"Ugh..."
Napakislot si Aliyah nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan. May kirot na bumalot sa kanya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Una niyang napansin ang kisame—mamahalin, may intricate na disenyo at may nakasabit na modernong chandelier. Hindi ito pamilyar.
Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na nilibot ng tingin ang buong silid. Maluwang, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang kulay abo at itim na interior, ang minimalist ngunit eleganteng disenyo, at ang amoy ng mamahaling pabango sa hangin—lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng yaman at kapangyarihan.
"Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, sabay haplos sa kanyang sentido.
At noon, biglang bumalik ang mga alaala sa kanya—ang gulo sa kanilang pamilya, ang panlilinlang ni Benedict, ang matinding emosyon na nagpaagos ng kanyang luha. Ang pagtakas niya sa gabing iyon. Ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Ang busina. Ang takot.
Muntik na siyang masagasaan...
Sino ang nagligtas sa kanya?
Bago pa siya makaisip ng sagot, bumukas ang pinto.
Napalingon siya, at sa kanyang harapan ay pumasok ang isang matangkad at makisig na lalaki. Suot nito ang isang fitted na itim na long-sleeves na bahagyang nakabukas sa bandang leeg, ini-expose ang matipunong dibdib. Ang tindig nito ay awtoridad mismo, at ang presensya nito ay parang nagpapabigat sa paligid.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Ikaw?!"
Hindi siya maaaring magkamali.
Ang lalaking ito—ang estrangherong kaharap niya ngayon—ay ang parehong lalaking nag-abot sa kanya ng panyo sa elevator noong gabing nahuli niya si Benedict at Aleli.
Tahimik itong ngumiti, nakapamulsa ang isang kamay habang malamig siyang tinititigan.
"Good. You're awake"
Ang baritono nitong tinig ay dumaloy sa kanyang pandinig, malalim at may bahid ng kumpiyansa.
Sino ba talaga ang lalaking ito? At bakit siya naririto?
Napakurap si Aliyah habang hindi pa rin makapaniwala sa sitwasyon.
"Sino ka?" tanong niya, hindi maitago ang pag-aalinlangan.
Lumapit ito nang bahagya, saka nagpakilala. "Conner Sudalga."
Napaawang ang kanyang labi. Parang pamilyar ang pangalan, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig.
"I was the one who almost ran into you last night," patuloy nito, pinag-aaralan ang kanyang reaksyon."I saw you running down the street—you were out of it, crying. You probably didn’t even notice my car coming. Good thing I hit the brakes just in time."
Napasinghap siya. Totoo ang sinasabi nito—iyon ang huling bagay na naaalala niya bago siya nawalan ng malay.
"When you collapsed on the road, you didn't move. So I brought you here and called a doctor. Fortunately, you didn’t suffer any serious injuries. You were just exhausted, and your blood pressure dropped," anito sa mahinahong tinig.
"Salamat," aniya, bahagyang inilayo ang sarili. Kahit hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magpasalamat, nararapat lang na ipakita niyang hindi siya madaling mahulog sa pakiramdam ng utang na loob.
Umupo si Conner sa gilid ng kama, bahagyang nakayuko habang seryosong nakatingin sa kanya. "Gutom ka na ba?"
Nagugutom nga siya, pero hindi niya alam kung dapat ba niyang aminin iyon.
"Do you want to eat here, or will you come downstairs to join me for breakfast?" tanong nito, walang bahid ng pamimilit.
Muli siyang napatingin sa lalaki. Parang may kung anong nang-aakit sa pananalita nito—isang tahimik na kumpiyansa na hindi niya maintindihan.
Dapat ba siyang bumaba? O mas ligtas bang manatili sa kwartong ito?
Pinili niyang paniwalaan si Conner. Wala naman siyang ibang mapupuntahan, at kung may masama itong balak, sana'y ginawa na nito kagabi—noong wala siyang laban. Ngunit imbes, nagpadala pa ito ng doktor para sa kanya.
"Sige," sagot niya sa wakas. "Bababa ako."
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Conner bago siya inalalayan palabas ng silid. Habang bumababa sila sa grandeng hagdanan, hindi maiwasan ni Aliyah ang mamangha. Mula sa eleganteng chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong bahay, hanggang sa malalawak na espasyo at mamahaling muwebles, halatang hindi basta-basta ang estado ng lalaking ito.
Pagdating sa dining area, saglit siyang natigilan.
Isang mahabang mesa ang bumungad sa kanya, puno ng masasarap na pagkain. May iba't ibang putahe—mga pagkaing mamahalin at halatang hindi lang basta inorder sa labas. May steak, roasted chicken, pasta, iba't ibang klase ng tinapay, at prutas. At sa gitna nito, isang bote ng mamahaling alak.
Ngunit sa kabila ng marangyang hapag, silang dalawa lang ni Conner ang naroon.
"Mukhang sobra yata ang ipinahanda mo," hindi niya mapigilang sabihin.
"No, not really," sagot nito, may bahagyang tawa sa tinig. "I want to make sure you eat properly."
Napalunok siya. Noon lang may nag-alala sa kanya ng ganoon—o baka hindi lang siya sanay na may ibang nag-aalaga sa kanya.
Umupo siya sa isang silya, kaharap si Conner. Tahimik niyang pinagmamasdan ang lalaki habang hinahainan siya nito. Sa kabila ng matigas nitong presensya, may kung anong karisma sa kilos nito—isang tahimik na puwersa na tila kayang bumalot sa isang tao nang hindi namamalayan.
"Kain na," anyaya nito.
Habang unti-unti siyang kumakain, hindi niya maiwasang mapaisip.
Sino nga ba si Conner Sudalga? At bakit parang masyadong perpekto ang timing ng pagkakakilala nila?
Habang tahimik siyang kumakain, napadako ang tingin niya sa isang malaking portrait na nakasabit sa isang banda ng dining area. Napakunot ang noo niya. May tatlong tao sa larawan—si Conner, isang babaeng mas matanda rito, at...
Napapitlag siya, biglang nabitawan ang kubyertos na may kalansing na tunog sa pinggan. Muntik pang matapon ang tubig sa kanyang baso.
Si Benedict.
Mabilis siyang napatayo, halos ikabagsak ng kinauupuan niya.
"Anong ibig sabihin nito?" mahina ngunit mariing tanong niya, nanginginig ang tinig.
Napansin ni Conner ang direksyon ng tingin niya at saka dahan-dahang sumandal sa sandalan ng upuan nito, waring hindi nagulat sa reaksyon niya.
"Ah, so napansin mo na rin pala."
Hindi siya makapagsalita. Muling ibinalik ang tingin sa larawan, sa pamilyar na mukha ni Benedict, at sa babaeng hindi niya kilala. Para bang biglang naging mas maliit ang silid, ang bawat segundo ay bumibigat, at ang katahimikan sa pagitan nila ni Conner ay naging isang malakas na tanong na naghihintay ng sagot.
"Anong koneksyon mo kay Benedict?" halos pabulong na tanong niya, ngunit ramdam ang tensyon sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig.
"He's my nephew."
Saglit siyang natigilan sa sinabi ni Conner. Napakurap siya, pilit iniisip kung tama ba ang narinig niya. Pamangkin? Ibig sabihin... magkadugo sila ni Benedict?
Bago pa siya muling makapag-react, nagsalita na muli si Conner, hindi man lang nag-aksaya ng oras para hayaan siyang makapagtanong.
"I know who you are from the very beginning, Aliyah." Tumigil ito sandali, pinagmasdan siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "I know you were Benedict's first girlfriend before he courted your sister. I also know how he betrayed you."
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Paanong alam ni Conner ang lahat ng ito?
Dahil sa gulat, napakapit siya sa gilid ng mesa. Tumindig ang balahibo niya sa kanyang mga bisig.
"P-Paano mo nalaman?" mahina niyang tanong, naguguluhan sa sitwasyon.
Napangiti si Conner, ngunit hindi iyon ngiti ng isang taong natutuwa—ngiti iyon ng isang taong may hawak na sikreto.
"It's simple. Because there are things you still don't know about him—and even more that you don't know about me."
"Aalis na ako."
Diretsong sabi ni Aliyah habang marahas niyang inilayo ang upuan at tumayo. Pakiramdam niya'y pinaglalaruan siya ng magtiyuhin. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang makialam ni Conner sa buhay niya, at mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit siya narito ngayon, sa bahay ng lalaking halos hindi niya kilala.
Ngunit bago pa siya makagalaw, nagsalita si Conner—isang pangungusap na agad nagpahinto sa kanya.
"Marry me."
"Marry me."Narinig niya ang sinabi ni Conner, ngunit tila hindi agad iyon sumink sa kanyang isipan. Tumigil siya sa paglalakad, ngunit hindi siya agad lumingon.Baka mali lang ang dinig niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkaintindi.Ngunit nang dahan-dahan siyang humarap kay Conner, nakita niya ang seryosong ekspresyon nito—walang bakas ng pagbibiro, walang pag-aalinlangan."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong na tanong niya, ramdam ang panginginig ng kanyang tinig."Marry me. So I can help you.""Bakit?" tanong niya sa wakas, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. "Bakit mo gustong pakasalan at tulungan ang isang babaeng halos kakikilala mo lang?"Napangisi si Conner, ngunit may bahid ng kaseryosohan sa kanyang mga mata. “Dahil kailangan ko ng asawa. At nakikita kong nais mong makaganti sa lahat ng pananakit nila sa ‘yo. We can use each other."Napakunot ang noo niya. "Ano? Bakit kailangan mo ng asawa?"Nagpatuloy si Conner sa pagpapaliwanag. "Malapit na ang eleksyon. And a man wi
Nasa kwarto ulit ni Conner si Aliyah, tahimik na nakaupo sa harap ng salamin habang inaayusan ng mga propesyonal na stylists na ipinadala ni Conner. Ang buong sitwasyon ay parang panaginip—o bangungot. Ilang oras pa lang ang nakalilipas mula nang pumayag siya sa kasunduan nila, at ngayon, naghahanda na siya para sa kanilang civil wedding.Isang eleganteng puting dress ang iniabot sa kanya—hindi masyadong bongga, pero perpekto ang pagkakadisenyo para magpalutang sa kanyang natural na kagandahan. Nang maisuot niya ito, hindi niya maiwasang tingnan ang sarili sa salamin. Parang ibang tao ang nasa harapan niya. Isang babaeng mukhang composed at elegante, pero sa loob, naguguluhan at kinakabahan.Habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang isipin—tama ba ang ginagawa niya?Nang matapos ang lahat, huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid.Sa pagbaba niya sa hagdan, una niyang napansin ang lalaking naghihintay sa ibaba. Si Conner.Suot nito ang isang pu
Natapos ang seremonya. Natapos na rin ang munting piging na inihanda ni Conner.Ngayon, silang dalawa na lang ang natitira.Tahimik ang silid, ngunit hindi ito isang ordinaryong katahimikan. Mainit. Mabigat. Parang isang unos na nagbabadya bago sumabog.Nakaupo si Aliyah sa gilid ng kama, hindi magawang tingnan si Conner habang iniisa-isa nitong kalasin ang butones ng kanyang coat. May kung anong bumabara sa kanyang lalamunan, at kahit anong pilit niyang kontrolin ang sarili, ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga daliri.Ano na ang susunod na mangyayari?Tapos na ang kasal. Tapos na ang reception.Ang natitira na lang... ang honeymoon.Napakagat siya sa labi, pilit pinapatahan ang kumakabog niyang puso. Kailangan ba talaga iyon? Isang kasunduan lang naman ang kasal nila. Dalawang taon. Dalawang taon lang silang magpapanggap. Pagkatapos, puwede na silang maghiwalay at bumalik sa kani-kaniyang buhay—walang emosyon, walang kahit ano.Pero bakit parang hindi ganoon kasimple?"Kanina ka
Bahagyang nakabukas ang pinto ng library, kaya sumilip si Aliyah. Doon niya nakita si Conner, abala sa harap ng kanyang laptop, nakasuot pa rin ng reading glasses.Agad nitong napansin ang presensiya niya."Hi..." bati niya, bahagyang nag-aalangan.Ngumiti ito at marahang tinanggal ang salamin. "Hello. Come in," anyaya nito.Pumasok siya, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Parang may bumabalot na kakaibang awkwardness sa paligid, lalo na matapos ang nangyari kagabi. Mukhang hindi naman ito apektado—tila normal lang ang pakikitungo nito sa kanya.Siya lang ba ang nag-iisip ng kung anu-ano?"Do you need anything?" tanong ni Conner, habang mataman siyang tinititigan.Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Tumikhim siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan."Gusto ko sanang umuwi sa amin..."Kumunot ang noo ni Conner. Nawala ang ngiti sa kanyang labi."Kukunin ko lang ang ibang gamit ko," dagdag niya agad, halatang nagmamadali sa paliwanag. "Nandoo
Maingat na iniempake ni Aliyah ang kaunting gamit niya. Dalawang maleta lang ang napuno—mga damit na dati pa niyang ginagamit, ilang personal na gamit, at ang laptop niya. Hindi siya mahilig sa magagarbong bagay, hindi gaya ni Aleli, na parang hindi na kasya sa wardrobe nito ang mga damit pero patuloy pa ring bumibili. Minsan, pati kalahati ng kwarto niya ay ginagawa nitong extension ng sariling aparador.Napabuntong-hininga siya habang isinara ang huling maleta. Hindi niya inakalang sa pangalawang pagkakataon, kailangan na naman niyang umalis sa bahay na ito, dala ang parehong bigat sa puso.Pagbaba niya, nakita niyang nasa sala ang buong pamilya niya. Si Aleli, nakapulupot ang braso kay Benedict, na halatang umiiwas ng tingin sa kanya. Ang kanyang ama naman ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo, waring walang nangyayari. Ang ina niya lang ang nagpakita ng kahit anong interes."Saan ka tutuloy, anak?" tanong nito, may bahagyang pag-aalala sa tono.Ngumiti siya, pero hindi ito umabot
Habang tinatapos nila ang kanilang dinner, mas lumalim ang titig ni Conner kay Aliyah. Ang ilaw ng kandila sa kanilang mesa ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa kanyang mukha, at para kay Conner, mas lalo lang nitong pinalutang ang kagandahan niya.Isang banayad na musika ang nagsimulang tumugtog sa grand piano ng restaurant—isang klasikong himig na puno ng lambing at pangako. Napangiti si Conner, saka inilahad ang kamay kay Aliyah."Let's dance," malambing na anyaya nito.Nag-atubili si Aliyah, pero nang makita niya ang mapang-akit na ngiti ni Conner, hindi na niya nagawang tumanggi. Marahan niyang inabot ang kamay nito, at sa isang iglap, inakay na siya ni Conner patungo sa dance floor.Ipinasok siya nito sa mainit na yakap, ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Dahan-dahan silang gumalaw sa saliw ng musika, para bang sila lang ang naroon sa gabing iyon."You're breathtaking tonight," bulong ni Conner, titig na
No... sigaw ng isip ni Aliyah. Hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa harap ng isang tanawing unti-unting wumawasak sa kanyang mundo.Hubad ang dalawang katawan sa ibabaw ng kama-- magkapatong, magkahugpong ang mga katawan. Pawis na pawis ang babae, gumigiling habang nakasakay sa lalaking nakahiga sa ilalim nito. Ang mabibigat nilang ungol ay tila matatalim na punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya, hinihiwa siya nang pira-piraso.Gusto niyang sumugod. Gusto niyang sirain ang lahat ng nasa harap niya. Pero hindi siya makagalaw. Para bang nakapako ang kanyang mga paa sa sahig, habang ang utak niya'y paulit-ulit na nagbabago ng desisyon-- tatakbo ba siya palayo o haharapin ang sakit?Gamit ang nanlalamig na kamay, daha-dahan iyang isinara ang pinto. Nanginginig siya habang humahakbang palayo, ngunit hindi niya pala kayang basta na lamang umalis. Dapat niyang harapin ang mga ito. Dapat niyang makita ang hitsura ng traydor niyang kasintahan habang hinuhubaran niya ito ng
"Kailangan mong umuwi ng maaga, Aliyah. Kailangan ka rito sa bahay. Darating sina Cong.!" mariing bilin ng kanyang ina sa kabilang linya, sa tono nito ay hindi nakikiusap kundi nag-uutos.Napabuntong-hininga siya, pinisil ang tulay ng kanyang ilong habang nakapikit.Birthday ng daddy niya. Alam niyang wala siyang lusot ngayong gabi. Kung may pagkakataon lang, pipiliin niyang mag-OT sa trabaho, gumala, o kahit ano lang basta't hindi umuwi nang maaga. Ayaw niyang makasalubong si Aleli-- lalo na ngayon.Pero alam din niyang hindi siya titigilan ng ina hangga't di nasusunod ang gusto nito."Opo, uuwi ako ng maaga," sagot niya sa ina bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.Matamlay niyang iniligpit ang kanyang gamit, pilit na isinasantabi ang bumibigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.Two weeks.Dalawang linggo na simula nang mahuli niya ang ex-boyfriend niya at ang kapatid na si Aleli sa isang sitwasyong hindi na mabubura sa kanyang isipan. Dalawang linggo ng sakit, galit, at pilit na pagpa

"Ugh..."Napakislot si Aliyah nang bahagyang gumalaw ang kanyang katawan. May kirot na bumalot sa kanya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Una niyang napansin ang kisame—mamahalin, may intricate na disenyo at may nakasabit na modernong chandelier. Hindi ito pamilyar.Napabalikwas siya ng bangon, mabilis na nilibot ng tingin ang buong silid. Maluwang, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang kulay abo at itim na interior, ang minimalist ngunit eleganteng disenyo, at ang amoy ng mamahaling pabango sa hangin—lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng yaman at kapangyarihan."Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, sabay haplos sa kanyang sentido.At noon, biglang bumalik ang mga alaala sa kanya—ang gulo sa kanilang pamilya, ang panlilinlang ni Benedict, ang matinding emosyon na nagpaagos ng kanyang luha. Ang pagtakas niya sa gabing iyon. Ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Ang busina. Ang takot.Muntik na siyang masagasaan...Sino ang nagligtas sa kanya?Bago pa siya m