Packing my things was never hard for me, not until I reached this point of my life. “Pati ba ito, anak, dadalhin mo?” “Opo, 'Nay.” Dati, hindi kaso sa akin ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa dahil sa trabaho ko. Bahay lang ang meron ako dati, not a 'home' gaya ng meron ako ngayon. May isang araw pa bago ang alis ko, pero pinili kong mag-impake na ngayon para bukas ay wala na akong gagawin. Ilalaan ko ang buong araw na 'yon sa mga anak ko at kay Nanay. Hindi tulad ng dati, sobrang bigat ng pakiramdam ko habang ipinapasok ang mga damit ko sa loob ng maleta. I remember doing the same thing to sleep in Sever's condo two years ago, pero hindi naman ganito kabigat ang naramdaman ko. Being a mother melted the ice that thickened around my heart, making me soft as a marshmallow. Is it a good thing? Hindi ako sigurado. Ang tanging alam ko lang ay may mga bagay na akong masasabi bilang kahinaan ko. Dati, wala akong inaalala. Wala akong pakialam kung makaka-survive b
“Can I get back the phones I surrendered back then?” “It was all crushed due to the policy.” Napahinga ako nang malalim. I felt like I was back to square one. Akala ko ay mababawi ko pa ang mga 'yon. I lost my old contacts when I surrendered my old phones before taking a break. Pero hindi naman 'yon ang habol ko, but the conversations there. “You will be given a new phone for the missions, don't worry. As for a personal phone, gusto mo ba ng bago?” Agad akong umiling. “Kahit huwag na.” I heaved a deep sigh. Now, how could I find him? Bakit kasi mas naaalala ko pa ang performance ng lalaking 'yon kaysa sa pangalan niya? Before leaving, sinubukan ko na ring hanapin ang pangalan niya sa mga articles na umiikot sa kapatid ko. It was like my heart was being pierced by countless of needless while looking at the photos from her burial. Ni hindi ko nga kinayang tignan nang matagal ang mga 'yon. Hinalungkat ko rin lahat ng articles tungkol sa engagement niya, para lang mahanap ang
Sever was looking at me like he doesn't know me at all. Doon ako muling napangisi. “If that's the rule, Eve.” “Granter. It's Granter.” Nilagpasan niya ako. He walked towards a small gate and opened it. Doon ko lang napagtanto na ang likod pala ng mansyon ay isang arena. Wala akong naririnig na kahit anong ingay na mula sa loob, ngunit alam ko na mahigit isang daan ang nasa loob ng arena ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won't die here, right?” Hindi ko itatanggi na kinakabahan na ako. I haven't been in a serious fight lately. Saan na lang kaya ako pupulutin kung hindi ko naihanda ang sarili ko bago muling bumalik? Tangina. Assessment lang naman ito, may mga anak akong naghihintay sa akin. “Just never lose your sight on the enemies. You'll live.” Muntik na maglaho ang pag-asang hawak-hawak ko pagtapak ko pa lang sa loob ng arena. Sa dami ng nakahandang kalalabanin ko, hindi ko na naiwasang isipin kung may violations ba akong nagawa sa loob ng tatlong taong pa
“Wow. First mission accomplished in just an hour? Good job, Alari.” “Huwag ka ngang plastik! Muntik na akong pumalya kanina dahil sa 'yo!” Nakagat ng lalaki ang ibabang labi at halatang nagpipigil ng tawa. Kung puwede lang talaga sanang manapak through video call, matagal ko nang ginawa sa kaniya dahil lagi na lang akong napipikon sa lalaking 'to. I was in the middle of a mission earlier when he suddenly called just to tell me that he was eating his favorite flavor of cake after a long time. Buti sana kung sa personal number ko ito tumawag at hindi sa number na ginagamit ko lamang sa trabaho. “I didn't know. I'm sorry.” Napairap na lamang ako dahil alam ko naman na sinadya niya 'yon. Sa taas ng ranko niya, hindi niya alam ang tungkol ro'n? Kanang-kamay lang naman ang lalaki ng bagong Supremo. Last week ko pa ito nalaman ngunit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paano naman nakaangat ang lalaking 'to nang gano'n kabilis? Nakapagtataka ngunit, sa training na ginawa niya
“Sa ngayon, wala pa ang target sa bansa. We couldn't get the exact date of his flight to the Philippines, but we expect it to be within this week.” Tumango-tango ako. “Pero hindi ba masiyadong maikli ang tatlong buwan? That's the head of Sleverions, Sever. Kahit nga yata langaw o lamok ay hindi nakakapasok sa base ng grupo nila rito sa Pilipinas.” Itinigil niya ang pagtitipa sa kaniyang computer para lumingon sa akin. “You can request for extension, ako na mismo ang aasikaso ro'n if ever. Pero sa ngayon, 'yan muna ang usapan.” Since yesterday, I was already doing some research about the Sleverions. I read everything I could to know more about their group, how they work, and who are the members. Inisip ko na nga kung paano maging client nila kahit wala pa namang gustong pumatay sa akin, 'yon ay ang sa pagkakaalam ko. “Even the location of their base here in the Philippines, hindi ko mahanap.” Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Paano ko uumpisahan ang misyon na ito kung
There was an upcoming masquerade party hosted by the Sleverions exclusive only for their chosen elites, and I would attend it. Not as a visitor, but as a servant for my mission. Dadalo ang head ng Sleverions— ang nag-iisang target ko. Iyon yata ang dahilan kung bakit umuwi siya ng bansa. Ang laman ng envelope ay walang iba kundi tungkol sa bagay na 'yon. The party would take place at the hotel owned by the Sleverions. Ilang oras ang layo ng lugar na 'yon mula sa kinalalagyan ko kaya naman kakailanganin kong umalis na agad bukas. Madaling araw na nang makabalik ako sa condo ni Sever. Agad kong inihanda ang mga gagamitin ko. Hindi naman ako magtatagal nang ilang araw doon sapagkat ang tanging kailangan ko lang na gawin ay malapitan ang lalaki at kumuha ng ilang impormasyon tungkol sa mga susunod niyang magiging galaw. Isa pa, bago matapos ang linggong 'to ay uuwi pa ako sa mga anak ko. I heaved a deep sigh, feeling languish because I haven't seen my sons for a while now. Hindi ta
Sunod-sunod ang mga utos na natanggap ko, dahilan upang makailang mura na ako sa isip ko nang makitang wala na ang lalaking minamanmanan ko kanina. Tangina naman kasi. Unti-unting nawawala ang mga kasama kong servants kasama ng ilan sa mga lalaking elites. Kakaunti na lang kaming naiwan dito upang mag-serve ng mga pagkain at inumin. Kailan ba 'to matatapos?! Huminga ako nang malalim matapos maubos ang laman ng bote ng alak na hawak ko. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na 'to at sukong-suko na ako. Nakakangalay ang pagsasalin ng alak sa mga baso. Hindi naman ito ang ipinunta ko rito. Kailangan ko na itigil 'to. Kailangan ko na ituloy ang pagmamanman ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Suwerte ko dahil nakakita ako ng isang lalaki na sigurado akong tauhan ng mga Sleverions, base sa suot at sa pin na nakalagay kuwelyo niya. Pasimple akong lumayo sa mga tao. Kunwari ay kukuha lang ako ng panibagong bote ng alak, pero nang masigurong wala ng tao ang nakakakita sa akin ay dali-da
“So, how was it in Spain?” “Good.” “Until when will you stay here?” Nagkibit-balikat ang lalaki bago muling uminom sa baso ng fruit juice na hawak niya. “Why did you come here, anyway? Leon got all your businesses here. He handles it well. Wala ka namang kailangang gawin dito.” “I have now.” Napataas ang kilay ng lalaking hindi pa rin tumitigil sa paglalaro. Dalawa na lamang sila na naglalaro habang ang dalawang iba pang lalaki ay nanonood na lamang sa kanila habang nakikinig sa usapan. “What?” “I'll kill you if you won't shut your fucking mouth, Caiusent.” Umasim ang mukha ng lalaki at tuluyang tumigil sa paglalaro. “Fuck you, Alanis!” Binatukan siya ng lalaking katabi niya. “Alanis is his middle name. Idiot.” Hindi ko alam kung saan ako titingin habang nakaupo sa sulok katabi ng lalaking busy sa pag-inom ng fruit juice. Kung tignan niya ang mga lalaking kasama namin sa kuwarto ay tila inis na inis siya. Ibinaba ng lalaking kalaro ni Caiusent ang controller na hawak. “He'