Home / Romance / Discreet Nights / Chapter 5: Pregnant

Share

Chapter 5: Pregnant

Buntis ako.

Alam kong hindi na dapat ako magulat pa, pero hindi maproseso ng utak ko ang nalaman ko. My hands were shaking again while staring at the two positive pregnancy tests I was holding.

“Pa-check up tayo mamaya? Samahan kita.”

Nakaupo lang sa tabi ko si Sever habang hinahagod ang likod ko. The comfort he was giving me freed the emotions I tried caging inside my heart.

“K-Kaya ko ba? Kakayanin ko ba 'to?” I asked, almost breathless.

Can I be a mother? Do I deserved to be a mother?

“I am utterly sure you will be a good mother, Zalaria.”

As someone who grew up without a father by my side, sure, I will be a good mother dahil alam ko na kung ano yung mga bagay na kailangan ng mga anak ko at maibibigay ko 'yon sa kanila kahit na wala silang tatay.

Pero, kakayanin ko ba? I knew that emotionally, I am not as strong as my mother. Baka sabayan ko lang ang magiging anak ko sa pag-iyak niya.

I looked up to prevent my tears from falling. “Isang putok lang naman 'yon, ah?”

Napasapo si Sever sa noo niya. “Zalaria, malapit ko na hindi kayanin ang mga lumalabas diyan sa bibig mo.”

Suminghot ako. “Totoo naman. Tangina, may nabuo agad?”

“That's sure, hindi kayo gumamit ng protection,” seryosong saad niya. “What's your plan? You need a plan, Zalaria. Hindi puwedeng go with the flow ka na lang ngayon. Will you tell this to the father?”

Agad akong umiling habang pinipilit na pigilan ang mga luha ko mula sa pagtulo, pero may makulit pa rin na tumulo.

“I-I can't. Hindi niya dapat malaman. Wala dapat makaalam, Sever.”

It was like the path in front of me suddenly disappeared, and I need to find a new one to take. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Ni hindi ko nga alam ang buong pangalan ng tatay ng dinadala ko. I was only familiar with his surname, hindi ko pa nga sure.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing 'yon. That also means that the wedding would happen a few days and a month from now. Ikakasal na ang kapatid ko sa kaniya. Hindi ako tanga para pigilan 'yon dahil lang nabuntis ako kahit na hindi naman dapat. Baka nga may mangyari pang masama sa akin kapag pinaabot ko ito sa tatay ko.

“Paano ang trabaho ko? Saan ko 'to palalakihin? Paano ko 'to itataguyod, Sever? Hindi ko alam. Wala akong alam.”

Bumuntonghininga siya. “Please, don't stress yourself. I am here. Tutulungan kita.”

Umiling ako. “Hindi mo naman sperm 'to, eh.”

Napamura siya. “Zalaria, what the fuck?”

Tuluyan na akong umiyak. I promised to myself years ago that if I decide to have a child, I should make sure first that he or she will have a loving, caring, and responsible father. I will plan everything first to give my child a good life. Mararanasan niya dapat yung aruga at pagmamahal ng isang ama na hindi naibigay sa akin. Mararanasan dapat niya yung mga bagay na hindi ko naranasan sa tatay ko. Lalaki dapat siya nang may tatay, pero mukhang kabaliktaran nito ang mangyayari.

Wala kaming mahanap na condo na maaari kong lipatan kaya naman nanatili muna ako sa condo ni Sever. He cleaned and fixed his storage room to be my own room.

Laking pasasalamat ko dahil nanatili si Sever sa tabi ko at hindi niya ako itinaboy.

“Huwag mo akong itataboy ha? Wala kang choice.”

Umiling siya sa akin, halatang pinipigilan lang niya ang sarili niya na irapan ako dahil magagalit ako. “I already told you, I will stay. I will help you. Kung kinakailangan kong tumayo bilang tatay ng magiging anak mo, I will do it.”

Inaamin ko, I am lucky that I found a friend like him. The first two months of my pregnancy was hard for me. Araw-araw akong nagsusuka tuwing umaga at lalabas ako ng kuwarto ko nang may nakahandang masarap at healthy na pagkain para sa akin.

Sever would cook for me for breakfast, lunch, and dinner everyday at wala akong ibang naririnig sa kaniya kundi ang mga paalala at bilin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. He would help me with my laundry nang hindi nag-iinarte sa tuwing hindi ko kaya maglaba dahil sa sama ng nararamdaman ko.

Siyempre, dahil may tinataglay naman akong hiya sa katawan ko, nakikihati ako sa bills and groceries para naman hindi ako magmukhang palamunin. May pera naman ako. Muntik na nga niyang hindi tanggapin ang offer ko, binantaan ko lang siya dahil nahihiya talaga ako.

When it comes to buying our supplies, laging siya rin ang namimili, minsan ay sumasama ako. Kapag may cravings ako, agad niyang bibilhin. Kapag naman masiyadong madami ang junk foods or unhealthy foods na nakukuha ko ay ibinabalik niya 'yon then he would remind me of the foods that I should and shouldn't eat for my baby.

Parang hindi ko na nga kailangang magpa-check up dahil sa dami niyang alam tungkol sa pagbubuntis. Mas may alam pa nga siya kaysa sa akin.

Sinamahan niya rin ako sa pamimili ko ng mga maternity clothes dahil nagsimula na ang paglaki ng tiyan ko, hindi na nagkakasya sa akin ang mga dati kong damit at hindi ko na rin natatago ang umbok ng tiyan ko.

Ang laki-laki na nito.

“Four months pa lang 'yan, 'di ba? Parang seven months na. Ang dami-dami mo kasing kinakain,” pang-aasar sa akin ni Sever habang papunta kami sa isang ob-gyn na nahanap namin upang magpa-check up.

I was nervous dahil ito ang first time na magpapa-check up ako. Ilang beses na akong kinumbinsi ni Sever na magpa-check up simula nang malaman namin na buntis ako, pero pinush ko talaga na saka lang magpa-check up kapag four months na akong buntis.

Wala lang, para malaman ko na rin agad yung gender.

“Congratulations po, Mr. and Mrs. Hareon. Kambal po ang anak niyo.”

Kahit na may hula na ako tungkol doon dahil sa laki ng tiyan ko, naiyak pa rin ako nang marinig ko ang kumpirmasyon mula sa doktor. Sever was also shocked as he stared at the ultrasound monitor in front of us.

Ganap na ganap ang pagpapanggap niya bilang tatay. Bago kami pumunta rito ay napag-usapan namin na gumanap muna siya bilang tatay ng mga anak ko para naman ma-feel ko kahit papaano ang moment. Pumayag naman ang gago, he even let me use his surname.

Naging Mrs. Hareon tuloy ako bigla.

“How about the genders, Doc? Puwede na pong malaman, 'di ba?” I asked excitedly.

"They're both a healthy baby boy.”

Matapos ang ultrasound ay kinausap pa kami ng doctor para sa mga vitamins na puwede kong i-take at yung mga dapat at hindi dapat gawin kasama ng mga dapat at hindi dapat kainin. Halos kalahati nga ng mga nasabi niya ay narinig ko na mula kay Sever.

I was smiling while we were taking our way toward the parking lot. “Kaya pala ang laki agad ng tiyan ko, dalawa pala agad.”

Umiling si Sever. “Puro lalaki pa.”

“Kinakabahan ako.”

He looked at me. “Why?”

“Baka maging kamukha ng tatay. Paano ko naman sila itatago kung gano'n?”

Pumasok ako sa sasakyan niya nang naiiyak habang inaalala ang naisip. Hindi talaga puwede 'yon dahil mahihirapan talaga akong itago sila kapag nagkataon. “Sana hindi nila makuha yung grey eyes.”

Ngumiwi si Sever. “Goodluck, Zalaria.”

For some reason, hindi ko pa rin masabi ang tungkol dito sa nanay ko. I also promised to her na mag-aanak lang ako kapag sure na talaga ako sa lalaki and obviously, wala akong maihaharap sa kaniya na tatay ng mga anak ko. For sure, magtatanong at magtatanong siya sa akin kung ano ang nangyari, nanay ko 'yon, eh. Pero hindi pa ako handang sabihin 'yon sa kaniya dahil nahihiya ako.

Ang taas-taas ng pangarap ko pagdating sa pagpapamilya, tapos katangahan lang ang masasabi ko sa kaniya? One more thing was that, I was not able to disclose to her the whole thing about what happened to me dahil mauungkat ang trabaho ko.

She doesn't know about what kind of job I had, and she must not know about it. Ayaw ko siyang mapahamak. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maialis siya rito sa bansang 'to. As long as nasa field ako, hindi siya magiging safe rito. And I couldn't leave yet, hindi pa puwede.

Natapos na ang tatlong buwan na bakasyon namin. Hindi ko alam kung papaanong na-extend ni Sever ang sa kaniya. Dahil nga buntis ako, long break lang ang makukuha ko at pagkatapos ay kinakailangan ko ring bumalik agad.

“You are required to sign the documents for your long break in person. Kaya mo ba?”

Agad akong tumango. “Yeah. Malapit lang naman, 'di ba?”

Umirap siya sa akin. “You will sign it in the main headquarter, Zalaria.”

Napangiwi ako. The main headquarter of the Derrivy was located on an island somewhere in Spain. Hindi pa ako nakakapunta ro'n. Tanging headquarters pa lang ng grupo rito sa Pilipinas ang napupuntahan ko.

Sana pala maaga kong inasikaso ang tungkol dito. Ang hirap pa naman magbiyahe nang matagal kapag mabigat na ang tiyan.

My lips formed smile while I was caressing my baby bump. Five months na lang ang hihintayin ko at makikita ko na rin sila.

Kumusta na kaya ang tatay nila? Sigurado akong magdadalawang buwan na silang kasal ng kapatid ko ngayon. Mas lalong humigpit ang mundo para sa akin at ng mga anak ko.

Hindi ko sila gustong itago, pero I had no other choice. I couldn't risk their safety. Aware ako sa kung ano ang kayang gawin ng tatay ko.

Ilang araw matapos ang gabing hindi ako sumipot sa dinner na 'yon, Sever told me na may nagmamanman sa dating bahay kung saan ako nakatira. Hindi ko alam kung paano niya nalaman dahil naibenta na ang bahay sa pagkakaalam ko pero mabuti na lang at naisipan kong umalis doon agad.

Inasikaso namin ang dapat asikasuhin para sa long break ko. Sever fixed everything in just three days. Tatlong araw din ang inabot ko sa pag-aayos ng gamit ko.

I decided that after signing the documents, hindi na muna ako babalik sa Pilipinas. I would stay with my mother in Switzerland hanggang sa manganak ako. Baka roon ko na rin palakihin ang mga anak ko.

Sever drove us to the private airport owned by our organization. We would also use a private jet kaya naman hindi siya natagalan sa paghahanda.

“Are you ready?”

Huminga ako nang malalim bago tumango. “I am.”

We entered the private jet together. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa loob ng sasakyan at na-survive ko ang halos isang araw na flight na 'yon. Nagpahinga kami ng isang araw sa isang hotel sa Madrid bago muling bumiyahe papunta sa isla kung nasaan ang main headquarter.

Pagdating namin sa isa sa mga port kung saan kami sasakay ng yate ay nagulat ako nang may mga armadong lalaki na lumapit sa amin, tila nagbabantay.

Sever chuckled. “Relax. They're agents of Derrivy here in the country. Sila ang maghahatid sa atin.”

Nang makapasok kami sa yate, nagulat na lang ako sa mga nalaman ko. Like, an hour from now ay lilipat kami ng sasakyan. We would ride a fucking submarine to go to the island.

“Kailangang takpan ang mata mo, Zalaria.”

Agad akong natakot bago tumingin kay Sever habang kinakabahang nakahawak sa tiyan ko. Kung hindi lang ako buntis ay hindi ganito ang mararamdaman ko pero. Bigla akong natakot para sa mga anak ko.

“I-Is it safe?”

“It is. Highly trained ang mga maghahatid sa atin and the submarine is a trusted vehicle from our Supreme,” paliwanag ni Sever.

Nang kausapin nila ako tungkol sa paglipat namin ng sasakyan ay gusto kong magreklamo. Paano ba naman kasi, ako lang ang tatakpan nila ng mata at hindi kasama si Sever!

Bakit? Well, mataas kasi ang posisyon ng lalaki kumpara sa akin. Siya ang namumuno sa headquarter ng grupo sa Pilipinas. Hindi ko lang alam kung sino ang namamahala ro'n ngayon dahil lagi ko naman siyang kasama.

Nanginginig ang mga kamay ko nang maramdaman ang pagbaba ng inuupuan ko. Natigil lang 'yon nang pagsaklupin ni Sever ang dalawang kamay ko kasama ng kaniya.

Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ang pagtigil ng pagglalaw ng inuupuan ko.

Sa pagkakaalam ko, limang tao lang kami sa loob ng submarine. We would travel for thirty minutes to reach the island. Tahimik ako habang nakaupo. Saka lang ako magsasalita kapag naramdaman ko na aalis si Sever sa tabi ko. Napapamura tuloy ako dahil sa kaba.

“You want water?”

Umiling ako. Ang gusto ko na lang sa mga oras na ito ay matulog, ngunit hindi ko alam kung paano ako makakatulog sa lagay na 'to. Good thing the thirty minutes ended quickly. I felt the minor shaking of the submarine while it was resurfacing.

Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang pagtama ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Inalalayan ako ni Sever habang palabas kami. I also felt him removing the cloth away from my eyes, dahilan upang makita ko na nakalabas na pala kami.

Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ang papalubog na submarine sa dagat. Ngumuso ako dahil hindi ko manlang nakita ang hitsura nito.

“Let's go?”

Nang humarap ako ay doon ko napansin ang hitsura ng isla. Modern na modern ang dating. Napapaligiran ang isla ng mga yate na iba-iba ang laki. I heard the island even had its own airport. There were modern structures everywhere, but the most eye catching one was the huge mansion standing in the middle of the island.

The headquarter was a mansion. Itim ang kulay niyon at halos puro salamin. However, hindi kita ang kung ano man ang nasa loob. It has a unique structure which made it look more modern. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang anim na palapag nito.

A masked man drove us to get near the mansion. May pumalit sa kaniya upang dalhin kami sa loob. Lahat ng taong nakikita ko ay may takip sa mukha. Nang lumingon ako kay Sever ay nagulat ako nang makitang may suot na rin siyang mask.

The man guiding us led us in front of a black door in the third floor.

“The Supreme is currently unavailable, so you'll be talking with his right hand,” saad ng lalaki. Marahan niyang binuksan ang pinto upang makapasok kami.

Isang lalaki na gaya ng iba ay nakatakip din ang mukha ang kumausap sa akin. They gave me two years as a break. Binanggit niya sa akin ang mga kondisyon bago matapos ang aming pag-uusap.

Makakapunta na ako sa Switzerland. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

“Zalaria, stay here for a while. The new Supreme wants to talk to me.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sever.

New Supreme? Napalitan ang aming Supremo?

Mahigit isang oras din ang hinintay ko bago dumating si Sever. My lips parted from each other a bit when I saw a bruise at the side of his lips.

Sinuntok ba siya?

Iritable siyang tumingin sa akin. “Zalaria, paano kapag kamukha pala ng mga anak mo ang tatay nila? Tapos hindi mo maitatago.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status