Share

Chapter 4

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Arielle?" Bungad na tanong ni Manang Gloria kay Arielle ng idilat niya ang kaniyang mga mata.

"Ano pong nangyari?" Inosenteng tanong niya at hinawakan ang ulo.

"Bigla kang nawalan ng malay habang nasa loob ka ng kwarto mo. Pinagbabawalan ka muna ni Sir Raiden na lumabas rito." Bigla namang naningkit ang mga mata niya sa narinig.

"Bakit naman po? Wala naman akong ginagawang masama para ikulong dito sa kwarto. This is against my rights!"

"Naku, h'wag kang magalit. Maniwala ka o sa hindi ay pinoprotektahan ka lang ni Sir."

"Iwan n'yo po muna ako." Sumunod naman ang ginang sa sinabi niya. Pakiramdam din kasi ni Manang Gloria ay hindi niya kakayanin na bantayan ang dalaga dahil masyado itong bungangera.

***************

Tahimik na bumaba si Arielle sa sala. Nakita niya kasing umalis ang mag-asawa kaya sa tingin niya ay malaya siyang makakapagmasid sa paligid. Pagkababa niya ay agad siyang lumiko sa kaliwa at doon nga ay may nakita siyang mga nakasabit na painting sa dingding. Sa lahat ng mga naroroon ay isa lang ang nakaagaw sa atensiyon niya at 'yon ay ang family picture. Tatanggalin niya sana 'yon ngunit natigilan siya ng biglang may nag salita sa kaniyang likuran.

"Don't touch anything without my permission."

"Hinahawakan ko ba?"

"Get out." Utos ng lalaki kaya mabilis siyang kumaripas ng takbo. Ito na ang matagal niyang hinihintay—ang palabasin siya sa pamamahay na 'to. Nag iisip na rin siya ng maaaring sabihin kay Ms. Lavender at sa higher-ups. Hinawakan niya na ang door knob at...

"Where are you going?"

"Lalabas na. Sabi mo 'get out' 'diba?" Lumapit sa kaniya si Raiden at muling hinawakan ang likuran ng damit niya (yung nasa leeg banda) at hinila papunta sa sala.

"Honestly, I don't believe that you have an amnesia. You're just a stup-d person who crossed in the middle of the road without even thinking. Well, I guess you don't have brain at all. It's best for you to undergo in a brain transplant." Suhesyon ni Raiden.

"Tinatanim na pala ang utak?" Tanong niya rito at umaktong nag-iisip. Subalit sa loob-loob niya ay gusto niya ng sigawan ang lalaki.

"Gusto mong itanim kita ng buhay?" Banta ni Raiden habang pinigilan ang sariling sigawan ang babaeng kaharap niya. Inaalala niya na baka may mangyaring masama rito at dagdag abala pa sa kaniya.

"Kapag ginawa mo 'yon may bubunga ba sa'kin?" Tanong ulit ni Arielle.

'I hate him. He's bossy and arrogant. Pakiramdam niya lahat ng mga taong nakakausap niya ay kaya niyang ipahiya.'

"None." Tipid na sagot ni Raiden at muling umakyat sa itaas.

'She's stup-d and dumb. Her questions make me a fool. Unbelievable!'

"Sandali lang! Nagugutom na ako." Tawag ni Arielle kay Raiden. Hindi naman siya sinagot nito kaya mas lalo siyang nainis.

"Tsk ang hirap talaga ng ganito. Kung pwede nga lang lasunin ko nalang siya para matapos na ang lahat ay ginawa ko na. Dagdag pa ang hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay. NAKAKAIRITA TALAGA!" napatakip naman siya ng bibig ng matauhang naisigaw niya ang huling sinabi niya. Buti nalang ay wala siyang narinig na reaksiyon dito.

"Naturingang bilyonaryo, wala man lang katulong. Hindi ako marunong magluto kaya paano ako kakain nito?" Dahil nababagot na siya ay naisipan niyang ayain ang lalaki na kumain sila sa labas. Alam na niya kung nasaan ang kwarto nito. Mabilis niyang itinapat ang taenga niya sa pintuan ng marinig niyang may kausap ito.

"Make sure that no one's following you. This is our last chance to win his trust."

Ilang sandali lang ay tumahimik ang kwarto ni Raiden. Ngunit hindi rin nag tagal ay muli na naman itong may kausap.

"Yes. I told you that it's really worth it. Half a million dollars? No, that won't do. It's from my grandparents so, I think your price is kinda cheap. 800 thousand dollars? Okay, deal. I'll give it to you when I receive the payment. Alright!"

"Would you mind your own business?" Kaagad namang napalingon sa paligid si Arielle ng marinig 'yon. Ng wala naman siyang makitang kakaiba ay ipinilig niya muli ang kaniyang taenga.

"I saw you, Ms." Napalingon na naman siya sa likuran.

"I'm pertaining to..." bigla namang bumukas ang pinto at dahil sa pwersa ay na subsob siya sa sahig.

"You."

"Tulungan mo ako." Ani niya at itinaas ang isang kamay. Tingin lang ang nakuha niya mula kay Raiden na ngayon ay nakasandal sa may pintuan.

"Would you mind your own business?" Pag uulit nito sa sinabi niya kanina. Marahas namang tumayo si Arielle at hinahawakan ang kaniyang 'chin' dahil iyon ang unang tumama sa sahig.

"Sorry, but I don't have a business yet." Sagot nito at nag cross arms.

"Then, I would be glad if you'll be my cleaner."

"I'm not an entertainer." Arielle

"Nothing is free. So as exchange, you'll help Manang Gloria to clean the house."

"I'll be glad if you let me go." Nakangiting pahayag ni Arielle.

"Is that what you want?" Tanong ni Raiden at isinarado ang pinto. Agad namang nawala ang ngiti ni Arielle ng maisip kung anong gustong mangyari ng lalaki.

"Yes." Matapang niya pa rin(g) sagot. Kapag may gawin itong masama sa kaniya ay sinisigurado niyang hindi na sisikatan ng araw ang lalaking kaharap niya o maaaring mag file rin siya ng kaso para tuluyan na nga itong makulong.

"In your dreams. You can't leave in this house until you're fully recovered." Saad nito at ibinagsak ang sarili sa kama.

"M-magaling na ako. Naaalala ko na ang lahat kaya paalisin mo na ako!"

"Really? Then, what's your name?"

"Arielle Natividad."

"Where do you live?"

"Sa bahay."

"Address?"

"Philippines?" Patanong nitong sagot. Alam niya kasing kumukuha ito ng impormasiyon tungkol sa kaniya.

"Who are your parents?"

"Bakit gusto mo silang makilala?" Tanong niya pabalik.

"Don't answer my question with another question. Who are they?"

"They are my parents?"

"Stop this bullsh-t! Go back to your room." Utos nito.

"Pero gutom na nga ako." Reklamo niya kasabay ang pag tunog ng kaniyang sikmura. Kinuha ni Raiden ang kaniyang cellphone at may dinaial na number. Ilang sandali lang ay may sumagot sa kabilang linya.

"Sir?" Binigay sa kaniya ang cellphone, nag aalangan man ay kinuha niya 'yon at tinapat sa kaniyang taenga.

"H-hello?"

"Where's sir Raiden?" Tanong ng babae na nasa kabilang linya.

"Kaharap k—

"Order now." Putol sa sinasabi niya.

"Ate, pa order po ako ng pagkain na best seller n'yo. Kayo na po ang bahala kasi wala naman akong nakikitang menu. Padagdag na rin po ng isang dosena na fried chicken, hawaiian pizza, apat na ham and cheese burger at dalawang bote ng royal."

"Excuse me? Who are you? I'm sir Raiden's secretary and not your alalay duhh." Pagtataray ng kausap niya. Napataas naman ang kilay ni Arielle dahil sa asal ng babae.

"Dadaan ka ba? Paano ka makakadaan kung nandito kami sa bahay ng sir Raiden mo at ikaw naman ay nasa ibang planeta?"

"How da—

"Wala ka bang manners? Alam mong hindi pa ako tapos mag salita tapos nag sasalita ka na? Anyway, ginawa ko lang ang sinabi sa'kin ng sir mo. Sundin mo nalang or else you're fired!" banta ni Arielle. Nanatili namang nakatingin sa kaniya si Raiden at nakikinig.

"How c—

"At ideliver mo nalang dito sa bahay niya. Siguro naman ay alam mo 'yon 'diba? Kung hindi, aba'y dapat ka lang tanggalin sa trabaho. Pakibilisan lang Ms. kasi nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan."

"Ewww!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status