“Tell me what happened, Sever.” “Mula saan?” I shifted on my seat to face him. “Mula noong umalis kami.” “Wala namang masiyadong nangyari.” Umirap ako. “Pati ba naman ikaw, magsisinungaling sa akin?” Kumamot sa ulo si Sever. “Damn. Wala kang sasabihin kay Ruan, ha? Wala kang isusumbong na ako ang nagsabi sa 'yo.” My assumption was right. Sinabihan nga ni Ruan ang lalaki na huwag magsasabi sa akin. Siguro ay gano'n din ang ginawa niya kina Haiver at Ervo kaya ayaw nilang sabihin sa akin ang totoong nangyari. “Ayaw niyang malaman mo hindi dahil sa wala kang karapatan. Ayaw niyang malaman mo kasi ayaw ka niyang mag-alala pa dahil tapos na.” May nangyari talaga na dapat kong malaman. “Ano nga ang nangyari?” I asked impatiently. Nababahala ako dahil baka mamaya ay bumaba na si Ruan dahil pinapatulog lang naman niya yung kambal sa kuwarto. “Noong umalis ka dala ang mga anak niyo, alam mo bang hindi namin siya nakausap nang isang linggo? He became too focused on his plan of
Dumating ang araw ng aming pag-alis pabalik sa Pilipinas. Naimpake na ang lahat ng aming gamit at handa na kaming lumipad. Bumalik na si Ervo sa Espanya dahil kinailangan. Bago 'yon ay ilang beses namin siyang pinasalamatan dahil sa pagpapatuloy niya sa amin dito. Si Haiver at Sever naman ay kasama naming uuwi sa Pilipinas. I was pushing the stroller where Hera was lying down and sleeping. Si Nanay naman ay abala pa rin sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga naimpake namin kahit ilang beses na namin 'yon nasigurado na kumpleto 'yon kahapon pa. Kasalukuyan naming hinihintay ang van kung saan kami sasakay patungo sa airport. Helicopter sana upang mas mabilis ngunit naisip namin na hindi kakayanin ng mga bata. Ruin raised his arms to ask his father to carry him. “Where are we going, Daddy?” he wondered. Si Aero naman ay napakapit sa damit ko habang nakatayo sa gilid ko. Ruan gave them a gentle smile. “To our home, my son. We're going to our home.” Hindi ko alam ngunit tila pum
We decided to throw a small celebration after Hera turned one month old. Naging daan na rin 'yon upang makauwi ang mga kaibigan ni Ruan na sina Altro, Haiver, Alshiro, Caiusent, at Ervo. Rye was also invited by Ruan, ngunit binalita ng lalaki na hindi siya sigurado kung makakadalo ba siya.Despite that, he didn't fail to greet our daughter. He even sent her a gift. “Hoy! Nasaan ka na? 'Yang cake na lang ang kulang,” reklamo ko kay Sever dahil siya na lang ang wala. Handa na ang lahat ng mga pagkain at puro mga ulam 'yon dahil lunchtime ang party. Gumawa rin ako ng dessert pero siyempre, hindi kumpleto ang celebration kapag walang cake. Nagpa-order ako kay Sever na aabutin pa yata ng isang buwan bago makarating.Si Nanay ay abala sa pag-aayos ng mga handa sa mahabang lamesa na kaka-set up lang din namin. Nandoon na ang lahat at dahil segurista ang nanay ko, siyempre uulit-ulitin niya 'yon tignan. Sina Ruin at Aero naman ay tuwang-tuwa dahil kalaro nila ang limang kaibigan ni Ruan. A
“Nasa baba na si Asteon, anak.” It was my mother who informed me. Pinapatulog ko sina Ruin at Aero nang pumasok siya sa kuwarto ko upang ibalita ang pagdating ng kapatid ko. Tulog na si Hera ngunit ang dalawa ay dilat na dilat pa ang mga mata. “Nakausap ko ang kapatid mo. Grabe, parang kailan lang. Ang bilis niyong tumanda.” My mother gave me a gentle smile. “Ako na ang bahala sa dalawa. Bumaba ka na ro'n, anak. Hinihintay ka nila.” Tumango ako at niyakap si Nanay. “Salamat po, 'Nay.” Buti na lang at hindi umalma ang dalawa kaya naging madali ang pag-alis ko sa tabi nila. Pagbaba ko, naabutan ko si Ruan na kausap si Asteon. They looked serious. Dinahan-dahan ko pa ang paglabas ko sa elevator upang hindi nila ako agad mapansin, ngunit agad lumingon sa akin si Ruan. Marahan akong ngumiti sa dalawa habang papalapit. Asteon looked at me with hesitation, worry, and fear in his eyes na ikinanabahala ko. “Ate—” I cut him off with a tight hug. “Bakit kung makatingin ka sa akin para n
Ano ang nagtutulak sa 'yo upang patuloy na mabuhay?Five years ago, I used to call myself a slave of money. Hindi ko itatanggi. Pinasok ko ang trabahong dahilan upang mamulat ako sa madilim na reyalidad ng mundo sa kadahilanang kailangan ko ng pera.I needed money for my mother's medication and to sustain my daily needs to be able to continue living because I had no father to do so for us.“Sister! Zalaria, congratulations on your wedding! I'm sorry I wasn't able to come.” “No worries, Astean. Ang importante, nagpakita ka na sa akin.” At first, I was scared to enter the world of Derrivy. Entering the job means digging your own grave. Makakaya ko ba? It was scary. I could die anytime during a mission. Isang pagkakamali lang at lilisanin ko ang mundong 'to nang walang paalam sa kahit sino. It was like selling my life and soul for a huge amount of money. However, I saw it as my only hope. Hindi sapat ang kinikita ko noon bilang isang trainer at lumala na ang sakit ng nanay ko. So I
I was quiet as a predator aiming for a prey. Maingat ang aking mga hakbang habang sinisiguro ko na walang ibang nakakakita sa akin. Habang tumatagal ay padilim nang padilim ang hallway na aking tinatahak, ngunit hindi ko magawang huminto. Hindi ako dapat na huminto. Kailangan kong sundan ang lalaki. He was heading to the basement. I was holding my breath while tying the mask tightly behind my head. I didn't have a hard time entering this masquerade party, pero mukhang mahihirapan akong makalabas dito ngayon. If I would follow the man to the basement, I might get into a trap. Or maybe I was already in one? Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi biro ang seguridad sa lugar na ito. I was lucky that my backers did what they had to do to get me in here peacefully. However, I didn't enter the party as an alluring lady in a hot long gown. Nandito ako bilang isang taga-silbi. This was a party of elites. Lahat ng nandito ngayon ay may malalaking pangalan hindi lang sa loob kundi p
An unknown number was calling me. Noong una ay wala akong balak sagutin ito. Malay ko ba kung scammer ito na maniningil ng utang na hindi ko naman inutang, o 'di kaya naman ay death threats mula sa mga kaaway ko. Ngunit matapos ang ilang segundo, kusang gumalaw ang aking daliri upang sagutin ito. “Sino 'to?” bungad ko sa kabilang linya. “Zalaria, it's me.” Napangiwi ako kasabay ng paglaylay ng aking mga balikat matapos marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko na pala dapat sinagot ang tawag. “Why did you call?” diretsong tanong ko sa pakay ng aking magaling na ama. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang numero ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito kailan man ibinigay sa kaniya. “I want to offer you something,” he answered straightforwardly. Wala manlang kumusta o simpleng pagbati. The side of my lips rose into a smirk. “Paano kung ayaw kong tanggapin?” “Five million pesos.” Napatanga ako. Ano raw? “I will give you five million pesos if you accept my offe
Indistinct whispers could be heard the moment we stepped our feet inside the hall. The party had officially started. Imbes na nasa harap at sa nagsasalita nakatuon ang atensyon ng mga tao, sa direksyon naman namin sila nakatingin. This time, sigurado akong hindi ako ang nakaagaw ng kanilang pansin kundi ang lalaki na kasalukuyang nakapulupot ang braso sa bewang ko. The way he enveloped his arm around my waist was territorial as if he already claimed me as his. Wala na rin sa tabi ko ang butler na kasama ko kanina. This man talked to him before we headed here. Ilang beses kaming huminto sandali sa tuwing may mga taong babati sa kaniya and those people didn't fail to throw me a curious glance, indirectly asking my sister's fiancé the question 'who is she?'. Kahit labag sa loob ko ay nginingitian ko ang lahat sa kanila para naman wala silang masabi. Kaya lang, ni isang beses ay hindi manlang nagsalita ang lalaki tungkol sa kung sino ako at bakit niya ako kasama. He would just nudge