Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.
Agad nitong napansin ang presensiya niya.
"Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.
Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.
Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.
Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?
"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.
Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan.
"Gusto ko sanang umuwi sa amin..."
Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoon pa ang laptop ko, kailangan ko iyon sa trabaho."
Wala siyang ibang damit bukod sa suot niya noong Biyernes, noong iniuwi siya nito. Ang ginagamit niya ngayon ay ang mga damit mula sa dresser—hindi niya alam kung kanino, pero halatang bago pa, dahil may mga tag pa.
Hindi agad sumagot si Conner. Pagkatapos ng ilang saglit, tumingin ito sa laptop at marahang sinabi, "Ipakukuha ko na lang sa driver."
Muli itong umiwas ng tingin, waring ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Pero hindi niya iyon hinayaan.
"Ahm... ako na lang," maingat niyang sabi. "Gusto ko rin kasing kausapin ang parents ko. Hindi pa nila alam na kinasal na ako."
Biglang isinara ni Conner ang kanyang laptop. Ang kaninang mahinahong ekspresyon ay napalitan ng seryoso at matigas na tingin.
"Kung ganoon, dapat ay kasama mo ako."
Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. "Mag-asawa na tayo ngayon, Aliyah. Dapat lang na makilala ako ng mga magulang mo ng pormal."
Napalunok si Aliyah. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag, pero bigla siyang nakaramdam ng kaba sa ideya na isasama si Conner sa kanilang bahay. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa kasal, at hindi niya alam kung paano nila iyon tatanggapin—lalo pa't biglaan ang lahat.
"Conner... gusto ko munang ako lang," mahina niyang sabi.
Nakita niya kung paano humigpit ang panga nito. Bahagya itong napaurong, pero ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa kanya, puno ng hindi maipaliwanag na emosyon.
"Bakit?" Direktang tanong nito, malamig ang tinig.
Napayuko siya. Hindi niya kayang titigan ito nang direkta. "Gusto ko lang... na ako muna ang kumausap sa kanila. Please, Conner."
May ilang segundong katahimikan.
Hanggang sa marinig niya ang malalim na buntong-hininga nito.
"Fine," sagot nito, ngunit ramdam niya ang inis sa tinig nito. "Gawin mo ang gusto mo."
Napatingin siya rito, pero hindi na siya nito nilingon. Sa halip, tumalikod ito at bumalik sa kanyang lamesa, binuksan muli ang laptop na tila wala na siyang pakialam.
Parang may kung anong kirot sa kanyang dibdib sa ginawang pag-iwas ni Conner. Alam niyang nagalit ito, pero wala na siyang magagawa. Hindi pa siya handa.
Tahimik siyang lumabas ng library, hindi na nagawang lingunin pa ito. Hindi rin siya nito sinundan o kinausap.
Pagdating niya sa labas ng mansion, naghihintay na ang sasakyan. Nakilala niya ang driver ni Conner na inatasang ihatid siya pauwi. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, ramdam pa rin ang bigat sa loob niya matapos ang tensyon sa pagitan nila.
Ngunit bago pa siya sumakay, tila may humila sa kanya para mapatingala sa bintana ng library.
Doon, nakita niya si Conner, nakatayo sa tabi ng salamin, nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito—hindi na ito mukhang galit, pero hindi rin niya masabi kung ano ang iniisip nito.
Nag-aalangan siyang itinaas ang kamay at marahang kumaway. Kasabay noon, pilit niyang binigyan ito ng maliit na ngiti.
Saglit itong hindi gumalaw.
Hanggang sa bumuntong-hininga ito at gumanti ng isang tipid na ngiti.
At sa isang iglap, tila nabunutan ng tinik si Aliyah. Ang bigat sa kanyang loob kanina ay unti-unting naglaho.
HUMINGA nang malalim si Aliyah bago bumaba ng sasakyan. Mabilis ang tibo ng kanyang puso habang nakatingin sa pamilyar na bahay na kinalakihan niya. Isang bahagi ng sarili niya ang tila gustong umatras, pero alam niyang wala na siyang magagawa—kailangan niyang harapin ito.
Dahan-dahan siyang pumasok, at pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng isa sa mga katulong.
"Ma’am Aliyah! Nandito na po kayo!" masayang bati nito.
Napangiti siya nang bahagya. "Oo, Manang. Kumusta?"
Ngunit bago pa makasagot ang matanda, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw mula sa kusina.
"Diyos ko naman! Nasaan na ba ang pinapakuha ko? Kanina pa ako naghihintay!"
Napalingon siya at nakita ang kanyang ina, abala sa pagbibigay ng utos sa mga katulong. Halos hindi niya namalayan na unti-unti siyang napangiti. Sa kabila ng lahat, parang na-miss niya ang eksaktong eksenang ito—ang ingay, ang pag-aalalang nakatago sa likod ng pagiging istrikto ng kanyang ina.
Para bang may kung anong humaplos sa puso niya.
Nang humarap ang kanyang ina, saglit itong natigilan nang makita siya. Kumunot ang noo nito, at bago pa man siya makapagsalita—
"Aliyah! Diyos ko, anak! Ano na namang kagagahan ang ginawa mo at kung saan-saan ka na naman nagpunta?!" galit na wika nito, mabilis na lumapit sa kanya.
Napasimangot siya. "Mommy, kakarating ko lang—"
"Akala mo ba hindi ako nag-alala?! Walang tawag, walang text, tapos ngayon ka lang magpapakita? Napaka-walang konsiderasyon mo! Dapat lang na—"
Nagulat siya nang bigla siyang niyakap nito nang mahigpit.
Napahinto siya. Hindi niya inaasahan iyon.
Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng katawan ng kanyang ina, at kahit hindi nito sinasabi, alam niyang nag-aalala talaga ito. Kahit papaano ay nabawasan ang hinampo niya rito noong huling nagkita sila.
Bago pa man siya makapagsalita, bigla siyang muling itinulak nito palayo.
"At saka ano ba 'yang suot mo? Bakit parang ang ganda-ganda mo?!" Kunot-noong ininspeksyon siya ng kanyang ina, bago muling bumalik sa panenermon.
Sa kabila ng sermon, hindi niya maiwasang mapangiti. Kahit papaano, natutuwa siya.
Ngunit ang sandaling kaginhawaan ay agad napalitan ng tensyon nang marinig niya ang kaluskos mula sa hagdan.
Napatingala siya at nakita ang kanyang ama, bumababa, may malamig na ekspresyon sa mukha.
"Aliyah," mahinang tawag nito, pero puno ng bigat ang tinig.
Bahagyang tumikhim ang kanyang ina, lumingon sa asawa nito.
"You are such a disrespectful child. Where have you been? Why are you only coming home now?" diretsong tanong ng kanyang ama.
Ramdam niya ang paglamig ng hangin sa paligid. Hindi niya pa rin malimutan kung paano siya nito itinuring noong umalis siya—kung paanong basta na lamang nitong kinampihan si Aleli nang hindi man lamang binibigyan bigat ang mga sinasabi niya.
Bago pa man siya makasagot, bumaba rin mula sa hagdan sina Aleli at Benedict—magkahawak ang kamay.
Napatingin siya sa kanila, at sa isang iglap, isang panibagong tensyon ang bumalot sa paligid.
Matalim ang tingin ni Aleli sa kanya, para bang iniinspeksyon siya mula ulo hanggang paa. Halos hindi pa siya nakakatagal sa bahay, pero heto na ito—nagsisimula na naman.
"Aba, akala ko kung sino. Ikaw pala," sarkastikong sambit ni Aleli, may bahagyang ngiti sa labi pero hindi umaabot sa mga mata. "The prodigal daugther is back. What brought you here?"
Napangiti si Aliyah, pilit na pinakalma ang sarili. Hindi niya gustong pumatol sa mga parinig nito. Wala siyang oras para sa drama.
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
No... sigaw ng isip ni Aliyah. Hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa harap ng isang tanawing unti-unting wumawasak sa kanyang mundo.Hubad ang dalawang katawan sa ibabaw ng kama-- magkapatong, magkahugpong ang mga katawan. Pawis na pawis ang babae, gumigiling habang nakasakay sa lalaking nakahiga sa ilalim nito. Ang mabibigat nilang ungol ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya, hinihiwa siya nang pira-piraso.Gusto niyang sumugod. Gusto niyang sirain ang lahat ng nasa harap niya. Pero hindi siya makagalaw. Para bang nakapako ang kanyang mga paa sa sahig, habang ang utak niya'y paulit-ulit na nagbabago ng desisyon-- tatakbo ba siya palayo o haharapin ang sakit?Gamit ang nanlalamig na kamay, daha-dahan iyang isinara ang pinto. Nanginginig siya habang humahakbang palayo, ngunit hindi niya pala kayang basta na lamang umalis. Dapat niyang harapin ang mga ito. Dapat niyang makita ang hitsura ng traydor niyang kasintahan habang hinuhubaran niya ito ng
"Kailangan mong umuwi ng maaga, Aliyah. Kailangan ka rito sa bahay. Darating sina Cong.!" mariing bilin ng kanyang ina sa kabilang linya, sa tono nito ay hindi nakikiusap kundi nag-uutos.Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng kanyang ilong habang nakapikit.Birthday ng daddy niya. Alam niyang wala siyang lusot ngayong gabi. Kung may pagkakataon lang, pipiliin niyang mag-OT sa trabaho, gumala, o kahit ano lang basta't hindi umuwi nang maaga. Ayaw niyang makasalubong si Aleli-- lalo na ngayon.Pero alam din niyang hindi siya titigilan ng ina hangga't di nasusunod ang gusto nito."Opo, uuwi ako ng maaga," sagot niya sa ina bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.Matamlay niyang iniligpit ang kanyang gamit, pilit na isinasantabi ang bumibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.Two weeks.Dalawang linggo na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend niya at ang kapatid na si Aleli sa isang sitwasyong hindi na mabubura sa kanyang isipan. Dalawang linggo ng sakit, galit, at pilit na pagpa
"Ugh..."Napakislot si Aliyah nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan. May kirot na bumalot sa kanya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Una niyang napansin ang kisame—mamahalin, may intricate na disenyo at may nakasabit na modernong chandelier. Hindi ito pamilyar.Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na nilibot ng tingin ang buong silid. Maluwang, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang kulay abo at itim na interior, ang minimalist ngunit eleganteng disenyo, at ang amoy ng mamahaling pabango sa hangin—lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng yaman at kapangyarihan."Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, sabay haplos sa kanyang sentido.At noon, biglang bumalik ang mga alaala sa kanya—ang gulo sa kanilang pamilya, ang panlilinlang ni Benedict, ang matinding emosyon na nagpaagos ng kanyang luha. Ang pagtakas niya sa gabing iyon. Ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Ang busina. Ang takot.Muntik na siyang masagasaan...Sino ang nagligtas sa kanya?Bago pa siya m
"Marry me."Narinig niya ang sinabi ni Conner, ngunit tila hindi agad iyon sumink sa kanyang isipan. Tumigil siya sa paglalakad, ngunit hindi siya agad lumingon.Baka mali lang ang dinig niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit nang dahan-dahan siyang humarap kay Conner, nakita niya ang seryosong ekspresyon nito—walang bakas ng pagbibiro, walang pag-aalinlangan."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong na tanong niya, ramdam ang panginginig ng kanyang tinig."Marry me. So I can help you.""Bakit?" tanong niya sa wakas, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. "Bakit mo gustong pakasalan at tulungan ang isang babaeng halos kakikilala mo lang?"Napangisi si Conner, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa kanyang mga mata. “Dahil kailangan ko ng asawa. At nakikita kong nais mong makaganti sa lahat ng pananakit nila sa ‘yo. We can use each other."Napakunot ang noo niya. "Ano? Bakit kailangan mo ng asawa?"Nagpatuloy si Conner sa pagpapaliwanag. "Malapit na ang eleksyon. And a man wi
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka

Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo