I went home straight. Hindi ako pumunta sa imbitasyon ni Nnyx na uminom dahil baka magsapakan na naman kami. My wounds are already healed, and I can't attend a seminar with bruises on my face, kaya tumanggi na ako."Ang gago. Alam kong babawian ako non dahil nung nakaraan ay halos gumapang na siya palabas ng bar."It's 7:00 pm. At pagkarating ko sa bahay ko ay nakita ko na nasunod kaagad ang utos ko kay Andres na magpadala ng mga materyales ng sasakyan sa bahay. Naglakad ako palapit habang isa-isa nang dinadala sa likod ang mga box. Nang makita ko naman na palapit sa akin si Roldan at Andres, ang mga tauhan ko sa factory ay tinanguan ko ang mga ito."Mr. Jimenez, akala po namin nakauwi na kayo. Pinagbuksan na po kasi kami ng guard.""I just arrived," sagot ko dito. I loosened my necktie and crossed my arms. Sinabi ko rin sa guard na kung darating ang mga ito ay pagbuksan pero hindi ko inaasahan na mauuna pa sila sa akin."Kumpleto bang lahat ng sinabi ko?"Tumango si Andres. "Opo, Mr.
“So, why don’t I have a schedule today? Ang alam ko ay may meeting ako kay Mr. Ricolov at Mr. Denobre.”I'm still looking at Joey. Ang mga taong binanggit ko ay ang mga kliyente ko overseas. If I'm not mistaken, my schedule is full today.“A-Ah, hindi po ba at pinaclear po ninyo today ang mga nasa sched? Moved na po lahat next week. Nagulat nga po ako at pumasok kayo, eh. M-May ibang personal plan po ata kayo.”Oh sht.Nang marinig ko 'yon ay napatingin ako sa laptop calendar ko. Friday. Arazella Fhatima has no class and I overheard from her that she and her brother's girlfriend would go to a mall. Nang maalala ko 'yon ay napatayo akong bigla. Kaya nga rin pala hindi ako pumunta sa university niya para tingnan siya."Come with me," malalaki ang hakbang na sabi ko kay Joey."P-Po? saan po?" tanong niya pero sumunod rin siya sa akin."Sa mall.""M-Mr Jimenez, 8:30 am pa lang po. S-Sarado pa po ang mall."Fck?Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya."S-Sarado pa po. M-Mamaya pa pon
I continued to follow Arazella and the woman with her, and when I saw that they were heading to the exit, that’s when I knew they were about to go home. Pero nang makita ko na hinila niya ang babaeng kasama niya sa isang musical store ay nagsalubong ang mga kilay ko. Lalo pa nang mapansin ko ang ngiting-ngiti na mukha niya.The excitement was also visible and I even heard her voice because it was a bit loud.What is it? What did she see to be that excited?Nakaramdam ako ng iritasyon nang maisip na baka lalaki 'yon.Naglakad ako palapit sa musical store, dahan-dahan lang dahil baka bigla rin silang lumabas, lalo't hindi ko tanaw ang loob dahil hindi naman 'yon glass wall. And while I was getting near, I stopped, and the other people walking by did too."It's 2:00 AM... and the rain is falling..."I closed my eyes firmly when I heard the sound of a piano. It wasn't that loud, but enough for the people outside the store to hear. And that voice... I bit my lower lip and swallowed hard. I
ArazellaThat piano...Napasandal ako sa sofa at bumaling ang tingin ko doon. And while looking at it, there's this tightening in my chest, knowing this dream piano was from Leonariz. It was a familiar and strong feeling that stirred something deep inside me. Alam ko na talagang sa kaniya nanggaling ito, malakas ang kutob ko. Wala rin ibang magbibigay sa akin ng regalo. And Lander... he knows that my favorite flower is tulip, not rose.Kanina, gusto kong magpadala ng mensahe at sabihin na babayaran ko ang Chickering piano concert na 'to. Ayoko magkaroon ng bagay na nanggaling sa kaniya. Actually, naisip ko na isauli na lang 'to, pero dahil nga may pangalan ko, siguradong baka pagtinanggap niya ito ay itambak lang at hindi mapahalagahan. Knowing his personality, para sa akin ay treasure ang piano na 'to.That's why I ended up deciding to pay for this. May pera naman ako sa bank ko; ang kailangan ko na lang ay magmensahe sa kaniya at kuhanin ang details niya para maipasa ang pera.Mukh
Tapos na kaming mag-usap at nakaakyat na ako sa kwarto ko. I still felt bad, at matinding guilt ang mas naramdaman ko nang replyan ko si Lander at magsinungaling na may ginawa lang ako kaya hindi ako kaagad nakasagot. Sinabi ko rin na kinausap ko si Reiz kaya hindi siya makatawag sa akin."Don't take it too long... fix the mess you made, Ara."It was a good decision to talk to Reiz. Gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko lahat sa kaniya. She listened to everything I had to say before sharing her thoughts. Hindi niya ako kinampihan at sinabi niya talaga na ako ang may mali. Isang buwan mahigit rin daw pala at nakuha niya na talagang lalalim ang nararamdaman ko lalo pa at hindi normal ang mga nangyari sa pagitan namin ni Leonariz."I felt like a btch."Pagkatapos kong sabihin kay Reiz ang lahat, 'yon na lang ang huling mga salita na binitawan ko tungkol sa sarili ko. I cried silently. Hindi ko siya makita ng maayos dahil sa mga luha, pero nasa mukha niya ang disappointment.S-Sino ba
Napahikbi ako at kinuha ang cellphone ko na nahulog. Tama. Ako ang may kasalanan kaya rin ito nangyari sa akin. P-Pero dapat ba na ganito talaga?Agad kong tinawagan si Reiz para sabihin ang nangyari. Nang masagot niya agad ang tawag ko ay nagpapasalamat talaga ako na gising pa siya."A-Ara, what happened? Why are you crying? And... wait, dumudugo ang labi mo. Anong nangyari—""L-Lander came here... nagkausap na kami, Reiz.""O-Oh God. And he hurt you? H-He hurt you?!"Tumaas ang boses niya at puno 'yon ng galit. Nang tumango ako ay sumabay naman ang mga luha ko sa pagtulo habang si Reiz ay hindi makapaniwala habang dahan-dahan na umiiling."I didn't expect that he would hurt you like that, Ara! Oh my God. Si Lander?""I m-made a mistake...""But that's not enough reason to hurt you like that! Oo, nagkamali ka, pero alam ba niya na sobrang nahirapan rin ang kalooban mo? Na kaya mo gustong tapusin ang relasyon ninyo ay dahil narealize mo na hindi mo na siya mahal? It's not like you foo
Leonariz didn't even move to stay away from me even after I tried a few times to push him away harder. Wala na rin ata sa isip niya ang binitawan niyang salita kanina na wala siyang gagawin na hindi ko magugustuhan dahil ang atensyon niya ngayon ay nasa mga labi ko. At sa itsura niya... Galit ba siya? Dahil 'yon talaga ang nakikita ko sa ekspresyon ng mukha niya.“Y-You are too close... ano ba?” I removed his hand, but it just went back to my face, making me gulp. He then caressed my bruised lips. Ang init ng hininga niya ay tumatama na rin sa mukha ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.“L-Leonariz...” I called him again to make him stay away. Nabibingi na ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Hindi na rin ako mapakali. But he didn't look like he was going to let me go until I told him what happened, hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot sa tanong niya. Especially the way he was looking at my lips intently. He also didn’t want to move away even when I tried to push him again.
I told Leonariz to drop me off at the highway to avoid drawing any attention at the hotel dahil alam ko nga na may mga estudyante at ibang mga faculty na doon na kadarating lang. At nagpapasalamat naman ako dahil sinunod niya ng walang pagtatanong ang gusto ko. Mabilis lang rin siyang umalis at hindi niya ako tiningnan pa. That’s better. I also don’t want to meet his gaze again.“He knows Lander and I are still in a relationship. He respects that and puts distance.”Kailangan ko rin mag-ingat kahit alam ko na ngayon na hindi na ako guguluhin pa ni Leonariz. Hindi dapat na may makakita sa amin na magkasama dito, mahirap na, kahit iilan lang ang mga tao na kilala silang magkapatid ni Lander ay may posibilidad na mapag-usapan kami kung sakali at hindi ko naman hawak ang isipan ng mga tao.Lalo na ngayon na nakipaghiwalay na ako sa kapatid niya, mas mag-iisip ng dahilan ang iba pag kumalat na wala na kaming relasyon ni Lander. Hindi naman rin kasi sikreto 'yon sa buong university at alam
I honestly thought Ariston wouldn’t bring this up dahil ilang beses na kaninang hinintay ko siyang magsabi, but it seems like what’s happening is really bothering him.“How could Mr. Montes have such a massive debt? The last time we talked, your company was doing well, and the sales were still stable.”“Kaya nga. Nagtataka rin ako. Malaking halaga ang nabanggit ni Hazel, that's fckng 50 million. Saan dadalhin ‘yon ni Dad? Wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa bagong negosyong itinatayo niya. This is giving me a headache right now. Hindi ko rin muna pwedeng sabihin ‘to kay Ara hangga’t hindi ko nalalaman ang buong dahilan—mas lalo lang siyang mag-aalala at mag-iisip. Ang dami na rin niyang iniintindi lately…”I looked at my phone, still open to my conversation with Arazella Fhatima.She hadn’t replied yet. I sighed, running a hand through my hair. This whole situation was a mess, and Ariston’s frustration was rubbing off on me.“Have you tried calling him again?” I asked.“Of course,
Pagkauwi ko rin galing London, sinimulan ko na ‘yon. May nagawa na ako—actually, mas mabilis kaysa sa dati kong mga tinatrabaho. Maybe because I am excited to give this to her?“Premium materials pa, hindi ka naman gagawa ng ganito for business, imposible ‘yon,” rinig kong sambit pa ni Ariston. Lumalakad ang kamay niya sa lamesa kung nasaan ang iba pang mga gamit. And when he looked at me, I tilted my head and smirked.“What?” tanong ko.“You, ass. Hindi ko na kailangan pang itanong kung para kanino ‘to.”Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya. “Don’t you even dare stop me from giving this to your sister–”“Ang piano nga hindi ko na binanggit pa kahit alam kong galit sa ‘yo!” asik niya na ikinangiti kong lalo.“Pero damn you, Leo, sana kahit sa piano na ‘yon hinayaan mo na lang ako at si dad. Iyon ang balak namin na iregalo kay Ara sa graduation niya, eh.”Speaking of graduation, kung hindi sana ako naging duwag, magandang regalo sana ito. But the graduation is near, hindi ko na matata
While I was listening to this ass, I understood more how love can change a person. I was a witness too, because I even experienced how it could turn your world upside down—how it could make you do things you never thought you would, how it could make you weak and strong at the same time. “Reizzan’s presence is my peace, my sanity. Kapag nandito siya, everything feels lighter, mas madali, mas may sense. Pero kapag wala siya… parang loading palagi ang utak ko. Saka iniisip ko pa lang na dalawang linggo? Fck, isang araw nga hindi ako makatagal.” Napailing siya at napabuntong-hininga, saka uminom ulit ng alak. Hindi ko naman napigilan na mapangisi. “Pero hindi na bago na loading ang utak mo.” And he glared at me again. “Gago, kung makapagsalita ka naman parang sobrang close natin. Hindi nga tayo magkaibigan—” “Aren’t we close, Ariston? Ilang beses na kitang tinulungan noon. Hindi pa ba sapat ‘yon?” Sinamaan niya lalo ako ng tingin. “Ngayon inuungkat mo kasi manliligaw ka ng kapatid
Ariston looked at me, but it was fast, now he’s smiling while still browsing on his phone.“Sa itsura mo ay parang wala ka ngang alam,” naiiling niya na sagot sa akin.“Ariston–” nauubos ang pasensiya na tawag ko sa kaniya pero napatigil rin ako nang magsalita ulit siya.“Masyado ka bang na-broken? Talagang nagpakalayo-layo ka na ayaw mong may marinig sa kapatid mo at kay Ara? Nahuli ka rin tuloy sa balita na wala na sila, pati ang kagaguhan na ginawa ng kapatid mo, hindi mo tuloy alam.”“The fck. What is it? At bakit ba ang tagal mong sabihin?” Tumaas ulit ang boses ko dahil talagang binibitin niya pa ako.Wala naman kasing nakarating sa akin. Saka, sino ang magsasabi? Joey knows Lander, but I never asked him to report what my brother was doing o kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Isa pa, wala na rin akong naging balita pagkaalis ko ng Pilipinas. Lalo at hindi naman rin ako madalas kausapin ni Lander, hindi na siya sumasagot sa mga mensahe ko.“Huwag mo akong sigawan, at baka pag
“He’s not in the company? Hindi ko siya matawagan.”Nang marinig ko ulit si Ariston ay napatingin ako sa kaniya.“Oo. Kapag dumating si Dad, pakisabi na nag-aalala na kami ni Ara sa kaniya. He’s not like this before.”What I heard piqued my curiosity. Pagkababa ng cellphone ay napatingin sa akin si Ariston at napabuntong hininga.“So, yun na nga, pumunta rin talaga ako dito para makausap ka sa balak mong panliligaw sa kapatid ko, ayokong mapanatag ka at isipin na boto na ako sa ‘yo.”“I wasn’t thinking like that, Ariston. Alam ko naman na ayaw mo rin talaga ako para sa kapatid mo at napipilitan ka lang.”Sa mga sinabi ko ay mula kanina, ngayon siya ngumiti ng malawak–gago.“Buti alam mo, ‘no? Kung may paraan nga para makalimutan ka ni Ara, gagawin ko.”My eyes sharpened at him when I heard what he said. Napaayos ako bigla ng upo at naramdaman ko ang pag-ahon ng inis sa akin. But in the middle of seeing red, I composed myself, trying to calm down. Nangako ako kay Arazella Fhatima na hi
What if Lander knew? But why is he not doing anything?Nanatiling tahimik si Ariston, he’s waiting for me to speak, pero ang ginawa ko ay nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko at inisang lagok ‘yon. Ang isipan ko ngayon ay puno ng mga nangyari bago ako umalis ng Pilipinas—kung paano ako pakitunguhan ni Lander, hanggang ngayon na nakabalik na ako na sigurado akong alam na rin niya.Kahit hindi ko siya tawagan para ipaalam, I know he knows I am back.“Hindi kami nagkakausap ng kapatid mo, hindi rin kami madalas magkita dahil nga naghiwalay na rin sila ni Ara. Pero sa huling dinner namin, napansin ko agad na may mali sa kaniya nang kausap siya ni Dad. He wasn’t like that before while he was talking about you. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, Leo?”I was just looking at him. Napailing pa siya bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.“He used to talk about his younger brother with so much pride. Sige, sasabihin ko na sa ‘yo—I was jealous before, lalo na kung paano ka purihin ni dad at ni
LeonarizWhen I came back, I wasn't really expecting to meet Arazella Fhatima so soon, knowing that reaching her would never be easy for me. Balak ko na bumalik sa dati na magpadala lang ng mga bulaklak sa kaniya, ng mga regalo nang hindi inilalagay na galing ang mga 'yon sa akin.I told to myself first that I still had to consider Lander, even though I really planned to be a jerk and take Arazella away from him, and then there's also that damn Ariston, who I knew wouldn't back down, especially since I openly told him before that I wanted to get his sister... at alam niya non ang ibig kong sabihin. Like I just wanted to play with her, mess with her emotions, and see how far I could push things.Ang gago ko lang rin talaga non.Wala rin sa isipan ko na magmadali para sabihin kay Arazella ang nararamdaman ko dahil alam ko naman na maaaring hindi niya ako paniwalaan. But then, when I saw her last night in the racetrack, everything I had planned and was already fixed in my mind broke.Ang
Pero obvious na si Kade ang tinutukoy niya kay Leonariz! Hindi ko naman manliligaw ‘yon!Me: Wala akong ibang manliligaw at pakisabi kay kuya, umuwi na siya!Napapikit ako ng mariin at napasandal sa kinauupuan ko pagkasend ko non. Nahilot ko rin ang sintido ko. Bakit ba naniwala ako kay Kuya Ariston na wala siyang sasabihin na iba?Syempre! May init pa siya ng ulo kay Leonariz!Nagpadala na rin ako ng mensahe kay kuya at sinabi kong tigilan na niya ang pagsasabi ng kung ano-ano. I also told him to go home early, alam kong susunod siya agad lalo kung malalaman niyang kasama ko si Reiz pag umuwi.Leonariz: Can we see each other now?Pero imbis na reply ni kuya ang matanggap ko ay itong si Leonariz ulit. Napailing na lang ako dahil talagang aaraw-arawin niya ata akong tanungin kung pwede ba kaming magkita.Kaso may kasunduan kami ni kuya. May punto rin naman siya na dapat ayusin ko muna lahat. Kausapin ang dad, si Lander–Si Lander… ramdam kong ayaw niyang marinig sa akin kung sino ang l
Ngayon ay naglilinis kami dito sa shop. A few minutes after we both cried because of her condition.Ngumiti naman ako ng tipid at umiling. “Mababaw lang rin ang luha ko, saka sino ang hindi maiiyak sa balita na ‘yon, Reiz? Sa kotse pa lang nung nagmamaneho ako grabe na ang kaba ko.”“Sorry, Ara…” hingi niya naman ng paumanhin.“Siguro nablangko lang rin ako at hindi nakapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng resulta. Ang talagang pumasok sa isipan ko ay iwan na ang kuya mo dahil ayokong patagalin ang relasyon namin tapos makikita niya akong nanghihina, that would really break me, ang huling gusto kong makita ay masaktan ko si Ariston, Ara.”“Pero masasaktan mo rin siya kung aalis ka ng walang paalam at hindi na babalik pa,” sagot ko.“Babalik ‘yon sa dating buhay niya, magiging babaero ulit,” dagdag ko pa na ikinabuntong hininga ni Reiz.“I prefer this… kaysa ‘yong magdusa siya sa pag-aalaga sa akin, tapos iiwan ko rin siya sa huli… aalis ako na wala nang balikan pa.”“Reiz naman…” sambit