Share

Kabanata 3

Serena’s POV

Akala ko ay talagang nagmamalasakit si Bill sa tuhod ko, pero hindi, bumalik siya sa pagiging isang ganap na dickhead.

"Nadapa ako sa labas ng hotel tapos—," panimula ko.

“Alam mo, hindi na mahalaga. Magsorry ka na lang kina Mom at Doris," sabi niya, hindi man lang ako pinatapos.

Ito nanaman siya, di man lang ako pinapatapos magsalita at ginawa lang background noise. Sobrang katawa-tawa. Bakit pa ako nagtitiis na tratuhin niya ako na parang kalokohan?

Nang malapit ko nang sabihin kay Bill na magiging tatay na siya, pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko kayang makita ng anak namin na palagi kaming nag-aaway ng ganito. Hindi ganito ang mga healthy na relasyon. Sa totoo lang, nagsisimula na akong mag-isip na baka mas mabuting palakihin ko ang anak namin nang mag-isa.

Ibinaba ko ang aking ulo at bumulong, "Gusto ko ng divorce."

Nailabas ko na — wala nang bawian. Pero, kakaiba ang pakiramdam, gumaan ang dibdib ko, parang ang tagal kong nagpipigil ng hininga at sa wakas ay nailabas ko na rin.

Tapos, dead silence lang ang kasagutan. Hindi umimik si Bill na parang sinusubukan niyang iproseso ang sinabi ko. Sa wakas, sumigaw siya, "Ano? Seryoso ka ba" na may tono ng lubos na pagkagulat.

Tumingin ako ng diretso kay Bill. Nakakunot ang mga kilay niya. "Narinig mo naman 'di ba," sabi ko, mas malinaw sa oras na ito. “Gusto ko ng divorce,” sinisigurado kong diinan ang bawat salita, para hindi siya magkamali ng rinig sa sinasabi ko.

Ibinigay ko ang lahat sa relasyong ito. Sa totoo lang, ibinaba ko pa ang pride ko nang sobra sobra para tiisin ang pamilya ni Bill. Pero aminin natin, mukhang hindi na ito maaayos ngayon. Isa pa, nakatutok ang atensyon ni Bill sa ibang tao. Nilinaw niya iyon sa family dinner ngayong gabi.

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bill. Parang sasabog na siya pero pinipigilan niya. "Tigilan mo na ang pagsasabi ng kalokohan ha."

“Wala ng debate dito, Bill. Suko na ako,” tugon ko, at ngayon ay nakakulong kami sa isang staring contest. Tumanggi akong ma-intimidate.

"Para kang bata, Serena," sabi ni Bill, nawalan na siya ng pasensya. Classic Bill, palaging iniisip na ako ang immature sa mga away natin. You see, palagi niyang ginagampanan ang “Mr. CEO” card, parang siya ang laging tama. Walang sense na mangatuwiran sa kanya. Nakakafrustrate lang.

Pero hindi tulad ng dati, hindi ko na lang siya hahayaang manalo sa pagkakataong ito. "Sa tingin ko sapat na ang tatlong taon, Bill..."

Heto na — lahat ng kalokohan na tiniis ko mula kay Bill at sa kanyang pamilya. Oras na para sabihin ko sa kanya kung gaano ako minamaliit ng pamilya niya na parang tinuturing lang akong dating assistant niya lang ako na naghahabol ng pera niya. At si Bill, na hindi na nagbibigay ng oras sa akin, at nakikipaglandian pa kay Doris sa harap ko mismo...

Habang inihahanda ko ang mga sasabihin ko sa aking isipan, tumunog ang telepono ni Bill. Diyos ko naman, ano nanamang meron sa oras na ito?

Sinagot ni Bill, pero nakatingin pa rin siya sa akin. “Mom?” sagot niya.

Syempre inuuna na naman niya ang iba bago ako. Habang may kausap si Bill, nakalimutan ko na ang rant na pinaplano ko ilang minuto lang ang nakalipas.

"Sige, Mom. Bye," sabi ni Bill, at ibinaba niya ang tawag. Masama ang tingin ko sakanya, nag-aapoy sa galit. Alam na alam ko ang taktika niya. Hindi niya ako hahayaang tapusin ang sasabihin ko.

"Kailangan kong asikasuhin ang proposal para sa Johnson and Haines Inc. bukas," paliwanag ni Bill. "Tiningnan ni Mom at sinabing hindi pa daw yun okay."

Kahit na marami pa akong gusto kong sabihin, narinig ko sa family dinner na ang deal na ito sa Johnson at Haines Inc. ay nagkakahalaga ng milyun-milyon. Hindi ko kayang guluhin ang ulo ni Bill ngayon. Galit pa rin ako sa kanya pero ayokong magmukha siyang masama sa harap ng mga investors niya. "Well then, ayusin mo yung proposal," sabi ko. "Maghihintay ako dito."

Nag-cross arms si Bill, mukhang pinag-iisipan niya ang susunod kong gagawin. Parang chess match ang bawat pakikipag-usap niya, at siya ang laging kailangang manalo.

"Tingin ko wala na tayong kailangan pag-usapan ," sabi niya habang istrikto ang titig. "Look, mag-sorry ka na lang sa kanila tapos makakamove-on na tayo. At kalimutan natin na binanggit mo yang...divorce."

Sa pagkakasabiniya ng ‘divorce’, parang kinukutya niya yung idea. Hindi niya ako sineseryoso.

"G*go ka, alam mo yun?" ungol ko, nanginginig ang boses ko sa galit. Nangingilid ang luha sa mata ko.

"Oo, narinig ko na 'yan dati," sabi ni Bill, na binabalewala lang ako. "Let's just call it a night. Pagod lang tayong dalawa."

Pinag-aaralan ni Bill ang mukha ko habang tahimik ako. Iniiwasan kong tumulo ang mga luha ko sa harapan niya; na magpapalaki lamang sa kanyang ego. Tuluyan na siyang umalis at pumunta sa kwarto namin.

Hiningi ko kay Anne ang susi ng isa sa mga guest room namin. Hindi ako tatabi sa kanya ngayong gabi. Hindi maaayos ng sex ang kasal na ito.

Inihiga ko ang aking ulo sa unan at iniisip kung gaano ako nagsakripisyo para maayos ang mga bagay-bagay kasama si Bill. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. Pero may limitasyon lang din ang kaya kong tiisin.

Palagi naming hinihikayat ang isa't isa na gawin ang best namin. Gustung-gusto ko kung gaano siya kahanga-hanga sa trabaho, at at ganun din siya sa akin. Pero nagbago ang mga bagay pagkatapos naming ikasal. Hinayaan ko siyang kontrolin ang buhay ko. Baka iyon ang pagkakamali ko.

Sabi niya noon, "Hindi mo na kailangang magtrabaho. Ako na ang bahala sa'yo." At ginawa niya — tiniyak niyang nasa akin ang lahat ng magagarang bagay na mabibili ng pera niya. Pero pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay pansin, medyo kuripot siya.

Tama si Bill...Pagod na ako. Hindi ko na siya kayang hayaan lang na ibigay sa'kin ang bare minimum. Actually, noon ko pa naisipang hiwalayan siya. Pero para sa kanya, parang isang malaking biro ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status