka rito at kunin mo ako. Hindi kasi ako marunong bumaba." Narinig niya ang pasimpleng pagmumura nito kaya mas lalo siyang natuwa. Ang tuwang nararamdaman niya ay bigla namang naglaho ng makita ang mensahe ng kanilang leader na si Lavender.

[Agent Red, stop the sh-t things that you're doing. Hindi ka unggoy para umakyat sa puno. You have a mission at umakto ka nang nararapat.]

Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at nagbabakasaling makikita niya ang kinaroroonan ni Lavender kaya hindi niya namalayang umakyat na pala sa itaas ng puno si Raiden.

"Go down voluntarily or I'll push you down?" Wala na siyang nagawa kun'di ang bumaba. Ng tuluyan na ring makababa ang lalaki ay hinawakan siya nito sa laylayan ng kaniyang damit at ikinulong sa kwarto.

"PALABASIN N'YO AKO RITO!" sigaw niya habang hinahampas ang pintuan.

"ISUSUMBONG KO KAYO SA POLICE, MINAMALTRATO N'YO AKO!" pagbabanta niya. Wala naman siyang narinig na sagot mula sa kanila kaya napabuntong hininga siya. Pinindot niya ang kaniyang bracelet at nag bigay ng signal sa H.Q. Makalipas lang ang ilang sandali ay may lumabas na hologram sa harapan niya at doon ay nakita niya si Lavender na nasa opisina.

"Ms. Lavender, kinulong niya ako rito sa kuwarto. Sa tingin ko ay kailangan ko ng gamitin ang Emergency Code."

[Not yet, Agent Red. Nag uumpisa ka palang at wala pa tayong nakukuhang matinong sagot. You can't quit because this is your punishment. Ang higher-ups ang mag dedesisyon kung ititigil mo na ba 'to o hindi pa at as long as wala pa tayong natatanggap na notice sa kanila, wala tayong magagawa.]

"But this is too much. That Benedict treated me like a dog! Or even a bird in the cage!"

[We're observing you from the beginning and I must honestly say that you have a poor performance. Tandaan mo na dapat ay may AMNESIA ka pero ang ipinapakita mo ay PAGREREBELDE. Simula bukas ay ayusin mo na ang sarili mo at sigurado akong aayon ang lahat sa plano natin.]

[Nasa kamay mo nakasalalay ang mission na 'to. Please cooperate with us.]

"Alright! I'll do my best starting tomorrow." Pagkatapos ay nawala na ang hologram. Narinig niya na may paparating kaya naman ay ginawa niya ang lahat para makabawi sa pagkakamali kanina.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at sumilip ang ulo ni Manang Gloria...

"AHHHHHHH!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status