Share

Kabanata 2

Serena’s POV

Nakakatuwa kung paano nakakatulong ang adrenaline na makalimot ng sakit kahit kaunti.

Paglabas ko ng hotel, nagsimula na namang kumirot ang kaliwang tuhod ko. "Well, at least, nakaalis na ako doon," bulong ko.

Naririnig ko pa rin ang kaguluhan sa loob. Tinitingnan ng pamilya ni Bill kung okay lang si Doris. Wow, ang OA ha. Natalisod lang siya — hindi naman siya nawalan ng paa. Samantala ako, pakiramdam ko baka maputol na yung tuhod ko.

Nakatuon ako sa paghinga para mabawasan ang kirot na nararamdaman ko. Dahil distracted ako, nabangga ko ang isang lalaki na kasalubong ko. Halos matumba ako dahil sa impact ng banggaan namin “Oops, sorry.”

Napansin niyang hindi ako makatayo at hinawakan niya ang braso ko para tulungan akong magbalanse. “Oh ingat. Hmm... parang nakita na kita dati. Teka! Ikaw si Serena, asawa ni Bill, tama ba?”

Aba naman talaga, isa pang miyembro ng pamilya na maaaring magalit sa akin. Akala ko pa man din wala nang mas lalala pa sa gabing 'to. "Uh... Oo, ako yun."

Nacurious ako kung sino siya kaya napatingin ako sa mukha niya. Hindi man gaanong binigyan ng panahon ng mga kulubot ang mukha niya, kapansin-pansing mas matanda at medyo mas mature siya kaysa kay Bill.

Medyo matipuno siya at naka-mullet style ang buhok tapos may kaunting facial hair. Gwapo siya pero mas masungit ang istilo kumpara kay Bill.

Iniabot niya ang kanyang kamay. "Ako nga pala si Calvin."

“Calvin? Kayo ang uncle ni Bill, tama ba?"

"Oh please, mas matanda lang ako sa kanya ng ilang taon. Mas itinuturing ko siyang nakababatang kapatid kaysa sa pamangkin."

Malaki ang stake ni Calvin sa kumpanya ni Bill, bilang pangalawa sa pinakamalaking shareholder, pero hindi talaga siya kasali sa pang-araw-araw na bagay. Hindi nakapagtataka na halos wala siya sa mga larawan ng pamilya dahil ginugugol niya ang halos lahat ng kanyang oras sa kanyang sariling negosyo sa ibang bansa.

Hindi nabanggit ni Bill na ang abalang uncle niya mula sa ibang bansa ay pupunta sa dinner. Pero kung tutuusin, halos hindi sinasabi sa akin ni Bill ang anumang bagay.

“Uhm... Hello. Andiyan ka pa ba?" Kinaway ni Calvin ang kamay niya sa harapan ko para mawala ang pagkatulala ko.

Mabilis akong nakabawi at tumalikod. Ayokong makita ng tito ni Bill na nakakaawa ako.

"Serena, okay ka lang?" tanong niya, puno ng pag-aalala ang boses niya.

“Oo, ayos lang ako. Kailangan niyo na rin sigurong puntahan ang pamilya niyo ngayon."

Lumingon ako pabalik, sinusubukan kong ngumiti kahit kakaiyak ko , ang weird siguro tignan. Ayokong may madamay pa sa dramang ito, kaya nagpasya akong lumayo sa kanya.

Huminto ako sa gilid ng kalsada para tumawag ng taxi. Lumalamig na, at nanginginig ako habang naghihintay ng taxi na dumating.

"Serena, wait!"

Hinabol ba ako ni Bill? Siguro may malasakit pa siya sa'kin kahit konti lang.

Lumingon ako sa direksyon ng boses. Pero hindi si Bill, si Calvin ang humahabol sa akin.

Napansin niya akong nanginginig at tinanggal niya ang suit jacket niya, ipinatong sa balikat ko. "Hindi mo naman ako kailangang takbuhan. 'Di ako nangangagat."

Ngumiti lang ako at nanatiling tahimik saglit, nakakapagtaka kasi kung bakit di siya masungit sa akin gaya ng iba nilang kapamilya.

"Pwede kitang ihatid pauwi kung gusto mo," alok niya.

Nang may pagmamakaawa, tumugon ako, "Sige please."

Hinatid ako ni Calvin sa bahay, at na-appreciate ko na naiintindihan niya na wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Kung si Bill ang nasa ganitong sitwasyon, malamang na aawayin niya pa ako dahil sa pananahimik ko.

"Alam mo? Bakit 'di na lang tayo magpatugtog? " suhestyon ni Calvin, ramdam niya siguro ang mood ko.

"Sure," mahinang sabi ko. Nagpatugtog si Calvin ng ilang nakapapawing pagod na classical music, at tahimik lang kami sa natitirang bahagi ng paglalakbay. Pasimple akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakasabit ang jacket niya sa balikat ko, nakaramdam ako ng pagkaantig sa pagiging considerate niya.

*********************

"Sir Calvin, good to see you," sabi ng isa sa aming mga kasambahay habang inihahatid niya ako sa aming bahay.

"Anne, ang ganda mo pa rin!" sagot ni Calvin. Syempre, kilala niya si Anne. Matagal na niyang kasama ang pamilya ni Bill.

"Pwede bang makahingi ng favor? Pakikuha naman ng ice pack, bandage, at ilang Ibuprofen? Sa tingin ko mukhang na-sprain ang tuhod ni Madame Serena," hiling niya.

"Sprain? Akala ko may fracture na ang tuhod ko," nagulat kong sabi. Okay, paano nalaman ito ni Calvin?

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko, at nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon. Parang may bahagyang kuryenteng dumaan sa akin. "Relax, 'di ako doctor or whatever, pero kung nabalian talaga ang tuhod mo, hindi ka makakaalis ng ganoon kabilis. Actually, mahihirapan ka sigurong tumayo ngayon," pagsisigurado niya.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko, lalo na't uncle siya ng asawa ko, pero may kakaiba sa kanyang haplos na nakakapagpakalma. Sa kabila ng pagiging di namin magkakilala ni Calvin, kakaiba at nakakaaliw ang pakiramdam na mas binibigyan niya ng pansin ang kapakanan ko kaysa kay Bill.

Hay, ano ba tong iniisip ko?

"Oh, sa bagay," mabilis kong sabi. Pagkatapos, naalala ko ang mantsa ng iced tea sa aking damit. "Excuse me, kailangan kong magbihis."

Pagkatapos maligo at magpalit ng komportableng damit, tinulungan ako ni Anne na balutin ang kaliwang tuhod ko. Lumabas ako ng kwarto ko, nakakaramdam ako ng ginhawa.

Habang papunta ako sa kusina, naamoy ko ng mabangong aroma. Naka-apron si Calvin, abala sa pagluluto. “Hoy, anong ginagawa mo?”

“Hindi ba halata? Nagugutom ako, kaya nagluluto ako," sagot niya.

Crap. Medyo na-guilty ako na na-miss niya ang family dinner dahil sa'kin. "Ano ang nasa menu kung gayon?"

“Simple lang naman. Instant ramen at grilled chees. Anyway, sabayan mo na ako kung okay lang sa'yo," nakangiti niyang sabi.

"Ah, salamat sa pag-aalok. Pero okay lang ako." Kumalam ang tiyan ko pagkasabi ko nun. Narinig siguro ito ni Calvin dahil sabi niya, “Sige na, I insist.”

Tumango ako, medyo nahihiya.

Kumikilos si Calvin na parang hindi niya napapansin na nahihiya ako. "Umupo ka muna at itaas mo yung tuhod mo. Malapit na akong matapos magluto."

Umupo ako sa dining room, itinaas ko ang mga paa ko sa isa pang upuan habang hinihintay ko si Calvin. Maya-maya ay lumabas siya ng kusina na may dalang tray at may hawak na dalawang bowl ng ramen at isang plato ng grilled cheese sandwich.

"Mukhang masarap ah," sabi ko habang nilalapag ni Calvin ang pagkain sa mesa.

"Salamat. Ito lang kaya kong gawin eh," sagot niya.

Tahimik kaming kumakain, at inenjoy ang pagkain. "Alam mo, naalala ko tuloy yung college days ko," komento ko, sinusubukang simulan ang usapan.

"Magandang alaala aba yun o hindi?" tanong ni Calvin.

"Maganda," sagot ko sabay ngiti sa kanya. "grilled cheese at ramen ang ilan sa mga go-to comfort food ko kapag may hectic na mga linggo ako noon"

"I see... So, mind reader siguro ako," sabi ni Calvin na nakangiti. Naramdaman yata niya na mahirap ang araw ko. "Kamusta ang tuhod mo?"

“Mas maganda ang pakiramdam ngayon. Kailangan ko bang magpatingin sa doktor?"

"Well, sprain lang naman. Magiging okay din yan after a couple of days. Pero kung hindi bumuti, yeah, magpacheck up ka sa doktor," advice ni Calvin. "Pagkatapos kumain, uminom ka ng Ibuprofen."

"Okay," sabi ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ito ang unang pagkakataon na naging mabait sa akin ang isa sa mga miyembro ng pamilya ni Bill. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting saya.

Sumunod ako sa payo ni Calvin. Uminom ako ng Ibuprofen sa sandaling matapos akong kumain. Habang nililinis ni Calvin ang mesa, pumasok si Bill sa dining room.

"Uncle Calvin... Kailan ka pa bumalik?" Tanong ni Bill na medyo nagulat nang makita siya dito. "Akala ko sasama ka sa'min sa family dinner ngayong gabi."

Ako ang sumagot sa ngalan ni Calvin at nagsabing, "Naku, nakita ko siya sa hotel. Inalok niya akong ihatid pauwi dahil nahihirapan akong maglakad."

Tahimik na nakatingin sa akin si Bill, sinusubukang alamin kung nagsisinungaling ako o hindi. Kumunot ang noo niya, mukhang naiinis. Ibinaling niya muli ang atensyon kay Calvin, "Anyway, gusto kang makita ni Mom."

Napatingin si Calvin kay Bill na parang gustong magsalita. Sa halip, tumango lang siya at tahimik na umalis.

"Serena," sabi ni Bill. "Anong nangyari sa tuhod mo?"

Wow, nag-aalala ba siya sa akin? Bihira lang yan. Kadalasan ay mas pinapahalagahan niya ang kanyang trabaho, pamilya, supercar, at si Doris kaysa sa akin.

Baka kung alam niyang may baby na ako, bumalik siya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status