Hindi ko naman inaasahan na tatanungin ako ng Kuya Ariston tungkol kay Leonariz. The last time I know, ang huling pagbanggit niya rin sa lalakeng 'yon sa harapan ko ay noong magpasalamat siya sa akin sa pagkain na inihanda ko para dito. Pero napansin ko lang, iba ang ekspresyon ng mukha niya."He was here last week..." sagot ko. Nang mas lumapit ang kuya habang salubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin ay nagtaka naman ako. They're okay, right? I mean, nakiusap pa siya sa akin at akala ko ay kaibigan niya rin 'yong si Leonariz noong una."Pinuntahan ka ba niya? Hindi ba at nililigawan ka ni Lander? Hindi ba niya 'yon alam, Ara? They're brothers."What's with him? Tumango naman ako. "Alam ni Leonariz, kuya. At nandito lang siya last week dahil inimbita ni dad. Bagong investor. Hindi ba 'yon nabanggit ni daddy sa 'yo? That's also the reason why natuwa ang ama natin dahil nabanggit ni Leonariz na ikaw ang nagbanggit ng kumpanya natin sa kaniya."Nahuli ko ang paglunok niya at pag
Leonariz"We managed to resolve the case, Mr. Jimenez. We have identified the problem with the affected unit and it's suspicious but the team are investigating more to make sure. Uhm and also, Mr. Jimenez, all Avarrari Z3 are currently being checked as per your instructions po. The Engineering and Design Department, along with the Safety and Compliance Department and other teams, are ensuring that all units are free from any dangers and will not negatively impact the company's reputation again."I'm in an important meeting today with various departments, discussing the issue my company is facing. The Avarrari Z3 is the unit that suddenly encountered problems. It's a new series of my zero-emission eco-friendly car, and this is the most serious problem I've encountered in all my years due to its explosion. At kung iisa lang ang nagkaproblema ay maaaring may gusto lang manira sa akin na tao."Nag-email rin po ako sa inyo, Mr. Jimenez. Sinend ko po ang mga files at photos ng ginawang imbe
"Pack your things."My secretary looked at me with wide eyes. Ano pa ba ang inaasahan niya sa akin na sasabihin ko pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya? She knows my rules. She gave in, so she should fcking leave right now."M-Mr. Jimenez--"I glared at her. "Out. Or do you want me to call the guards and drag you out?"Napalunok ito at yumuko sa harapan ko. It didn't take long before she turned and left the conference room. Nang mawala na ito sa paningin ko ay naitingala ko ang aking mukha at naikuyom ako ang mga kamay ko."What the hell is happening to me?" Out of anger and wanting to divert my attention, I couldn’t help but use that woman. Now, I fcking need to find another secretary, kung kailan napakarami pang trabaho na kailangan tapusin.Damn you, Leonariz.Hindi na rin ako nagtagal sa conference room at tinungo ko ang opisina ko. At pagkarating ko naman doon ay mayroon akong isang hindi inaasahan na bisita. Maybe the reason why my secretary went here was because of this unexpected
ArazellaIt's been three days since I saw Leonariz making out with a woman in the dressing room of the auditorium. Naisauli ko na rin pala ang gown dahil nakita ko rin kinabukasan sa napag-iwanan ko. At simula non, sa tatlong araw rin na nakalipas ay hindi ko na siya nakita, hindi na siya muling nagpadala ng kung anong bagay katulad ng nakaraang linggo bago ng naganap na 'yon sa audi at wala na rin mensahe mula sa kaniya. Ngayon ko mas napagtanto na tapos na nga siya sa akin at nasa ibang babae na ang interes niya.Kung iisipin rin, mag tu-two weeks na. Itinapon ko nang lahat rin ang mga bulaklak na galing sa kaniya at wala na akong kahit isang itinira pero ang mga regalo--ang mga mamahalin na alahas ay itinabi ko at balak ko na ipadala dahil hindi biro ang halaga ng bawat isa non at nasa limang alahas pa 'yon. Pero kung paano ko maibabalik ay hindi ko pa alam.Hindi naman pwede na itanong ko kay Lander ang address ng bahay nito dahil sigurado na magtataka siya. Hindi ko naman rin p
Si Kuya Ariston na ang tumapos ng iniluluto ko at sabay-sabay kaming nag-almusal. Napag-usapan pa ang nais ng kuya na negosyo na mas ikinaganda ng mood nito. Narinig ko mismo kung paano rin suportado ng dad ang Kuya Ariston. Ako naman ay sinabi ko na kung may maitutulong ako ay sabihin niya lang.Ako na ang nagprisinta na maghugas ng mga pinagkainan namin pagkatapos. At naririnig ko naman na nag-uusap na ngayon silang dalawa tungkol sa wine business namin. Bukas daw ay si kuya ang tutungo sa winery at si dad ay nabanggit na aalis naman next week para pumunta sa Singapore dahil aattend siya ng Global Leadership program.They're busy. Ako naman ay walang masyadong pagkakaabalahan sa school. Pero may mga dates kami ni Lander. Thursday ngayono. Napag-usapan namin na this weekend, mag strawberry picking kami sa Baguio.Nang makatapos ako na maglinis sa kitchen ay tumungo na rin ako sa kwarto ko at naglabas ng isusuot ko. Kumuha lang ako ng faded wide leg jeans at black top. At nang mailapa
"L-Leonariz, Let me go."Pero mas humigpit lang ang kapit niya sa baywang ko nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang klase ng tingin niya sa akin, malamig pa rin at walang kangiti-ngiti. This is just unusual for me, to see him so cold like this because before he used to smile--even it's an evil one.But what do you expect he would do, Arazella? "Leo... T-The'yre looking at us..." I whispered, trying again in hopes that he would let me go.So, you wanted him to release you because of the people behind watching?Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa naisip ko na 'yon. At nang umangat ang tingin ko sa kaniya at magtagpo ulit ang mga mata namin ay binitawan niya na ako sa baywang pero mabilis rin niya na hinawakan ang kamay ko na ikinatigil ko."Go to the conference room. Susunod ako."Pagbaling at pagkasabi niya non sa mga tao sa likod namin ay nagsialisan ng mabilis ang mga ito. At nang kami na lang ang naiwan ay sinubukan ko na bawiin ang kamay ko na hawak ni
I know I was in real trouble the moment I realized the feelings I had for Leonariz. Pero matigas ang loob ko na hindi ko ito gustong lumalim. I know what he likes, and it's only my body. Hindi niya ako agad tinigilan dahil na rin kay Lander, saka siguro nachallenge lang rin siya kasi hindi ako katulad ng mga babae na luluhod at uungol sa harapan niya.I loathe fck boys so much, lalo na ang mga ganitong klase ng lalake sa kaniya.The way that man talks to me and how blunt he is about what he wants is enough reason for me to run away and do everything I can to erase this feeling while there's still time.At kung ieentertain ko ang pakiramdam na ito, para ko na ring inilubog sa sobrang lalim na tubig ang sarili ko kahit na alam kong hindi ako marunong lumangoy.Ano ako nagpapakamatay? Hindi.Isa pa, Lander is my ideal man. Ito na nga... hindi ako tanga para pakawalan ko pa.At ngayon sigurado na talagang tapos na sa akin ang lalakeng 'yon dahil sa mga binitawan niyang salita. Hindi na ta
When Lander came, I tried my best to remove every thoughts I have for Leonariz. Dahil napako sa isipan ko ang narinig ko sa daddy na aalis na ito ng bansa. Iyon naman rin ang maganda, pero iba ang pakiramdam ko na mas lalo kong hindi nagustuhan.This feeling... is annoying for me. Alam ko na may gusto pa rin ako kay Lander, narito pa rin yung tuwa, yung pakiramdam na kapag tinitingnan ko siya napapahanga ako katulad ng dati. Naiisip ko kung gaano siya kabuting tao, kung gaano siya magiging isang mabait na partner sa akin. Iyon kasi ang gusto ko. Ang pangarap ko. Kasi sino ba naman ang pipili ng lalake na puro lang yabang? Puro pera ang pinapagana.Sana pinangalanan mo na ang taong tinutukoy mo, Ara.Pero napagtanto ko rin na hindi pala talaga natin hawak ang damdamin natin. Na kahit alam mong mali, hindi mo mapipigilan na mahulog ka sa isang tao kahit wala itong mabuting naidulot sa 'yo.And I couldn't beleive that I fall on Leonariz trap. But now that he's gone and he's done with me,
Simula nang kulitin ako ni Kade at sabihin niya sa akin na manliligaw siya ay kahapon ko lang naramdaman talaga na totoo na yung mga sinabi niya. And that was also the first time that I felt a pain in my chest while looking into his eyes. Na para bang, naging masyado akong harsh dahil sa hindi ko paniniwala sa kaniya. Na hindi ko man lang nirespeto ang nararamdaman niya para sa akin. "So, he really likes you, Ara. Pero hayaan mo na, at least ngayon nasabi mo na rin naman sa kaniya na hindi mo maibabalik yung feelings niya--well indirectly. For sure gets na ni Kade 'yon," sabi naman ni Reiz. "Hmm. Sana nga rin, okay naman si Kade, kaso...""Kaso may iniintay ka na mahal na mahal mo pa," singit niya na ikinamilog ng mga mata ko. "A-Ang sasabihin ko sana ay kaso, hindi ko naman rin siya type!""Naku..." sundot pa niya sa tagiliran ko na ikinatawa ko.Medyo gabi na sila dumating kanina, 7:00 PM na, sabay sila ng Kuya Ariston. Dahil nga dito na muna sa amin si Reizzan ay usually sabay na
Wala na rin naman naging tanong pa sa akin si Kade at tahimik na lang rin siya hanggang sa malapit na kami sa bahay. Kaya naman niya pa lang itikom ang bibig niya pag kaming dalawa lang, kung ganito ng ganito eh magiging okay rin kami at hindi ko na siya susungitan.Oo nga pala. Hindi ko na rin nareplyan si kuya sa mga mensahe nito, pero bago naman kasi rin kami umalis ng hotel and resort ay nagsabi ako kay Reiz na pauwi na ako. Natagalan nga lang dahil nga kay Reina na ichineck in muna namin sa hotel. Pag ang kuya kasi ang nireplyan ko ay siguradong marami pa siyang magiging tanong.At ito nga... hindi ko na rin pinababa si Kade, pagkadating kasi namin sa bahay ay nasa labas ang Kuya Ariston habang nakahalukipkip at seryoso ang mukha na patingin-tingin sa relo. Napangiwi pa ako at medyo natawa sa itsura niya.Daid niya pa si dad."Anong oras na, Arazella," rinig kong tanong ng kuya habang nakasunod sa akin papasok ng bahay."Mag-nine thirty na.""Aba! Sinagot mo talaga!"I laughed b
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha sa nabasa ko. Ang kuya talaga! A-Akala ba niya na magpapadala ako basta-basta sa emosyon ko? Kahit naman nami-miss ko si Leonariz ay sigurado akong kaya ko pa rin magdesisyon ng tama! But you can't blame you brother, Ara. The way you confessed to him your feelings for Leonariz, talagang maiisip ng kuya mo na madadala ka agad sa emosyon at nararamdaman mo pag nagkita kayo!Hindi na ako nakapagreply kay Reiz dahil pagkatapos kong matigilan sa nabasa ko ay napaangat ang tingin ko sa taong lumapit sa akin. I saw Kade handing me a bottle of soda."Nasaan sila Reina?" he asked.Naibaba ko ang cellphone ko at kinuha ko ang iniaabot niya dahil na rin sa atensyon ng ibang mga nasa paligid namin. The people here weren't only Sir Florence's relatives and main family, may iilan na kaclose niya sa trabaho na siguradong binibifyan na ngg ibang lkahulugan ang paglapit sa akin ni Kade dhil alam ng ilan sa mga ito ang naging relasyon namin ni Lander."Nagpalit ng d
"What are your plans after graduation, Ara?"Napatingin naman ako bigla kay Kade sa narinig ko.It's a good thing that he's opening another topic. Baka mawala ang inis ko sa kaniya kapag hindi na siya paulit-ulit sa mga tanong tungkol sa amin in Lander o kung iniisip ko ba ito."Still thinking about it.""Hindi ka magtatrabaho sa wine company ninyo?"I get that he already knows about my family's business. Kababanggit lang kagabi ng kuya at ni dad na nakausap nila itong si Kade. And that... umahon na naman ang inis ko sa kaniya."Oo nga pala. Bakit kailangan mo pang kausapin ang daddy ko, ha? Akala niya manliligaw kita. Do you know it's giving me a bad image? Akala niya may namamagitan na sa atin eh, kakabreak ko lang at--hey, bakit ka ngumingiti?!"At ang loko nakuha pang matuwa!"I just ask for permission, Ara. Of course, pupunta ako sa bahay ninyo non kinabukasan para sundunin ka, it's a great timing to talk to your father. Ayoko naman na maulit ang nakaraan dahil binalaan ako ni Ar
"You're not answering my messages."Muntik namang umikot ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Kade pagkalabas ko ng bahay namin. Hindi ko nga sinasagot ang mga tawag niya—para saan pa, eh alam naman na rin niya itong bahay namin?"Lowbat ang phone ko kagabi. Hindi ko naicharge," sagot ko na lang kahit full charge na fully charged ang cellphone ko. Umikot na ako sa likod at binuksan ang pinto. Pansin ko naman na sinundan niya ako ng tingin, at nang papasok na ako sa loob ng sasakyan niya, saka ko ulit siya narinig na magsalita."Dito sa harap, Ara."Ikinataas naman 'yon ng isang kilay ko."Diyan na si Jade o si Reina. Dito na ako sa likod," sagot ko. Nang may balak pa siyang sumagot ay mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan bago pa siya magsalita ulit.It's already eleven in the morning, and I'm still feeling sleepy. Hindi ako nakatulog agad dahil nga sa kwentuhan namin ni Reiz. Buti na lang rin at na-move ang lakad ko ngayong araw.Nasunod rin naman kasi na dito ako kay Ka
Hindi naman ako na-bother sa sinabi ng Kuya Ariston tungkol kay Lander dahil nga kilala ko ito na hindi gagawa ng ganoon habang may relasyon kami. Saka... our relationship lasted for two weeks. Hindi rin nagtagal yung panliligaw nito sa akin. Ang ayoko lang talaga, yung parang naghihintay at naghahanap pa rin ang kuya ng kamalian nito pagkatapos ng nagawa ko. Ako na nga yung nanakit, sana naman hayaan na rin niya si Lander. "Sarap nito, ah? Ikaw ang gumawa, hon?" Tapos na kaming mag-dinner. Nandito naman kami ngayon sa silid ko. Actually, kami lang ni Reiz para sana maikwento ko nga yung pupuntahan ko bukas at kung bakit si Kade ang susundo kaso umepal na naman si kuya. Eh, ayoko nagkukwento talaga pag nandito siya. "Kami ni Ara, hindi ka pa ba aalis?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Reiz. Kanina ko pa kasi siya kinakambatan talaga, eh. Na gumawa na siya ng paraan para lumabas si kuya. "Wala naman akong gagawin, hon. Saka dito muna ako—""Ariston, sa kwarto mo naman ako matut
Hindi na rin kami nakatuloy ng pagkukwentuhan ni Reiz dahil dumating na rin ang Kuya Ariston at si dad. 7:45 pm na, tapos na rin naman kaming makaluto ni Reiz at hinihintay na lang rin talaga namin sila para makakain. "Hey, hon, kanina ka pa dumating?" Nakangiting bati ng kuya kay Reizzan pagkalapit. Humalik siya sa pisngi ng kasintahan at naupo sa sofa sa tabi nito."Mga 2 hours ago lang. Nagchat ako, ah? Busy ka na naman masyado kaya hindi mo siguro nacheck.""I didn't charge my phone kaya lowbat na. That's also the reason why hindi ako nakapagmensahe pauwi," pagkasabi non ng kuya ay bumaling siya sa akin. "Kumikilos yung manliligaw mo, ah? Nasa company kanina nagpapalakas kay dad. Nagpaalam pa na bukas ng umaga susunduin ka dahil nga may pupuntahan daw kayo."My eyebrows furrowed at that. Napaawang rin ang mga labi ko at nilingon ang daddy na kababalik lang galing kusina. May hawak na bottled water. "Si Kade?" Tanong ko, hindi natutuwa. Humalakhak naman ang kuya na agad pinalo
Arazella"So, he still has your number? At bakit naman niya tinititigan ang numero mo, Ara? Saka, sigurado ka naman sa mga narinig mo?"Nakangiti si Reizzan habang nakatingin sa akin pagkatapos niyang magtanong ng sunod-sunod. She will stay here with us for the whole week. May renovation kasi sa bahay niya at nang malaman ‘yon ng dad ay ito na ang nag-offer na dumito muna si Reiz sa amin. Of course, natuwa ako dahil makakachikahan ko pa siya sa maraming bagay. “It was shocking talaga, ha!” She added. She was hugging a throw pillow while sitting with her legs crossed. Nasa sala kami ngayon sa bahay at malayang pinag-uusapan ang nangyari kanina lang—ang pagtawag sa akin ng kaibigan ni Leonariz gamit ang numero nito mismo. Ang kaguluhan nilang magkaibigan."I don't know, Reiz..." I almost whispered, biting my lower lip, still surprised about what just happened a while ago. Ilang oras na ang lumipas pero ito, parang minuto lang dahil iba pa rin ang kabog ng dibdib ko. I didn't end the
"Leave." I repeated, this time, dangerously. Kuyom na kuyom ang mga kamay ko habang masama ang tingin sa kaniya, pero dahil si Nnyx ito, na kilala rin ako, muling tumawa siya at sinipat ulit ang sarili habang hawak ang cellphone. "Ang usapan namin ni Graze kailangan mapilit kitang umuwi para makakuha ako ng discount sa napakamahal na hotel niya." What? "I thought you're here on a vacation?" Umiling naman siya. "Hindi, 'no. Pinauuwi ka ni Graze at 'yong inuutang daw niyang mga kotse. Saka, sabi pala ni Sancho, next time ka na lang mag-emote dito sa London, may ipapa-build ata siya sa 'yo na sasakyan niya. Ewan, ako napag-utusan na iuwi kita." About Graze, pwede ko 'yon itawag kay Joey at sa gusto ni Sancho, I will pass this time. Kung uuwi man ako, ibang kotse ang ibi-build ko. That car that I wanted to give to Arazella Fhatima. "Kakatakot ka, Leo. Ngumingiti ka bigla. Kanina lang ang sama ng mukha mo. Pa-check up ka na, fcker. Malala na 'yan." My fingers automatically touches