Share

Dirty Games With The Billionaire
Dirty Games With The Billionaire
Author: Pennieee

Chapter 1

WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.

DIRTY GAMES WITH THE BILLIONAIRE by: Pennieee

Arazella Fhatima Montes

"You are always drunk, Ariston! tapos uuwi ka pa dito sa bahay nang may dala-dala kang babae? saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo, ha? wala ka na ring respeto sa akin bilang ama mo!"

This is just a normal day for me. Oo, normal na araw. Dahil ang kuya ko ay sa umaga ang uwi, hindi sa hapon, hindi sa gabi o tanghali kung hindi sa umaga. Lasing na lasing at may kasama pang babae.

Habang pababa ako ng hagdan sa may gilid ay nakita ko ang kasama ni kuya. Maigsi ang suot na skirt halos lumitaw na ang pisngi ng pwet, luwa ang dibdib at naka designer bag na isang sulyap ko lang ay alam ko nang peke.

"Dad, come on? parang hindi mo naman ito ginawa noon? we were so young when we witnessed how you brought btches in this home."

This argument will last for sure. Pero dahil nga sanay na ako ay pasok sa isang tainga labas sa kabila lang. Nang makababa ako ng hagdan ay dumaan ako sa mismong gitna nila. Dad looked at me for a few seconds. I didn't greet any one of them but when I saw in my peripheral vision that the woman which was just the same level as my shoulder looked at me, I raised my middle finger at her.

"Hey, Ara! that's not nice! ganiyan ba ang natututunan mo sa University ninyo ngayon?" sigaw ni Kuya Ariston. Tumigil naman ako sa paglalakad at humalukipkip, pumihit rin ako paharap sa kanila at blangkong tumingin. Okay, I'll give them some of my attention. Hinead to foot ko rin iyong babae at tumaas ang gilid ng aking mga labi nang makita ang kakapalan na makeup nito.

"You have no taste in women, Kuya. Gustong-gusto mo talaga ng mga clown btches."

"Hoy! malakas akong sumampal, ha!" sabi ng babae sa akin. I pouted my lips and nodded at her. Nang lumapit ako pabalik sa kanila ay tumingin ako kay Dad at nang pumihit ako paharap sa babae ay ibinaba ko ang aking mga kamay at walang sabi-sabi na sinampal ito sa mukha.

"Aahh!" tili nito at kung hindi hawak ng kuya ay tiyak na tumumba na sa sahig.

"Pero mas malakas akong sumampal. Ayan. Masakit ba?" tanong ko. Dad was shaking his head. He didn't say any words and just turned his back. Pumunta na sa silid niya na narito lang rin sa baba.

Then, the woman muttered curses at me. Galit na galit ang mga mata na nakatingin sa akin at alam ko na gaganti. I know also that my brother will not stop his btch. Kaya naman ako na ang lumapit, when I raised my hand for another slap the woman went on my brother's back to hide.

"Tama na iyan, Arazella, 22 ka na hindi ka na dapat nakikipag-away ng ganiyan," naiiling na sabi ni kuya.

"What does it have to do with my age? Iyan ngang kasama mo mukhang 30 pero pumapatol pa sa mas bata."

"W-What? I'm 24 only!" sagot ng babae ng sinamaan ko naman ng tingin.

"Eat and then go to your University. Patapos na ang huling semester, hindi ba? ga-graduate ka na sa mga susunod na buwan."

Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kaniya. Bakit parang bigla siyang nagkapakialam sa akin? ito rin ang unang beses na kinausap niya ako tungkol sa pag-aaral ko.

"As if you care if I will graduate or not--"

"I care because you will help me manage Dad's company."

Sa narinig ko ay marahas akong napatingin sa kaniya. Umiling ako ng dahan-dahan. They knew that's not what I want. Sinabi ko na sa kanila, hindi pa man ako nagsisimulang mag-college. I told them that I want to be a model. Pero ipinursige nila ang kursong business management. Oo at sinunod ko iyon pero hindi ang paghawak ng kumpanya ang nais ko.

"Don't look at me like that, sis. Alam ko naman na hindi ka rin makakahindi sa oras na si Dad ang makiusap sa iyo."

And he fckng knows that. He's always using Dad against me. Kahit noong mga bata pa kami dahil nga alam niyang mahal na mahal ko ang aming ama. At kay Ariston, pakiramdam ko ay ibang tao ang tingin niya dito kaya may sama talaga ako ng loob sa kaniya.

"Fck your btch, kuya. Pagkatapos ay lumayas ka nang muli," sabi ko na lang at tumalikod. Mabibigat ang mga paa na tinungo ko ang kusina.

This is the first time that I got this mad. Hindi ko lubos maisip na masisira ni kuya ang umaga ko sa pagpapaalala kung ano ang hinaharap na nais nila para sa akin ni Dad. I was very vocal about what I want, pero ang ama ko ay walang tiwala sa kuya ng buo. He loves his company so much na hindi niya iyon kayang iwan lang kay Kuya Ariston.

Kaya ako ay nahahati sa pagmamahal kay Dad at sa pagmamahal ko sa sarili ko na gawin ang aking gusto.

"Why is it so hard, Mommy?" tumingin ako sa larawan ng aking ina na nasa harapan ko mismo. It's here in the dining area. Napangiti ako at inabot ang picture frame.

My mother was a model. A famous one. Pero namatay siya nang ilang buwan pa lang ako. Ang kwento ni Kuya Ariston ay aksidente daw. Ito at si Dad pero nakaligtas ang ama namin at ang Mommy ay hndi. Simula rin nang mamatay ito ay nagbago na ang aming ama. Nag-uuwi na noon ng babae kahit mga bata pa lang kami ni Ariston, but, he maintain the good image of his company. Iyon lang rin kaya hanggang ngayon ay masagana ang buhay namin.

"I really want to be like you, Mom..." I said.

"But, how? when Dad and Kuya were the ones planning my future for me?"

Dahan-dahan kong ibinaba ang larawan niya at itinuon ang aking mga mata sa pagkain. Kumagat ako sa toasted bread pero nanatili lang iyon sa aking bibig at hindi ko nginuya. I felt my eyes heated after the pain struck my chest.

"I just want a complete and happy family. Iyong puno ng pagmamahalan..." napahinga ako ng malalim. My tears fell down. Hirap na hirap akong maabot iyon ngayon, alam ko na rin naman na imposible dahil sa relasyon ni Dad at ni Kuya Ariston.

They always fight. It's been so long, and a lot of years have passed already. Away sila ng away habang ako ay aral ng aral sa kursong hindi ko naman gusto.

I breathed deeply. Binilisan ko na lang ang pagkain. Dalawang oras na lang bago ang first subject ko. Male-late na ako. Sht. Nadala ako masyado sa nangyari. After I finished my breakfast I went to my room immediately.

The University is a 45 minutes long drive kaya naman madaling-madali ako ngayon.

After taking a bath, I changed right away. Plain white fitted top at black straight cut jeans ang aking isinuot. It's friday kaya civilian day pero ang uniform talaga namin ay corporate attire.

"Oh fck," mura ko nang maiwan na naka-on ang plantsa. Mabuti na lang at hindi nasunog ang cover!

Nang makatapos ako ay tinungo ko agad ang labas bitbit ang tatlong malalaking libro sa aking kamay at ang sling bag ko na nahuhulog pa sa aking balikat.

"Aghh! Hindi ako pwedeng ma-late!"

Kasalanan ito ni Kuya Ariston at ng clown btch niya, eh!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pennieee
Hello po! Sana mabasa ninyo rin po ang kwento ni Leonariz at Arazella! Maraming-maraming salamat po!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status