LeonarizIt was a dumb move to accept Mr. Montes' invitation to go to their place for dinner. I had already declined, but fck this feeling. After a few days, Arazella Fhatima still wouldn't leave my mind. The urge to see her was strong, which is why I agreed when her father asked me again earlier to join them, especially after I found out Lander was already going to be there. Ilang beses ko muna pinag-isipan, pero sa huli ay nagpasya rin ako ng pumunta.At nagsisi ako.Because look where this led me. Pagkarating na pagkarating ko ay siya rin na pag-alis ko dahil nasaksihan ko pa talaga kung paano sinagot ni Arazella ang kapatid ko."Sinasagot na kita, Lander...""Damn. Thank you! Thank you so much! I love you, Ara..."I shook my head and clenched my jaw. I even hit the steering wheel. At hindi ko nagustuhan ang nakita at narinig ko, kung gaano sila kasaya. I felt this strange madness welling up inside me, and I was taken aback by how much it hurt and that's because of that woman...Ng
I was struggling just to get out of my car after what happened at Graze's bar. I’m lucky I even made it home safely after that fight.Nnyx was a fcking asshole. Ayaw talaga magpatalo ng gago.Hindi niya ako tinigilan. Mukhang natuwa rin siya na alam niyang namomroblema ako sa babae kaya pinatulan talaga ako. At ngayon, iika-ika ako, pero hindi ko hinayaan na ako lang. Syempre, siya rin ay puro galos, halos gumapang na ang hayop kanina palabas ng bar."He thought I was gonna let him punch me until I passed out. Fcker."I touched my bruised lips and winced as I felt a sting. Talagang ilang malalakas na suntok ang tinanggap ko sa pag-iisip na maaalog ang utak ko at mawawala sa isipan ko si Arazella Fhatima.But I was wrong. I sighed. I also moved my shoulder, still aching from when Nnyx yanked it earlier while pinning me down from behind. Tumatawa pa ang loko at enjoy na enjoy. Palibhasa non ko lang rin siya hinayaan na suntukin ako ng ilang beses at hindi ako gumanti. Pero nung mga ora
I didn't get enough sleep last night after my conversation with Lander. He stayed at my house and talked about his feelings for Arazella Fhatima until he could no longer speak because he was so drunk. I knew he was serious, but I didn't know it was this intense and... deep. He told me everything, simula umpisa. That he liked her so much from the very first time he saw her at the university.Mas may dahilan na hayaan mo na sila."Maraming salamat at pumayag ka na makipag-inuman pa rin sa akin Leo."Humigpit ang hawak ko kay Lander, at kahit masakit ang katawan ko sa pakikipagsapakan kay Nnyx, nagawa ko pa ring alalayan siya papunta sa guest room dahil sa sobrang kalasingan."Marami na akong utang. Ayokong nagkakautang sa kahit na sino," sagot ko sa kaniya, na ikinatawa niya.I also felt bad when he said that we rarely talk. I know how sentimental Lander is, and his words earlier made me feel guilty because he always thinks about me while I’m completely focused on work. He said it jokin
Arazella"Kumusta naman ang relasyon ninyo ni Lander?"Umangat ang tingin ko kay Reiz sa tanong niya. Narito kami sa mall sa Redwich at kumakain. Nagpasama siya sa akin na mamili ng regalo para kay Kuya Ariston, at nakapili naman agad siya dahil may nasa isip na siyang bilhin—relo, at hindi basta-basta! Mamahalin pa. Nagulat nga ako dahil sabi ni Reiz, deserve naman daw ng kuya. Nang tanungin ko siya kung para saan, dahil December pa ang birthday ng kuya, sinabi niya na wala lang. Parang reward gift daw kasi naging mabuti ang kuya ko sa loob ng isang linggo. Ang sweet niya naman talaga!"It's been two weeks simula nang sagutin mo siya."Pero yes, ang bilis nga ng araw. Two weeks na pala simula nang sagutin ko si Lander."Okay naman kami. Gano'n pa rin siya tulad ng dati, gusto pa rin niya ako ihatid pauwi kahit busy siya, tapos susundo pa rin kahit may sarili naman akong sasakyan. He's also become... extra sweet? Gano'n ang nafe-feel ko."And he's making me feel that I made the right
Hindi na rin kami nagtagal sa store dahil kailangan ko nang umuwi para i-double check ang mga gamit ko at kung may maiisip pa akong dalhin para sa tatlong araw na seminar. Pero bago kami umalis sa music store, nag-thank you sa akin ang saleslady dahil ang ibang tao na nakinig sa labas ay pumasok at tumingin ng mga instruments at ang iba ay bumili.Pati ang owner ay lumabas, at ito pala ang nasa gilid kanina at nakinig rin! She's so simple! She also thanked me and praised my voice and for how I played the piano. Kung maisipan ko raw na bilhin ang Chickering, ay mag-message ako sa kaniya agad at bibigyan niya ako ng 20% discount.My eyes really widened. I mean, That's huge! But the price of that cherry Chickering concert piano was 3 million. I still can't afford it.Ngayon, 2:00 pm na nang makarating ako sa bahay. Hindi pa rin maalis ang tuwa sa akin. I am still having goosebumps! So, this is what it feels like to play your dream piano? Ghad. I don't know how to explain this happiness.
Leonariz"Ara, hindi mo ba dinala ang kotse mo? Naglalakad ka kasi!""Nasa pagawaan. Sabi ni kuya, baka bukas pa daw maaayos."I licked my lips when I heard Arazella's conversation with her schoolmate. Sira na naman ang sasakyan niya? Her car is a gray Vios, an old model. This isn't the first time it's been in the shop for repair. She should consider replacing it."Sumabay ka na sa amin! Uulan na kaya!""Okay lang, nakapag-book na ako ng Grab. Thank you sa offer, Ann! Ingat kayo pauwi!"I closed my car window as Arazella Fhatima getting close to my spot. I didn't want her to see me. It wasn't my intention to show myself. Sa akin nanggaling na huwag na niyang ipapakita ang sarili niya tapos ako pa ang lalapit? Siguradong iisipin lang rin niya na guguluhin ko sila ni Lander o paglalaruan ko siya.It's better to keep things this way. Following her, watching her secretly.Until when?Napapikit ako ng mariin sandali at napabuntong hininga."Why can't you just let her go, you fcker?"I shoo
I went home straight. Hindi ako pumunta sa imbitasyon ni Nnyx na uminom dahil baka magsapakan na naman kami. My wounds are already healed, and I can't attend a seminar with bruises on my face, kaya tumanggi na ako."Ang gago. Alam kong babawian ako non dahil nung nakaraan ay halos gumapang na siya palabas ng bar."It's 7:00 pm. At pagkarating ko sa bahay ko ay nakita ko na nasunod kaagad ang utos ko kay Andres na magpadala ng mga materyales ng sasakyan sa bahay. Naglakad ako palapit habang isa-isa nang dinadala sa likod ang mga box. Nang makita ko naman na palapit sa akin si Roldan at Andres, ang mga tauhan ko sa factory ay tinanguan ko ang mga ito."Mr. Jimenez, akala po namin nakauwi na kayo. Pinagbuksan na po kasi kami ng guard.""I just arrived," sagot ko dito. I loosened my necktie and crossed my arms. Sinabi ko rin sa guard na kung darating ang mga ito ay pagbuksan pero hindi ko inaasahan na mauuna pa sila sa akin."Kumpleto bang lahat ng sinabi ko?"Tumango si Andres. "Opo, Mr.
“So, why don’t I have a schedule today? Ang alam ko ay may meeting ako kay Mr. Ricolov at Mr. Denobre.”I'm still looking at Joey. Ang mga taong binanggit ko ay ang mga kliyente ko overseas. If I'm not mistaken, my schedule is full today.“A-Ah, hindi po ba at pinaclear po ninyo today ang mga nasa sched? Moved na po lahat next week. Nagulat nga po ako at pumasok kayo, eh. M-May ibang personal plan po ata kayo.”Oh sht.Nang marinig ko 'yon ay napatingin ako sa laptop calendar ko. Friday. Arazella Fhatima has no class and I overheard from her that she and her brother's girlfriend would go to a mall. Nang maalala ko 'yon ay napatayo akong bigla. Kaya nga rin pala hindi ako pumunta sa university niya para tingnan siya."Come with me," malalaki ang hakbang na sabi ko kay Joey."P-Po? saan po?" tanong niya pero sumunod rin siya sa akin."Sa mall.""M-Mr Jimenez, 8:30 am pa lang po. S-Sarado pa po ang mall."Fck?Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya."S-Sarado pa po. M-Mamaya pa pon