Sever was looking at me like he doesn't know me at all. Doon ako muling napangisi. “If that's the rule, Eve.” “Granter. It's Granter.” Nilagpasan niya ako. He walked towards a small gate and opened it. Doon ko lang napagtanto na ang likod pala ng mansyon ay isang arena. Wala akong naririnig na kahit anong ingay na mula sa loob, ngunit alam ko na mahigit isang daan ang nasa loob ng arena ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won't die here, right?” Hindi ko itatanggi na kinakabahan na ako. I haven't been in a serious fight lately. Saan na lang kaya ako pupulutin kung hindi ko naihanda ang sarili ko bago muling bumalik? Tangina. Assessment lang naman ito, may mga anak akong naghihintay sa akin. “Just never lose your sight on the enemies. You'll live.” Muntik na maglaho ang pag-asang hawak-hawak ko pagtapak ko pa lang sa loob ng arena. Sa dami ng nakahandang kalalabanin ko, hindi ko na naiwasang isipin kung may violations ba akong nagawa sa loob ng tatlong taong pa
“Wow. First mission accomplished in just an hour? Good job, Alari.” “Huwag ka ngang plastik! Muntik na akong pumalya kanina dahil sa 'yo!” Nakagat ng lalaki ang ibabang labi at halatang nagpipigil ng tawa. Kung puwede lang talaga sanang manapak through video call, matagal ko nang ginawa sa kaniya dahil lagi na lang akong napipikon sa lalaking 'to. I was in the middle of a mission earlier when he suddenly called just to tell me that he was eating his favorite flavor of cake after a long time. Buti sana kung sa personal number ko ito tumawag at hindi sa number na ginagamit ko lamang sa trabaho. “I didn't know. I'm sorry.” Napairap na lamang ako dahil alam ko naman na sinadya niya 'yon. Sa taas ng ranko niya, hindi niya alam ang tungkol ro'n? Kanang-kamay lang naman ang lalaki ng bagong Supremo. Last week ko pa ito nalaman ngunit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paano naman nakaangat ang lalaking 'to nang gano'n kabilis? Nakapagtataka ngunit, sa training na ginawa niya
“Sa ngayon, wala pa ang target sa bansa. We couldn't get the exact date of his flight to the Philippines, but we expect it to be within this week.” Tumango-tango ako. “Pero hindi ba masiyadong maikli ang tatlong buwan? That's the head of Sleverions, Sever. Kahit nga yata langaw o lamok ay hindi nakakapasok sa base ng grupo nila rito sa Pilipinas.” Itinigil niya ang pagtitipa sa kaniyang computer para lumingon sa akin. “You can request for extension, ako na mismo ang aasikaso ro'n if ever. Pero sa ngayon, 'yan muna ang usapan.” Since yesterday, I was already doing some research about the Sleverions. I read everything I could to know more about their group, how they work, and who are the members. Inisip ko na nga kung paano maging client nila kahit wala pa namang gustong pumatay sa akin, 'yon ay ang sa pagkakaalam ko. “Even the location of their base here in the Philippines, hindi ko mahanap.” Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Paano ko uumpisahan ang misyon na ito kung
There was an upcoming masquerade party hosted by the Sleverions exclusive only for their chosen elites, and I would attend it. Not as a visitor, but as a servant for my mission. Dadalo ang head ng Sleverions— ang nag-iisang target ko. Iyon yata ang dahilan kung bakit umuwi siya ng bansa. Ang laman ng envelope ay walang iba kundi tungkol sa bagay na 'yon. The party would take place at the hotel owned by the Sleverions. Ilang oras ang layo ng lugar na 'yon mula sa kinalalagyan ko kaya naman kakailanganin kong umalis na agad bukas. Madaling araw na nang makabalik ako sa condo ni Sever. Agad kong inihanda ang mga gagamitin ko. Hindi naman ako magtatagal nang ilang araw doon sapagkat ang tanging kailangan ko lang na gawin ay malapitan ang lalaki at kumuha ng ilang impormasyon tungkol sa mga susunod niyang magiging galaw. Isa pa, bago matapos ang linggong 'to ay uuwi pa ako sa mga anak ko. I heaved a deep sigh, feeling languish because I haven't seen my sons for a while now. Hindi ta
Sunod-sunod ang mga utos na natanggap ko, dahilan upang makailang mura na ako sa isip ko nang makitang wala na ang lalaking minamanmanan ko kanina. Tangina naman kasi. Unti-unting nawawala ang mga kasama kong servants kasama ng ilan sa mga lalaking elites. Kakaunti na lang kaming naiwan dito upang mag-serve ng mga pagkain at inumin. Kailan ba 'to matatapos?! Huminga ako nang malalim matapos maubos ang laman ng bote ng alak na hawak ko. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na 'to at sukong-suko na ako. Nakakangalay ang pagsasalin ng alak sa mga baso. Hindi naman ito ang ipinunta ko rito. Kailangan ko na itigil 'to. Kailangan ko na ituloy ang pagmamanman ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Suwerte ko dahil nakakita ako ng isang lalaki na sigurado akong tauhan ng mga Sleverions, base sa suot at sa pin na nakalagay kuwelyo niya. Pasimple akong lumayo sa mga tao. Kunwari ay kukuha lang ako ng panibagong bote ng alak, pero nang masigurong wala ng tao ang nakakakita sa akin ay dali-da
“So, how was it in Spain?” “Good.” “Until when will you stay here?” Nagkibit-balikat ang lalaki bago muling uminom sa baso ng fruit juice na hawak niya. “Why did you come here, anyway? Leon got all your businesses here. He handles it well. Wala ka namang kailangang gawin dito.” “I have now.” Napataas ang kilay ng lalaking hindi pa rin tumitigil sa paglalaro. Dalawa na lamang sila na naglalaro habang ang dalawang iba pang lalaki ay nanonood na lamang sa kanila habang nakikinig sa usapan. “What?” “I'll kill you if you won't shut your fucking mouth, Caiusent.” Umasim ang mukha ng lalaki at tuluyang tumigil sa paglalaro. “Fuck you, Alanis!” Binatukan siya ng lalaking katabi niya. “Alanis is his middle name. Idiot.” Hindi ko alam kung saan ako titingin habang nakaupo sa sulok katabi ng lalaking busy sa pag-inom ng fruit juice. Kung tignan niya ang mga lalaking kasama namin sa kuwarto ay tila inis na inis siya. Ibinaba ng lalaking kalaro ni Caiusent ang controller na hawak. “He'
I gave him my number— my personal number, pagkatapos kong pumayag sa gusto ng lalaki. I was busy wearing my shoes and I could feel him staring at me while I was doing it. Hindi ko na lamang ito pinansin kahit conscious na conscious na ako sa hitsura ko ngayon. Pakiramdam ko ay magulo na ang buhok ko. Malamig naman sa loob ngunit tila pinagpapawisan ako dahil sa tindi ng titig niya. Hindi rin naman ako tumakbo para mapagod at manghina nang ganito. Iba lang talaga ang epekto ng lalaki sa akin. Pagkatapos ayusin ang sarili ay tuwid akong tumayo sa harapan niya na hindi pa rin nagbabago ng puwesto. “Do you anything else, Sir?” Umiling siya. “Thank you for the massage, Miss Elora.” Tumango ako. “Permission to leave, Sir.” Pasikat na ang araw at mamayang hapon na ang flight ko pauwi sa mga anak ko. I couldn't miss it. Wala naman akong private jet o ano para umalis ako kahit anong oras ko gusto. Commercial flight ako ngayon. Mabuti sana kung kasama ko si Sever. “In a hurry?” Tu
I thought that maybe if I continue, I would eventually find out how to escape from the rope that was tying me to this situation. “Good morning, mga baby ko.” Gaya ng palaging ginagawa ng dalawa sa tuwing katabi ako ay sumiksik sila sa gilid ko. Kanina pa ako gising habang ang dalawa sa magkabilang side ko ay kagigising pa lamang. “Mommy!” “Yes, Ruin?” Bumungisngis lang siya na nagpatawa sa akin. Simula nang dumating ako rito kahapon ay hindi ako nilubayan ng dalawa. Hindi na sila umalis sa tabi ko at umiiyak na kapag kinukuha ni Nanay o ng nag-aalaga sa kanila. “Kiss Mommy. Cheeks. Come on.” Agad na umangat ang dalawa upang maabot ako. Lumawak ang ngiti ko nang sabay na dumampi ang mga labi nila sa magkabilang pingi ko. “May sasabihin si Mommy.” I played with their hair using my fingers. Humiga muli ang dalawa sa tabi ko at nanahimik, tila hinihintay ang sasabihin ko. “Nahanap ko na si Daddy.” “D-Dad..” “D-Dada!” Tumango ako sa dalawa. “Right, my boys. Do you want to see h