Leonariz I couldn’t get out of my mind what I saw earlier—how Arazella Fhatima looked at Lander like he was the only person who existed, even though I was there watching them. And how she held him as if she trusted him completely. I shook my head and drank the whiskey in my glass. I’ve lost count of how many glass I’ve had.Nakatanaw ako kanina mula sa bintana ng silid ko at nakita ko kung paano sila lumabas ng bahay. I didn't waste my time staying at the same place after that dahil kinuha ko lang ang kailangan ko na dokumento, umalis na rin ako at tinungo ang bahay ko. At limang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala ang inis ko.Why am I so fcking annoyed?When I first heard in the library that Arazella admired Lander and saw how she looked at him from a distance, I thought she was just another woman falling for him—someone who wouldn’t stand out. I knew there were many women interested in my brother and that Arazella was just one of them. But I was wrong to think she had n
I never saw this coming! Never! Hindi ko rin kailanman naisip na magagawa ni Lander na pumunta dito sa bahay ko at personal na magpaalam na manliligaw sa akin sa daddy ko. It happened almost a week ago already, but aahh! pero iba pa rin ang dulot sa akin. Grabe. Pakiramdam ko ay mas nadagdagan pa ang nararamdaman ko para sa kaniya kahit feeling ko sukdulan na 'yon. Ang oa, Arazella.But honestly, he was so polite—someone you wouldn’t be embarrassed to introduce as a suitor. He knew what he was saying and what his intentions were. At natuwa ang daddy lalo nang malaman na mayroong kaalaman si Lander sa mga wines. The whole time he was with us, hindi na nawala ang ngiti sa dad lalo na sa akin."So, madalas kayong magkita ni Lander sa university, anak?"Dad and I are having dinner together right now. At ito pa, hindi na nga rin natigil ang dad sa pagtatanong. Isang linggo na niya akong inuulan ng mga tanong tungkol kay Lander. Natutuwa raw kasi siya sa lakas ng loob nito at sa respeto sa
"Are you okay, Ara?"Kasama ko si Lander ngayon at narito kami sa bahay. Dad invited him to have dinner with us. Pero kanina pa ako hindi mapakali dahil nga tatlong araw na diretso na akong nakakatanggap ng pulang mga rosas mula kay Leonariz. Box of roses, bouquet of red roses, iba-iba ang ayos pero lahat ay pulang mga rosas. That asshole. At sa bawat araw na lumipas ay mas nadaragdagan ang kaba ko.Napapalingon ako kahit saan ako magpunta. Kahit nga dito sa bahay dahil pakiramdam ko nakatingin sa akin ang mga mata niya. Ang bilis rin ng pagtibok ng puso ko at kinakabahan talaga ako."I'm okay, why?" baling ko dito, inabot pa ako ng ilang segundo bago sumagot.Pero hindi naman kumbinsido si Lander dahil tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang kamay niya at inilapat 'yon sa leeg ko pagkatapos ay sa noo ko. Parang chinecheck niya kung may sakit ako."You are pale. Are you sure you are okay?""Hmm..." I nodded.Maybe because I am overthinking? Nakokonsensiya rin ako dahil nga s
This was supposed to be a dinner with Lander! Not with this jerk Leonariz! Nakakainis naman. At duda ako na naging investor siya bigla ng daddy. I mean, he's interested to wine business? Nabanggit nga rin sa akin ni Lander na hindi naman binigyan ng pansin ng kapatid niya na ito ang negosyo ng pamilya nila kaya siya ang nag-aasikaso.Then, now, why is he talking about wines like he likes it? Sa naririnig ko rin na pag-uusap nila ng daddy ngayon sa hapagkainan ay parang iyon rin ang negosyo niya at hindi ang mga sasakyan?"I really didn't know, Leo. Kung ganoon ay nasa ibang bansa ang mommy ninyo? But, I'm sorry about your father. I heard his name, magaling rin na businessman."Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Kanina naman bago makabalik si dad dala ang strawberry cake na binili niya para sa akin ay binitawan na ako ni Leonariz--not totally. Lumuwag lang yung hawak niya sa akin na agad kong kinuhang pagkakataon para makakawala. And he's amused when I run away to him. Pagkapunta k
Nakaramdam ako ng hiya dahil lahat ng 'yon na sinabi ni Leonariz ay totoo. Tama naman rin siya na kahit anong pilit sa akin ay kung ayaw ko talaga, hindi ko magagawa na tumugon sa mga halik niya.Gaga ka, Arazella. Tigilan mo 'yan dahil iyan ikapapahamak mo. Tuldukan mo nang hindi na 'yon mauulit pa. Na hindi ka na mahahalikan pa ni Leonariz.There's really something in his kiss that compels me to respond. It's frightening because even though I loathe him, my body reacts differently."Oh? Leo? Aalis ka na?" Nang makabalik ang dad ay agad ako na napatingin sa kaniya. Nakita niya kasi na nakatayo si Leonariz at nakaharap sa akin siguro akala niya ay nagpapaalam na ito na umalis.Mas mabuti pa nga 'yon, dahil hindi mainam na manatili pa siya dito. Isa pa, tapos na rin naman siya na kumain. At ang wine na sinasabi ng daddy na hawak nito ngayon ay iuwi na lang niya. Alam ko na may pagkakamali rin naman ako, ipinamukha niya rin sa akin 'yon, para nga akong sinampal ng katotohanan.Pero alam
Ang bilis niya naman magkasakit. Or maybe he hasn't been feeling well since he came here. Napansin ko na mas basa rin ang buhok at damit niya kumpara sa daddy nang dumating silang dalawa kanina. Kaya rin pala medyo mainit siya kanina nang niyakap niya ako mula sa likod. I thought that's normal.Mas mainit nga lang siya ngayon at sigurado ako na nilalagnat siya."Kukuha ako ng gamot," sabi ko. Gumilid naman na siya at pinadaan ako. Wala ang saping demonyo sa kaniya dahil hinahayaan niya ako. Kasi kung mayroon ay baka nakadikit na ako sa pader at hinahalikan niya--sht. Ano ba 'tong naiisip ko?A-Ako pa talaga ang nakakaisip ng ganito?"For what?" ang sungit ng tanong!Narinig ko na ang tunog ng lagaslas ng tubig sa banyo. He washed his face. Nakikita ko dahil bukas ang pinto. Nakikita ko rin ang malapad niyang likod. He has a v-shape body, ma-muscle pero hindi sobrang laki. Saktuhan lang. Halata mo rin na alaga ang katawan niya dahil sa korte tapos may six--no, that's eight pack bas."P
I can't sleep!It's 1:00 am and here I am wide awake. Nakailang biling na rin ako sa kama ko, I turn off my lights which I do not usually do, I lahat na sinubukan ko para makatulog pero hindi talaga ako inaantok."Urgh!" bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Magkausap pa kami ni Lander hanggang 12, non pa lang siya pauwi sa bahay nila. Kinumusta ko rin kasi ang estudyante niya at naihatid naman daw niya ito sa bahay nito.Sinabi ko rin pala sa kaniya na nandito ang kapatid niya at nagulat ako nang malaman ko na alam naman rin pala niya. He wasn't bothered about it. O nag-expect lang ako na iba ang magiging reaksyon niya? Hindi ba niya alam ang ugali ng kapatid niya sa mga babae?Nang sabihin niya naman na si Leonariz ang nagsabi mismo na nandito ito ay napatango na lang ako sa video call kanina habang nagmamaneho siya. I didn't know that they're that close. Pero mas napatunayan ko na maayos talaga ang relasyon nilang magkapatid at naramdaman ko rin ang malasakit ni Leonariz sa mga
Leonariz was quiet the whole time I was cooking his pancit canton. It’s surprising that he can behave like this. Nakahawak pa rin siya sa magkabilang baywang niya at titig na titig sa pagluluto ko. It’s like he was making sure of every detail in my process of preparing his favorite food.Hindi ko ba alam sa kaniya at may nalalaman pa siya na gusto niya ang pagkakaluto ko ng pancit canton.Siguro dahil malasado masyado ang noodles ng kaniya? Tapos yung iba naman na nakita ko ay kinulang sa tubig, ang ilang noodles ay nadudurog na kapag inaangat ng tinidor dahil overcooked.Pero habang nakatingin siya sa akin na patapos na ngayon sa pagkain niya ay napansin ko naman ang buhok niya na nakabagsak. Hindi ko ito nabigyan ng pansin kanina nang pagbuksan niya ako ng pinto ng guest room.But seeing his slightly reddened face and his hair down, he looks softer to me. He still appears manly, but with a gentler side.Ara, you know there's more to him than this—behind it all, he’s far from innocen
Simula nang kulitin ako ni Kade at sabihin niya sa akin na manliligaw siya ay kahapon ko lang naramdaman talaga na totoo na yung mga sinabi niya. And that was also the first time that I felt a pain in my chest while looking into his eyes. Na para bang, naging masyado akong harsh dahil sa hindi ko paniniwala sa kaniya. Na hindi ko man lang nirespeto ang nararamdaman niya para sa akin. "So, he really likes you, Ara. Pero hayaan mo na, at least ngayon nasabi mo na rin naman sa kaniya na hindi mo maibabalik yung feelings niya--well indirectly. For sure gets na ni Kade 'yon," sabi naman ni Reiz. "Hmm. Sana nga rin, okay naman si Kade, kaso...""Kaso may iniintay ka na mahal na mahal mo pa," singit niya na ikinamilog ng mga mata ko. "A-Ang sasabihin ko sana ay kaso, hindi ko naman rin siya type!""Naku..." sundot pa niya sa tagiliran ko na ikinatawa ko.Medyo gabi na sila dumating kanina, 7:00 PM na, sabay sila ng Kuya Ariston. Dahil nga dito na muna sa amin si Reizzan ay usually sabay na
Wala na rin naman naging tanong pa sa akin si Kade at tahimik na lang rin siya hanggang sa malapit na kami sa bahay. Kaya naman niya pa lang itikom ang bibig niya pag kaming dalawa lang, kung ganito ng ganito eh magiging okay rin kami at hindi ko na siya susungitan.Oo nga pala. Hindi ko na rin nareplyan si kuya sa mga mensahe nito, pero bago naman kasi rin kami umalis ng hotel and resort ay nagsabi ako kay Reiz na pauwi na ako. Natagalan nga lang dahil nga kay Reina na ichineck in muna namin sa hotel. Pag ang kuya kasi ang nireplyan ko ay siguradong marami pa siyang magiging tanong.At ito nga... hindi ko na rin pinababa si Kade, pagkadating kasi namin sa bahay ay nasa labas ang Kuya Ariston habang nakahalukipkip at seryoso ang mukha na patingin-tingin sa relo. Napangiwi pa ako at medyo natawa sa itsura niya.Daid niya pa si dad."Anong oras na, Arazella," rinig kong tanong ng kuya habang nakasunod sa akin papasok ng bahay."Mag-nine thirty na.""Aba! Sinagot mo talaga!"I laughed b
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha sa nabasa ko. Ang kuya talaga! A-Akala ba niya na magpapadala ako basta-basta sa emosyon ko? Kahit naman nami-miss ko si Leonariz ay sigurado akong kaya ko pa rin magdesisyon ng tama! But you can't blame you brother, Ara. The way you confessed to him your feelings for Leonariz, talagang maiisip ng kuya mo na madadala ka agad sa emosyon at nararamdaman mo pag nagkita kayo!Hindi na ako nakapagreply kay Reiz dahil pagkatapos kong matigilan sa nabasa ko ay napaangat ang tingin ko sa taong lumapit sa akin. I saw Kade handing me a bottle of soda."Nasaan sila Reina?" he asked.Naibaba ko ang cellphone ko at kinuha ko ang iniaabot niya dahil na rin sa atensyon ng ibang mga nasa paligid namin. The people here weren't only Sir Florence's relatives and main family, may iilan na kaclose niya sa trabaho na siguradong binibifyan na ngg ibang lkahulugan ang paglapit sa akin ni Kade dhil alam ng ilan sa mga ito ang naging relasyon namin ni Lander."Nagpalit ng d
"What are your plans after graduation, Ara?"Napatingin naman ako bigla kay Kade sa narinig ko.It's a good thing that he's opening another topic. Baka mawala ang inis ko sa kaniya kapag hindi na siya paulit-ulit sa mga tanong tungkol sa amin in Lander o kung iniisip ko ba ito."Still thinking about it.""Hindi ka magtatrabaho sa wine company ninyo?"I get that he already knows about my family's business. Kababanggit lang kagabi ng kuya at ni dad na nakausap nila itong si Kade. And that... umahon na naman ang inis ko sa kaniya."Oo nga pala. Bakit kailangan mo pang kausapin ang daddy ko, ha? Akala niya manliligaw kita. Do you know it's giving me a bad image? Akala niya may namamagitan na sa atin eh, kakabreak ko lang at--hey, bakit ka ngumingiti?!"At ang loko nakuha pang matuwa!"I just ask for permission, Ara. Of course, pupunta ako sa bahay ninyo non kinabukasan para sundunin ka, it's a great timing to talk to your father. Ayoko naman na maulit ang nakaraan dahil binalaan ako ni Ar
"You're not answering my messages."Muntik namang umikot ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Kade pagkalabas ko ng bahay namin. Hindi ko nga sinasagot ang mga tawag niya—para saan pa, eh alam naman na rin niya itong bahay namin?"Lowbat ang phone ko kagabi. Hindi ko naicharge," sagot ko na lang kahit full charge na fully charged ang cellphone ko. Umikot na ako sa likod at binuksan ang pinto. Pansin ko naman na sinundan niya ako ng tingin, at nang papasok na ako sa loob ng sasakyan niya, saka ko ulit siya narinig na magsalita."Dito sa harap, Ara."Ikinataas naman 'yon ng isang kilay ko."Diyan na si Jade o si Reina. Dito na ako sa likod," sagot ko. Nang may balak pa siyang sumagot ay mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan bago pa siya magsalita ulit.It's already eleven in the morning, and I'm still feeling sleepy. Hindi ako nakatulog agad dahil nga sa kwentuhan namin ni Reiz. Buti na lang rin at na-move ang lakad ko ngayong araw.Nasunod rin naman kasi na dito ako kay Ka
Hindi naman ako na-bother sa sinabi ng Kuya Ariston tungkol kay Lander dahil nga kilala ko ito na hindi gagawa ng ganoon habang may relasyon kami. Saka... our relationship lasted for two weeks. Hindi rin nagtagal yung panliligaw nito sa akin. Ang ayoko lang talaga, yung parang naghihintay at naghahanap pa rin ang kuya ng kamalian nito pagkatapos ng nagawa ko. Ako na nga yung nanakit, sana naman hayaan na rin niya si Lander. "Sarap nito, ah? Ikaw ang gumawa, hon?" Tapos na kaming mag-dinner. Nandito naman kami ngayon sa silid ko. Actually, kami lang ni Reiz para sana maikwento ko nga yung pupuntahan ko bukas at kung bakit si Kade ang susundo kaso umepal na naman si kuya. Eh, ayoko nagkukwento talaga pag nandito siya. "Kami ni Ara, hindi ka pa ba aalis?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Reiz. Kanina ko pa kasi siya kinakambatan talaga, eh. Na gumawa na siya ng paraan para lumabas si kuya. "Wala naman akong gagawin, hon. Saka dito muna ako—""Ariston, sa kwarto mo naman ako matut
Hindi na rin kami nakatuloy ng pagkukwentuhan ni Reiz dahil dumating na rin ang Kuya Ariston at si dad. 7:45 pm na, tapos na rin naman kaming makaluto ni Reiz at hinihintay na lang rin talaga namin sila para makakain. "Hey, hon, kanina ka pa dumating?" Nakangiting bati ng kuya kay Reizzan pagkalapit. Humalik siya sa pisngi ng kasintahan at naupo sa sofa sa tabi nito."Mga 2 hours ago lang. Nagchat ako, ah? Busy ka na naman masyado kaya hindi mo siguro nacheck.""I didn't charge my phone kaya lowbat na. That's also the reason why hindi ako nakapagmensahe pauwi," pagkasabi non ng kuya ay bumaling siya sa akin. "Kumikilos yung manliligaw mo, ah? Nasa company kanina nagpapalakas kay dad. Nagpaalam pa na bukas ng umaga susunduin ka dahil nga may pupuntahan daw kayo."My eyebrows furrowed at that. Napaawang rin ang mga labi ko at nilingon ang daddy na kababalik lang galing kusina. May hawak na bottled water. "Si Kade?" Tanong ko, hindi natutuwa. Humalakhak naman ang kuya na agad pinalo
Arazella"So, he still has your number? At bakit naman niya tinititigan ang numero mo, Ara? Saka, sigurado ka naman sa mga narinig mo?"Nakangiti si Reizzan habang nakatingin sa akin pagkatapos niyang magtanong ng sunod-sunod. She will stay here with us for the whole week. May renovation kasi sa bahay niya at nang malaman ‘yon ng dad ay ito na ang nag-offer na dumito muna si Reiz sa amin. Of course, natuwa ako dahil makakachikahan ko pa siya sa maraming bagay. “It was shocking talaga, ha!” She added. She was hugging a throw pillow while sitting with her legs crossed. Nasa sala kami ngayon sa bahay at malayang pinag-uusapan ang nangyari kanina lang—ang pagtawag sa akin ng kaibigan ni Leonariz gamit ang numero nito mismo. Ang kaguluhan nilang magkaibigan."I don't know, Reiz..." I almost whispered, biting my lower lip, still surprised about what just happened a while ago. Ilang oras na ang lumipas pero ito, parang minuto lang dahil iba pa rin ang kabog ng dibdib ko. I didn't end the
"Leave." I repeated, this time, dangerously. Kuyom na kuyom ang mga kamay ko habang masama ang tingin sa kaniya, pero dahil si Nnyx ito, na kilala rin ako, muling tumawa siya at sinipat ulit ang sarili habang hawak ang cellphone. "Ang usapan namin ni Graze kailangan mapilit kitang umuwi para makakuha ako ng discount sa napakamahal na hotel niya." What? "I thought you're here on a vacation?" Umiling naman siya. "Hindi, 'no. Pinauuwi ka ni Graze at 'yong inuutang daw niyang mga kotse. Saka, sabi pala ni Sancho, next time ka na lang mag-emote dito sa London, may ipapa-build ata siya sa 'yo na sasakyan niya. Ewan, ako napag-utusan na iuwi kita." About Graze, pwede ko 'yon itawag kay Joey at sa gusto ni Sancho, I will pass this time. Kung uuwi man ako, ibang kotse ang ibi-build ko. That car that I wanted to give to Arazella Fhatima. "Kakatakot ka, Leo. Ngumingiti ka bigla. Kanina lang ang sama ng mukha mo. Pa-check up ka na, fcker. Malala na 'yan." My fingers automatically touches