I've never been in a situation like this, where I was cornered by a man. Yes, I'm tough, and I always thought I could easily defend myself if someone ever tried to harass me. Pero mali pala ako ng akala kasi when you're actually in that situation, you'll just stand in your place, unable to move, and you don't know what to do.
Naramdaman ko na rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko na anumang oras ay alam kong maiiyak na ako sa harapan ng lalakeng 'to. He's not cutting his gaze at me, matapang rin ako na hindi inaalis ang tingin ko sa kaniya. It felt like we were talking to each other through our eyes, and I did my best to hold back my tears, pero nang pakiramdam ko ay magtutuloy-tuloy ang pamumuo ay nangamba ako. There's no way I am going to cry in front of this jerk! I swallow hard, so hard that I think by doing that the tears would not fall, at bago rin ako muling magsalita para sabihin sa lalakeng kaharap ko na bitawan ako ay siya na ang kusang lumayo. "That's right. Don't cry because of me or in front of me, Arazella Fhatima. You did well holding back your tears." Nanatili ang malamig na boses niya, habang ang tingin niya sa akin ay nakakapaso. W-What? Ikinuyom ko ang mga kamay ko, hinayaan ko na ang tuwalya ko kahit maluwag pa 'yon. Ang nararamdaman ko na galit sa lalakeng kaharap ko ay talagang sukdulan. Na pakiramdam ko kaya ko siyang suntukin sa mga oras na 'to mismo. Pero alam ko rin na mas malalagay lang sa alanganin ang sitwasyon para sa akin kung may gagawin pa ako. Because for sure, he will so something to me. He looks like he's not the type to let someone get away with doing something bad to him. "Hinding-hind ako iiyak dahil sa 'yo! Kahit ano pa ang dahilan! So, fckng leave my room right now!" "Make sure your words are sweet, baby," he said, his eyes slowly scanning my body again. "In case you have to eat them." Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin at naglakad na palabas ng silid ko. And when I heard my room door closed ay saka ako napakapit sa gilid ko. Napabuga ako ng hangin, sunod-sunod ang malalalim ko na paghinga. Ramdam ko rin na parang babagsak na ako sa kinatatayuan ko ngayon mismo dahil sa lalakeng 'yon. I was so certain earlier that we will never cross paths again, but fck. Pagkalabas ko ba naman sa bathroom ay nandito na siya at sitting pretty sa couch ko! Napadako ang mga mata ko sa inupuan niya kanina. "I need to throw that! I-I need to buy a new one!" and after I said that, I immediately went to my door, inilock ko agad 'yon sa doorknob, pati ang isa pang lock sa pinakataas. "Ang tanga mo naman kasi, Ara. Bakit nakalimutan mo isara ang pinto mo?" I quickly changed. Pero habang nagpapalit ako ng damit ay pinagtatanggol ko rin ang sarili ko sa naging sitwasyon ko kanina. Sa hindi ko pagkakasara ng pintuan ko. Because this never happened. May pumupunta naman kasing mga kaibigan ni Kuya Ariston dito sa bahay namin, at ito lang ang unang beses na may umakyat dito at pumasok sa kwarto ko mismo. "And that fckng Leonariz sigurado na sadya ang pagpasok niya dito. Nanggaling na rin sa kaniya na alam niyang silid ito ng babae at silid ko mismo!" Kahit na ilang minuto na ang nakalipas ay nanginginig pa rin ako sa galit. Wala nang takot, lahat na lang ng nararamdaman ko ngayon ay galit. And while I was brushing my hair in front of my vanity mirror, I suddenly looked at my breast, sa sando na suot ko. Napalabi ako nang maalala ang pag-angat kanina ng lalakeng 'yon sa tuwalya na bumaba habang hawak ang kamay ko. "I really thought he would do more... but thank goodness that he let me go." He looked like a fine man, mukhang disente naman, hindi siya yung tipo na tingining gangster. Wala rin kahit anong tattoo sa mga braso, sa leeg, o sa mga parte na makikita unlike Kuya Ariston. Tapos maayos rin ang gupit ng buhok, he even smells good—what the hell, Arazella? Are you really complimenting the man who harassed you? Tinapos ko na ang pagsusuklay sa buhok ko. At nang makarinig ako ng katok sa pinto ko ay napapitlag ako. I looked at my door and gulped. "N-No way. Bumalik kaya?" Pero nasagot ang tanong ko nang marinig ang boses ng kuya sa labas. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. "Ara, are sleeping?" Tumayo ako at pinagbuksan siya. At nang makita ko ang kuya na hindi pa nakagayak ay nagsalubong ang mga kilay ko. I thought he'll leave? "Why?" tanong ko agad. "Can you entertain my guest? May niyari kasi akong report, eh. Pakilutuan mo rin nga ng makakain. Tumingin ako ng pagkain sa ref walang pang-meryenda, eh." Guest... that asshole? No! "Um-order ka na lang kuya ng pagkain. Ang dami-daming online food delivery app. Bakit kailangan ko pang ipagluto ang impaktong 'yon?" tanong ko. Napataas ang mga kilay niya sa naging sagot ko sa kaniya. Is he not going to ask me while I reacted like that at kung bakit ganon rin ang tawag ko sa bisita niya? Pero hindi ko binawi, tumikhim lang ako at tumingin sa likod ko. "I'm busy. May ginagawa akong project. Marami akong need tapusin. Alam mo naman na graduating ako, 'di ba?" pagsisinungaling ko. Ayokong lumabas ng silid ko at harapin ulit ang lalakeng 'yon. "Please, sis? He's an important person. At kapag narinig ni dad na nandito si Leo ay tiyak kahit si dad makikiusap na ipagluto mo ito." Leo--Leonariz. Ganoon 'yon kaimportante? And wait, kilala ni dad? "Umorder ka na lang nga, kuya! Mas okay 'yon. Kung mahalagang tao pala ay sa kilala at mamahaling restaurant ka magpadala ng pagkain. Nakakahiya kung--" "He doesn't eat food that's not home-cooked, okay? Naospital na siya dati dahil na-food poison siya kaya nga nakikiusap ako ngayon sa 'yo na ipagluto mo na. Saka, nakita ko yung cookies sa ref, ibe-bake mo na ata 'yon, eh. Kahit 'yon na lang." "Kuya--" he cut me off again. "Please? Sige na! I'll leave Leo to you. 40 minutes lang." Nagulat naman ako sa oras na binanggit niya kung gaano katagal na maiiwan pa sa akin ang Leonariz na 'yon. "What? Kuya Ariston, that's too long! Grabe ka naman gumayak, daig mo pa ang babae! Saka paghihintayin mo rin ang bisita mo ng ganoon katagal? Sa labas na lang kayo kumain!" "Si Leo naman ang nagsabi na I should take my time, huwag ka na magreklamo, Ara. Gutom na rin 'yong si Leo kasi hindi siya kumain sa mga pagkain na inihanda kanina sa university ninyo." So hindi nga siya basta-basta kumakain ng pagkain? Pero bakit dito sa bahay namin--wait, don't tell me he's gonna watch while I cook? "K-Kuya, ayoko! Ikaw na ang magluto!" "You can do it, Ara. Please. Huwag ka rin gagawa ng ikapapahiya ko at ni dad!" Pagkasabi niya non ay hinalikan niya ang noo ko at tinalikuran na ako. Hindi na niya ako hinintay pa na makasagot sa kaniya. Napaawang na lang ang mga labi ko at naibagsak ang mga kamay ko. The hell? Napahilot ako sa sintido ko. "Just do it for dad, Ara. For dad," I said. Tumango ako sa sarili ko. But before I left my room, nagpalit ako ng mas malaking tshirt at pajama. I don't want to go out and cook for that ass wearing a short-short and this sando only! Pinili ko ang pinakamalaki kong tshirt. At nang mapasadahan ang itsura ko sa salamin ay napahawak ako sa buhok ko na basa pa. I can't tie my hair wet. "Mabilis na pagkain na lang rin ang mailuto." Lumabas ako ng silid ko. At pagkababa ko ay natanaw ko agad ang halimaw na bisita namin. Nakaupo sa sofa habang nakahalukipkip. Ang mga mata ay nakatingin sa flowervase na nasa center table. But he noticed me right away. I saw his eyes move to where I was, at nang makita ko na tumaas ang sulok ng mga labi niya habang nakatingin sa akin ay pakiramdam ko, sa isipan niya ay nagtagumpay siya sa kaniyang plano. Agh. This asshole!Hindi nga ako nagkamali ng naisip kanina dahil wala pang ilang segundo nang makarating ako sa kitchen ay nakasunod na ang lalakeng 'yon. He's really going to watch me cook his food. Ngayon na alam niya na ako ang magluluto ng pagkain niya, at pagkatapos ng mga nangyari sa maghapon na 'to sa pagitan namin, Will he really let me cook his food? Doesn't he worry that I might do something to upset his stomach, or worse, poison him?You are not a killer for pete's sake, Ara!"What are you going to cook for me?" he asked, his deep voice making me flinch.His presence really intimidates me. May kakaiba sa kaniya na kahit hindi siya magsalita, iyong tingin lang ay mapapaiwas ka na ng mga mata. It's as if his gaze tells you to back off or keep your words to yourself, or that he has very little patience when he speaks.But despite his dangerous looks and rugged presence, he shows a different side to me in just a day.Although it's controlling and his words are inappropriate, it feels like he want
Leonariz Valeriano Herrene JimenezI believe that money can buy anything. I grew up watching my parents use their wealth to get what they wanted, manipulating everything, including people. I heard how they made others' lives miserable to obtain what they desired. But I also witnessed how it caused their fights, how dad did many things to fix their relationship. My mother then cheated on my father with a wealthier man, what a btch. and my father, unable to accept it, fell into severe depression.That weak old man.It was a horrific memory—I watched him shoot himself because he couldn't accept that my mother left him for a wealthy old Italian man. I was nine years old when it happened. But it didn't traumatize me. It taught me a lesson.I'll never be like my father, blinded by love and willing to die for it.And I'll never let myself be a slave to any woman's love."Mr. Jimenez, do you like coffee?"Napatingin ako sa sekretarya ko. Jill was wearing a very short skirt, her long beautiful
The woman that I kissed in one of the university that I sponsored was his sister. It was an accident, dahil hindi naman talaga ito ang babaeng pinasunod ko sa silid, it just happened that she entered, and I mistook her for the woman I planned to fck that time. Arazella Fhatima. Nalaman ko ang pangalan niya nang makarating ako sa bahay ni Ariston Montes three days ago. Sa isang high school graduation picture, there was a name at the lower part of the photo. I was actually surprised to find out that she lived in the same house. Because at that time in the university, I was so annoyed that she had managed to escape from me."I want that lips again..." napamura ako kasabay ng pagngiti ko dahil ngayon lang ako na-hook ng ganito sa isang babae. I used to fck and leave. I don't use the same woman twice.But for I don't know reason, halik pa lang ang nakukuha ko sa babaeng 'yon pero binabaliw na ako ng mga imahinasyon ko sa kaniya. And it's more than just a kiss..."Damn it, Leonariz..."I
"How's your portfolio? Kung may maitutulong ako ay sabihin mo lang sa akin, Ara. Hindi naman ganoon ka-busy ang schedule ko. Nakapag-adjust na rin ako sa pagtuturo."I tried not to bit my lower lip in front of Lander after he said that. He's even willing to help me. Narito kami ngayon sa may Fasco, isang restaurant na kalahating oras ang layo sa university. Nang magkita kami kanina sa may registrar ay tinanong niya kaagad ako kung may gagawin ako dahil kung wala ay aayain daw sana niya akong kumain.At syempre wala akong gagawin kaya um-oo agad ako! Kung mayroon rin naman ay isasantabi ko muna dahil mas mahalaga sa akin na makasama siya. I really don't want to waste time, gusto ko talaga siya at mas lumalakas ang loob ko sa kwento ni Faye na kapag daw naririnig niya na may nag-iimbita kay Lander na mga co-professors niya na lumabas, 'yong mga halatang may gusto dito ay tumatanggi daw agad si Lander.At ikinatuwa ko 'yon. That's a plus point also! Alam ko kasi na hindi paasa si Lander
Sa pag-iisip ng mga pangit na katangian ay bigla sumagi naman ang mukha ng lalakeng nakahalikan ko sa university. Not to mention, he entered my room and saw me wearing only my pink towel, dripping wet right after my bath. Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ito ulit nakita na nagpapasalamat ako ng sobra, pero pag maaalala ko ay inis na inis pa rin ako.Sabi rni Kuya Ariston ay buyer lang daw ito ng sasakyan niya at mayaman na negosyante kaya kilala ni dad pero hindi naman daw ito madalas pupunta sa bahay namin lalo at hindi naman niya daw ito talagang ka-close.Kaya huwag ka mag-alala, Arazella, sigurado na hindi na kayo magkikita."Uhm, Ara, are you okay?" nang marinig ko ang tanong ni Lander ay napatingin ako sa kaniya pero inginuso naman niya ang cake ko at doon ko lang napagtanto na tinutusok-tusok ko pala 'yon ng tinidor at ngayon ay durog na."O-Oh my gosh. Sorry..." I said.But he only chuckled. "No, it's okay. It's your food. I just find you cute while doing that. Muk
Hindi pa ako nakakabawi sa nalaman ko nang marinig ko ang boses ni Lander na tinatawag ang pangalan ko."Ara?"My lips parted and I pushed Leonariz as hard as I can. Pero hindi man lang siya natinag. G-Ghad. Wala siyang balak na umalis sa harapan ko?! Talaga ba na hahayaan niya na makita kami ni Lander sa ganitong sitwasyon? Nasa baywang ko pa ang isang kamay niya at nakasandal ako sa wine rack habang magkalapit ang mga katawan namin!"Let me go..." mahina ngunit matigas kong sambit habang masama ang tingin sa kaniya. But the asshole was smiling, para siyang isang demonyo ngayon sa paningin ko habang nakangiti."No," sagot niya at inilapit ang mukha niya sa akin. He even tilted his head, his face was so close to my ear. Nanayo ang mga balahibo ko at hindi ko intensyon na humawak sa mga braso niya pero 'yon ang kinapitan ng mga kamay ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya doon."But, I'll let you go in one condition..." bulong niya. Halos wala nang boses. At napasinghap ako nan
I am still breathing heavily. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kahit alam kong ilang minuto na ang nakalipas. Napapikit ako at mariin ko na idinikit ang mga palad ko sa aking mukha. I am scolding myself for kissing back, again. That jerk Leonriz will use it against me the next time we meet again.At nang maisip ko 'yon ay nais ko sanang sabihin na hindi kami magkikita at ito na ang huli pero napakalabo non.B-Because he's Lander's brother. Kinagat ko ng mariin ang pang-ibabang labi ko at nakaramdam ako ng matinding inis. Hindi lang kay Leonariz kung hindi pa rin na rin sa sarili ko. I need to guard myself, if ever he will appear in front of me again, kailangan ko na gamitin ang buong lakas ko para kumawala, or ask for help. B-Because I don't want this feeling.Alam ko sa sarili ko na si Lander ang gusto ko, and he's the man I wanted to be with. Ang katulad niya ang pinapangarap ko na lalake, mabait, maalaga, mabuting tao at alam na alam ko na hindi ako sasaktan.It just upsets m
Nagsinungaling ako kay Lander na nakuha ko ang sugat sa mga labi ko dahil nakabungguan ko ang kapatid niya kanina. Sinabi ko na noon 'yon nang hinahanap ko ang comfort room kaya rin nito kako naitanong kung kumusta na ang mga labi ko. Napaniwala ko naman siya at tinanong pa ako kung humingi daw ba ng tawad ang kapatid niya at sinabi ko na lang na oo.At that time, I did my best to lower my voice so that it wasn’t obvious I was trying to be quiet, because I didn’t want Leonariz to hear what I was saying, kabado kasi ako na baka salungatin niya at sabihin niya ang totoong nangyari sa cellar. But when I looked up again earlier, he was no longer in his place, na ikinahinga ko talaga ng maluwag. Nawala na rin ang kaba at pangamba sa akin.Thank goodness!"Let's buy medicine for your lip bruise, Ara."Malapit na kami sa subdivision namin nang marinig ko ang sinabi ni Lander. At huminto nga ang sasakyan sa isang maliit na botika."Okay lang naman... kahit hindi na," sabi ko pero ngumiti lang
I took a deep breath while smiling, typing a reply. Nang mapansin ko naman ang tingin ng mga kasama ko ay inikutan ko sila ng mga mata.“I’m talking to my brother, guys.”“Wala pa nga kaming sinasabi, eh!”“Oh, siya, guys! Lunch muna tayo. Sa food court ba? O sa Avliez Restaurant?” tanong ni Crissa.“Libre mo daw ba?”Nagsipagtayuan na sila at ako naman ay naiwan at nagta-type ng mensahe.Me: Just talk about cars, kuya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin mo sa kaniya.Mukhang kadarating lang rin kasi ng kuya doon. At hindi niya talaga binanggit sa akin na pupunta siya kay Leonariz. Nagkausap naman kami kanina. Ang sinabi niya lang ay yung tungkol kay dad.Kaya naman pala.“Ikaw, Ara? Huwag ka nang tumanggi, ha!”Napatingin naman ako kay Crissa. Naglalakad na kami palabas ng library.“Libre ko na! Minsan lang ako manlibre,” she said.Nakatanggap na rin ako ng message kay Leonariz and he said that my brother was in his house right now oo at siya nga daw ang nag-invite. Ayaw daw talagang ip
Akala ko rin talaga iilan lang yung sasang-ayon dito sa outreach, kasi syempre mas gusto ng iba na mag-party, kaya nakakatuwa kasi halos lahat sa department naman ay supportive at excited.“That’s nice,” sagot ko pa sa kanila."True! Akalain mo rin ang laki ng budget, 'no? Saka for sure, may mga magbibigay pa niyan sa last minute," sabi ni Via."Kaya nga, asahan mo na talaga. Generous ang mga nasa department, lalo na ang mga parents. Yung mom ko nga, nung malaman, sinabi niya na ipaalala ko daw bukas para makapag-prepare siya ng food," sabi ni Trina, may catering services kasi ang mommy niya."Yay! Nakakatuwa naman!"At habang pinag-uusapan pa rin namin ang schedule, tinanong nila kung ayos lang ba sa akin ang mga proposed dates. Mamaya raw, pagkatapos mabigyan ng approval ng mga ‘yon ni Dean at ni Prof. Nolaso—ang CE prof namin na isa sa mga kausap dito—ay ipo-post na ito sa FB group ng department para sa official announcement at ise-send rin sa group chat para malaman ng lahat. Haha
“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
Kasalanan ko naman ‘to. Hindi talaga magiging madali para kay Lander na tanggapin ang nangyari sa relasyon namin. Pero isa sa mga inisip ko talaga dati, magagalit siya ng sobra which is nangyari naman… pero hindi ko akalain na sandaling galit lang tapos ito at pipilitin niya pa ring ayusin at ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya.Wala naman akong magagawa talaga, hindi madaling mag-move on o makalimot dahil kahit ako sa sarili ko ay bigo ako nagawa ‘yon, nauunawaan ko pa rin siya. He is also acting this way because I made him feel that I’m deeply in love with him.Pero ito nga… umalis na siya. Sana hinintay niya muna akong magsabi ng lahat. Hindi, eh. Parang sa tuwing magkikita kami, ang gusto lang niyang sabihin ay saloobin niya, hindi niya ako pinagsasalita ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa kaniya.At hindi mo nga siya masisisi doon, Ara.“Ma’am, binayaran na po ni sir yung order ninyo.”Napaangat ang tingin ko sa waiter nang marinig ang sinabi nito. I was asking for t
"Hindi naman sa ganoon, Lander. I'm sorry, ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo."Naibaba ko sandali ang tingin ko."Ara...""I'm sorry, I'm really sorry. I don't know if I made you feel enough how much I regret everything."Ganoon naman kasi dapat—ako yung nanakit, at hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ng matagal. It's just that, every time I saw him, I was reminded of all the mistakes I made. It made me face how I hurt a good person.But even with all that, I was selfish. Dahil gusto mo na makausap rin si Lander para tuluyan ka nang maging masaya kasama si Leonariz.Ang makasarili mo pa rin, Arazella. "Maybe I was too confident that you love me, Ara. Siguro nga... baka nagkulang ako sa ibang bagay dahil rin sa pagiging busy ko--"Nag-isang linya ang mga kilay ko doon at umiling ako sa kaniya."No. You were not always busy before, Lander. Inihahatid at sundo mo nga ako sa bahay kahit galing kang university at pagod sa maghapon na pagtuturo. Hindi... wala sa 'yo ang problema
Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Lander, hindi magiging madali pero tatanggapin ko lahat ng kung ano man ang maririnig ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, habang narito ako at nakaupo Atrium, naghihintay sa kaniya ay tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Naalala ko ang galit na galit na si Lander na nakaharap ko sa bahay noon, na pumipilit rin sa akin sabihin kung sino ang lalaking nagustuhan ko.I don't want to see that side of him anymore, pero sino ako para pigilan rin siya sa magiging galit niya pag nalaman niya ang totoo?Napalalim ang paghinga ko at kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ko na nag-vibrate 'yon. Nakita ko ang mensahe sa akin ng kuya.Kuya Ariston: Nasaan ka? Bawal muna kayong lumabas ni Leo. Sinasabi ko sa 'yo, Ara. Ipaliwanag mo muna kay dad ang lahat.Ang kuya talaga, sinabihan ko na nga siya na hindi talaga muna, aayusin ko muna ang lahat hindi ko rin naman kaya na habang magkasama kami ni Leonariz, nasa isipan ko na maaari kaming mahu
Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-
Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non