Share

Kabanata 7

Serena’s POV

Tatlong araw pagkatapos makipag-usap kay Attorney Marquez, nagbeep ang phone ko dahil sa isang email habang nagtitimpla ako ng kape. Nakita ko ang pangalan niya at dahan-dahan kong binuksan.

"Divorce Proceedings: Initial Documents," nabasa ko. "Mukhang malalaman ni Bill sa wakas na seryoso akong tapusin ang aming kasal."

Kinuha ko ang bagong printed na divorce paper. Walang pagdadalawang isip, tumawag ako ng taksi, medyo nanginginig ang mga kamay ko habang ni-lock ko ang pinto sa likod ko. Umupo ako ng maayos sa backseat, hawak-hawak ang mga papel, tuon ang tingin ko sa dumaraan na cityscape, tahimik na nag-eensayo ng sasabihin ko kay Bill.

Pagpasok ko sa office building ni Bill, tinamaan agad ako ng luho ng lobby. Ang sahig ay pinakintab na marmol, at mayroong malambot na ilaw mula sa mga modernong kabit sa itaas. May engrandeng reception desk na gawa sa dark wood at glass, na may maayos na suot na staff sa likod nito.

Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong huli akong tumuntong dito. At muli, hindi kailanman nagustuhan ni Bill ang pagpunta ko.

Natuon ang atensyon ko sa isang matandang mag-asawang patungo sa labasan. Nakangiti sila habang nag-uusap. Hindi ko maiwasang marinig ang usapan nila.

"Kahanga-hanga ang presentation ni Bill," sabi ng babae, kumikinang ang kanyang mga mata. "Maganda ang pinakita nilang figures at nakakabilib ang mga plano."

"Oo at alam na alam din nung babaeng kasama niya ang proposal. Impressive at maganda pa," wika ng lalaki.

"Tingin ko siya yung asawa ni Bill. Isa silang magandang tandem. Gaya natin nung mga bata pa tayo," nakangiting sabi ng babae.

Asawa? Nalilito ako. Paanong kasama ni Bill ang asawa niya sa meeting kung nandito ako? Teka, ibang babae ba ang pinag-uusapan nila? May hindi tama. Kailangan kong hanapin si Bill at alamin ito.

Naglalakad ako papunta sa receptionist. Hindi ko siya kilala mukhang bago lang. Mukha siyang walang interes at medyo masungit habang papalapit ako.

"Excuse me. Nandito ba si Bill Richardson?" Nagtanong ako.

Naningkit ang mga mata ng receptionist habang papalapit ako. Tumaas ang kilay niya kaya hindi ako mapakali. "May appointment ka ba sa kanya?" tanong niya, matinis ang boses niya.

"Wala, asawa niya ako," sagot ko. Pakiramdam ko ay nagsalubong ang mga kilay ko sa inis, at may paninikip sa aking panga habang nagsasalita. Ang saloobin ng receptionist ay nagpainit ng dugo ko nang higit pa kaysa sa gusto kong aminin.

Pinutol ko ang receptionist bago pa siya makapagbigay ng nakakalokong komento, mabilis na lumingon sa opisina ni Bill.

"Teka lang!" sigaw niya, nagulat sa biglaang paggalaw ko.

Hindi ko siya pinapansin, binilisan ko ang takbo ko, buti at maayos na ang na-sprain kong tuhod ngayon. Umaalingawngaw sa likuran ko ang tunog ng pagtawag niya ng security, ngunit nakatutok ako sa pagpunta sa opisina ni Bill nang mabilis hangga't kaya ko, hindi hinahayaan ang sinuman na pigilan ako.

Habang nagmamadali akong palayo sa mga security guard, nakita ako ni Sarah, ang assistant ni Bill. Palagi siyang mabait. "Mrs. Richardson, anong problema?" tinanong niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang sinusubukang alamin kung bakit ako nagmamadali.

"Nasaan si Bill? Kailangan ko siyang makausap.” Napabuntong hininga ako habang sinasagot.

Bago pa ako makapagsalita kay Sarah, napansin niya ang dalawang security guard na humahabol sa akin. Nanlaki ang mata niya sa gulat. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" bulalas niya, inilagay ang kanyang kamay sa kanyang balakang sa magkahalong galit at hindi paniniwala. "Ito ang asawa ng boss natin. Gusto mo bang matanggal sa trabaho?"

Mukha silang napahiya at ang isa ay mabilis na humingi ng tawad, "Sorry, Mrs. Richardson, hindi namin alam." Tumango lang ang iba.

Hindi natitinag ang mahigpit na titig ni Sarah habang kinakausap ang mga guwardiya. "Umalis kayo rito bago ko pa sabihin kay Mr. Richardson ang ginawa ninyo," babala niya sa kanila. Ang mga security guard, na ngayon ay mukhang mas nahihiya, mabilis na tumalikod at umalis.

Pagkaalis ng mga guard, lumingon sa akin si Sarah, lumambot ang ekspresyon niya. "Sorry about that po ma'am," sabi niya, mukhang tunay na humihingi ng tawad. "Anyway, nasa conference room ang asawa ninyo."

"Salamat, Sarah," mabilis kong sabi, pagkatapos ay dumiretso sa conference room. Huminga ako ng malalim at narinig kong nagsalita si Doris.

Paggunita sa pag-uusap ng matandang mag-asawa kanina, narealize ko - napagkamalan nilang asawa ni Bill si Doris. Halo-halong emosyon ang namumuo sa loob ko, at nang hindi ko namamalayan, kinuyom ko ang mga papel sa aking kamay, dahilan upang bahagyang malukot ang mga ito.

Walang katok katok, humakbang ako papunta sa conference room. Nakita ko si Doris na huminto sa kanyang presentasyon sa kalagitnaan ng pangungusap, ang kanyang mga mata ay dumapo sa akin na may pagtataka. "Serena? Anong ginagawa mo dito?" tinanong niya.

Mabilis kong napagtanto na ang pulong ay isinasagawa pa rin. Ang mga mata ng lahat ay napalingon sa akin, nagtataka kung sino ako.

Umikot si Bill sa kanyang upuan, namutla ang kanyang ekspresyon nang mapansin niya ako. Nanatili ang tingin ko sa kanya, napalitan ng atensyon ng kwarto. "Ako, uh, kailangan kong makausap si Bill," sabi ko. "Tungkol ito sa isang urgent na bagay."

Lumingon-lingon si Doris sa kwarto at bumalik sa akin. "We're kinda in the middle of something important here," sabi niya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at sinabing, "Hello everyone, I'm Serena, Bill's wife." Nagkagulo pagkatapos kong sabihin iyon. May narinig akong bumulong, “Asawa yan ni Bill? Akala ko si Doris."

"Tama ang narinig niyo. Ako ang asawa ni Bill, hindi si Doris," announce ko, sinusubukang i-clear ang kalituhan. Lumingon ako kay Bill, umaasang may sasabihin siya, pero nakaupo lang siya doon, mukhang namumula sa galit.

"Bill, bakit ang tahimik mo? Parang mas gusto mong si Doris ang maging asawa mo, hindi ako," sabi ko.

Biglang tumayo si Bill at hinawakan ang braso ko, nakasandal para bumulong, "Wag dito, Serena. Wag mo akong ipahiya sa harap ng lahat."

Sinubukan niya akong hilahin palabas, pero mabilis kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Sa pagkakataong iyon, hindi ko napansin na pumasok si Sarah na may dalang kape. Dahil sa biglaang paggalaw ko ay nabangga ko siya, at natapon ang kape sa buong katawan ko.

Ramdam ko ang init ng natapong kape na tumatagos sa aking sando, ngunit ang pagkabigla ang higit na nakakapanghina.

Napasigaw si Doris sa gulat, "Oh my gosh! Ayos ka lang?"

Nagmamadali siyang lumapit sa akin at naglabas ng tissue sa kanyang pitaka, sinusubukang punasan ang mga mantsa ng kape, ngunit hindi ito madaling matanggal.

Napagtanto na hindi ito nakakatulong, nagmumungkahi si Doris, "Alam mo, punta tayo sa break room para makapaglinis ka ng maayos." Pagkatapos ay sinabi niya sa iba, "Magpahinga muna tayo, lahat."

Sinundan ko si Doris sa break room, at habang ginagawa ko, bumabalik ang mga alaala mula sa isang nakaraang kaganapan sa hapunan. Napapaisip ako na sa tuwing napapahiya ako, parang si Doris ang nasa gitna nito.

Grabe, sawang-sawa na ako sa kalokohan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status