Share

Chapter 3

I don't want another french kiss!

Iyon ang sigaw ng isipan ko kahit pa nagustuhan ko ang halik ng lalakeng ito sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari kung sakali na maulit! at mukhang ang klase ng itsura nito ay sanay na sanay na sa ganitong gawain!

Napababa naman ang tingin ko sa kamay niya na hawak pa rin ako sa braso at sa baywang. The way his grip tightened mukhang wala siyang balak na bitiwan ako. At talagang ang ngisi niya, ang kislap ng mga mata ay iisa lang ang ipinapahiwatig--ang gustongh mangyari.

Hello, no! Arazella!

"Look, that was a mistake, okay? I was carried away that's why I kissed you back pero huwag mong bigyan ng malisya 'yon--"

"Your expression are not even aligned with every words coming from your beautiful lips, baby."

Sht na lalakeng ito.

With all the strength I have, I pulled back my arms and distance myself. At nasaktan pa ako dahil sa pagbawi ko kasi masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin. I almost stumble but I managed to balance myself. Nang makakawala ako ay napansin ko na nagsalubong ang mga kilay niya. Halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"Habulin mo na lang yung babaeng dapat kahalikan mo ngayon. Again, I am sorry. Late na ako sa class ko. Maiwan na kita," I said. Mas nag-panic ako nang maalala ang klase ko! pero pagkatalikod ko at paglabas ng silid ay akala ko okay na. Hindi pa pala dahil sinundan ako ulit ng lalake.

Damn it. What was his name again? Leo? Leonariz? 'yon ang narinig ko kanina na sinabi ng babae, eh.

"So, you are not going to tell me your name?"

Hindi ko siya pinansin. Ang ibang mga estudyante na nadaraanan namin na dalawa ay napapatingin sa kaniya. Mostly the girls. Mukhang sikat nga ang lalakeng ito. I wonder if how many girls na ang n*******n ng mga labi niyang 'yon?

Bigla akong nainis na isa na ako sa mga babaeng 'yon ngayon. Fck you, Ara! nagpadala ka kasi, eh! but that will be the last!

Sinulyapan ko pa sandali ang lalakeng nakasunod pa rin sa akin. At nang magtama ang mga mata namin ay hindi naman siya ngumiti sa akin. His dead eyes just looked at me, umiwas ako agad at napailing na lang sa pagiging gaga ko.

"Hey, Montes! saan ka nanggaling?"

Nang marinig ko ang boses ng kaklase ko na si De Vera ay mas tinambol ng kaba ang dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad nang makalapit ito sa akin. He's holding his book, sht. Tapos na ang recitation kaya? absent ako? gaano ba katagal na nanatili ako sa silid ng lalakeng 'yon?

I glanced at my wristwatch and I really cursed when I saw na almost 30 minutes pala akong nawala. How come ganoon katagal?! ilamng minuto lang ata 'yong halikan namin ng lalakeng ito, ah?!

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinamaan ko ng tingin ang salarin na basta na lang akong hinila at hinalikan.

"Akala ko kasi ay don pa rin tayo sa dating room. Walang nagsabi sa akin na nagpalit pala," paliwanag ko kay De Vera.

He laughed and tapped my shoulder. Sa gilid ng mga mata ko ay nakasandal na sa pader ang lalakeng nakasunod sa akin at napatingin siya sa kamay ni De Vera na nasa balikat ko. Hanggang sa ibaba ng kaklase ko ang kamay niya ay nakasunod ang lalake doon.

What is his problem? and what is he still doing here? inaasahan ba talaga niya na sasabihin ko sa kaniya ang pangalan ko?

"Akala ko rin naman ay alam mo. Sorry. Pero huwag kang mag-alala! hindi naman natuloy ang recitation. Nagsabi lang si Professor Gomez na tomorrow na lang, may visitor daw ang University at kailangan sila sa Auditorium."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Mabuti naman! I don't want to fail! saka napaka-strict ng teacher na 'yon! hindi siya tumatanggap kahit seconds late lang!

"Thank you, De Vera. Nag-attendance ba kayo?"

The man beside me is still looking and listening. Naba-bother na ako sa kaniya. Napapatingin na rin sa kaniya si De Vera at mukhang nagdadalawang isip lang magtanong kung sino itong kasama ko. I hope he won't ask! kasi pakiramdam ko ay kung hindi ko sagutin, ang lalakeng ito sa gilid ang sasagot!

Thought, he don't look like he's talkative. Pero may aura siya na hindi ko gusto. Na pakiramdam ko kung ano ang naiisip ko na ayaw ko ay gagawin niya.

"Nagpasulat sa yellow paper. Don't worry! isinulat ko na ang name mo. Nakita naman na rin kita saka ikaw pa? um-absent? puputi ang uwak."

I smiled at what he said.

That's true. Sinisiguro ko kasi na wala akong bad records. Gusto ko na matuwa si Dad sa akin, I am doing everything that I can to have good grades. Wala na rin kasi siyang aasahan kay Kuya Ariston, eh. Kahit na ayoko ng kurso ko at gusto ko na mag-model, I don't want to give Dad another headache. Pag nakatapos na lang ako saka ko siya kakausapin talaga.

"Thank you, De Vera. Libre na lang kita ng lunch tomorrow."

"Why not now?!" I know it's a joke. Ngumiti ako at umiling. Itinaas ko ang mga libro na hawak ko.

"I need to finish an assignment in the library. Kayo? 'di ba at may presentation kayo sa P.E kay Mr. Lombre?"

Napapitik naman sa hangin si De Vera na mukhang naalala na kung saan ang sunod niya na punta. Ang tanda ko rin kasi sila na mga kaklase ko ay next subject na ang P.E

"Thanks for reminding me, Montes! Sige! see you tomorrow! yung lunch ko!" sabi nito at umalis na. Tumango naman ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. I double check my schedule. Ngayon ko na rin pala kailangan isauli ang isang romance book na hiniram ko sa library. I almost forgot.

"Hey, Montes! ganda palagi, ah!" an engineering student greeted me.

I nodded at him and smiled. I used to hear this from my schoolmates from different departments. Whether they were boys or girls. And this felt like a friendly greeting from them. Pag sa mga lalake naman nanggaling ay hindi yung bastusin pakinggan pag bumati.

Actually, I don't have friends who always sticks with me in the University. I have no girl group, pero hindi naman ako palagi nag-iisa dahil medyo kaclose ko rin ang mga kaklase ko.

"Hello, Ara, walang estudyante sa favorite spot mo."

Pagkarating ko sa library ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni Faye. Siya ang student assistant na nakaduty ngayon. Ngumiti ako sa kaniya at ibinaba ang mga libro sa gilid. Ibinigay ko na rin ang bag ko bago kuhanin ang mga kakailanganin ko na gamit para dalhin sa loob.

"Binabawal mo na ata na may maupo doon, eh," biro ko sa kaniya. She knows na dumarating ako ng ganitong oras at alam niya rin na ang gusto kong pwesto ay sa dulo dahil tago at hindi napupuntahan masyado ng tao.

Ang ingay na rin kasi dito sa library. This was supposed to be a study area. Pero ang daming tambay. Ginagawa pang dating place! at 'yon na nga ang nangyayari sa paborito kong spot. Nang nakaraan ay may nahuli pa ako doon na nagme-makeout.

"Oo naman! para sa 'yo!" sagot ni Faye at ibinigay niya sa akin ang baggage number ko.

"Thank you!" I said and before I turned my back, she moved closer.

"Nariyan si Sir L, Ara."

And after I heard that, I bit my lower lip. Napangiti akong bigla.

"Kanina pa? o kadarating lang?" tanong ko.

"Kadarating lang! magkasunod kayo! mukhang matutulog na naman nga, eh. Ginawa nang tulugan ni sir itong library!" natatawang sabi ni Faye. Napangiti naman ako at napalabi.

He's always sleepy.

Sir L or Lander Hale Jimenez. 28 years old. He used to work in the president's office. Mabait siya, siya palagi ang nag-aassist sa akin noon pag magpapasa ako ng requirements as president's scholar. Nagkakausap kami pag naroon ako. Alam ko rin kung saan siya nakatira. He has a condo in BGC at may bahay rin sa Cainta. Pero wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya iyong personal dahil nahihiya akong magtanong.

"Just ask me everything you want to know, Ara. Huwag kang mahihiya."

He's so kind! so soft spoken. Kaya napakaraming nagkakagusto sa kaniya.

And... I am actually one of them. I have a crush on him for months now. Not because of his look, oo gwapo talaga, matangkad, head turner. Pero ang dahilan ay napakabait niya, approachable at iyon nga. Malumanay magsalita, gentleman. Magalang. Haaa. At alam ni Faye na may crush ako dito kaya naman ito at inireport na niya kaagad sa akin na narito si Lander.

"Sige, thank you ulit, Faye!" sabi ko at naglakad na.

Hinanap kaagad ng mga mata ko si Lander. Kaunti lang ang mga tao ngayon. At ito nga, natatanaw ko na siya. Actually yung pwesto niya ay sa dulo, duluhan ang pwesto namin na dalawa. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko ang pwesto ko dahil kapag narito siya sa library ay nakakasulyap-sulyap ako sa kaniya.

"He's really sleeping," I whispered as soon as I got my seat.

Nagsalumbaba ako at pinanood lang si Lander. What a nice view because he's facing this way.

Ang amo ng mukha niya, at kahit may kalayuan ang linaw-linaw niya sa paningin ko.

"Mukhang hindi na ako makakagawa ng assignment--"

"So, you like that professor?"

My eyes widened, and I almost fell from my seat when I heard that voice from beside me. At maling-mali na napalingon ako agad sa pinanggalingan ng boses dahil napakalapit pala ng mukha nito sa akin!

Accidentally, my lips met the side of his. Sht.

"A-Anong... andito ka pa rin?!"

Napatayo akong bigla at napalayo pero dahil lumakas ang boses ko ay nakakuha kami ng atensyon. Ganoon na lang rin ang kaba ko nang magising si Lander at hinanap ang ingay. Nang makita ko 'yon ay mas nataranta ako. I didn't waste time. Hinawakan ko sa ulo ang impaktong lalakeng nakasunod pa rin pala sa akin at iniupo ko siya para makapagtago kami.

Why am I hiding with this fcker?!

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?! bakit mo ba ako sinundan pa?!" inis na inis na bulong ko. Our faces are a few inches away again! at ang lokong lalake ay nakangisi na naman sa akin. Inakbayan pa ako at idinikit ang noo sa akin.

I couldn't move or complain! ako ang humatak sa kaniya para maupo at magtago!

"I want to know your name," he said huskily.

Talagang umikot sa pagkairita ang mga mata ko. Nangigigil na sinagot ko siya.

"Ara!" mahina ngunit matigas nang sabihin ko. Pero sa itsura pa lang ay alam ko nang hindi kontento ang lalakeng ito.He tilted his head, smirked, and placed his hand on my nape to pull me closer. Ngayon ay halos gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa.

"Full... name," he said, almost touching my lips. Napalunok ako at napigil ko ang paghinga.

"I want your full name, baby."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nalangma G Hael
ohm... bigay Muna baby heheheh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status