No... sigaw ng isip ni Aliyah. Hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa harap ng isang tanawing unti-unting wumawasak sa kanyang mundo.
Hubad ang dalawang katawan sa ibabaw ng kama-- magkapatong, magkahugpong ang mga katawan. Pawis na pawis ang babae, gumigiling habang nakasakay sa lalaking nakahiga sa ilalim nito. Ang mabibigat nilang ungol ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya, hinihiwa siya nang pira-piraso.
Gusto niyang sumugod. Gusto niyang sirain ang lahat ng nasa harap niya. Pero hindi siya makagalaw. Para bang nakapako ang kanyang mga paa sa sahig, habang ang utak niya'y paulit-ulit na nagbabago ng desisyon-- tatakbo ba siya palayo o haharapin ang sakit?
Gamit ang nanlalamig na kamay, daha-dahan iyang isinara ang pinto. Nanginginig siya habang humahakbang palayo, ngunit hindi niya pala kayang basta na lamang umalis. Dapat niyang harapin ang mga ito. Dapat niyang makita ang hitsura ng traydor niyang kasintahan habang hinuhubaran niya ito ng kasinungalingan.
Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang nakatayo sa sala, ngunit nang bumukas ang pintuan ng silid, bumagsak ang lahat ng natitira niyang lakas.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Si Benedict ay tila naman binuhusan ng malamig na tubig, namutla ito sa pagkabigla nang makita siya. Ngunit ang mas nagpayanig sa kanyang mundo ay ang babaeng kasunod nitong lumalabas mula sa silid.
Hindi... Imposible...
"A-Aleli..." anas niya, halos hindi niya marinig ang sailing tinig dahil sa panunuyo ng kanyang lalamunan. Para iyong may buhangin na ang hirap-hirap lunukin.
Ang babaeng nasa harapan niya, ang babaeng kalalabas lang mula sa kwarto ni Benedict, suot ang isang silk robe na bahagyang nakabukas-- ay ang kanyang sariling kapatid.
"A-anong..."
Pero bago pa siya tuluyang makapagtanong, si Benedict na mismo ang suminghal sa kanya.
"Aliyah, anong ginagawa mo rito?!" Napuno ng iritasyon ng boses nito, para bang siya pa ang mali sa sitwasyong ito. Pasimple pa nitong inayos ang nakalilis na bathrobe nito pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang mapu-pulang marka sa leeg at dibdib nito, habang si Aleli naman ay walang pakialam kahit pa nasisilip ang mayamang dibdib nito sa manipis na tela na hindi maayos ang pagkakabuhol ng terante.
Nanginginig sa galit na humakbang siya papalapit. "Anong ginagawa ko rito?" Tumawa siya, mapait, walang halong saya. "Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? Ano'ng ginagawa mo rito? Anong ginagawa mo kasama ng kapatid ko?!"
Sa halip na kakitaan ng pagkakonsensiya si Aleli ay taliwas ang reaksyon nito, lumabas ang ngisi sa mga labi ni Aleli. May kasamang pang-aasar, may halong panunukso.
"Isn't it obvious, Aliyah?" malanding sagot nito, sabay tawa nang nakakaloko. "We're an item. Actually, kakatapos lang naming mag-sex."
Walang kahihiyang nilingon ni Aleli si Benedict, hinaplos ang balikat nito, saka ito binigyan ng isang malambing na ngiti. Para bang ipinapakita sa kanya kung sino talaga ang panalo sa kanilang dalawa.
Muling bumaling sa kanya si Aleli na may pangungutyang kumikinang sa kanyang mga mata.
"You're really stupid, aren't you, Aliyah?"
Parang nagdilim ang paningin ni Aliyah. Ang galit na kanina pa niya kinokontrol ay biglang kumawala.
"You, bitch!" sigaw niya, nanginginig ang buong katawan sa matinding emosyon. "Paano mo nagawang sipingan at agawin ang lalaking alam mong karelasyon ng sarili mong kapatid?!"
Napahalakhak si Aleli, walang kahit anong bahid ng pagsisisi sa mukha nito. Para bang natutuwa pa ito sa nakikitang paghihirap niya.
"Oh, come on, Aliyah," nakairap na sagot nito. "Kahit kailan naman, wala akong inagaw sa 'yo. Hindi mo ba naisip na baka siya mismo ang lumapit sa akin?"
"Wala kang delikadeza!" nanginginig na bulyaw ni Aliyah.
Bago pa siya makapagsalita ulit, si Benedict naman ang lumapit sa kanya, punong-puno nang pagkainis ang mukha.
"Huwag mong sisihin si Aleli, Aliyah. Alam mo kung sino ang may kasalanan dito? Ikaw."
Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nahihibang na ba ito? "A-ano?"
Lumalim ang titig ni Benedict, puno nang panunumbat at panlilibak. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako lumayo sa 'yo. Ikaw na laging busy, laging malamig, laging may dahilan! Alam mo bang nakakinip ang realasyon natin? Wala ka nang ibang ginawa kundi ang magpakaperpekto sa trabaho mo, sa buhay mo, pero paano ako? Kailan mo ako inisip?"
Iyon ang dahilan nito? Dahil busy siya? Dahil gusto niyang maging perpekto? Oo, totoo. Ginagawa niya ang lahat. Pinipilit niyang maging perpekto dahil gusto niyang bumagay rito. Galing ito sa prominenteng pamilya habang sila naman ay middle class. Gusto niyang mas maging karapat-dapat dito.
Pero yun ba ang nagtulak dito para lokohin siya? Sapat ba ang dahilang iyon para apakan nito ang pagkatao niya. Minahal niya ito. Mahal na mahal.
Kung matinong lalaki ito makikipaghiwalay ito nang maayos sa kanya at hindi basta na lang sisiping sa kapatid niya. Umahon ang galit sa kanyang dibdib.
"Damn you, Benedict! Sinisisi mo ako sa kataksilan mo?! Ako pa talaga ang may kasalanan?! Hindi mo man lang naisip na hindi lang naman puro sex ang kailangan sa isang relasyon? Na may mas mahalang bagay pa kaysa sa tawag ng laman!"
Napangisi si Aleli, tumawa nang mapanukso. "At 'yan ang dahilan kung bakit ka niya iniwan, Aliyah. Kasi wala kang kwenta bilang babae."
hindi siya makapaniwala sa kasamaan ng sariling kapatid. Umigkas ang kanyang kamay at dumapo iyon sa pisngi nito.
Napatingin si Aleli sa kanya, gulat at galit ang bumakas sa mukha nito. Ngunit bago pa makaganti si Aleli, biglang sumingit si Benedict.
"What right did you have to hurt her?!" galit na sigaw nito bago siya itinulak nang malakas. Napaatras siya, halos matumba sa lakas ng pagkakatulak nito.
At sa harap niay kismo, niyakap ni Benedict si Aleli, marahang hinahaplos ang likod nito na para bang pinapatahan ang isang batang nagtatampo.
"I love your sister, Aliyah." Malamig at matigas ang tinig ni Benedict. "Tapos na tayo. Matagal na."
Para siyang nabingi. Para siyang nalunod sa isang dagat ng sakit at pagtataksil.
Napasandal siya sa dingding, pinipilit pigilan ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Sa loob ng dalawang taong ginugol niya para sa lalaking ito, di lang ba matatapos ang lahat? Nagsayang lang siya ng dalawang taon ng buhay niya para mahalin ang lalaking ito.
Huminga siya ng malalim. Isang bagay lang ang sugurado niya ngayon-- hindi siya kailanman magpapatalo.
Taas-noong tinitigan ni Aliyah ang dalawa. Wala siyang balak magmakaawa. Wala siyang balak ipakita sa dalawang ito kung gaano siya durog sa ginawa ng mga ito. Hindi niya maatim na hayaang malaman ng mga ito na sa likod ng pagpapakatatag niya ay unti-unting gumuguho ang mundo niya.
Hindi siya nagpaalam. Hindi rin siya lumingon. Tahimik siyang tumalikod at lumabas ng condo unit ni Benedict, itinatago ang panginginig ng kanyang mga kamay. Ngunit sa bawat hakbang papunta sa elevator, ramdam niyang bumibigat ang dibdib niya, tila isang dambuhalang alon ng emosyon ang nagbabanta na lamunin siya ng buo.
Pagkapasok sa elevator, agad niyang pinindot ang button pababa sa lobby. At sa sandaling sumara ang pinto, saka tuluyang bumagsak ang mga luha niya.
Pinilit niyang pigilan ang paghikbi, pinipigilan ang ingay na maaaring marinig ng iba. Ngunit hindi niya napigilan ang pangangatal ng kanyang balikat. Pumikit siya ng mariin, sinusubukang kontrolin ang sakit, pero parang isang nakabukas na gripo ang kanyang luha, hindi mapigil, hindi maampat.
Sa gitna ng kanyang paghagulgol, biglang tumunog ang elevator. Bumukas ang pinto.
May isang lalaking sumakay.
Agad siya sumiksik sa sulok, pilit tinatakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung gaano na siya kahabag-habag sa paningin ng estrangherong kakapasok lang.
Ngunit maya-maya may inabot itong bagay sa kanya.
Isang panyo.
Natigilan si Aliyah. Dahan-dahan siyang tumingin, at sa kabila ng panlalab ng kanyang paningin dahil sa luha, hindi niya napigilan ang umahong paghanga sa lalaking kaharap nang masilayan ito nang malinaw.
Matangkad ang lalaki. Matalim ang kanyang mga mata, ngunit hindi sa paraang nakaktrakot-- bagkus, may kakaibang lalim sa likod ng mga iyon. Matangos ang ilong, at ang manipis na labi nito'y bahagyang nakakurba, hindi nakangiti ngunit hindi rin seryoso. Halos perpekto ang pagkakaukit ng mukha nito, animo'y isang larawang inukit sa isang bihasang iskultor.
Baritono ang tinig nito nang magsalita. "Gamitin mo."
Tahimik niyang tinanaggap ang panyo at marahang pinunasan ang kanyang mukha. Hindi siya pinilit ng lalaki na magsalita, hindi rin naman ito nagtanong pa.
Nagpasalamat siya sa katahimikang iyon.
Nagpatuloy sa pagbaba ang elevator, walang nagsasalita. Hanggang sa muli itong tumunog, hudyat na nasa lobby na sila.
Bago siya makalabas, saka lamang muling nagsalita ang lalaki.
"A woman as stunning as you should never shed a tear for a man too weak to cherish and love you the way you deserve. He's nothing but worthless trash—beneath you in every way."
Napakurap si Aliyah, gulat sa sinabi nito.
Magsasalita sana siya pero unti-unti nang sumara ang elevator at bago iyon sumara nakita niya pa ang pagngiti nito sa kanya na nagbigay nang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
"Kailangan mong umuwi ng maaga, Aliyah. Kailangan ka rito sa bahay. Darating sina Cong.!" mariing bilin ng kanyang ina sa kabilang linya, sa tono nito ay hindi nakikiusap kundi nag-uutos.Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng kanyang ilong habang nakapikit.Birthday ng daddy niya. Alam niyang wala siyang lusot ngayong gabi. Kung may pagkakataon lang, pipiliin niyang mag-OT sa trabaho, gumala, o kahit ano lang basta't hindi umuwi nang maaga. Ayaw niyang makasalubong si Aleli-- lalo na ngayon.Pero alam din niyang hindi siya titigilan ng ina hangga't di nasusunod ang gusto nito."Opo, uuwi ako ng maaga," sagot niya sa ina bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.Matamlay niyang iniligpit ang kanyang gamit, pilit na isinasantabi ang bumibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.Two weeks.Dalawang linggo na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend niya at ang kapatid na si Aleli sa isang sitwasyong hindi na mabubura sa kanyang isipan. Dalawang linggo ng sakit, galit, at pilit na pagpa
"Ugh..."Napakislot si Aliyah nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan. May kirot na bumalot sa kanya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Una niyang napansin ang kisame—mamahalin, may intricate na disenyo at may nakasabit na modernong chandelier. Hindi ito pamilyar.Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na nilibot ng tingin ang buong silid. Maluwang, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang kulay abo at itim na interior, ang minimalist ngunit eleganteng disenyo, at ang amoy ng mamahaling pabango sa hangin—lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng yaman at kapangyarihan."Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, sabay haplos sa kanyang sentido.At noon, biglang bumalik ang mga alaala sa kanya—ang gulo sa kanilang pamilya, ang panlilinlang ni Benedict, ang matinding emosyon na nagpaagos ng kanyang luha. Ang pagtakas niya sa gabing iyon. Ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Ang busina. Ang takot.Muntik na siyang masagasaan...Sino ang nagligtas sa kanya?Bago pa siya m
"Marry me."Narinig niya ang sinabi ni Conner, ngunit tila hindi agad iyon sumink sa kanyang isipan. Tumigil siya sa paglalakad, ngunit hindi siya agad lumingon.Baka mali lang ang dinig niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit nang dahan-dahan siyang humarap kay Conner, nakita niya ang seryosong ekspresyon nito—walang bakas ng pagbibiro, walang pag-aalinlangan."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong na tanong niya, ramdam ang panginginig ng kanyang tinig."Marry me. So I can help you.""Bakit?" tanong niya sa wakas, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. "Bakit mo gustong pakasalan at tulungan ang isang babaeng halos kakikilala mo lang?"Napangisi si Conner, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa kanyang mga mata. “Dahil kailangan ko ng asawa. At nakikita kong nais mong makaganti sa lahat ng pananakit nila sa ‘yo. We can use each other."Napakunot ang noo niya. "Ano? Bakit kailangan mo ng asawa?"Nagpatuloy si Conner sa pagpapaliwanag. "Malapit na ang eleksyon. And a man wi
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot

No... sigaw ng isip ni Aliyah. Hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa harap ng isang tanawing unti-unting wumawasak sa kanyang mundo.Hubad ang dalawang katawan sa ibabaw ng kama-- magkapatong, magkahugpong ang mga katawan. Pawis na pawis ang babae, gumigiling habang nakasakay sa lalaking nakahiga sa ilalim nito. Ang mabibigat nilang ungol ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya, hinihiwa siya nang pira-piraso.Gusto niyang sumugod. Gusto niyang sirain ang lahat ng nasa harap niya. Pero hindi siya makagalaw. Para bang nakapako ang kanyang mga paa sa sahig, habang ang utak niya'y paulit-ulit na nagbabago ng desisyon-- tatakbo ba siya palayo o haharapin ang sakit?Gamit ang nanlalamig na kamay, daha-dahan iyang isinara ang pinto. Nanginginig siya habang humahakbang palayo, ngunit hindi niya pala kayang basta na lamang umalis. Dapat niyang harapin ang mga ito. Dapat niyang makita ang hitsura ng traydor niyang kasintahan habang hinuhubaran niya ito ng