
ENTANGLED WITH THE CONGRESSMAN
Aliyah has spent her entire life living in the shadow of her sister, Aleli. Aleli often took away the things that made her happy, including her boyfriend, Benedict. She caught them in bed together, and instead of apologizing, Benedict blamed her for his infidelity. He accused her of lacking too much in their relationship, saying that Aleli filled those gaps and was better than her in every way.
Aliyah’s heart shattered completely when the two got engaged. At their engagement party, Aleli created a scene, accusing Aliyah in front of their parents of trying to seduce Benedict. Heartbroken and humiliated she ran out of the party. She almost got hit by a car, and with so much stress and shock, she fainted.
When she woke up, she found herself in Conner’s bedroom, Benedict’s uncle, a congressman. Conner made her an unexpected offer: a marriage of convenience. He needed a wife to improve his public image for the upcoming election.
Aliyah and Conner’s relationship was starting to improve, but it didn’t take long before the fragile foundation they were building began to shake when Aleli found out about her marriage to Conner—a man far wealthier and more powerful than Benedict—started to do things and create issues to ruined her marriage to Conner.
Despite that, Aliyah and Conner grew even closer. They discovered each other’s strengths and weaknesses, which only strengthened their bond.
Just when Aliyah thought nothing could break them and she was finally ready to admit her love for Conner, his mother arrived along with Conner’s ex-girlfriend and dropped a bombshell—she had returned to tell Conner that they had a child together.
But Conner did everything to prove that no matter what happens, he will always choose her above everything else.
Baca
Chapter: CHAPTER 9Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na
Terakhir Diperbarui: 2025-03-24
Chapter: CHAPTER 8Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
Terakhir Diperbarui: 2025-03-19
Chapter: CHAPTER 7Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Terakhir Diperbarui: 2025-03-19
Chapter: CHAPTER 6Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Terakhir Diperbarui: 2025-03-19
Chapter: CHAPTER 5Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: CHAPTER 4"Marry me."Narinig niya ang sinabi ni Conner, ngunit tila hindi agad iyon sumink sa kanyang isipan. Tumigil siya sa paglalakad, ngunit hindi siya agad lumingon.Baka mali lang ang dinig niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit nang dahan-dahan siyang humarap kay Conner, nakita niya ang seryosong ekspresyon nito—walang bakas ng pagbibiro, walang pag-aalinlangan."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong na tanong niya, ramdam ang panginginig ng kanyang tinig."Marry me. So I can help you.""Bakit?" tanong niya sa wakas, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. "Bakit mo gustong pakasalan at tulungan ang isang babaeng halos kakikilala mo lang?"Napangisi si Conner, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa kanyang mga mata. “Dahil kailangan ko ng asawa. At nakikita kong nais mong makaganti sa lahat ng pananakit nila sa ‘yo. We can use each other."Napakunot ang noo niya. "Ano? Bakit kailangan mo ng asawa?"Nagpatuloy si Conner sa pagpapaliwanag. "Malapit na ang eleksyon. And a man wi
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12