I thought something terrible would happen after that night, pero matapos ang tatlong linggo ay naging normal pa rin naman ang pamumuhay ko. Matapos i-send sa akin ng tatay ko ang kalahati ng limang milyon na ipinangako niya ay hindi na niya muli ako kinausap.
I received no bad call from him. “Any plans?” Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni Sever. Kasalukuyan akong nakasakay sa passenger seat ng kaniyang sasakyan dahil naisipan ko na ayain siyang kumain sa labas. “What do you mean by plans?” “We'll be having three months of official vacation, hindi ka ba masaya?” Oh, right. That means hindi kami makatatanggap ng kahit anong misyon sa loob ng dalawang buwan, urgent man o hindi. Hindi gaya ng normal na araw pagkatapos namin sa isang misyon, posibleng makatanggap kami agad ng tawag para sa panibagong bakbakan, kahit anong oras pa 'yan. “Kailan pa ba ako nagplano para sa bakasyon?” Napailing ang lalaki sa sagot ko. “Right, kailan ka ba nagplano para sa buhay mo?” Sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko alam kung saan na patungo ang buhay ko na 'to. Ang mga misyon na natatanggap ko ay ang tanging nagbibigay kulay sa buhay ko. Ngayon na nabigyan nanaman kami ng dalawang buwan na bakasyon, hindi ko alam kung ano nanaman ba ang maaari kong gawin upang maubos ang oras ko. Should I sleep? Eat? Hang out? May iba pa ba dapat? “Hindi ka na ba nilalagnat?” Napangiwi ako sa tanong niya. “Hindi naman na. Ayos na ang pakiramdam ko.” Hindi ko malilimutan na matapos ang nangyari noong gabing 'yon ay ilang araw akong nilagnat at nanghina ang buong katawan ko. Sever pushed me to see a doctor at nalaman ko na laceration pala ang sanhi ng pagkakasakit ko. Doon ako nakatanggap ng mahabang sermon mula sa lalaki. Wala akong ibang nagawa kundi sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nasa hotel na 'yon noong gabing 'yon. Dinaig pa niya ang nanay ko sa ginawang pagsermon sa akin. Speaking of my mother, hindi ko na ipinaalam pa sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin. Ang mahalaga ay alam niyang buhay pa ako, okay na 'yon. “Kung ano-anong pinapasok mo, sumasakit ang ulo ko sa 'yo.” Tumawa ako nang bahagya. “Parang ang tino mo naman?! I was bored.” Napamura siya. “Bored? Hindi ka ba natatakot sa kung ano ang maging kalabasan niyang pagka-bored mo?” Umiling ako. “Do I need to take it seriously? One night stand lang naman 'yon.” Napahilot siya sa sintido niya nang marinig ang sagot ko. Sa tuwing kausap ako ng lalaking 'to, tila pasan niya ang buong mundo. “Did you even use protection?” Hindi ako nakaimik, dahilan upang mapailing siya dahil alam na niya kaagad ang sagot. Napakagat ako sa ibabang labi ko. We didn't use any protection that night and if my memory serves me right, he came inside me. Napalunok ako bigla sa naisip ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ito ang unang beses na naisip ko ang tungkol doon. Matapos ang gabing 'yon ay ilang araw ko ring inisip ang mga puwedeng mangyari sa akin, pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagkabahala. Siguro dahil pinili kong isipin na wala lang 'yon? Na hindi ko dapat ito gawing big deal. Pero ngayon na ang seryosong lalaking kaibigan ko na ang nagtanong sa akin nito, hindi ko na napigilan pa ang takot na naramdaman ko. “Observe and feel your body, Zalaria. Baka buntis ka na, hindi mo lang alam.” Para akong nasampal ng mga salita niya. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. “H-Hindi naman s-siguro?” Umismid siya. “Iyon ay kung baog ka.” Hindi na ako muling nagsalita kaya hindi na natuloy ang usapan namin tungkol doon. Sever took me to our favorite restaurant, pero nagpaparking pa lang siya ay wala na akong ganang kumain. Hindi ko 'yon ipinahalata sa kaniya. I let him order foods for me dahil alam kong alam naman na niya ang mga gusto ko. Tulala ako habang hinihintay ang mga pagkain namin. Hindi naman nagtagal ay dumating din agad 'yon. At first, nakakaya ko pang pilitin ang sarili ko para sumubo, pero pagkatapos ng tatlo ay tila nasusuka na ang pakiramdam ko. I dropped the spoon and fork before leaning on my chair as I closed my eyes when I felt my head spinning. “Hey, okay ka lang? Nilalagnat ka nanaman ba?” Umiling ako. “Wala lang akong ganang kumain.” “Namumutla ka,” saad nito na nakapagpamulat sa mga mata ko. Sasagutin ko na sana siya nang bigla na lang tumunog ang aking telepono. Agad napindot ng aking daliri ang answer button dahil sa pagkairita sa aking ringtone. Ngunit mas lalo akong nairita dahil kung tinignan ko lang sana muna ang pangalan ng tumatawag ay hindi ko sana ito nasagot. Bakit pa ba ito tumatawag? I should've changed my number. “I need you to pretend again for a dinner later with the family of your sister's fiancé.” Wala manlang greetings o ano, diretso agad sa kaniyang pakay. “Tapos na ako sa kasunduan natin.” Malinaw pa sa akin ang naging usapan namin at wala namang nabanggit na dinner sa naging deal. Hindi na ako obligadong tanggapin pa ito. Hindi naririnig ni Sever ang kausap ko kaya nanatiling nakakunot ang noo niya habang nakikinig sa akin. Tsismoso rin talaga ang isang 'to eh. “You already got the five million. Don't tell me you want more?” Napairap ako. “Yes, I already got it. Nagawa ko na rin ang kasunduan natin. Bakit may pahabol ka pa?” “Next week pa makakalabas ang kapatid mo mula sa ospital and the dinner can't be postponed.” “Kasalanan ko pa ba 'yan? That's not my problem anymore.” Gusto kong matawa dahil na-i-imagine ko ang mukha niya ngayon na naiinis at malapit na magalit. “I could add one million. This is for the sake of the company, Zalaria.” Bakas sa boses niya ang pagkadesperado. Napangisi ako nang marinig ang sinabi niya hindi dahil sa pera, kundi dahil naipaalala niyon ang plano ko sana noong gabing 'yon. Huminga ako nang malalim. “Alright. Pupunta ako.” “Mukhang pera ka talaga.” Hindi ako nainsulto sa ibinulong niya dahil hindi naman ang perang idaragdag niya ang nagpapayag sa akin. Siya nga 'tong mas mukhang pera sa aming dalawa. Bago niya pa man ako mababaan ng telepono ay inunahan ko na siya. Kung kanina ay walang emosyon na makikita sa mukha ko dahil wala akong gana, ngayon naman ay ang lawak na ng ngisi ko. Nagawa ko na nga ring ituloy ang pagkain ko dahil nanumbalik na ang gana ko. “Makikitulog ako sa condo mo mamaya, ha.” Napataas ng kilay sa akin ang lalaki. “Bakit naman?” Ipinaliwanag ko sa kaniya ang dahilan nang hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa aking mga labi. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi ko namana ang labis na katangahan ng tatay ko. “Doon ka sa sahig.” Napairap ako. “Wala ka bang sofa?” Nagkibit-balikat lang siya sa akin dahilan upang mabato ko siya ng tissue. Ngumisi lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagpahatid sa bahay upang maghanda. “I'll get you later. May pupuntahan lang ako.” “Okay. Thanks. Ingat. Bye.” Nakita ko ang pagngiwi ng lalaki sa naging paalam ko na nagpatawa sa akin. I entered the house and immediately did what I needed to do. Dahil sa trabaho ko, wala akong permanenteng address. Kailangan kong magpalipat-lipat ng bahay para sa kaligtasan ko. Ilang buwan pa lang ako sa bahay na 'to at wala pa akong masiyadong gamit. Kaya ako makikitulog sa condo ni Sever mamaya dahil alam kong hindi magdadalawang isip ang tatay ko na puntahan ako dahil sa gagawin kong hindi pagsipot sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin sa akin dahil sa gagawin ko pero wala akong pakialam. I would even throw a party once the engagement is totally ruined already. Kinuha ko lahat ng mga importante kong gamit. Konti lang naman ang gamit ko kaya hindi ako nahirapan. Bili na rin kaya ako ng sariling condo? “Tangina, pupunta ka bang ibang bansa?” Nalukot ang mukha ni Sever nang makita ang mga gamit na inilabas ko mula sa bahay. Agad akong umirap dahil nagiging oa nanaman siya. “Dalawang maleta, tatlong backpack, at dalawang tote bag lang naman 'yan, ah? Oa mo! Tara na nga!” He looked at me in disbelief. “Sana sinabi mo na ganiyan karami ang dadalhin mo para truck ang dinala ko at hindi kotse. Kakasya na nga ako riyan sa mga maleta mo!” Wala siyang nagawa kundi buhatin ang mga gamit ko at ipagkasya 'yon sa likod ng kotse niya. Sinabi ko sa kaniya na hindi na ako babalik sa bahay na 'yon kaya naman kahit papaano ay nawala ang pagkairita sa mukha niya. I tried helping him pero inaagaw niya lagi ang binubuhat ko kaya sumandal na lang ako sa sasakyan niya habang pinapanood siyang magbuhat. Nang matapos ay ngumuso ako sa kaniya upang pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Nagsalubong ang kilay niya pero wala siyang sinabi. Napangisi ako nang marahan niya akong itulak palayo sa pinto upang buksan 'yon para sa akin. Hindi ko alam pero nag-e-enjoy akong makita ang naiinis niyang mukha. “Sakay na.” I scrunched my nose when the smell of his car entered my system. Bigla kong gustong masuka kaya naman agad akong tumalikod at lumayo nang bahagya sa kaniya. Yumuko ako sa damuhan para sumuka pero hindi naman natuloy. Napamura ako bago sinamaan ng tingin si Sever na nagtataka na ngayon habang nakatingin sa akin. “Ang baho ng sasakyan mo.” “Kagagaling mo lang diyan kanina, Zalaria.” Hindi ko siya sinagot at naglabas ng face mask upang isuot bago pumasok sa sasakyan niya. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng sasakyan sa gilid ko bago umikot para sumakay na rin sa kabila. “Ang lamig. Patayin mo ang air-con, please.” Agad ginawa ng lalaki ang utos ko bago pinaandar ang sasakyan. Napangiwi naman ako nang wala pang isang minuto ay pinagpawisan na ako. “Open the window, Sever.” He immediately opened it with an annoyed face na nagpatawa sa akin. “Sorry...” Inantok ako sa biyahe kaya nakaidlip ako. Isang oras lang naman ang layo ng condo niya mula sa pinanggalingan namin kaya naman agad din akong nagising. “Ipapabuhat ko nalang ang mga gamit mo pataas. Dinner?” Agad akong tumango. Palubog na ang araw nang makarating kami dahil hapon na kami nakaalis. Bigla akong napangiti dahil sigurado akong papunta na ang susundo dapat sa akin sa bahay. “Saan mo gusto kumain?” “Sa condo mo na lang. I am not in the mood to eat outside.” Tumango siya. “I'll cook, then. Let's go.” Agad kaming umakyat sa unit niya. Amoy ng lalaki ang agad na sumalubong sa akin pagpasok pa lang kaya naman agad akong napangiwi. Wala akong magagawa, condo niya 'to eh. Dalawa ang kuwarto sa loob ngunit isa lang ang maaaring tulugan dahil ginawa niyang storage room ang isa. In the end, we agreed to sleep on the same room. He offered me his bed at maglalatag nalang daw siya sa sahig ng tutulugan niya. That's how close we are. Parang kapatid na rin ang turing namin sa isa't isa. In fact, he's the reason kung bakit assassin ako ngayon. Bata pa lang talaga ay hilig ko na sumubok ng kung ano-anong bagay. I spent my teenage days training how to fight. Walang nagawa ang nanay ko upang pigilan ako. I spent a year teaching different kinds of martial arts. Akala ko noon doon na iikot ang buhay ko, not until I met Sever and he offered me something— to be part of Derrivy, an organization of skilled assassins. Nagkalat ang mga miyembro nito sa iba't ibang bansa kaya masasabi kong hindi basta-bastang grupo ang napasok ko. The group was recruiting that time at dahil kailangan ko rin ng pera noong panahon na 'yon, I accepted his offer. I trained again for another three years bago ako naging opisyal na miyembro. Since I was twenty-three, sa Derrivy na tumakbo ang buhay ko. I managed to pay for my mother's medication and sent her out of the country for it. Sa ngayon, masaya ako na tahimik na siyang namumuhay sa Switzerland. Malayo sa mapait na buhay na naranasan niya sa bansang ito. Malayo sa mga taong nagpahirap sa kaniya— malayo sa tatay ko. “Samahan mo ako bumili ng condo, Sever.” Napapikit ako nang malanghap ang amoy ng niluluto niya. I requested beef caldereta at agad naman niya itong niluto. “Saan mo gusto?” “Kahit saan, basta safe.” Tumango ito. “I'll check if there's an available unit here. You can stay here habang hindi ka pa nakakabili.” Ngumisi ako. “Thanks! I love you!” Napangiwi siya. “Ew.” We ate together. Agad ko rin siyang inunahan sa pagligo kahit na nagrereklamo na siya kanina habang kumakain kami na naiinitan na raw siya. Pagkatapos mapatuyo ng buhok ay agad akong humiga sa kama niya. Dahil na rin siguro sa kapaguran ko mula sa biyahe kahit umupo lang naman ako ng ilang oras ay unti-unti akong nilamon ng antok. Nagising ako nang maramdamang tila binabaliktad ang sikmura ko. Agad akong tumayo upang sumuka sa cr ngunit parang tubig lang naman ang sinuka ko. Bumalik ako sa higaan ko at hindi na nakatulog pa dahil hindi naging maganda ang pakiramdam ko matapos sumuka. Binalot ng kaba ang sistema ko ngunit pilit ko itong isinasawalang-bahala. Tulala ako habang pinagmamasdan ang kaibigan kong tahimik na natutulog sa ibaba sa tabi ng kama ko. Ilang oras na lang naman na bago ang pagsikat ng araw kaya naman ginalaw ko ang mga binti ko upang gisingin siya. “Sever...” Dahan-dahan itong umupo nang magising at tinignan ang oras. Nang makitang wala pang alas singko ay sinamaan niya ako ng tingin. “Anyare sa 'yo? Ang aga-aga, Zalaria.” Ngumuso ako. “Gusto ko ng bj.” Agad itong napamura sa narinig. “What the fuck? Sorry but-” Pinutol ko agad ang sasabihin niya habang matalim na nakatingin sa kaniya. “Buko, Sever. Gusto ko ng buko juice!” He looked at me in disbelief. “Madaling araw pa lang, saan naman ako kukuha niyan? Ha?” Bumagsak ang mga balikat ko bago ibinagsak ang katawan ko sa kama. “Gusto ko ng buko juice, Sever. Hindi na ako makatulog.” Hindi ko alam kung bakit bigla akong naglaway habang iniisip ang gusto ko. Naiiyak kong ipinadyak ang mga paa ko bago humiga nang padapa upang itago ang nagluluha kong mga mata. Narinig ko ang mahinang pagmumura ng lalaki. “Dito ka lang. Hahanap ako ng buko juice mo.” Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o saan siya naghanap. Dumating na lang siya nang may dala-dalang buko juice. “Thank you!” naiiyak kong pasalamat at tinira ang dala niya. “We'll find a pregnancy test kit later.” Agad akong nasamid nang marinig ko 'yon. Lumabas tuloy ang iniinom ko mula sa ilong ko na nagpangiwi sa akin. “For what?” Tangina. Ang sakit ng ilong ko. Umirap siya. “Para sa akin siguro? Feel ko buntis ako e.” Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi nakapagsalita. “Take a test, Zalaria. Wala namang mawawala.” Umiling ako. “A-Ayaw ko.” Hindi ko man maamin ngunit natatakot ako. The signs were already slapping me, pilit lang akong umiiwas. Hindi first time ang pagsuka ko kanina, ilang beses ko na 'yon naranasan nitong mga nakaraang araw tuwing umaga. Alam kong hindi rin normal ang madalas at biglaang pagkawala ng gana ko at ang panghihina ko. This must be something and I didn't want to know what it was. It was crazy that I could fight a group of assholes alone but I didn't have the courage to face this. Diretso ang tingin ng lalaki sa mga mata ko. “You need to, Zalaria. It's dangerous if you don't have an idea about what's happening inside your body. Whatever the result is, handa akong manatili sa tabi mo.” Tears started pooling in my eyes. “H-Hindi... H-hindi ko a-alam, Sever. Hindi ko alam ang gagawin ko.” “I am with you, Zalaria. I will be with you. You don't need to be scared.”Buntis ako. Alam kong hindi na dapat ako magulat pa, pero hindi maproseso ng utak ko ang nalaman ko. My hands were shaking again while staring at the two positive pregnancy tests I was holding. “Pa-check up tayo mamaya? Samahan kita.” Nakaupo lang sa tabi ko si Sever habang hinahagod ang likod ko. The comfort he was giving me freed the emotions I tried caging inside my heart. “K-Kaya ko ba? Kakayanin ko ba 'to?” I asked, almost breathless. Can I be a mother? Do I deserved to be a mother? “I am utterly sure you will be a good mother, Zalaria.” As someone who grew up without a father by my side, sure, I will be a good mother dahil alam ko na kung ano yung mga bagay na kailangan ng mga anak ko at maibibigay ko 'yon sa kanila kahit na wala silang tatay. Pero, kakayanin ko ba? I knew that emotionally, I am not as strong as my mother. Baka sabayan ko lang ang magiging anak ko sa pag-iyak niya. I looked up to prevent my tears from falling. “Isang putok lang naman 'yon, ah?” Na
His question echoed inside my mind. Kung gano'n nga ang mangyari, hindi ko hahayaang makita niya ang mga anak ko. Masakit man pero, ayaw ko na ang mga anak ko ang maging dahilan upang masira ang pagsasama ng lalaki at ng stepsister ko. Kakayanin ko naman silang palakihin. I wouldn't be alone— I had Sever and my mother. “Nakarating na ang mga gamit mo sa Switzerland.” Napaawang ang bibig ko sa gulat. “Teka lang, nauna pa mga gamit ko ro'n kaysa sa akin? Magugulat si Nanay, Sever!” We just boarded the private jet that would take us to the said country. Hindi na namin kinailangan pa na umalis ng isla dahil may sarili na nga itong airport. Napahinga nang malalim ang lalaki na kakaupo lang sa tabi ko. “Don't tell me hindi mo pa nasasabi sa nanay mo ang mga nangyayari sa buhay mo.” I placed my arms across my chest before looking away. “Edi hindi ko sasabihin,” bulong ko. Sinilip ng lalaki ang mukha ko na pilit kong iniiwas mula sa kaniyang paningin. “Zalaria?” Hindi ko si
Mabilis ang naging takbo ng oras para sa akin. Parang kahapon lang ay kinakabahan pa ako habang hinihintay si Nanay na buksan ang pinto ng bahay noong unang araw ko rito, pero ngayon ay kumikirot na ang tiyan ko habang nakahawak sa counter top ng kusina. Bigla na lamang kumirot ang tiyan ko habang nagtitimpla ng gatas bago sana ako matulog. I suddenly felt a warm liquid flowing down on my legs. I dropped the glass I was holding when the pain started to become unbearable. Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sakit habang naiiyak. Nakarinig ako ng malalakas na yabag pababa ng hagdan, then I saw Sever rushing towards me. Sa likod niya ay si Nanay na mukhang nagising mula sa kaniyang pagtulog. They both acted quickly but calmly, dahilan upang kumalma rin ako kahit papaano. Agad kinuha ni Nanay ang inihanda kong bag na dadalhin ko sa ospital kapag dumating na ang oras na ito. Sever kept on telling me things that calmed me down while he was guiding me toward the car. Agad niyang
“Sever, kailan ka ba uuwi rito?” “Next week, why?” “Tulungan mo nga ako!” “Regaluhan ko na lang sila. Ano bang magandang regalo? House and lot? Saang bansa ba?” Kung puwede lang sana manapak online, nasapak ko na siya. “Sever!” Ngumisi siya, halatang inaasar ako. “Or they want cars? Aero like cars, right?” Hindi ko na napigilang umirap. Kanina pa ako nakatulala sa papel na nakalapag sa harap ko habang nilalaro ang ballpen na hindi ko magamit-gamit dahil wala naman akong maisulat. Kasalukuyan akong nasa kusina at ka-video call si Sever. Mula sa screen ng cellphone ko ay nakikita ko na nasa loob siya ng sasakyan niya, nagmamaneho. Napapaisip ako about my babiesʼ first birthday. Hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate. Nagpaplano na talaga ako kahit four months pa naman ang layo niyon. “Grabe ka naman manampal ng kayamanan mo. Sapul na sapul ako.” “Kidding aside. Ano bang gusto mo?” “I want it to be memorable.” “Gusto mo memorable? Edi ipakilala mo sa tatay nila.”
Kung puwede lang manatili na lamang ako rito at hindi na umalis pa, kaso hindi eh. “Nay, next month pa naman po ang alis ko. Wala na tayong makakain kung hindi po ako babalik sa trabaho ko.” Kahit na kaya ko pa namang buhayin ang pamilya ko nang ilang taon nang walang trabaho, mabilis na natapos ang break na ibinigay sa akin. Naka-time-lapse nga yata ang buhay ko. “Susubukan ko pong bumalik dito buwan-buwan. Hindi ko rin naman po kayang mahiwalay sa mga anak ko nang matagal.” Marahang ngumiti sa akin ang Nanay ko. “Naiintindihan ko, 'nak. Ayusin mo 'yang mukha mo at hindi naman kita pipigilan.” Natawa ako nang bahagya. Ang akala ko ay need ko pa ng pangmalakasang acting para makumbinsi si Nanay na payagan akong bumalik sa trabaho ko, pero nakailang salita pa lamang ako ay pumayag na siya. Sever informed na bago ako umuwi sa Pilipinas ay kinakailangan ko munang dumaan muli sa main headquarter ng Derrivy upang mag-sign in at para sa assessment. Mapapaaga ng dalawang linggo ang al
Packing my things was never hard for me, not until I reached this point of my life. “Pati ba ito, anak, dadalhin mo?” “Opo, 'Nay.” Dati, hindi kaso sa akin ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa dahil sa trabaho ko. Bahay lang ang meron ako dati, not a 'home' gaya ng meron ako ngayon. May isang araw pa bago ang alis ko, pero pinili kong mag-impake na ngayon para bukas ay wala na akong gagawin. Ilalaan ko ang buong araw na 'yon sa mga anak ko at kay Nanay. Hindi tulad ng dati, sobrang bigat ng pakiramdam ko habang ipinapasok ang mga damit ko sa loob ng maleta. I remember doing the same thing to sleep in Sever's condo two years ago, pero hindi naman ganito kabigat ang naramdaman ko. Being a mother melted the ice that thickened around my heart, making me soft as a marshmallow. Is it a good thing? Hindi ako sigurado. Ang tanging alam ko lang ay may mga bagay na akong masasabi bilang kahinaan ko. Dati, wala akong inaalala. Wala akong pakialam kung makaka-survive b
“Can I get back the phones I surrendered back then?” “It was all crushed due to the policy.” Napahinga ako nang malalim. I felt like I was back to square one. Akala ko ay mababawi ko pa ang mga 'yon. I lost my old contacts when I surrendered my old phones before taking a break. Pero hindi naman 'yon ang habol ko, but the conversations there. “You will be given a new phone for the missions, don't worry. As for a personal phone, gusto mo ba ng bago?” Agad akong umiling. “Kahit huwag na.” I heaved a deep sigh. Now, how could I find him? Bakit kasi mas naaalala ko pa ang performance ng lalaking 'yon kaysa sa pangalan niya? Before leaving, sinubukan ko na ring hanapin ang pangalan niya sa mga articles na umiikot sa kapatid ko. It was like my heart was being pierced by countless of needless while looking at the photos from her burial. Ni hindi ko nga kinayang tignan nang matagal ang mga 'yon. Hinalungkat ko rin lahat ng articles tungkol sa engagement niya, para lang mahanap ang
Sever was looking at me like he doesn't know me at all. Doon ako muling napangisi. “If that's the rule, Eve.” “Granter. It's Granter.” Nilagpasan niya ako. He walked towards a small gate and opened it. Doon ko lang napagtanto na ang likod pala ng mansyon ay isang arena. Wala akong naririnig na kahit anong ingay na mula sa loob, ngunit alam ko na mahigit isang daan ang nasa loob ng arena ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won't die here, right?” Hindi ko itatanggi na kinakabahan na ako. I haven't been in a serious fight lately. Saan na lang kaya ako pupulutin kung hindi ko naihanda ang sarili ko bago muling bumalik? Tangina. Assessment lang naman ito, may mga anak akong naghihintay sa akin. “Just never lose your sight on the enemies. You'll live.” Muntik na maglaho ang pag-asang hawak-hawak ko pagtapak ko pa lang sa loob ng arena. Sa dami ng nakahandang kalalabanin ko, hindi ko na naiwasang isipin kung may violations ba akong nagawa sa loob ng tatlong taong pa