Share

Discreet Nights
Discreet Nights
Author: aeonia

Prologue

I was quiet as a predator aiming for a prey. Maingat ang aking mga hakbang habang sinisiguro ko na walang ibang nakakakita sa akin.

Habang tumatagal ay padilim nang padilim ang hallway na aking tinatahak, ngunit hindi ko magawang huminto. Hindi ako dapat na huminto. Kailangan kong sundan ang lalaki.

He was heading to the basement.

I was holding my breath while tying the mask tightly behind my head. I didn't have a hard time entering this masquerade party, pero mukhang mahihirapan akong makalabas dito ngayon.

If I would follow the man to the basement, I might get into a trap.

Or maybe I was already in one?

Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi biro ang seguridad sa lugar na ito. I was lucky that my backers did what they had to do to get me in here peacefully. However, I didn't enter the party as an alluring lady in a hot long gown.

Nandito ako bilang isang taga-silbi.

This was a party of elites. Lahat ng nandito ngayon ay may malalaking pangalan hindi lang sa loob kundi pati na rin sa labas ng bansa at hindi sila basta-bastang kalaban. I couldn't enter this party with a fake identity dahil lahat ng imbitado rito ay kilala ang bawat isa o ʼdi kaya naman ay pamilyar na sa isaʼt isa.

I couldn't just appear here and introduce myself as a billionaire. Malalaman at malalaman nila ang sinusubukan kong itago. They tend to care when it comes to people as high as them, but to a server like me?

Why would they, anyway?

Nakatulong sa aking pagpapanggap ang itim na telang nakatakip sa kalahati ng aking mukha. Lahat ng taga-silbing nandito ngayon ay pare-parehas lang ng suot. White long sleeves at tight black skirt na pinatungan ng kulay itim din na apron. Pagdating naman sa mata ay binilinan kaming huwag na huwag titingin nang diretso sa mga mata ng aming mga pagsisilbihan bago kami pumasok dito.

As an assassin, I didn't have a distinct direction in my life. Dalawa lang naman ang inakala kong puwede kahantungan ng buhay kong ito; ang matapos ko ang bawat misyon na ibinibigay sa akin o ang mga ito mismo ang tatapos sa akin. Ang mga plano ko lang naman para sa mga misyon ko ang nasusunod, hindi ang mga naging plano ko sa buhay.

Anything in my life could change in just a snap, the reason why I stopped planning. Pero sandali lang ʼyon. I started planning again when I had them, when they came into my life.

A mission makes me dig up my own grave, and I finish it just to flatten the soil back.

Hindi pa man napapalalim ang hukay na ginagawa ko sa ngayon ay ramdam ko na ang panganib.

I was given three months to kill the head of the leading security company in the continent. It was only a week since I was given his name and some basic informations like his age and net worth.

He was only thirty and a damn billionaire. However, I wasn't shocked about it. Ano ba dapat ang i-expect ko? He's the head of Sleverions— the biggest security company around the globe. He also owns multiple leading companies.

I was tasked to kill him. It was an order from our Supreme. Sa tinagal-tagal na ng pagtatrabaho ko sa ilalim niya, ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang kaniyang hitsura.

No one was allowed to see him aside from his righthand in our group na hindi ko rin madalas masilayan. The Supreme knows every single detail about his pawns. Kilalang-kilala niya kami, ngunit kilala lang namin siya sa tawag na 'Supreme' o 'Supremo'.

I was already few steps away to the basement. Nakapagtatakang wala manlang nakabantay sa bungad pa lang, kahit nga sa pinto na ilang metro na lang ang layo mula sa akin.

Alam kong nasa kabilang parte lang ng pinto na 'yon ang lalaking hinahanap ko.

It made me feel nervous and thrilled at the same time. Did the head of Sleverions became careless this time?

That was... impossible.

Kinutuban ako bigla. I might be approaching a trap, kaya sa huli ay nagdesisyonan akong bumalik muna sa taas. Mahaba pa ang natitirang oras ko para sa misyon na ito at hindi ko kailangang magmadali. Hindi ko naman na trabaho kung ano man ang meron sa basement na 'to. Imposible naman na hindi rin lalabas ang lalaki.

Being trapped in a basement was the last thing I would like to happen to me when it comes to doing my missions.

Ngunit ilang hakbang palayo pa lang ang nagagawa ko nang bumungad sa akin ang isang grupo ng mga lalaki. They were all wearing suits and their eyes were immediately fixed on me the moment they saw me.

Napigilan ko ang pagsinghap ko dahil sa gulat mula sa bigla nilang pagsulpot. Tumigil na lang ako sa paglalakad at bahagyang yumuko.

Hindi ko na kailangang titigan sila isa-isa upang malaman na tauhan sila ng lalaking sinusundan ko kanina.

The speed of their pace remained the same. Nanatili silang kalmado habang sabay-sabay na humahakbang papalapit sa kinatatayuan ko. Umiikot sa buong hallway ang tunog ng kanilang mga hakbang. They all stopped walking a meter away in front of me.

“A server.”

“What are you doing here?”

Although the voices were calm, the words were spoken with danger and authority. Para bang bubuka pa lang ang bibig ko upang sumagot ay alam na agad nilang magsisinungaling ako.

Agad na gumana ang utak ko upang mag-isip ng maaaring epektibong palusot. “My apologies. I was looking for Mr. Davion for I am assigned to serve him tonight,” I managed to answer calmly like a truth.

Hindi ko man itaas ang paningin ko ay ramdam ko ang pagtitinginan ng tatlong lalaki.

“Señor asked for a servant?”

Fuck.

Hindi ba?

“I did.”

A deep cold voice suddenly made me frozen on my spot. Patago akong lumunok nang maramdaman ang pagtahimik ng paligid. Agad na naghuramentado ang puso ko nang makita kung paano yumuko bilang paggalang ang tatlong lalaki sa lalaking nagsalita mula sa likod ko.

Hindi ko na napigilang lumingon. My lips parted from each other when my eyes immediately met his familiar grey eyes.

Ilang beses akong napamura sa isip ko nang tumalim ang paraan ng pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko manlang magawang lumingon palayo.

My hands started shaking from my sides, causing me to hide them behind me. My knees suddenly felt like melting candles.

Tangina.

Siya?!

Itong lalaking 'to ang kailangan kong patayin?!

Hindi ko na naisip ang halatadong pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa lalim at bilis ng aking paghinga. Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan kami magkikita ulit pagkatapos ng ilang taon.

“Leon,”

“I am listening, Señor.”

“Cancel all my appointments outside the country for a month. I will be staying here for a while.”

Akala ko ay magiging madali ang misyon na ito para sa akin pero wala pa mang isang buwan ay gusto ko na umatras at kalimutang pinasok ko ang trabahong 'to sa loob ng buong buhay ko.

Bakit ngayon ko lang nalaman?!

Bakit ngayon ko pa siya nakita?!

Bakit siya pa?!

“Consider it done, Señor.”

He is Ruan Alanis Davion.

The man whom I was assigned to kill.

The father of my children.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status