“Sever, kailan ka ba uuwi rito?” “Next week, why?” “Tulungan mo nga ako!” “Regaluhan ko na lang sila. Ano bang magandang regalo? House and lot? Saang bansa ba?” Kung puwede lang sana manapak online, nasapak ko na siya. “Sever!” Ngumisi siya, halatang inaasar ako. “Or they want cars? Aero like cars, right?” Hindi ko na napigilang umirap. Kanina pa ako nakatulala sa papel na nakalapag sa harap ko habang nilalaro ang ballpen na hindi ko magamit-gamit dahil wala naman akong maisulat. Kasalukuyan akong nasa kusina at ka-video call si Sever. Mula sa screen ng cellphone ko ay nakikita ko na nasa loob siya ng sasakyan niya, nagmamaneho. Napapaisip ako about my babiesʼ first birthday. Hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate. Nagpaplano na talaga ako kahit four months pa naman ang layo niyon. “Grabe ka naman manampal ng kayamanan mo. Sapul na sapul ako.” “Kidding aside. Ano bang gusto mo?” “I want it to be memorable.” “Gusto mo memorable? Edi ipakilala mo sa tatay nila.”
Kung puwede lang manatili na lamang ako rito at hindi na umalis pa, kaso hindi eh. “Nay, next month pa naman po ang alis ko. Wala na tayong makakain kung hindi po ako babalik sa trabaho ko.” Kahit na kaya ko pa namang buhayin ang pamilya ko nang ilang taon nang walang trabaho, mabilis na natapos ang break na ibinigay sa akin. Naka-time-lapse nga yata ang buhay ko. “Susubukan ko pong bumalik dito buwan-buwan. Hindi ko rin naman po kayang mahiwalay sa mga anak ko nang matagal.” Marahang ngumiti sa akin ang Nanay ko. “Naiintindihan ko, 'nak. Ayusin mo 'yang mukha mo at hindi naman kita pipigilan.” Natawa ako nang bahagya. Ang akala ko ay need ko pa ng pangmalakasang acting para makumbinsi si Nanay na payagan akong bumalik sa trabaho ko, pero nakailang salita pa lamang ako ay pumayag na siya. Sever informed na bago ako umuwi sa Pilipinas ay kinakailangan ko munang dumaan muli sa main headquarter ng Derrivy upang mag-sign in at para sa assessment. Mapapaaga ng dalawang linggo ang al
Packing my things was never hard for me, not until I reached this point of my life. “Pati ba ito, anak, dadalhin mo?” “Opo, 'Nay.” Dati, hindi kaso sa akin ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa dahil sa trabaho ko. Bahay lang ang meron ako dati, not a 'home' gaya ng meron ako ngayon. May isang araw pa bago ang alis ko, pero pinili kong mag-impake na ngayon para bukas ay wala na akong gagawin. Ilalaan ko ang buong araw na 'yon sa mga anak ko at kay Nanay. Hindi tulad ng dati, sobrang bigat ng pakiramdam ko habang ipinapasok ang mga damit ko sa loob ng maleta. I remember doing the same thing to sleep in Sever's condo two years ago, pero hindi naman ganito kabigat ang naramdaman ko. Being a mother melted the ice that thickened around my heart, making me soft as a marshmallow. Is it a good thing? Hindi ako sigurado. Ang tanging alam ko lang ay may mga bagay na akong masasabi bilang kahinaan ko. Dati, wala akong inaalala. Wala akong pakialam kung makaka-survive b
“Can I get back the phones I surrendered back then?” “It was all crushed due to the policy.” Napahinga ako nang malalim. I felt like I was back to square one. Akala ko ay mababawi ko pa ang mga 'yon. I lost my old contacts when I surrendered my old phones before taking a break. Pero hindi naman 'yon ang habol ko, but the conversations there. “You will be given a new phone for the missions, don't worry. As for a personal phone, gusto mo ba ng bago?” Agad akong umiling. “Kahit huwag na.” I heaved a deep sigh. Now, how could I find him? Bakit kasi mas naaalala ko pa ang performance ng lalaking 'yon kaysa sa pangalan niya? Before leaving, sinubukan ko na ring hanapin ang pangalan niya sa mga articles na umiikot sa kapatid ko. It was like my heart was being pierced by countless of needless while looking at the photos from her burial. Ni hindi ko nga kinayang tignan nang matagal ang mga 'yon. Hinalungkat ko rin lahat ng articles tungkol sa engagement niya, para lang mahanap ang
Sever was looking at me like he doesn't know me at all. Doon ako muling napangisi. “If that's the rule, Eve.” “Granter. It's Granter.” Nilagpasan niya ako. He walked towards a small gate and opened it. Doon ko lang napagtanto na ang likod pala ng mansyon ay isang arena. Wala akong naririnig na kahit anong ingay na mula sa loob, ngunit alam ko na mahigit isang daan ang nasa loob ng arena ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won't die here, right?” Hindi ko itatanggi na kinakabahan na ako. I haven't been in a serious fight lately. Saan na lang kaya ako pupulutin kung hindi ko naihanda ang sarili ko bago muling bumalik? Tangina. Assessment lang naman ito, may mga anak akong naghihintay sa akin. “Just never lose your sight on the enemies. You'll live.” Muntik na maglaho ang pag-asang hawak-hawak ko pagtapak ko pa lang sa loob ng arena. Sa dami ng nakahandang kalalabanin ko, hindi ko na naiwasang isipin kung may violations ba akong nagawa sa loob ng tatlong taong pa
“Wow. First mission accomplished in just an hour? Good job, Alari.” “Huwag ka ngang plastik! Muntik na akong pumalya kanina dahil sa 'yo!” Nakagat ng lalaki ang ibabang labi at halatang nagpipigil ng tawa. Kung puwede lang talaga sanang manapak through video call, matagal ko nang ginawa sa kaniya dahil lagi na lang akong napipikon sa lalaking 'to. I was in the middle of a mission earlier when he suddenly called just to tell me that he was eating his favorite flavor of cake after a long time. Buti sana kung sa personal number ko ito tumawag at hindi sa number na ginagamit ko lamang sa trabaho. “I didn't know. I'm sorry.” Napairap na lamang ako dahil alam ko naman na sinadya niya 'yon. Sa taas ng ranko niya, hindi niya alam ang tungkol ro'n? Kanang-kamay lang naman ang lalaki ng bagong Supremo. Last week ko pa ito nalaman ngunit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paano naman nakaangat ang lalaking 'to nang gano'n kabilis? Nakapagtataka ngunit, sa training na ginawa niya
“Sa ngayon, wala pa ang target sa bansa. We couldn't get the exact date of his flight to the Philippines, but we expect it to be within this week.” Tumango-tango ako. “Pero hindi ba masiyadong maikli ang tatlong buwan? That's the head of Sleverions, Sever. Kahit nga yata langaw o lamok ay hindi nakakapasok sa base ng grupo nila rito sa Pilipinas.” Itinigil niya ang pagtitipa sa kaniyang computer para lumingon sa akin. “You can request for extension, ako na mismo ang aasikaso ro'n if ever. Pero sa ngayon, 'yan muna ang usapan.” Since yesterday, I was already doing some research about the Sleverions. I read everything I could to know more about their group, how they work, and who are the members. Inisip ko na nga kung paano maging client nila kahit wala pa namang gustong pumatay sa akin, 'yon ay ang sa pagkakaalam ko. “Even the location of their base here in the Philippines, hindi ko mahanap.” Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Paano ko uumpisahan ang misyon na ito kung
There was an upcoming masquerade party hosted by the Sleverions exclusive only for their chosen elites, and I would attend it. Not as a visitor, but as a servant for my mission. Dadalo ang head ng Sleverions— ang nag-iisang target ko. Iyon yata ang dahilan kung bakit umuwi siya ng bansa. Ang laman ng envelope ay walang iba kundi tungkol sa bagay na 'yon. The party would take place at the hotel owned by the Sleverions. Ilang oras ang layo ng lugar na 'yon mula sa kinalalagyan ko kaya naman kakailanganin kong umalis na agad bukas. Madaling araw na nang makabalik ako sa condo ni Sever. Agad kong inihanda ang mga gagamitin ko. Hindi naman ako magtatagal nang ilang araw doon sapagkat ang tanging kailangan ko lang na gawin ay malapitan ang lalaki at kumuha ng ilang impormasyon tungkol sa mga susunod niyang magiging galaw. Isa pa, bago matapos ang linggong 'to ay uuwi pa ako sa mga anak ko. I heaved a deep sigh, feeling languish because I haven't seen my sons for a while now. Hindi ta
Ano ang nagtutulak sa 'yo upang patuloy na mabuhay?Five years ago, I used to call myself a slave of money. Hindi ko itatanggi. Pinasok ko ang trabahong dahilan upang mamulat ako sa madilim na reyalidad ng mundo sa kadahilanang kailangan ko ng pera.I needed money for my mother's medication and to sustain my daily needs to be able to continue living because I had no father to do so for us.“Sister! Zalaria, congratulations on your wedding! I'm sorry I wasn't able to come.” “No worries, Astean. Ang importante, nagpakita ka na sa akin.” At first, I was scared to enter the world of Derrivy. Entering the job means digging your own grave. Makakaya ko ba? It was scary. I could die anytime during a mission. Isang pagkakamali lang at lilisanin ko ang mundong 'to nang walang paalam sa kahit sino. It was like selling my life and soul for a huge amount of money. However, I saw it as my only hope. Hindi sapat ang kinikita ko noon bilang isang trainer at lumala na ang sakit ng nanay ko. So I
“Nasa baba na si Asteon, anak.” It was my mother who informed me. Pinapatulog ko sina Ruin at Aero nang pumasok siya sa kuwarto ko upang ibalita ang pagdating ng kapatid ko. Tulog na si Hera ngunit ang dalawa ay dilat na dilat pa ang mga mata. “Nakausap ko ang kapatid mo. Grabe, parang kailan lang. Ang bilis niyong tumanda.” My mother gave me a gentle smile. “Ako na ang bahala sa dalawa. Bumaba ka na ro'n, anak. Hinihintay ka nila.” Tumango ako at niyakap si Nanay. “Salamat po, 'Nay.” Buti na lang at hindi umalma ang dalawa kaya naging madali ang pag-alis ko sa tabi nila. Pagbaba ko, naabutan ko si Ruan na kausap si Asteon. They looked serious. Dinahan-dahan ko pa ang paglabas ko sa elevator upang hindi nila ako agad mapansin, ngunit agad lumingon sa akin si Ruan. Marahan akong ngumiti sa dalawa habang papalapit. Asteon looked at me with hesitation, worry, and fear in his eyes na ikinanabahala ko. “Ate—” I cut him off with a tight hug. “Bakit kung makatingin ka sa akin para n
We decided to throw a small celebration after Hera turned one month old. Naging daan na rin 'yon upang makauwi ang mga kaibigan ni Ruan na sina Altro, Haiver, Alshiro, Caiusent, at Ervo. Rye was also invited by Ruan, ngunit binalita ng lalaki na hindi siya sigurado kung makakadalo ba siya.Despite that, he didn't fail to greet our daughter. He even sent her a gift. “Hoy! Nasaan ka na? 'Yang cake na lang ang kulang,” reklamo ko kay Sever dahil siya na lang ang wala. Handa na ang lahat ng mga pagkain at puro mga ulam 'yon dahil lunchtime ang party. Gumawa rin ako ng dessert pero siyempre, hindi kumpleto ang celebration kapag walang cake. Nagpa-order ako kay Sever na aabutin pa yata ng isang buwan bago makarating.Si Nanay ay abala sa pag-aayos ng mga handa sa mahabang lamesa na kaka-set up lang din namin. Nandoon na ang lahat at dahil segurista ang nanay ko, siyempre uulit-ulitin niya 'yon tignan. Sina Ruin at Aero naman ay tuwang-tuwa dahil kalaro nila ang limang kaibigan ni Ruan. A
Dumating ang araw ng aming pag-alis pabalik sa Pilipinas. Naimpake na ang lahat ng aming gamit at handa na kaming lumipad. Bumalik na si Ervo sa Espanya dahil kinailangan. Bago 'yon ay ilang beses namin siyang pinasalamatan dahil sa pagpapatuloy niya sa amin dito. Si Haiver at Sever naman ay kasama naming uuwi sa Pilipinas. I was pushing the stroller where Hera was lying down and sleeping. Si Nanay naman ay abala pa rin sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga naimpake namin kahit ilang beses na namin 'yon nasigurado na kumpleto 'yon kahapon pa. Kasalukuyan naming hinihintay ang van kung saan kami sasakay patungo sa airport. Helicopter sana upang mas mabilis ngunit naisip namin na hindi kakayanin ng mga bata. Ruin raised his arms to ask his father to carry him. “Where are we going, Daddy?” he wondered. Si Aero naman ay napakapit sa damit ko habang nakatayo sa gilid ko. Ruan gave them a gentle smile. “To our home, my son. We're going to our home.” Hindi ko alam ngunit tila pum
“Tell me what happened, Sever.” “Mula saan?” I shifted on my seat to face him. “Mula noong umalis kami.” “Wala namang masiyadong nangyari.” Umirap ako. “Pati ba naman ikaw, magsisinungaling sa akin?” Kumamot sa ulo si Sever. “Damn. Wala kang sasabihin kay Ruan, ha? Wala kang isusumbong na ako ang nagsabi sa 'yo.” My assumption was right. Sinabihan nga ni Ruan ang lalaki na huwag magsasabi sa akin. Siguro ay gano'n din ang ginawa niya kina Haiver at Ervo kaya ayaw nilang sabihin sa akin ang totoong nangyari. “Ayaw niyang malaman mo hindi dahil sa wala kang karapatan. Ayaw niyang malaman mo kasi ayaw ka niyang mag-alala pa dahil tapos na.” May nangyari talaga na dapat kong malaman. “Ano nga ang nangyari?” I asked impatiently. Nababahala ako dahil baka mamaya ay bumaba na si Ruan dahil pinapatulog lang naman niya yung kambal sa kuwarto. “Noong umalis ka dala ang mga anak niyo, alam mo bang hindi namin siya nakausap nang isang linggo? He became too focused on his plan of
Hera got his father's eyes, but she looks exactly like me. Tuwang-tuwa ang nanay ko habang ipinapakita sa lahat ang litrato ko noong sanggol pa lang ako kung saan kamukhang-kamukha ko si Hera. I have to agree too, our princess was my carbon copy. Labis ang tuwa na naramdaman ko dahil sa wakas, may kamukha na rin ako sa mga anak ko at hindi na ako ampon sa pamilyang ito. Gising si Hera ngunit hindi siya umiiyak. She was just looking at me like she could already see me. Halos manghina ang mga kamay ko habang buhat ko ang maliit niyang katawan. She was so small, fragile, and cute. Hindi rin mapakali sina Ruin at Aero sa kakasilip ng kaniyang mukha kaya naman natutuwa ako. I looked at Ruan who was sitting at my right side. Naluluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan kami. I smiled at him. “Carry your daughter, Ruan.” Takot na umiling ang lalaki. “I-I... I don't know how. I might drop her.” Bahagya akong natawa at agad na tinuruan ang lalaki ng tamang posisyon sa pagkarga ng
I opened my eyes weakly, only to close it when the strong light hurt my eyes instantly. I counted a few seconds before slowly opening my eyes again. This time, my vision gradually adjusted with the light until it was no longer hurting my eyes. The white ceiling of the room welcomed my sight. “Anak, kumusta?” I thought I was alone inside the room until my mother rushed toward me to check on me. Agad kong naramdaman ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. “Ayos na po ako, 'Nay.” I slowly adjusted my position on the bed. Mula sa pagkakahiga ay maingat akong sumandal sa headboard ng kama. Dahil sa paggalaw ay naramdaman ko ang labis na sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. I scanned the whole room, hoping to see someone other than my mother but, we were alone inside. It was just the two of us. There was no trace that the man I have been longing to see was here. For a minute I thought that it was just my hallucination. Baka gawa-agawa lang 'yon ng utak ko dahil sa labis na pangungu
“Very good! Give Mommy a kiss!” Sabay na dumapo ang labi ng mga anak ko sa magkabilang pisngi ko. Natunaw naman ang puso ko nang sinunod nilang halikan ang umbok ng tiyan ko. “What's her name again, Mommy?” Ruin asked while drawing circles on my baby bump. Si Aero naman ay isinandal ang pisngi niya sa braso ko gaya ng lagi niyang ginagawa. Ngumiti ako. “We'll call her Hera.” “Just Hera?” Aero mumbled beside me. Umiling ako bago maingat na inayos ang buhok na humaharang sa mukha niya, gano'n din ang kay Ruin. “She will be Hera Tiana Anastasia Danery.” Agad na nalukot ang kanilang mukha sa sinabi ko. “Mommy! That's too long!” “She'll suffer from writing her name like us!” Agad akong tumawa sa aking mga narinig. “It's okay, boys! She'll love it when she grow up. It's long because I want her to have both of your initials.” Mukhang hindi nila matanggap na mahihirapan magsulat ng pangalan ang kapatid nila dahil sa ibinigay kong pangalan niya. They're already this thoughtful. Hi
He'll be here, soon. Haiver and Ervo told me Ruan was doing fine and I believed them. They told me he'll be here soon... pero manganganak na lang ako ay wala pa rin siya. Eight months. It has been eight fucking months. Nakailang sipa na ang anak namin mula sa loob ng tiyan ko ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. “Mommy... why are you crying?” My teary eyes met Aero's worried grey eyes. Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko bigla ang mukha ng tatay nila sa mga mata niya. Kung paano tumingin sa akin ang mga anak ko... gano'n din ang tatay nila. Grabeng pangungulila na 'to. Hindi ko na kinakaya. “I-I miss your Daddy, baby ko.” “Daddy?” Ruin stopped playing to look up to me. “Me too! I miss Daddy!” Nagulat ako nang biglang tumayo si Aero mula sa pagkakaupo sa sahig upang yakapin ako. Nanlalambing at marahan niyang ipinatong ang maliit na mukha sa ibabaw ng tiyan ko at tumingala sa akin. “That's okay, Mommy. Daddy will be here soon,” he comforted me with his gentle voice.