Nakaramdam ako ng hiya dahil lahat ng 'yon na sinabi ni Leonariz ay totoo. Tama naman rin siya na kahit anong pilit sa akin ay kung ayaw ko talaga, hindi ko magagawa na tumugon sa mga halik niya.Gaga ka, Arazella. Tigilan mo 'yan dahil iyan ikapapahamak mo. Tuldukan mo nang hindi na 'yon mauulit pa. Na hindi ka na mahahalikan pa ni Leonariz.There's really something in his kiss that compels me to respond. It's frightening because even though I loathe him, my body reacts differently."Oh? Leo? Aalis ka na?" Nang makabalik ang dad ay agad ako na napatingin sa kaniya. Nakita niya kasi na nakatayo si Leonariz at nakaharap sa akin siguro akala niya ay nagpapaalam na ito na umalis.Mas mabuti pa nga 'yon, dahil hindi mainam na manatili pa siya dito. Isa pa, tapos na rin naman siya na kumain. At ang wine na sinasabi ng daddy na hawak nito ngayon ay iuwi na lang niya. Alam ko na may pagkakamali rin naman ako, ipinamukha niya rin sa akin 'yon, para nga akong sinampal ng katotohanan.Pero alam
Ang bilis niya naman magkasakit. Or maybe he hasn't been feeling well since he came here. Napansin ko na mas basa rin ang buhok at damit niya kumpara sa daddy nang dumating silang dalawa kanina. Kaya rin pala medyo mainit siya kanina nang niyakap niya ako mula sa likod. I thought that's normal.Mas mainit nga lang siya ngayon at sigurado ako na nilalagnat siya."Kukuha ako ng gamot," sabi ko. Gumilid naman na siya at pinadaan ako. Wala ang saping demonyo sa kaniya dahil hinahayaan niya ako. Kasi kung mayroon ay baka nakadikit na ako sa pader at hinahalikan niya--sht. Ano ba 'tong naiisip ko?A-Ako pa talaga ang nakakaisip ng ganito?"For what?" ang sungit ng tanong!Narinig ko na ang tunog ng lagaslas ng tubig sa banyo. He washed his face. Nakikita ko dahil bukas ang pinto. Nakikita ko rin ang malapad niyang likod. He has a v-shape body, ma-muscle pero hindi sobrang laki. Saktuhan lang. Halata mo rin na alaga ang katawan niya dahil sa korte tapos may six--no, that's eight pack bas."P
I can't sleep!It's 1:00 am and here I am wide awake. Nakailang biling na rin ako sa kama ko, I turn off my lights which I do not usually do, I lahat na sinubukan ko para makatulog pero hindi talaga ako inaantok."Urgh!" bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Magkausap pa kami ni Lander hanggang 12, non pa lang siya pauwi sa bahay nila. Kinumusta ko rin kasi ang estudyante niya at naihatid naman daw niya ito sa bahay nito.Sinabi ko rin pala sa kaniya na nandito ang kapatid niya at nagulat ako nang malaman ko na alam naman rin pala niya. He wasn't bothered about it. O nag-expect lang ako na iba ang magiging reaksyon niya? Hindi ba niya alam ang ugali ng kapatid niya sa mga babae?Nang sabihin niya naman na si Leonariz ang nagsabi mismo na nandito ito ay napatango na lang ako sa video call kanina habang nagmamaneho siya. I didn't know that they're that close. Pero mas napatunayan ko na maayos talaga ang relasyon nilang magkapatid at naramdaman ko rin ang malasakit ni Leonariz sa mga
Leonariz was quiet the whole time I was cooking his pancit canton. It’s surprising that he can behave like this. Nakahawak pa rin siya sa magkabilang baywang niya at titig na titig sa pagluluto ko. It’s like he was making sure of every detail in my process of preparing his favorite food.Hindi ko ba alam sa kaniya at may nalalaman pa siya na gusto niya ang pagkakaluto ko ng pancit canton.Siguro dahil malasado masyado ang noodles ng kaniya? Tapos yung iba naman na nakita ko ay kinulang sa tubig, ang ilang noodles ay nadudurog na kapag inaangat ng tinidor dahil overcooked.Pero habang nakatingin siya sa akin na patapos na ngayon sa pagkain niya ay napansin ko naman ang buhok niya na nakabagsak. Hindi ko ito nabigyan ng pansin kanina nang pagbuksan niya ako ng pinto ng guest room.But seeing his slightly reddened face and his hair down, he looks softer to me. He still appears manly, but with a gentler side.Ara, you know there's more to him than this—behind it all, he’s far from innocen
I was serious when I told Leonariz na balak ko nang sagutin si Lander. I didn’t say that just to make him stop pestering me it's also because I was afraid my good relationship with his brother might be ruined. I know what I feel for Lander is real, and my conscience is already eating me for being so close with Leonariz.But there's a heavy feeling inside me that I can't understand, hindi rin maawala sa isipan ko ang nangyaring pag-uusap namin nang makiusap ako dito na tigilan na ako. I can’t forget the expression on his face. Even his silence and when he only cursed before leaving me. Ano ang i-ibig sabihin non?"Nakakainis. Isang linggo na rin akong ganito. Hindi lilipas ang isang araw na hindi ko iisipin kung ano ang ibig sabihin ng hindi niya pagsagot na 'yon."But shouldn't you be thankful, Ara? It’s been a week and he hasn’t sent you any red roses or shown up. At si Lander na palagi ang kasama mo at masaya ka sa kaniya. Ito ang gusto mo na mangyari, hindi ba? So bakit mo pa iniis
Maybe I'm just thinking too much? Tama. Baka nag-iisip lang rin ako ng sobra kaya ganito. Nang mapatingin ako ulit sa kinalalagyan ng bulaklak ay napagdikit ko ng mariin ang mga labi ko. It's just a flower but it reminded me of someone."Uhm, s-sige, Faye. Ingat ka na lang mamaya sa pag-uwi," pagbaling ko dito ay kinipkip ko na ang dalawang libro ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango."Ikaw rin, Ara! Thank you ulit! Ingat ka rin sa--""Araaa!"Napalingon kami pareho ni Faye nang may humahangos na pumasok sa library. Hinihingal pa ito at sapu-sapo ang dibdib at ang mga mata ay namimilog habang nakatuon sa akin."Sir Florence? Why?"He is the conductor of the univeristy choir group. Nakilala ko siya nang iinvite niya ako bilang pianist nila nang magperform ako 2 years ago sa foundation ng 'Ave Maria'. Nagdecline ako non dahil nga nakapokus ako sa pag-aaral."Oh goodness. Buti naabutan kita. Akala ko ay nakauwi ka na. Buti na lang may estudyante na nakapagsabi na andito ka pa sa libr
Even though I was nervous because of how those sharp eyes looked at me earlier, I managed to play the piano well and didn’t make any mistakes. Nagpasalamat talaga ako na hindi ako naapektuhan ng nararamdaman ko.Good job, Ara. I let out a deep sigh of relief after the performance. Nang marinig ko ang palakpakan ay saka ako tumayo, naglakad at humilera kasama nila Sir Florence. Ngiting-ngiti ang huli sa akin and he even mouthed thank you."Galing mo talaga, Ara!" sabi naman ng katabi ko na si Reina. I smiled at her. Nang humarap kami sa mga panauhin para yumuko, my gaze automatically went to Leonariz’s spot. Inaasahan ko na muli ang talim ng titig nito na masasalubong ko pero bahagya kong ikinagulat na wala na siya doon sa pwesto niya. Bakante na ang upuan.He... already left? Hindi ko na ito tiningnan kanina nang makaupo ako sa harap ng piano. B-Baka nga umalis na rin? Baka hindi rin tinapos ang performance.Naglakad na kami papunta sa likod ng stage pero lumingon pa ako ng isang be
Kahit nang makauwi na ako ay ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at kahit na ipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang nadatnan ko kanina sa dressing room sa auditorium."H-He knows I was there, standing."Yung klase ng tingin niya sa akin, ang talim ng mga mata niya ay ganoon pa rn nang magkatinginan kami sa loob ng audi. I thought he-he left. Baka kung sino-sino na ang nakamakeout niya kaya bigla siyang nawala?"At ano ang pakialam mo doon, Ara?"Bumagal ang paglalakad ko papasok sa bahay at napalunok ako. Napadiin rin ang kamay ko sa sintido ko nang parang may pumitik sa aking ulo. I couldn't believe I had witnessed a scene like that. At si Leonariz pa...Hindi ko rin gusto itong nararamdaman ko. There was a pang of pain, though I didn't know the reason why. Alam ko naman sa sarili ko na galit at takot lang ang mayroon ako sa lalakeng 'yon. Kaya hind ko maunawaan kung ano 'to."Ara, sht ka. Huwag mong sabihin na naapektuhan ka na talaga ng
I honestly thought Ariston wouldn’t bring this up dahil ilang beses na kaninang hinintay ko siyang magsabi, but it seems like what’s happening is really bothering him.“How could Mr. Montes have such a massive debt? The last time we talked, your company was doing well, and the sales were still stable.”“Kaya nga. Nagtataka rin ako. Malaking halaga ang nabanggit ni Hazel, that's fckng 50 million. Saan dadalhin ‘yon ni Dad? Wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa bagong negosyong itinatayo niya. This is giving me a headache right now. Hindi ko rin muna pwedeng sabihin ‘to kay Ara hangga’t hindi ko nalalaman ang buong dahilan—mas lalo lang siyang mag-aalala at mag-iisip. Ang dami na rin niyang iniintindi lately…”I looked at my phone, still open to my conversation with Arazella Fhatima.She hadn’t replied yet. I sighed, running a hand through my hair. This whole situation was a mess, and Ariston’s frustration was rubbing off on me.“Have you tried calling him again?” I asked.“Of course,
Pagkauwi ko rin galing London, sinimulan ko na ‘yon. May nagawa na ako—actually, mas mabilis kaysa sa dati kong mga tinatrabaho. Maybe because I am excited to give this to her?“Premium materials pa, hindi ka naman gagawa ng ganito for business, imposible ‘yon,” rinig kong sambit pa ni Ariston. Lumalakad ang kamay niya sa lamesa kung nasaan ang iba pang mga gamit. And when he looked at me, I tilted my head and smirked.“What?” tanong ko.“You, ass. Hindi ko na kailangan pang itanong kung para kanino ‘to.”Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya. “Don’t you even dare stop me from giving this to your sister–”“Ang piano nga hindi ko na binanggit pa kahit alam kong galit sa ‘yo!” asik niya na ikinangiti kong lalo.“Pero damn you, Leo, sana kahit sa piano na ‘yon hinayaan mo na lang ako at si dad. Iyon ang balak namin na iregalo kay Ara sa graduation niya, eh.”Speaking of graduation, kung hindi sana ako naging duwag, magandang regalo sana ito. But the graduation is near, hindi ko na matata
While I was listening to this ass, I understood more how love can change a person. I was a witness too, because I even experienced how it could turn your world upside down—how it could make you do things you never thought you would, how it could make you weak and strong at the same time. “Reizzan’s presence is my peace, my sanity. Kapag nandito siya, everything feels lighter, mas madali, mas may sense. Pero kapag wala siya… parang loading palagi ang utak ko. Saka iniisip ko pa lang na dalawang linggo? Fck, isang araw nga hindi ako makatagal.” Napailing siya at napabuntong-hininga, saka uminom ulit ng alak. Hindi ko naman napigilan na mapangisi. “Pero hindi na bago na loading ang utak mo.” And he glared at me again. “Gago, kung makapagsalita ka naman parang sobrang close natin. Hindi nga tayo magkaibigan—” “Aren’t we close, Ariston? Ilang beses na kitang tinulungan noon. Hindi pa ba sapat ‘yon?” Sinamaan niya lalo ako ng tingin. “Ngayon inuungkat mo kasi manliligaw ka ng kapatid
Ariston looked at me, but it was fast, now he’s smiling while still browsing on his phone.“Sa itsura mo ay parang wala ka ngang alam,” naiiling niya na sagot sa akin.“Ariston–” nauubos ang pasensiya na tawag ko sa kaniya pero napatigil rin ako nang magsalita ulit siya.“Masyado ka bang na-broken? Talagang nagpakalayo-layo ka na ayaw mong may marinig sa kapatid mo at kay Ara? Nahuli ka rin tuloy sa balita na wala na sila, pati ang kagaguhan na ginawa ng kapatid mo, hindi mo tuloy alam.”“The fck. What is it? At bakit ba ang tagal mong sabihin?” Tumaas ulit ang boses ko dahil talagang binibitin niya pa ako.Wala naman kasing nakarating sa akin. Saka, sino ang magsasabi? Joey knows Lander, but I never asked him to report what my brother was doing o kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Isa pa, wala na rin akong naging balita pagkaalis ko ng Pilipinas. Lalo at hindi naman rin ako madalas kausapin ni Lander, hindi na siya sumasagot sa mga mensahe ko.“Huwag mo akong sigawan, at baka pag
“He’s not in the company? Hindi ko siya matawagan.”Nang marinig ko ulit si Ariston ay napatingin ako sa kaniya.“Oo. Kapag dumating si Dad, pakisabi na nag-aalala na kami ni Ara sa kaniya. He’s not like this before.”What I heard piqued my curiosity. Pagkababa ng cellphone ay napatingin sa akin si Ariston at napabuntong hininga.“So, yun na nga, pumunta rin talaga ako dito para makausap ka sa balak mong panliligaw sa kapatid ko, ayokong mapanatag ka at isipin na boto na ako sa ‘yo.”“I wasn’t thinking like that, Ariston. Alam ko naman na ayaw mo rin talaga ako para sa kapatid mo at napipilitan ka lang.”Sa mga sinabi ko ay mula kanina, ngayon siya ngumiti ng malawak–gago.“Buti alam mo, ‘no? Kung may paraan nga para makalimutan ka ni Ara, gagawin ko.”My eyes sharpened at him when I heard what he said. Napaayos ako bigla ng upo at naramdaman ko ang pag-ahon ng inis sa akin. But in the middle of seeing red, I composed myself, trying to calm down. Nangako ako kay Arazella Fhatima na hi
What if Lander knew? But why is he not doing anything?Nanatiling tahimik si Ariston, he’s waiting for me to speak, pero ang ginawa ko ay nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko at inisang lagok ‘yon. Ang isipan ko ngayon ay puno ng mga nangyari bago ako umalis ng Pilipinas—kung paano ako pakitunguhan ni Lander, hanggang ngayon na nakabalik na ako na sigurado akong alam na rin niya.Kahit hindi ko siya tawagan para ipaalam, I know he knows I am back.“Hindi kami nagkakausap ng kapatid mo, hindi rin kami madalas magkita dahil nga naghiwalay na rin sila ni Ara. Pero sa huling dinner namin, napansin ko agad na may mali sa kaniya nang kausap siya ni Dad. He wasn’t like that before while he was talking about you. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, Leo?”I was just looking at him. Napailing pa siya bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.“He used to talk about his younger brother with so much pride. Sige, sasabihin ko na sa ‘yo—I was jealous before, lalo na kung paano ka purihin ni dad at ni
LeonarizWhen I came back, I wasn't really expecting to meet Arazella Fhatima so soon, knowing that reaching her would never be easy for me. Balak ko na bumalik sa dati na magpadala lang ng mga bulaklak sa kaniya, ng mga regalo nang hindi inilalagay na galing ang mga 'yon sa akin.I told to myself first that I still had to consider Lander, even though I really planned to be a jerk and take Arazella away from him, and then there's also that damn Ariston, who I knew wouldn't back down, especially since I openly told him before that I wanted to get his sister... at alam niya non ang ibig kong sabihin. Like I just wanted to play with her, mess with her emotions, and see how far I could push things.Ang gago ko lang rin talaga non.Wala rin sa isipan ko na magmadali para sabihin kay Arazella ang nararamdaman ko dahil alam ko naman na maaaring hindi niya ako paniwalaan. But then, when I saw her last night in the racetrack, everything I had planned and was already fixed in my mind broke.Ang
Pero obvious na si Kade ang tinutukoy niya kay Leonariz! Hindi ko naman manliligaw ‘yon!Me: Wala akong ibang manliligaw at pakisabi kay kuya, umuwi na siya!Napapikit ako ng mariin at napasandal sa kinauupuan ko pagkasend ko non. Nahilot ko rin ang sintido ko. Bakit ba naniwala ako kay Kuya Ariston na wala siyang sasabihin na iba?Syempre! May init pa siya ng ulo kay Leonariz!Nagpadala na rin ako ng mensahe kay kuya at sinabi kong tigilan na niya ang pagsasabi ng kung ano-ano. I also told him to go home early, alam kong susunod siya agad lalo kung malalaman niyang kasama ko si Reiz pag umuwi.Leonariz: Can we see each other now?Pero imbis na reply ni kuya ang matanggap ko ay itong si Leonariz ulit. Napailing na lang ako dahil talagang aaraw-arawin niya ata akong tanungin kung pwede ba kaming magkita.Kaso may kasunduan kami ni kuya. May punto rin naman siya na dapat ayusin ko muna lahat. Kausapin ang dad, si Lander–Si Lander… ramdam kong ayaw niyang marinig sa akin kung sino ang l
Ngayon ay naglilinis kami dito sa shop. A few minutes after we both cried because of her condition.Ngumiti naman ako ng tipid at umiling. “Mababaw lang rin ang luha ko, saka sino ang hindi maiiyak sa balita na ‘yon, Reiz? Sa kotse pa lang nung nagmamaneho ako grabe na ang kaba ko.”“Sorry, Ara…” hingi niya naman ng paumanhin.“Siguro nablangko lang rin ako at hindi nakapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng resulta. Ang talagang pumasok sa isipan ko ay iwan na ang kuya mo dahil ayokong patagalin ang relasyon namin tapos makikita niya akong nanghihina, that would really break me, ang huling gusto kong makita ay masaktan ko si Ariston, Ara.”“Pero masasaktan mo rin siya kung aalis ka ng walang paalam at hindi na babalik pa,” sagot ko.“Babalik ‘yon sa dating buhay niya, magiging babaero ulit,” dagdag ko pa na ikinabuntong hininga ni Reiz.“I prefer this… kaysa ‘yong magdusa siya sa pag-aalaga sa akin, tapos iiwan ko rin siya sa huli… aalis ako na wala nang balikan pa.”“Reiz naman…” sambit