An unknown number was calling me.
Noong una ay wala akong balak sagutin ito. Malay ko ba kung scammer ito na maniningil ng utang na hindi ko naman inutang, o 'di kaya naman ay death threats mula sa mga kaaway ko. Ngunit matapos ang ilang segundo, kusang gumalaw ang aking daliri upang sagutin ito. “Sino 'to?” bungad ko sa kabilang linya. “Zalaria, it's me.” Napangiwi ako kasabay ng paglaylay ng aking mga balikat matapos marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko na pala dapat sinagot ang tawag. “Why did you call?” diretsong tanong ko sa pakay ng aking magaling na ama. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang numero ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito kailan man ibinigay sa kaniya. “I want to offer you something,” he answered straightforwardly. Wala manlang kumusta o simpleng pagbati. The side of my lips rose into a smirk. “Paano kung ayaw kong tanggapin?” “Five million pesos.” Napatanga ako. Ano raw? “I will give you five million pesos if you accept my offer.” Five million pesos? Napakunot ang noo ko bigla. Hindi ko kailangan ng pera mula sa kaniya ngunit napaisip ako kung bakit handa siyang maglabas ng gano'ng kalaking pera. “Still there?” “Anong ipapagawa mo?” “Will you accept it?” Prente akong napasandal sa headboard ng aking kama. “Depende,” saad ko. Nasa bakasyon ako ngayon mula sa aking trabaho and I was honestly getting bored. Halos hindi na ako lumalabas ng bahay dahil wala naman akong importanteng gagawin maliban sa pamamalengke tuwing Sabado. Baka ito na ang thrill na hiniling ko kagabi? “Your sister is sick.” Astean is sick? “I want you to be a proxy of Astean in an upcoming masquerade party this weekend that she's supposed to attend to. Wala kang ibang gagawin kundi ang dumalo.” Hindi ako nakaimik agad. Nasaan naman ang thrill sa bagay na 'to? “You'll be accompanied by her fiancé, but he doesn't know about this deal or even about the illness of your sister.” Astean is already engaged, huh? I chuckled without any trace of humor. “I am sorry, pero, don't you think this is a stupid idea? Sa tingin niyo ba, tanga ang mapapangasawa ng anak mo?” Hindi ko man kilala ang lalaking 'yon, nasisiguro ko namang hindi siya tanga. Kahit sino naman ay hindi maloloko ng ganitong ideya, maliban na lang siguro sa bulag. Pero, seryoso ba 'to? “You'll be wearing a mask, Zalaria. Besides, your features are the closest to your sisterʼs, even your physique is almost the same with hers. Hindi ako makahanap ng iba na maaaring magpanggap maliban sa 'yo.” Napairap ako sa kawalan. “Just don't insist on attending the party.” “She must.” Ramdam ko ang diin sa kaniyang sagot. “It's the first time that she would meet her fiancé.” “Just tell him she's sick.” “He mustn't know.” Kung ang nanay ko ay natatalo ko pagdating sa mga argumento, iba kapag ang tatay ko na ang kalaban ko. Hindi nakapagtataka na sa kaniya ko namana ang ugali kong 'to. “We are hiding your sister's illness, Zalaria. Few people only knows about it. Her fiancé mustn't know about this because he might cancel the wedding. My plans for the company will be ruined.” Kung may isang bagay man ako na maipagpasasalamat, ito ay ang pagiging anak sa labas ng tatay ko. I don't want to be a puppet of him just like what he was doing to my stepsister. Ginagamit niya lang ito upang makuha ang mga gusto niya. “Deal.” Hindi ako sigurado kung bakit ako pumayag sa planong 'yon. Maybe because I was bored? O baka dahil ito sa kagustuhan kong inisin ang aking tatay. I don't know why but the idea of ruining the engagement came to my mind. Gusto kong inisin ang tatay ko at iligtas na rin ang kapatid ko kung sakali. I knew Astean as naive and weak. Nasisiguro kong pinilit lang siya ng aming magaling na ama sa engagement na 'yon. I remember her telling me that she doesn't want to get married, all she want to do is to be free forever and travel. That's it. Hindi man kami malapit sa isa't isa, but I couldn't help but to pity the life that she has. She has everything that she needs, but not a single thing that she wants. Matapos ang ilang araw simula ng aking pagpayag ay sunod-sunod na dumating ang mga bagay na kailangan ko para sa party. First, the invitation. Second, the set of fine jewelries. Lastly, the dress. My father immediately sent me half of the five million after accepting his offer. Hindi ko tuloy maiwasang husgahan ang pag-iisip niya. Paano kaya kung hindi ko siya siputin? Nakakuha naman na ako ng pera. But, no. I will attend the party. Not because I wanted to do my part on the deal between me and my father, but because I already planned something fun inside my head. I thought about what it feels like to ruin an arranged engagement. First time ko itong gagawin at hindi ko alam kung bakit hindi ako nag-aalala sa mga kahihinatnan nito, lalong-lalo na sa maaaring gawin ng tatay ko sa akin pagkatapos ng mga pinaplano kong gawin. Ni hindi manlang ba niya naisip na maling-mali ang ginawa niyang pag-alok sa akin? It was like he told me the combination of codes in his vault of rare diamonds, and here I was, preparing to open it. This should be the thrill I was looking for. A thing about being an illegitimate child of Articus Severino is that I don't have the opportunity to experience the luxury and wealth he has, or at least the easiness of life that he's supposed to be giving me as his daughter. I didn't experience to be pampered back when I was still a kid. Lumaki akong mulat ang mga mata sa sitwasyon ng buhay ko dahil hindi 'yon sinubukang itago sa akin ni Mama. Isa pa, nasaksikan ko kung paano kami itaboy ng magaling kong tatay nang malaman ng kasalukuyan niyang asawa ang tungkol sa amin. We were dumped like old clothes he doesn't like to wear anymore. “We are here now, Maʼam Astean.” Seeing the luxurious place outside, napangiti na lang ako nang mapait. I wonder how many dirty things people invited to this event did to have rare stones around them just to fit inside this place. A butler that my father assigned to me opened the door for me. My father offered to give me bodyguards but I refused. Wearing a fancy black stiletto shimmering in black stones and a maroon fitted gown emphazing my curves and exposing my back with a high slit on my left thigh, I stepped outside the limousine— setting the eyes of everyone on me as if I was a famous actress they didn't expect to see. Sinigurado kong maayos ang pagkakatali ng maskarang tumatakip sa itaas na bahagi ng aking mukha. I was holding my purse tightly while walking. My father called me earlier, he informed me that he won't be able to come here because my sister was suddenly rushed to the emergency room. Sinabihan naman niya ako tungkol sa mga taong nararapat kong ngitian at batiin, ngunit hindi ko maikakailang nakalimutan ko na ang halos kalahati sa mga 'yon. Hindi ako sigurado kung walang alam ang butler na pinasama niya sa akin kaya naman hindi ako makapagtanong sa kaniya. Ayaw ko namang magtaka siya kapag nagkataon. The only thing that my father told him was to take me to my sister's fiancé. What's his name again? “Your fiancé is now waiting for you, mi lady. Shall I lead you to him?” Deon asked behind me. Dahil 'yon naman talaga ang ipinunta ko rito ay sinuklian ko siya ng isang tango. Kahit na medyo marami na ang tao sa lugar ay hindi pa nagsisimula ang party. Halos lahat ng nadaraanan ko ay napapatingin sa akin. I had to control myself so that I wouldn't roll my eyes or look at them sharply. I should act as Astean Severino. Kind, sweet, and pleasing to others. Kahit labag sa loob ko ay nginingitian ko ang mga ngumingiti sa akin because that is what my sister would do if she is the one who was here tonight. Malawak ang lugar. There were circular tables around surrounded with chairs decorated in a fancy way. Eleganteng-elegante ang dating ng lugar maging ang mga tao sa paligid. May mga chandeliers din na nakasabit mula sa ceiling na halatang milyon ang presyo. Deon guided me toward the elevator. Pinindot niya ang twentieth floor. Ilang hallway at pintuan pa ang dinaanan namin nang tumigil kami sa harap ng isang itim na pinto. Room 505. The door was glossy that I could even see my reflection on it. “He's inside, mi lady.” Kumunot ang noo ko nang binuksan lang ni Deon ang pinto para sa akin. Umakto siya na tila hinihintay niya akong pumasok. “You won't come in with me?” He looked down as he shook his head lightly. “My apologies, mi lady, but Señor Davion doesn't allow anyone to go inside aside from his fiancée.” Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba. Papasok ako nang mag-isa? Ano naman kaya ang gagawin ko sa loob? Hindi naman yata namin ito napag-usapan ng magaling kong tatay, ah?! Dahan-dahan ang naging hakbang ko papasok. It was quiet— tanging ang tunog lang ng aking sapatos sa tuwing tumatama sa mamahaling marble na sahig ang maririnig. Deon carefully closed the door after I successfully got inside. A set of leather sofa and a glass center table welcomed my sight. It was a bit dark, the only light illuminating the place was the chandelier hanging in the middle of the white expensive ceiling. I took steps forward. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ito sa matipunong bulto ng lalaki na nakatayo at nakaharap sa glass wall. Nagsalin siya ng wine sa hawak niyang babasaging baso bago lumingon sa akin. His eyes slowly scanned me, from my head down to my toes, then back to my face. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa naging paraan ng pagtitig niya sa akin. Malumanay ngunit may diin. Ang mga mata niya ay blangko ngunit matalim kung makatingin. Hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang sarili kong huminga habang nakikipagtitigan sa kaniya. Gusto kong umatras nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin habang umiinom sa hawak niyang baso ngunit ayaw ko namang magmukhang natatakot. He placed the bottle of wine and the empty glass he was holding above the center table before walking toward me. Kalmado ang kaniyang mga hakbang na nagpakaba sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko man gustong aminin ngunit baka hindi ko kayanin ang presensya ng lalaking 'to. Sobrang lakas, yung tipong manghihina ka kahit wala naman siyang ginagawa na dapat mong ikapanghina. Hindi ko napigilang makagat ang ibabang labi ko nang dahan-dahan niyang hawakan ang kaliwang kamay ko at inilapit sa harap ng kaniyang mga labi upang marahang halikan. Ilang beses akong napamura sa isip ko. Ito dapat ang unang pagkikita ng kapatid ko at ng lalaking 'to, hindi ba? Bakit may pagan'to agad?! He stood straight in front of me. “You made me wait for too long.” Huh? “P-Pero hindi pa naman nagsisimula ang party, ah?” Matangkad siya, dahilan kung bakit kailangan ko pang tumingala upang makita ang mukha niya nang maayos. “I said I want to meet you an hour before the party starts.” Wala namang sinabi ang magaling kong tatay tungkol diyan. Wala sa sariling napalingon ako sa orasang nakasabit sa pader. Napakagat nanaman ako sa ibabang labi ko nang makita na pati ang orasan ay tila gawa pa yata sa tunay na ginto. “I am sorry...” I mumbled. Fifteen minutes na lang at magsisimula na ang party. Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko, only to see him staring darkly at my lips. Because of that, I unconsciously lowered my gaze to his sultry lips. Saka lang ako napaiwas ng tingin nang dahan-dahan siyang gumalaw. I held my breath nervously when he possessively enveloped his right arm around my waist, caging me beside him. Ramdam ko ang init ng kaniyang kamay sa bewang ko na dahilan upang manghina ang mga binti ko. Ilang beses ulit akong napamura sa isip ko dahil doon. Hindi ko na tuloy alam kung makakalakad pa ako nang maayos ngayon. Ano ba 'tong pinasok ko?! My goal was to ruin the engagement, not to be lured by this man! “Let's finish our commitments for tonight. I want to know you deeply after.”Indistinct whispers could be heard the moment we stepped our feet inside the hall. The party had officially started. Imbes na nasa harap at sa nagsasalita nakatuon ang atensyon ng mga tao, sa direksyon naman namin sila nakatingin. This time, sigurado akong hindi ako ang nakaagaw ng kanilang pansin kundi ang lalaki na kasalukuyang nakapulupot ang braso sa bewang ko. The way he enveloped his arm around my waist was territorial as if he already claimed me as his. Wala na rin sa tabi ko ang butler na kasama ko kanina. This man talked to him before we headed here. Ilang beses kaming huminto sandali sa tuwing may mga taong babati sa kaniya and those people didn't fail to throw me a curious glance, indirectly asking my sister's fiancé the question 'who is she?'. Kahit labag sa loob ko ay nginingitian ko ang lahat sa kanila para naman wala silang masabi. Kaya lang, ni isang beses ay hindi manlang nagsalita ang lalaki tungkol sa kung sino ako at bakit niya ako kasama. He would just nudge
The entire room was dark and the sound of our sloppy kisses and erotic moans were the only ones that could be heard inside the room. His warm hands were sensually caressing every part of my body that he could touch. From my back, down to my butt, until he reached my legs. Ipinalibot niya ang dalawang hita ko sa bewang niya at isinandal ako sa pader. Napapikit na lang ako dahil sa sarap ng sensasyon na nararamdaman ko. He was kissing me hungrily. Mukhang wala siyang balak pakawalan ang labi ko kaya ako na mismo ang umiwas nang nawawalan na ako ng hininga. Still, he didn't stop kissing me. He gently kissed my cheeks until he traveled down to my neck. I couldn't help but to moan because of the pleasure I felt when his lips nibbled the skin of my neck. Nakakakiliti, pero masarap. I was gripping his hair the whole time I was pinned against the wall. Kung hindi ang labi ko ang hinahalikan niya, ang leeg ko naman ang pinapapak niya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. He carefully ca
I thought something terrible would happen after that night, pero matapos ang tatlong linggo ay naging normal pa rin naman ang pamumuhay ko. Matapos i-send sa akin ng tatay ko ang kalahati ng limang milyon na ipinangako niya ay hindi na niya muli ako kinausap. I received no bad call from him. “Any plans?” Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Sever. Kasalukuyan akong nakasakay sa passenger seat ng kaniyang sasakyan dahil naisipan ko na ayain siyang kumain sa labas. “What do you mean by plans?” “We'll be having three months of official vacation, hindi ka ba masaya?” Oh, right. That means hindi kami makatatanggap ng kahit anong misyon sa loob ng dalawang buwan, urgent man o hindi. Hindi gaya ng normal na araw pagkatapos namin sa isang misyon, posibleng makatanggap kami agad ng tawag para sa panibagong bakbakan, kahit anong oras pa 'yan. “Kailan pa ba ako nagplano para sa bakasyon?” Napailing ang lalaki sa sagot ko. “Right, kailan ka ba nagplano para sa buhay mo?” Sa tot
Buntis ako. Alam kong hindi na dapat ako magulat pa, pero hindi maproseso ng utak ko ang nalaman ko. My hands were shaking again while staring at the two positive pregnancy tests I was holding. “Pa-check up tayo mamaya? Samahan kita.” Nakaupo lang sa tabi ko si Sever habang hinahagod ang likod ko. The comfort he was giving me freed the emotions I tried caging inside my heart. “K-Kaya ko ba? Kakayanin ko ba 'to?” I asked, almost breathless. Can I be a mother? Do I deserved to be a mother? “I am utterly sure you will be a good mother, Zalaria.” As someone who grew up without a father by my side, sure, I will be a good mother dahil alam ko na kung ano yung mga bagay na kailangan ng mga anak ko at maibibigay ko 'yon sa kanila kahit na wala silang tatay. Pero, kakayanin ko ba? I knew that emotionally, I am not as strong as my mother. Baka sabayan ko lang ang magiging anak ko sa pag-iyak niya. I looked up to prevent my tears from falling. “Isang putok lang naman 'yon, ah?” Na
His question echoed inside my mind. Kung gano'n nga ang mangyari, hindi ko hahayaang makita niya ang mga anak ko. Masakit man pero, ayaw ko na ang mga anak ko ang maging dahilan upang masira ang pagsasama ng lalaki at ng stepsister ko. Kakayanin ko naman silang palakihin. I wouldn't be alone— I had Sever and my mother. “Nakarating na ang mga gamit mo sa Switzerland.” Napaawang ang bibig ko sa gulat. “Teka lang, nauna pa mga gamit ko ro'n kaysa sa akin? Magugulat si Nanay, Sever!” We just boarded the private jet that would take us to the said country. Hindi na namin kinailangan pa na umalis ng isla dahil may sarili na nga itong airport. Napahinga nang malalim ang lalaki na kakaupo lang sa tabi ko. “Don't tell me hindi mo pa nasasabi sa nanay mo ang mga nangyayari sa buhay mo.” I placed my arms across my chest before looking away. “Edi hindi ko sasabihin,” bulong ko. Sinilip ng lalaki ang mukha ko na pilit kong iniiwas mula sa kaniyang paningin. “Zalaria?” Hindi ko si
Mabilis ang naging takbo ng oras para sa akin. Parang kahapon lang ay kinakabahan pa ako habang hinihintay si Nanay na buksan ang pinto ng bahay noong unang araw ko rito, pero ngayon ay kumikirot na ang tiyan ko habang nakahawak sa counter top ng kusina. Bigla na lamang kumirot ang tiyan ko habang nagtitimpla ng gatas bago sana ako matulog. I suddenly felt a warm liquid flowing down on my legs. I dropped the glass I was holding when the pain started to become unbearable. Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sakit habang naiiyak. Nakarinig ako ng malalakas na yabag pababa ng hagdan, then I saw Sever rushing towards me. Sa likod niya ay si Nanay na mukhang nagising mula sa kaniyang pagtulog. They both acted quickly but calmly, dahilan upang kumalma rin ako kahit papaano. Agad kinuha ni Nanay ang inihanda kong bag na dadalhin ko sa ospital kapag dumating na ang oras na ito. Sever kept on telling me things that calmed me down while he was guiding me toward the car. Agad niyang
“Sever, kailan ka ba uuwi rito?” “Next week, why?” “Tulungan mo nga ako!” “Regaluhan ko na lang sila. Ano bang magandang regalo? House and lot? Saang bansa ba?” Kung puwede lang sana manapak online, nasapak ko na siya. “Sever!” Ngumisi siya, halatang inaasar ako. “Or they want cars? Aero like cars, right?” Hindi ko na napigilang umirap. Kanina pa ako nakatulala sa papel na nakalapag sa harap ko habang nilalaro ang ballpen na hindi ko magamit-gamit dahil wala naman akong maisulat. Kasalukuyan akong nasa kusina at ka-video call si Sever. Mula sa screen ng cellphone ko ay nakikita ko na nasa loob siya ng sasakyan niya, nagmamaneho. Napapaisip ako about my babiesʼ first birthday. Hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate. Nagpaplano na talaga ako kahit four months pa naman ang layo niyon. “Grabe ka naman manampal ng kayamanan mo. Sapul na sapul ako.” “Kidding aside. Ano bang gusto mo?” “I want it to be memorable.” “Gusto mo memorable? Edi ipakilala mo sa tatay nila.”
Kung puwede lang manatili na lamang ako rito at hindi na umalis pa, kaso hindi eh. “Nay, next month pa naman po ang alis ko. Wala na tayong makakain kung hindi po ako babalik sa trabaho ko.” Kahit na kaya ko pa namang buhayin ang pamilya ko nang ilang taon nang walang trabaho, mabilis na natapos ang break na ibinigay sa akin. Naka-time-lapse nga yata ang buhay ko. “Susubukan ko pong bumalik dito buwan-buwan. Hindi ko rin naman po kayang mahiwalay sa mga anak ko nang matagal.” Marahang ngumiti sa akin ang Nanay ko. “Naiintindihan ko, 'nak. Ayusin mo 'yang mukha mo at hindi naman kita pipigilan.” Natawa ako nang bahagya. Ang akala ko ay need ko pa ng pangmalakasang acting para makumbinsi si Nanay na payagan akong bumalik sa trabaho ko, pero nakailang salita pa lamang ako ay pumayag na siya. Sever informed na bago ako umuwi sa Pilipinas ay kinakailangan ko munang dumaan muli sa main headquarter ng Derrivy upang mag-sign in at para sa assessment. Mapapaaga ng dalawang linggo ang al
Ano ang nagtutulak sa 'yo upang patuloy na mabuhay?Five years ago, I used to call myself a slave of money. Hindi ko itatanggi. Pinasok ko ang trabahong dahilan upang mamulat ako sa madilim na reyalidad ng mundo sa kadahilanang kailangan ko ng pera.I needed money for my mother's medication and to sustain my daily needs to be able to continue living because I had no father to do so for us.“Sister! Zalaria, congratulations on your wedding! I'm sorry I wasn't able to come.” “No worries, Astean. Ang importante, nagpakita ka na sa akin.” At first, I was scared to enter the world of Derrivy. Entering the job means digging your own grave. Makakaya ko ba? It was scary. I could die anytime during a mission. Isang pagkakamali lang at lilisanin ko ang mundong 'to nang walang paalam sa kahit sino. It was like selling my life and soul for a huge amount of money. However, I saw it as my only hope. Hindi sapat ang kinikita ko noon bilang isang trainer at lumala na ang sakit ng nanay ko. So I
“Nasa baba na si Asteon, anak.” It was my mother who informed me. Pinapatulog ko sina Ruin at Aero nang pumasok siya sa kuwarto ko upang ibalita ang pagdating ng kapatid ko. Tulog na si Hera ngunit ang dalawa ay dilat na dilat pa ang mga mata. “Nakausap ko ang kapatid mo. Grabe, parang kailan lang. Ang bilis niyong tumanda.” My mother gave me a gentle smile. “Ako na ang bahala sa dalawa. Bumaba ka na ro'n, anak. Hinihintay ka nila.” Tumango ako at niyakap si Nanay. “Salamat po, 'Nay.” Buti na lang at hindi umalma ang dalawa kaya naging madali ang pag-alis ko sa tabi nila. Pagbaba ko, naabutan ko si Ruan na kausap si Asteon. They looked serious. Dinahan-dahan ko pa ang paglabas ko sa elevator upang hindi nila ako agad mapansin, ngunit agad lumingon sa akin si Ruan. Marahan akong ngumiti sa dalawa habang papalapit. Asteon looked at me with hesitation, worry, and fear in his eyes na ikinanabahala ko. “Ate—” I cut him off with a tight hug. “Bakit kung makatingin ka sa akin para n
We decided to throw a small celebration after Hera turned one month old. Naging daan na rin 'yon upang makauwi ang mga kaibigan ni Ruan na sina Altro, Haiver, Alshiro, Caiusent, at Ervo. Rye was also invited by Ruan, ngunit binalita ng lalaki na hindi siya sigurado kung makakadalo ba siya.Despite that, he didn't fail to greet our daughter. He even sent her a gift. “Hoy! Nasaan ka na? 'Yang cake na lang ang kulang,” reklamo ko kay Sever dahil siya na lang ang wala. Handa na ang lahat ng mga pagkain at puro mga ulam 'yon dahil lunchtime ang party. Gumawa rin ako ng dessert pero siyempre, hindi kumpleto ang celebration kapag walang cake. Nagpa-order ako kay Sever na aabutin pa yata ng isang buwan bago makarating.Si Nanay ay abala sa pag-aayos ng mga handa sa mahabang lamesa na kaka-set up lang din namin. Nandoon na ang lahat at dahil segurista ang nanay ko, siyempre uulit-ulitin niya 'yon tignan. Sina Ruin at Aero naman ay tuwang-tuwa dahil kalaro nila ang limang kaibigan ni Ruan. A
Dumating ang araw ng aming pag-alis pabalik sa Pilipinas. Naimpake na ang lahat ng aming gamit at handa na kaming lumipad. Bumalik na si Ervo sa Espanya dahil kinailangan. Bago 'yon ay ilang beses namin siyang pinasalamatan dahil sa pagpapatuloy niya sa amin dito. Si Haiver at Sever naman ay kasama naming uuwi sa Pilipinas. I was pushing the stroller where Hera was lying down and sleeping. Si Nanay naman ay abala pa rin sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga naimpake namin kahit ilang beses na namin 'yon nasigurado na kumpleto 'yon kahapon pa. Kasalukuyan naming hinihintay ang van kung saan kami sasakay patungo sa airport. Helicopter sana upang mas mabilis ngunit naisip namin na hindi kakayanin ng mga bata. Ruin raised his arms to ask his father to carry him. “Where are we going, Daddy?” he wondered. Si Aero naman ay napakapit sa damit ko habang nakatayo sa gilid ko. Ruan gave them a gentle smile. “To our home, my son. We're going to our home.” Hindi ko alam ngunit tila pum
“Tell me what happened, Sever.” “Mula saan?” I shifted on my seat to face him. “Mula noong umalis kami.” “Wala namang masiyadong nangyari.” Umirap ako. “Pati ba naman ikaw, magsisinungaling sa akin?” Kumamot sa ulo si Sever. “Damn. Wala kang sasabihin kay Ruan, ha? Wala kang isusumbong na ako ang nagsabi sa 'yo.” My assumption was right. Sinabihan nga ni Ruan ang lalaki na huwag magsasabi sa akin. Siguro ay gano'n din ang ginawa niya kina Haiver at Ervo kaya ayaw nilang sabihin sa akin ang totoong nangyari. “Ayaw niyang malaman mo hindi dahil sa wala kang karapatan. Ayaw niyang malaman mo kasi ayaw ka niyang mag-alala pa dahil tapos na.” May nangyari talaga na dapat kong malaman. “Ano nga ang nangyari?” I asked impatiently. Nababahala ako dahil baka mamaya ay bumaba na si Ruan dahil pinapatulog lang naman niya yung kambal sa kuwarto. “Noong umalis ka dala ang mga anak niyo, alam mo bang hindi namin siya nakausap nang isang linggo? He became too focused on his plan of
Hera got his father's eyes, but she looks exactly like me. Tuwang-tuwa ang nanay ko habang ipinapakita sa lahat ang litrato ko noong sanggol pa lang ako kung saan kamukhang-kamukha ko si Hera. I have to agree too, our princess was my carbon copy. Labis ang tuwa na naramdaman ko dahil sa wakas, may kamukha na rin ako sa mga anak ko at hindi na ako ampon sa pamilyang ito. Gising si Hera ngunit hindi siya umiiyak. She was just looking at me like she could already see me. Halos manghina ang mga kamay ko habang buhat ko ang maliit niyang katawan. She was so small, fragile, and cute. Hindi rin mapakali sina Ruin at Aero sa kakasilip ng kaniyang mukha kaya naman natutuwa ako. I looked at Ruan who was sitting at my right side. Naluluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan kami. I smiled at him. “Carry your daughter, Ruan.” Takot na umiling ang lalaki. “I-I... I don't know how. I might drop her.” Bahagya akong natawa at agad na tinuruan ang lalaki ng tamang posisyon sa pagkarga ng
I opened my eyes weakly, only to close it when the strong light hurt my eyes instantly. I counted a few seconds before slowly opening my eyes again. This time, my vision gradually adjusted with the light until it was no longer hurting my eyes. The white ceiling of the room welcomed my sight. “Anak, kumusta?” I thought I was alone inside the room until my mother rushed toward me to check on me. Agad kong naramdaman ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. “Ayos na po ako, 'Nay.” I slowly adjusted my position on the bed. Mula sa pagkakahiga ay maingat akong sumandal sa headboard ng kama. Dahil sa paggalaw ay naramdaman ko ang labis na sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. I scanned the whole room, hoping to see someone other than my mother but, we were alone inside. It was just the two of us. There was no trace that the man I have been longing to see was here. For a minute I thought that it was just my hallucination. Baka gawa-agawa lang 'yon ng utak ko dahil sa labis na pangungu
“Very good! Give Mommy a kiss!” Sabay na dumapo ang labi ng mga anak ko sa magkabilang pisngi ko. Natunaw naman ang puso ko nang sinunod nilang halikan ang umbok ng tiyan ko. “What's her name again, Mommy?” Ruin asked while drawing circles on my baby bump. Si Aero naman ay isinandal ang pisngi niya sa braso ko gaya ng lagi niyang ginagawa. Ngumiti ako. “We'll call her Hera.” “Just Hera?” Aero mumbled beside me. Umiling ako bago maingat na inayos ang buhok na humaharang sa mukha niya, gano'n din ang kay Ruin. “She will be Hera Tiana Anastasia Danery.” Agad na nalukot ang kanilang mukha sa sinabi ko. “Mommy! That's too long!” “She'll suffer from writing her name like us!” Agad akong tumawa sa aking mga narinig. “It's okay, boys! She'll love it when she grow up. It's long because I want her to have both of your initials.” Mukhang hindi nila matanggap na mahihirapan magsulat ng pangalan ang kapatid nila dahil sa ibinigay kong pangalan niya. They're already this thoughtful. Hi
He'll be here, soon. Haiver and Ervo told me Ruan was doing fine and I believed them. They told me he'll be here soon... pero manganganak na lang ako ay wala pa rin siya. Eight months. It has been eight fucking months. Nakailang sipa na ang anak namin mula sa loob ng tiyan ko ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. “Mommy... why are you crying?” My teary eyes met Aero's worried grey eyes. Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko bigla ang mukha ng tatay nila sa mga mata niya. Kung paano tumingin sa akin ang mga anak ko... gano'n din ang tatay nila. Grabeng pangungulila na 'to. Hindi ko na kinakaya. “I-I miss your Daddy, baby ko.” “Daddy?” Ruin stopped playing to look up to me. “Me too! I miss Daddy!” Nagulat ako nang biglang tumayo si Aero mula sa pagkakaupo sa sahig upang yakapin ako. Nanlalambing at marahan niyang ipinatong ang maliit na mukha sa ibabaw ng tiyan ko at tumingala sa akin. “That's okay, Mommy. Daddy will be here soon,” he comforted me with his gentle voice.