I told Leonariz to drop me off at the highway to avoid drawing any attention at the hotel dahil alam ko nga na may mga estudyante at ibang mga faculty na doon na kadarating lang. At nagpapasalamat naman ako dahil sinunod niya ng walang pagtatanong ang gusto ko. Mabilis lang rin siyang umalis at hindi niya ako tiningnan pa. That’s better. I also don’t want to meet his gaze again.“He knows Lander and I are still in a relationship. He respects that and puts distance.”Kailangan ko rin mag-ingat kahit alam ko na ngayon na hindi na ako guguluhin pa ni Leonariz. Hindi dapat na may makakita sa amin na magkasama dito, mahirap na, kahit iilan lang ang mga tao na kilala silang magkapatid ni Lander ay may posibilidad na mapag-usapan kami kung sakali at hindi ko naman hawak ang isipan ng mga tao.Lalo na ngayon na nakipaghiwalay na ako sa kapatid niya, mas mag-iisip ng dahilan ang iba pag kumalat na wala na kaming relasyon ni Lander. Hindi naman rin kasi sikreto 'yon sa buong university at alam
"Are you okay, Ara?"Bumaling ako kay Sir Florence nang marinig kong magsalita siya."Okay na okay po, sir," sagot ko, nag-thumbs up pa ako sa kaniya.We're heading to the backstage now. Siguro napansin niya na medyo hindi ako mapakali. But it's not because I'm nervous about performing in front of the crowd again—it's more that I'm anxious to see Leonariz watching me play. I don’t know why, but even though I’m usually confident when performing, the moment I know he’s watching, that’s when I feel the anxiety. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko sa isipan ko ang titig niya.And I'm more affected now after I admitted everything to myself about what I feel toward him.Wash it away, Arazella. Ang sabi mo, hindi mo na iisipin ang lalaking 'yon. Binalaan ka na rin ng Kuya Ariston. So stop thinking about that man and focus on the reason why you’re in this seminar."Buti at nagsakto sa 'yo ang damit, Ara!" kay Reina naman ako bumaling. Napababa ang tingin ko sa suot ko."Parang sinuka
I will never, ever forget this day. Simula kaninang umaga hanggang ngayon, wala pang maayos na nangyayari. From getting my car broken down to being found by Leonariz in the middle of the road, to being annoyed by that jerk Kade who tried to ruin my performance earlier, and now this situation. It feels like everything that's happening is really testing my patience!But I should be thankful that this man I'm with right now is so stiff, like he really doesn't want to move.Leonariz was just looking at me, not even blinking. Nang hindi ko naman matagalan ang titig niya habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya ay napalingon ako sa likod ko. Naririnig ko naman ang ingay ng mga babaeng nasa labas, nagkukwentuhan. But when I felt Leonariz move a bit, I looked back at him.He was still staring at me and not doing anything, not even removing my hand from covering his mouth. He didn't look mad also and his expression was different from what I had always seen. Dati kasi ay palaging mapaglaro an
"Usap-usapan kanina ng mga teacher yung CEO ng Vallano, Emma. Hindi ba't doon nagtatrabaho ang tita mo?" Biglang nakuha ang atensyon ko sa pag-uusap na 'yon sa labas. Vallano. That's Leonariz's company. Pero pagtingin ko sa kaniya, nakapikit na ang mga mata niya at parang walang pakialam na nabanggit ang kumpanya niya. Is he sleeping? Wait! Oo nga pala! Hindi ba't magbibigay siya ng speech? Paano na? What if it's his turn already? Naalarma naman ako dahil mukhang hindi pa agad matatapos ang mga nag-aayos. Bumaba naman rin ang tingin ko sa relo kong pambisig. Is he done? Pero malabo 'yon dahil kami ang opening performance ng university namin. Tapos, after we performed, I went here to the comfort room and saw him! Baka may ibang magsasalita para sa kaniya? Pero malabo rin 'yon lalo at narito naman siya mismo. "Uy, galante boss nila! Pag 3 years ka na sa company pwede ka na kumuha ng kotse mismo at malaki daw discount pag employee! "True yan. At Oo, doon nagtatrabaho si Tita Ella. Sa
I am so scared. My hands are still shaking and I don't know what to do after seeing the blood. Napalunok ako at nakatuon lang sa kamay ko. Ang tindi na ng takot na naramdaman ko lalo pa at hindi pa rin tumatayo si Leonariz. But when I felt him hold my hand where his blood on it, that's when my gaze turned to him again."You look like you're about to faint."Pagkasabi niya non ay dahan-dahan siyang kumilos. Napatingin rin siya sa akin mismo at dahil doon ay saka ko lang na-realize na nasa kandungan niya nga pala ako."S-Sorry!"Naging pabigat pa ako! Dali-dali akong tumayo at inalalayan siyang bumangon."Can you really stand? C-Can you walk? W-We need to bring you to the hospital. Dumudugo ang ulo mo, eh," halos hindi ko na maidiretso ang pagsasalita dahil sa takot."I'm fine."Nakatayo naman siya ngayon at napahawak sa likod ng ulo niya, at nang tingnan niya ang sarili niyang kamay ay napahikbi na nga ako nang makitang mas maraming dugo ang naroon.Leonariz looked at me and wiped away
Napalunok ako at umayos na sa upuan ko. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang hawakan ko na ang manibela."O-Okay. We'll go now." I said. I saw in my peripheral vision that he was watching me."Are you sure you can drive my car? Baka hindi ang pagkakatama ng ulo ko ang ikamatay ko, eh."I glared at him because of what he said. Itinuon ko na rin ang atensyon ko sa sasakyan niya and started the engine."I-I can drive this. Ano bang pinagkaiba s-sa ibang sasakyan?" tanong ko sa kaniya kahit na kinakabahan ako."Alright," sagot lang niya, pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin.Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis na kami sa hotel at ganoon na lang ang pagkagat ko ng mariin sa pang-ibabang labi ko nang mapagtanto na hindi ko nga pala alam kung saan ang ospital dito.I don't have my phone with me to search! Ano ka ba naman, Arazella Fhatima!Nang sandali akong mapatingin kay Leonariz ay nakasandal na ang siko niya sa bintana sa gilid
Wala akong choice kundi hayaan si Leonariz na mag-drive. Dahil saan ka ba naman makakakita na dalawang tao ang nagmamaneho habang nakaupo ang isa sa kandungan?! I can't believe him! Akala ko pa naman hindi na niya ako hahawakan ulit at magiging behave na siya, pero nagkamali pala ako. Haaa.Naging kumportable na rin ako sa kaniya, lalo na nang sundin naman niya ako kanina sa comfort room. Lumayo pa siya ng kusa, eh. Pero siguro dahil na rin sa kakulitan ko kaya niya ako biglang hinila at sinabi 'yon.I was caught off guard and fell on his laugh. Hindi naman tumama yung ulo ko sa taas ng kotse niya dahil nakaalalay na kaagad ang isa niyang kamay nang hilahin ako kanina. Ang sa akin lang naman kaya ako nakipagtalo ay siya lang rin ang iniisip ko. Syempre, kahit mukhang okay na siya sa paningin ko, paano kung bigla siyang mahilo sa daan habang nagmamaneho?That's dangerous for both of us.Kaya ngayon ay ito at hinayaan ko siyang mag-drive pero hindi ko naman siya inaalisan ng tingin. Bin
"Si Kade. Transferee sabi ni Sir Florence, tapos new choir member," sagot ko rin agad sa kaniya.Akala ko ay hindi na niya ako tatanungin tungkol dito. But, wait? Baka iba ang iniisip niya, ha? L-Lalo pa at alam niya na may relasyon pa kaming dalawa ni Lander. "Kanina ko lang rin nakita 'yong si Kade. At hindi rin siya pamilyar kasi nga transferee.""Is he pestering you? Why is he always with you, then? At bakit sinusundan ka niya palagi ng tingin?" my eyebrows furrowed at his questions. Sunod-sunod agad ang mga tanong niya at halos hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita."Wait, teka," itinaas ko pa ang isang kamay ko sa kaniya at ibinaba rin 'yon.Aba, ang dami niya naman atang tanong kay Kade? Pero akala ko magkakilala sila sa paraan ng pagtingin niya kanina. Dalawang beses ko pa siyang nahuli na tinititigan ito, eh."Hindi niya ako sinusundan, Leonariz. Hindi r in niya ako kinukulit o ano. Mainit lang ang dugo ko at medyo trip mang-inis dahil na-late ako. Pinaghintay ko sila sa rehe