"Kailangan mong umuwi ng maaga, Aliyah. Kailangan ka rito sa bahay. Darating sina Cong.!" mariing bilin ng kanyang ina sa kabilang linya, sa tono nito ay hindi nakikiusap kundi nag-uutos.
Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng kanyang ilong habang nakapikit.
Birthday ng daddy niya. Alam niyang wala siyang lusot ngayong gabi. Kung may pagkakataon lang, pipiliin niyang mag-OT sa trabaho, gumala, o kahit ano lang basta't hindi umuwi nang maaga. Ayaw niyang makasalubong si Aleli-- lalo na ngayon.
Pero alam din niyang hindi siya titigilan ng ina hangga't di nasusunod ang gusto nito.
"Opo, uuwi ako ng maaga," sagot niya sa ina bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.
Matamlay niyang iniligpit ang kanyang gamit, pilit na isinasantabi ang bumibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.
Two weeks.
Dalawang linggo na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend niya at ang kapatid na si Aleli sa isang sitwasyong hindi na mabubura sa kanyang isipan. Dalawang linggo ng sakit, galit, at pilit na pagpapakatatag. Ginawa niya ang lahat para iwasan ang dalawa. Ayaw niyang makita sila. Ayaw niyang marinig ang mga pangalan nila.
Ayaw niyang maalala kung paanong ipinagpalit siya-- at kung kanino pa.
Walang nakakaalam sa pamilya nila sa nangyari. Walang ideya ang kanilang mga magulang sa gulong kinasasangkutan nilang magkapatid. Ni hindi rin alam ng mga ito na naging sila ni Benedict. Pinili niyang itago noon ang relasyon nila, iniwasang magdulot ng ingay dahil na rin sa pagka-istrikto ng daddy niya, kahit pa nasa tamang edad na siya para umibig.
Ngunit ngayon, parang pinagsisihan niya ang desisyong iyon.
Pagdating niya sa bahay, napansin niya ang sasakyan sa bakuran. Pumarada siya sa likod niyon. Bago bumaba ng sasakyan, huminga siya ng malalim-- pilit na pinalalakas ang loob niya.
Pagpasok sa loob, mga aligagang kasambahay ang sumalubong sa kanya. Mga nagkakandarapa sa paghahanda. Ang mommy niya, aligaga rin habang inuutusan ang lahat, halatang nais tiyakin na walang kapintasan ang bawat detalye ng selebrasyon.
"Oh, God! Buti naman at dumating ka na!" sigaw ng mommy niya nang makita siya. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin at muli na namang nagmando sa mga katulong. Aakyat na sana siya sa itaas para makapagbihis nang pigilan siya nito, "mamaya ka na magbihis, tignan mo nga muna 'yung nakasalang sa oven. Tatanga-tranga 'yang binigay na katulong ng agency, hindi marunong gumamit ng oven!"
Napailing na lang siya. Walang pinagbago ang mommy niya-- laging may reklamo, laging my puna. May pagka-matapobre ito kahit hindi naman talaga sila mulat sa yaman. Sa totoo lang working class sila na sinwerteng maging middle class, at kung hindi dahil sa lola niya sa father's side, baka mas hirap pa sila ngayon. Ang yumaong lola niya ang nag-iwan ng negosyo na napilitang ipamana sa kanyang ama—isang responsibilidad na kailangang gampanan, kahit hindi naman talaga nito ginusto.
Napabuntong-hininga siyang muli, itinuon ang pansin sa utos ng kanyang ina. Ibinaba niya lang ang shoulder bag niya at tinungo na ang kusina. Para lang matigilan nang makita roon si Aleli at Benedict, nagsusubuan ang mga ito ng cake habang parang mga teenager na naghaharutan.
Napatiim-bagang siya, mariing pinigilan ang paninikip ng dibdib. Hindi niya inaasahang madadatnan ang dalawa sa ganitong sitwasyon, lalo na sa mismong bahay nila. Ngunit higit sa sakit, galit na ang nangingibabaw sa kanya.
Aatras na sana siya, pipiliing umiwas kaysa patulan ang dalawa, pero biglang bumaling sa kanya si Aleli—nakangiti nang matamis, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang pamilyar na panunuya.
"Hi, Aliyah. Come join us," masayang anyaya ng kapatid niya, kunwari'y inosente. "Nagpadala ang mommy ni Benedict ng cheesecake. Tikman mo, ang sarap!"
Kumislot ang kanyang kamao, ngunit hindi siya nagpatalo. Hindi siya bibigay.
Nag-angat siya ng tingin at gumanti ng isang pekeng ngiti. "No, thanks. Baka hindi ako matunawan."
Agad na naglaho ang ngiti ni Aleli, napalitan iyon ng iritasyon. Samantalang si Benedict, tahimik lang sa tabi nito—hindi man lang makatingin nang diretso sa kanya.
Napailing na lang siya, pilit na tinuldukan ang usapan. Inilayo niya ang tingin at nagdesisyong harapin ang oven, sinuri kung tama ang init nito bago kinuha ang pot holder. Wala siyang balak makipagpalitan ng masasakit na salita. Hindi ngayon. Hindi rito.
Pero hindi pa tapos si Aleli.
"Anyway, Aliyah," muling basag ng kapatid niya, ang tono nito'y tila naghihintay ng reaksyon mula sa kanya. "Gusto kong malaman mo na ikakasal na pala kami ni Benedict."
Natigilan siya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi niya namalayang bumagsak ang hawak niyang pot holder sa sahig. Hindi siya nakagalaw, hindi rin nakapagsalita.
Ikakasal?
Mabilis niyang nilunok ang namuong galit sa kanyang lalamunan. Ang lalaking minahal niya ng dalawang taon—ang lalaking minsan niyang pinangarap na makasama habambuhay—hindi man lang siya nabanggitan noon tungkol sa kasal, kahit minsan.
Pero ngayon, sa loob lamang ng dalawang linggo, sa mismong kapatid niya? Pero ano bang malay niya kung noon pa ma'y may relasyon na ang dalawa. Siguro matagal na siyang niloloko ng mga ito.
Mabigat ang dibdib niyang dahan-dahang lumingon. Gusto niyang makita kung nagsasabi ba ito ng totoo o kung isa lang na namang panunukso ni Aleli.
Ngunit sa pag-angat ng kanyang tingin, doon niya nasilayan ang kumikinang na singsing sa daliri ng kanyang kapatid.
Hindi siya magpapakita ng kahinaan.
Nginisian niya si Aleli, malamig at walang emosyon. "Congratulations," mahinahon niyang sabi, kahit pa parang may bumabara sa kanyang lalamunan.
At pagkatapos, tinalikuran niya ang mga ito, kahit pa pakiramdam niya'y iniwan niyang nakabukas ang isang sugat na hindi pa gumagaling.
Lumabas si Aliyah sa hardin, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Ang hangin sa labas ay malamig, ngunit hindi nito magawang patayin ang nag-aapoy niyang damdamin. Humugot siya ng malalim na hininga, sinisikap na iwasan ang bigat ng emosyon na patuloy na bumabalot sa kanya.
Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakabawi nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig sa likuran.
"Aliyah."
Napatigil siya.
Nanigas ang kanyang katawan, ngunit sa huli, dahan-dahan siyang lumingon.
Si Benedict.
Nakatayo ito ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya, seryoso ang ekspresyon at may bahid ng kung anong emosyon sa mga mata nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong, pilit na pinapanatili ang distansya sa pagitan nila.
Humakbang ito palapit. "Gusto kitang kausapin."
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Benedict." Tinalikuran niya ito, handang umalis, ngunit mas lumapit pa ito hanggang sa halos madikit na ang katawan nila.
"Just answer one question," he said firmly. "Do you still have feelings for me?"
Nagpanting ang tenga niya sa tanong na iyon.
May nararamdaman pa ba siya? Paano nito nagagawang itanong iyon matapos siyang ipagpalit sa mismong kapatid niya?
Mabilis niyang pinigilan ang sarili. Hindi siya magpapadala sa galit. Hindi siya magpapakita ng kahinaan.
At kaya ngumiti siya—isang mapait, punong-puno ng panunuya.
"You? Do I still love you?" Napailing siya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa na parang wala lang itong halaga. "Maybe you're the one still hoping, Benedict."
Naningkit ang mga mata nito, at saglit niyang nasilayan ang pamumuo ng inis sa mukha nito.
"Don't turn this into a joke, Aliyah," madiin ang tinig nito.
"Seryoso ako," aniya, hindi natinag. "I don't feel anything for you anymore. Not even a bit."
Biglang bumakas ang galit sa mukha ng binata.
At bago pa niya namalayan, hinaklit siya nito sa braso, mahigpit, halos mapasigaw siya sa gulat.
"Really?" Mariing tanong nito, ang mga mata'y nag-aapoy. "Kung wala ka nang nararamdaman, patunayan mo."
"Ano—" Hindi na niya natapos ang sasabihin.
Dahil bigla nitong sinakop ang kanyang labi.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.
Nanghihina man sa galit at pagkabigla, inipon ni Aliyah ang lakas niya upang itulak si Benedict palayo. Ngunit bago pa niya magawa, may kamay na humila sa kanyang buhok.
"Hayop kang babae ka!"
Napaatras siya, halos matumba, ngunit nanlilisik na mukha ni Aleli ang agad niyang nakita. Galit na galit ang kapatid niya, at bago pa siya makaiwas, isang malakas na sampal ang lumapat sa kanyang pisngi.
"What do you think you're doing to my fiancé?!" sigaw ni Aleli, nanginginig sa galit. "You know nothing but how to use people! A thief! You're nothing but a filthy whore!"
Napakapit si Aliyah sa nasaktang pisngi. Hindi siya makapagsalita agad, masyado siyang nagulantang sa mabilis na pangyayari.
"Aleli, hindi—"
"Ano'ng hindi?!" muli siyang tinangkang saktan ng kapatid, pero nahawakan niya ang kamay nito bago ito muling makapanakit.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Aliyah pabalik. "Si Benedict ang lumapit sa akin! Siya ang humalik sa akin!"
Ngunit bago pa niya matapos ang paliwanag, dumating ang kanilang mga magulang.
"Ano itong kaguluhan na 'to?!" galit na tanong ng kanilang ama. Samantalang ang ina naman nila'y agad na lumapit kay Aleli na umiiyak na parang isang biktima.
"Mommy, Daddy!" pagsusumbong ni Aleli habang humahagulhol. "Si Aliyah... She's flirting with Benedict! I caught them kissing!"
Nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa paninirang iyon. "Ano?!" Napatingin siya kay Benedict, umaasang ito na mismo ang magtutuwid ng sitwasyon.
Pero mali siya.
Dahil sa halip na ipagtanggol siya, tumikhim si Benedict at tiningnan ang kanilang mga magulang na may bahagyang lungkot sa mukha—kunwari'y nagsisisi.
"I'm sorry po, tito, tita," anitong may malalim na buntong-hininga."I only wanted to ask for Aliyah's blessing sa kasal namin ni Aleli... but she suddenly kissed me."
Parang may sumabog sa utak ni Aliyah.
"Ano?!" halos mapasigaw siya sa galit. "Benedict, sinungaling ka!"
Ngunit tila wala nang nakikinig sa kanya.
"Aliyah!" galit na awat ng kanilang ina. "Ano bang pinapasok mo sa utak mo? May fiancé na ang kapatid mo, tapos ganyan ang gagawin mo?!"
"Pero si Benedict ang—"
"Tumigil ka na!" sigaw ng kanilang ama. "Wala na akong gustong marinig mula sa'yo!"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi lang siya nabaliktad—pinaniwalaan pa ng sarili niyang mga magulang ang kasinungalingan ni Benedict!
Napasinghap siya, ramdam ang biglang pagsikip ng kanyang dibdib. Para siyang nalulunod sa sakit at kawalan ng hustisya.
"Mom, Dad..." mahina niyang tanong, nanginginig ang tinig.
Pero wala ni isa sa kanila ang sumagot. Ang tanging narinig niya ay ang patuloy na hagulgol ni Aleli habang yakap-yakap ito ng kanilang ina, at ang mapagkunwaring pagsisisi sa boses ni Benedict.
Hindi na niya napigilan ang mga luha. Isa-isa silang bumagsak, mainit at puno ng hinanakit. Hindi na siya naghintay ng kahit ano pang salita. Hindi na siya nagpaalam. Tumakbo siya palabas ng bahay, walang pakialam kung anong sasabihin nila.
"Aliyah, bumalik ka rito!" sigaw ng kanyang ama.
Pero hindi siya tumigil. Hindi niya kayang manatili doon. Kailangan niyang lumayo—bago pa siya tuluyang mabaliw sa sakit.
Tumakbo siya nang hindi alam kung saan tutungo. Ang tanging alam niya lang ay gusto niyang makawala, kahit isang saglit, mula sa mapait na katotohanang bumalot sa kanya.
Nasilaw siya sa biglang pagsiklab ng malakas na ilaw mula sa harapan niya. Kasabay nito, isang matinis na busina ang bumasag sa katahimikan ng gabi.
Napatigil siya, nanlaki ang mga mata sa takot, pero huli na.
Nanghina ang kanyang tuhod at dahil sa sakit na bumabalot sa kanyang puso, dahil sa sobrang pagkalito at pagkapagod—biglang nagdilim ang kanyang paningin.
At bago pa niya maramdaman ang sumunod na pangyayari, tuluyan siyang nawalan ng malay.
"Ugh..."Napakislot si Aliyah nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan. May kirot na bumalot sa kanya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Una niyang napansin ang kisame—mamahalin, may intricate na disenyo at may nakasabit na modernong chandelier. Hindi ito pamilyar.Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na nilibot ng tingin ang buong silid. Maluwang, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang kulay abo at itim na interior, ang minimalist ngunit eleganteng disenyo, at ang amoy ng mamahaling pabango sa hangin—lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng yaman at kapangyarihan."Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, sabay haplos sa kanyang sentido.At noon, biglang bumalik ang mga alaala sa kanya—ang gulo sa kanilang pamilya, ang panlilinlang ni Benedict, ang matinding emosyon na nagpaagos ng kanyang luha. Ang pagtakas niya sa gabing iyon. Ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Ang busina. Ang takot.Muntik na siyang masagasaan...Sino ang nagligtas sa kanya?Bago pa siya m
"Marry me."Narinig niya ang sinabi ni Conner, ngunit tila hindi agad iyon sumink sa kanyang isipan. Tumigil siya sa paglalakad, ngunit hindi siya agad lumingon.Baka mali lang ang dinig niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit nang dahan-dahan siyang humarap kay Conner, nakita niya ang seryosong ekspresyon nito—walang bakas ng pagbibiro, walang pag-aalinlangan."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong na tanong niya, ramdam ang panginginig ng kanyang tinig."Marry me. So I can help you.""Bakit?" tanong niya sa wakas, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. "Bakit mo gustong pakasalan at tulungan ang isang babaeng halos kakikilala mo lang?"Napangisi si Conner, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa kanyang mga mata. “Dahil kailangan ko ng asawa. At nakikita kong nais mong makaganti sa lahat ng pananakit nila sa ‘yo. We can use each other."Napakunot ang noo niya. "Ano? Bakit kailangan mo ng asawa?"Nagpatuloy si Conner sa pagpapaliwanag. "Malapit na ang eleksyon. And a man wi
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
No... sigaw ng isip ni Aliyah. Hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa harap ng isang tanawing unti-unting wumawasak sa kanyang mundo.Hubad ang dalawang katawan sa ibabaw ng kama-- magkapatong, magkahugpong ang mga katawan. Pawis na pawis ang babae, gumigiling habang nakasakay sa lalaking nakahiga sa ilalim nito. Ang mabibigat nilang ungol ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya, hinihiwa siya nang pira-piraso.Gusto niyang sumugod. Gusto niyang sirain ang lahat ng nasa harap niya. Pero hindi siya makagalaw. Para bang nakapako ang kanyang mga paa sa sahig, habang ang utak niya'y paulit-ulit na nagbabago ng desisyon-- tatakbo ba siya palayo o haharapin ang sakit?Gamit ang nanlalamig na kamay, daha-dahan iyang isinara ang pinto. Nanginginig siya habang humahakbang palayo, ngunit hindi niya pala kayang basta na lamang umalis. Dapat niyang harapin ang mga ito. Dapat niyang makita ang hitsura ng traydor niyang kasintahan habang hinuhubaran niya ito ng

"Kailangan mong umuwi ng maaga, Aliyah. Kailangan ka rito sa bahay. Darating sina Cong.!" mariing bilin ng kanyang ina sa kabilang linya, sa tono nito ay hindi nakikiusap kundi nag-uutos.Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng kanyang ilong habang nakapikit.Birthday ng daddy niya. Alam niyang wala siyang lusot ngayong gabi. Kung may pagkakataon lang, pipiliin niyang mag-OT sa trabaho, gumala, o kahit ano lang basta't hindi umuwi nang maaga. Ayaw niyang makasalubong si Aleli-- lalo na ngayon.Pero alam din niyang hindi siya titigilan ng ina hangga't di nasusunod ang gusto nito."Opo, uuwi ako ng maaga," sagot niya sa ina bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.Matamlay niyang iniligpit ang kanyang gamit, pilit na isinasantabi ang bumibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.Two weeks.Dalawang linggo na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend niya at ang kapatid na si Aleli sa isang sitwasyong hindi na mabubura sa kanyang isipan. Dalawang linggo ng sakit, galit, at pilit na pagpa