ArazellaIt's been three days since I saw Leonariz making out with a woman in the dressing room of the auditorium. Naisauli ko na rin pala ang gown dahil nakita ko rin kinabukasan sa napag-iwanan ko. At simula non, sa tatlong araw rin na nakalipas ay hindi ko na siya nakita, hindi na siya muling nagpadala ng kung anong bagay katulad ng nakaraang linggo bago ng naganap na 'yon sa audi at wala na rin mensahe mula sa kaniya. Ngayon ko mas napagtanto na tapos na nga siya sa akin at nasa ibang babae na ang interes niya.Kung iisipin rin, mag tu-two weeks na. Itinapon ko nang lahat rin ang mga bulaklak na galing sa kaniya at wala na akong kahit isang itinira pero ang mga regalo--ang mga mamahalin na alahas ay itinabi ko at balak ko na ipadala dahil hindi biro ang halaga ng bawat isa non at nasa limang alahas pa 'yon. Pero kung paano ko maibabalik ay hindi ko pa alam.Hindi naman pwede na itanong ko kay Lander ang address ng bahay nito dahil sigurado na magtataka siya. Hindi ko naman rin p
Si Kuya Ariston na ang tumapos ng iniluluto ko at sabay-sabay kaming nag-almusal. Napag-usapan pa ang nais ng kuya na negosyo na mas ikinaganda ng mood nito. Narinig ko mismo kung paano rin suportado ng dad ang Kuya Ariston. Ako naman ay sinabi ko na kung may maitutulong ako ay sabihin niya lang.Ako na ang nagprisinta na maghugas ng mga pinagkainan namin pagkatapos. At naririnig ko naman na nag-uusap na ngayon silang dalawa tungkol sa wine business namin. Bukas daw ay si kuya ang tutungo sa winery at si dad ay nabanggit na aalis naman next week para pumunta sa Singapore dahil aattend siya ng Global Leadership program.They're busy. Ako naman ay walang masyadong pagkakaabalahan sa school. Pero may mga dates kami ni Lander. Thursday ngayono. Napag-usapan namin na this weekend, mag strawberry picking kami sa Baguio.Nang makatapos ako na maglinis sa kitchen ay tumungo na rin ako sa kwarto ko at naglabas ng isusuot ko. Kumuha lang ako ng faded wide leg jeans at black top. At nang mailapa
"L-Leonariz, Let me go."Pero mas humigpit lang ang kapit niya sa baywang ko nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang klase ng tingin niya sa akin, malamig pa rin at walang kangiti-ngiti. This is just unusual for me, to see him so cold like this because before he used to smile--even it's an evil one.But what do you expect he would do, Arazella? "Leo... T-The'yre looking at us..." I whispered, trying again in hopes that he would let me go.So, you wanted him to release you because of the people behind watching?Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa naisip ko na 'yon. At nang umangat ang tingin ko sa kaniya at magtagpo ulit ang mga mata namin ay binitawan niya na ako sa baywang pero mabilis rin niya na hinawakan ang kamay ko na ikinatigil ko."Go to the conference room. Susunod ako."Pagbaling at pagkasabi niya non sa mga tao sa likod namin ay nagsialisan ng mabilis ang mga ito. At nang kami na lang ang naiwan ay sinubukan ko na bawiin ang kamay ko na hawak ni
I know I was in real trouble the moment I realized the feelings I had for Leonariz. Pero matigas ang loob ko na hindi ko ito gustong lumalim. I know what he likes, and it's only my body. Hindi niya ako agad tinigilan dahil na rin kay Lander, saka siguro nachallenge lang rin siya kasi hindi ako katulad ng mga babae na luluhod at uungol sa harapan niya.I loathe fck boys so much, lalo na ang mga ganitong klase ng lalake sa kaniya.The way that man talks to me and how blunt he is about what he wants is enough reason for me to run away and do everything I can to erase this feeling while there's still time.At kung ieentertain ko ang pakiramdam na ito, para ko na ring inilubog sa sobrang lalim na tubig ang sarili ko kahit na alam kong hindi ako marunong lumangoy.Ano ako nagpapakamatay? Hindi.Isa pa, Lander is my ideal man. Ito na nga... hindi ako tanga para pakawalan ko pa.At ngayon sigurado na talagang tapos na sa akin ang lalakeng 'yon dahil sa mga binitawan niyang salita. Hindi na ta
When Lander came, I tried my best to remove every thoughts I have for Leonariz. Dahil napako sa isipan ko ang narinig ko sa daddy na aalis na ito ng bansa. Iyon naman rin ang maganda, pero iba ang pakiramdam ko na mas lalo kong hindi nagustuhan.This feeling... is annoying for me. Alam ko na may gusto pa rin ako kay Lander, narito pa rin yung tuwa, yung pakiramdam na kapag tinitingnan ko siya napapahanga ako katulad ng dati. Naiisip ko kung gaano siya kabuting tao, kung gaano siya magiging isang mabait na partner sa akin. Iyon kasi ang gusto ko. Ang pangarap ko. Kasi sino ba naman ang pipili ng lalake na puro lang yabang? Puro pera ang pinapagana.Sana pinangalanan mo na ang taong tinutukoy mo, Ara.Pero napagtanto ko rin na hindi pala talaga natin hawak ang damdamin natin. Na kahit alam mong mali, hindi mo mapipigilan na mahulog ka sa isang tao kahit wala itong mabuting naidulot sa 'yo.And I couldn't beleive that I fall on Leonariz trap. But now that he's gone and he's done with me,
Nakauwi na si Lander, at si Kuya Ariston ay kababalik lang pagkatapos nitong ihatid si Reiz, ang girlfriend niya. Wala naman akong ibang masasabi dahil talagang nakita ko na mahal nila ang isa't-isa. And I noticed how caring Reiz was toward my brother. Mula sa pagkain kanina, hanggang sa pag-inom nito ng alak.May usapan pala ang dalawa na babawasan na rin ng Kuya Ariston ang pag-inom nito dahil nga health concious si Reiz, naishare kasi nito na ang isa nitong uncle ay namatay sa liver cancer. And it's just so sweet to think that, she's really thinking about my brother, alam mo at mararamdaman mo na mahal ka talaga ng isang tao kapag naroon 'yong concern sa 'yo at patitigilin ka sa mga masasamang ginagawa mo.Ang isa lang sa ipinagpasalamat ko kanina ay tinanggap niya ang kuya ko dahil babaero nga ito. Nag-sorry pa ako sa kuya pero natawa lang siya dahil sabi nga niya lahat daw ng baho niya ay binanggit niya kay Reiz, ultimo yung mga babaeng inuwi niya dito at kung ilan kada linggo. R
LeonarizIt was a dumb move to accept Mr. Montes' invitation to go to their place for dinner. I had already declined, but fck this feeling. After a few days, Arazella Fhatima still wouldn't leave my mind. The urge to see her was strong, which is why I agreed when her father asked me again earlier to join them, especially after I found out Lander was already going to be there. Ilang beses ko muna pinag-isipan, pero sa huli ay nagpasya rin ako ng pumunta.At nagsisi ako.Because look where this led me. Pagkarating na pagkarating ko ay siya rin na pag-alis ko dahil nasaksihan ko pa talaga kung paano sinagot ni Arazella ang kapatid ko."Sinasagot na kita, Lander...""Damn. Thank you! Thank you so much! I love you, Ara..."I shook my head and clenched my jaw. I even hit the steering wheel. At hindi ko nagustuhan ang nakita at narinig ko, kung gaano sila kasaya. I felt this strange madness welling up inside me, and I was taken aback by how much it hurt and that's because of that woman...Ng
I was struggling just to get out of my car after what happened at Graze's bar. I’m lucky I even made it home safely after that fight.Nnyx was a fcking asshole. Ayaw talaga magpatalo ng gago.Hindi niya ako tinigilan. Mukhang natuwa rin siya na alam niyang namomroblema ako sa babae kaya pinatulan talaga ako. At ngayon, iika-ika ako, pero hindi ko hinayaan na ako lang. Syempre, siya rin ay puro galos, halos gumapang na ang hayop kanina palabas ng bar."He thought I was gonna let him punch me until I passed out. Fcker."I touched my bruised lips and winced as I felt a sting. Talagang ilang malalakas na suntok ang tinanggap ko sa pag-iisip na maaalog ang utak ko at mawawala sa isipan ko si Arazella Fhatima.But I was wrong. I sighed. I also moved my shoulder, still aching from when Nnyx yanked it earlier while pinning me down from behind. Tumatawa pa ang loko at enjoy na enjoy. Palibhasa non ko lang rin siya hinayaan na suntukin ako ng ilang beses at hindi ako gumanti. Pero nung mga ora
I took a deep breath while smiling, typing a reply. Nang mapansin ko naman ang tingin ng mga kasama ko ay inikutan ko sila ng mga mata.“I’m talking to my brother, guys.”“Wala pa nga kaming sinasabi, eh!”“Oh, siya, guys! Lunch muna tayo. Sa food court ba? O sa Avliez Restaurant?” tanong ni Crissa.“Libre mo daw ba?”Nagsipagtayuan na sila at ako naman ay naiwan at nagta-type ng mensahe.Me: Just talk about cars, kuya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin mo sa kaniya.Mukhang kadarating lang rin kasi ng kuya doon. At hindi niya talaga binanggit sa akin na pupunta siya kay Leonariz. Nagkausap naman kami kanina. Ang sinabi niya lang ay yung tungkol kay dad.Kaya naman pala.“Ikaw, Ara? Huwag ka nang tumanggi, ha!”Napatingin naman ako kay Crissa. Naglalakad na kami palabas ng library.“Libre ko na! Minsan lang ako manlibre,” she said.Nakatanggap na rin ako ng message kay Leonariz and he said that my brother was in his house right now oo at siya nga daw ang nag-invite. Ayaw daw talagang ip
Akala ko rin talaga iilan lang yung sasang-ayon dito sa outreach, kasi syempre mas gusto ng iba na mag-party, kaya nakakatuwa kasi halos lahat sa department naman ay supportive at excited.“That’s nice,” sagot ko pa sa kanila."True! Akalain mo rin ang laki ng budget, 'no? Saka for sure, may mga magbibigay pa niyan sa last minute," sabi ni Via."Kaya nga, asahan mo na talaga. Generous ang mga nasa department, lalo na ang mga parents. Yung mom ko nga, nung malaman, sinabi niya na ipaalala ko daw bukas para makapag-prepare siya ng food," sabi ni Trina, may catering services kasi ang mommy niya."Yay! Nakakatuwa naman!"At habang pinag-uusapan pa rin namin ang schedule, tinanong nila kung ayos lang ba sa akin ang mga proposed dates. Mamaya raw, pagkatapos mabigyan ng approval ng mga ‘yon ni Dean at ni Prof. Nolaso—ang CE prof namin na isa sa mga kausap dito—ay ipo-post na ito sa FB group ng department para sa official announcement at ise-send rin sa group chat para malaman ng lahat. Haha
“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
Kasalanan ko naman ‘to. Hindi talaga magiging madali para kay Lander na tanggapin ang nangyari sa relasyon namin. Pero isa sa mga inisip ko talaga dati, magagalit siya ng sobra which is nangyari naman… pero hindi ko akalain na sandaling galit lang tapos ito at pipilitin niya pa ring ayusin at ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya.Wala naman akong magagawa talaga, hindi madaling mag-move on o makalimot dahil kahit ako sa sarili ko ay bigo ako nagawa ‘yon, nauunawaan ko pa rin siya. He is also acting this way because I made him feel that I’m deeply in love with him.Pero ito nga… umalis na siya. Sana hinintay niya muna akong magsabi ng lahat. Hindi, eh. Parang sa tuwing magkikita kami, ang gusto lang niyang sabihin ay saloobin niya, hindi niya ako pinagsasalita ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa kaniya.At hindi mo nga siya masisisi doon, Ara.“Ma’am, binayaran na po ni sir yung order ninyo.”Napaangat ang tingin ko sa waiter nang marinig ang sinabi nito. I was asking for t
"Hindi naman sa ganoon, Lander. I'm sorry, ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo."Naibaba ko sandali ang tingin ko."Ara...""I'm sorry, I'm really sorry. I don't know if I made you feel enough how much I regret everything."Ganoon naman kasi dapat—ako yung nanakit, at hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ng matagal. It's just that, every time I saw him, I was reminded of all the mistakes I made. It made me face how I hurt a good person.But even with all that, I was selfish. Dahil gusto mo na makausap rin si Lander para tuluyan ka nang maging masaya kasama si Leonariz.Ang makasarili mo pa rin, Arazella. "Maybe I was too confident that you love me, Ara. Siguro nga... baka nagkulang ako sa ibang bagay dahil rin sa pagiging busy ko--"Nag-isang linya ang mga kilay ko doon at umiling ako sa kaniya."No. You were not always busy before, Lander. Inihahatid at sundo mo nga ako sa bahay kahit galing kang university at pagod sa maghapon na pagtuturo. Hindi... wala sa 'yo ang problema
Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Lander, hindi magiging madali pero tatanggapin ko lahat ng kung ano man ang maririnig ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, habang narito ako at nakaupo Atrium, naghihintay sa kaniya ay tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Naalala ko ang galit na galit na si Lander na nakaharap ko sa bahay noon, na pumipilit rin sa akin sabihin kung sino ang lalaking nagustuhan ko.I don't want to see that side of him anymore, pero sino ako para pigilan rin siya sa magiging galit niya pag nalaman niya ang totoo?Napalalim ang paghinga ko at kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ko na nag-vibrate 'yon. Nakita ko ang mensahe sa akin ng kuya.Kuya Ariston: Nasaan ka? Bawal muna kayong lumabas ni Leo. Sinasabi ko sa 'yo, Ara. Ipaliwanag mo muna kay dad ang lahat.Ang kuya talaga, sinabihan ko na nga siya na hindi talaga muna, aayusin ko muna ang lahat hindi ko rin naman kaya na habang magkasama kami ni Leonariz, nasa isipan ko na maaari kaming mahu
Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-
Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non