I'm also looking forward to reading your comments and reviews about Leonariz and Arazella's story! Comments mean a lot as they boost my confidence in writing. Sana malaman ko rin po opinions ninyo every chapter. Thank you so much for reading!
"Usap-usapan kanina ng mga teacher yung CEO ng Vallano, Emma. Hindi ba't doon nagtatrabaho ang tita mo?" Biglang nakuha ang atensyon ko sa pag-uusap na 'yon sa labas. Vallano. That's Leonariz's company. Pero pagtingin ko sa kaniya, nakapikit na ang mga mata niya at parang walang pakialam na nabanggit ang kumpanya niya. Is he sleeping? Wait! Oo nga pala! Hindi ba't magbibigay siya ng speech? Paano na? What if it's his turn already? Naalarma naman ako dahil mukhang hindi pa agad matatapos ang mga nag-aayos. Bumaba naman rin ang tingin ko sa relo kong pambisig. Is he done? Pero malabo 'yon dahil kami ang opening performance ng university namin. Tapos, after we performed, I went here to the comfort room and saw him! Baka may ibang magsasalita para sa kaniya? Pero malabo rin 'yon lalo at narito naman siya mismo. "Uy, galante boss nila! Pag 3 years ka na sa company pwede ka na kumuha ng kotse mismo at malaki daw discount pag employee! "True yan. At Oo, doon nagtatrabaho si Tita Ella. Sa
I am so scared. My hands are still shaking and I don't know what to do after seeing the blood. Napalunok ako at nakatuon lang sa kamay ko. Ang tindi na ng takot na naramdaman ko lalo pa at hindi pa rin tumatayo si Leonariz. But when I felt him hold my hand where his blood on it, that's when my gaze turned to him again."You look like you're about to faint."Pagkasabi niya non ay dahan-dahan siyang kumilos. Napatingin rin siya sa akin mismo at dahil doon ay saka ko lang na-realize na nasa kandungan niya nga pala ako."S-Sorry!"Naging pabigat pa ako! Dali-dali akong tumayo at inalalayan siyang bumangon."Can you really stand? C-Can you walk? W-We need to bring you to the hospital. Dumudugo ang ulo mo, eh," halos hindi ko na maidiretso ang pagsasalita dahil sa takot."I'm fine."Nakatayo naman siya ngayon at napahawak sa likod ng ulo niya, at nang tingnan niya ang sarili niyang kamay ay napahikbi na nga ako nang makitang mas maraming dugo ang naroon.Leonariz looked at me and wiped away
Napalunok ako at umayos na sa upuan ko. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang hawakan ko na ang manibela."O-Okay. We'll go now." I said. I saw in my peripheral vision that he was watching me."Are you sure you can drive my car? Baka hindi ang pagkakatama ng ulo ko ang ikamatay ko, eh."I glared at him because of what he said. Itinuon ko na rin ang atensyon ko sa sasakyan niya and started the engine."I-I can drive this. Ano bang pinagkaiba s-sa ibang sasakyan?" tanong ko sa kaniya kahit na kinakabahan ako."Alright," sagot lang niya, pero ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin.Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis na kami sa hotel at ganoon na lang ang pagkagat ko ng mariin sa pang-ibabang labi ko nang mapagtanto na hindi ko nga pala alam kung saan ang ospital dito.I don't have my phone with me to search! Ano ka ba naman, Arazella Fhatima!Nang sandali akong mapatingin kay Leonariz ay nakasandal na ang siko niya sa bintana sa gilid
Wala akong choice kundi hayaan si Leonariz na mag-drive. Dahil saan ka ba naman makakakita na dalawang tao ang nagmamaneho habang nakaupo ang isa sa kandungan?! I can't believe him! Akala ko pa naman hindi na niya ako hahawakan ulit at magiging behave na siya, pero nagkamali pala ako. Haaa.Naging kumportable na rin ako sa kaniya, lalo na nang sundin naman niya ako kanina sa comfort room. Lumayo pa siya ng kusa, eh. Pero siguro dahil na rin sa kakulitan ko kaya niya ako biglang hinila at sinabi 'yon.I was caught off guard and fell on his laugh. Hindi naman tumama yung ulo ko sa taas ng kotse niya dahil nakaalalay na kaagad ang isa niyang kamay nang hilahin ako kanina. Ang sa akin lang naman kaya ako nakipagtalo ay siya lang rin ang iniisip ko. Syempre, kahit mukhang okay na siya sa paningin ko, paano kung bigla siyang mahilo sa daan habang nagmamaneho?That's dangerous for both of us.Kaya ngayon ay ito at hinayaan ko siyang mag-drive pero hindi ko naman siya inaalisan ng tingin. Bin
"Si Kade. Transferee sabi ni Sir Florence, tapos new choir member," sagot ko rin agad sa kaniya.Akala ko ay hindi na niya ako tatanungin tungkol dito. But, wait? Baka iba ang iniisip niya, ha? L-Lalo pa at alam niya na may relasyon pa kaming dalawa ni Lander. "Kanina ko lang rin nakita 'yong si Kade. At hindi rin siya pamilyar kasi nga transferee.""Is he pestering you? Why is he always with you, then? At bakit sinusundan ka niya palagi ng tingin?" my eyebrows furrowed at his questions. Sunod-sunod agad ang mga tanong niya at halos hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita."Wait, teka," itinaas ko pa ang isang kamay ko sa kaniya at ibinaba rin 'yon.Aba, ang dami niya naman atang tanong kay Kade? Pero akala ko magkakilala sila sa paraan ng pagtingin niya kanina. Dalawang beses ko pa siyang nahuli na tinititigan ito, eh."Hindi niya ako sinusundan, Leonariz. Hindi r in niya ako kinukulit o ano. Mainit lang ang dugo ko at medyo trip mang-inis dahil na-late ako. Pinaghintay ko sila sa rehe
I have no choice but to stay with Leonariz. Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nasugatan. Isa pa, natanggal rin talaga ang bandaid sa ulo niya kaya kailangan ko rin 'yon na ayusin. He's my responsibility now] pero bukod don ay nag-aalala talaga ako at kinakabahan pa rin ako kahit na okay naman at walang nakitang hindi maganda sa mga test sa kaniya.Sa ngayon ay iniisip ko lang kung hinahanap na ba ako nila Sir Florence. Hindi ko rin kasi nadala ang cellphone ko. Wala talaga akong kahit anong gamit ngayon dahil nga sasaglit lang sana ako sa comfort room para mag-alis ng galit ko sa ginawa ni Kade. And then... unexpected things happened.Kung bakit ba kasi sinundan pa ako nitong si Leonariz. Hindi naman ako nagtataksil sa kapatid niya, naipaliwanag ko na rin naman 'yon.Napatingin ako sa kaniya habang naglalakad. His hands were in his pockets. Nakatupi na rin ang white long sleeve polo niya hanggang siko at medyo loose na ang pagkakatuck non sa kaniyang pants. His hair was messy
Naupo na lang rin ako sa couch habang hinihintay siya. And honestly, while I was waiting for him to come back, naalala ko naman si Lander. Pagkabalik ko, hindi ko alam kung paano ko pa ito ulit haharapin. There's a part of me that understand what he did, pero may parte rin na sobra kong ikinagulat na magagawa nito pala ang ganoon sa akin.Ilang ulit mo na 'yan naiisip, Ara. My hand rose, and I pressed my fingers to my bruised lip. I closed my eyes, and the scene from last night played vividly in my mind—how Lander had forced himself on me."L-Lander--""N-Nasasaktan ako, Lander--""Answer me! Sino?!"My chest tightened, and my throat felt thick, as if I were being choked.That kiss was harsh... it was punishing me. Lander's grip felt like steel, wrapping around me and causing so much pain..."But it's your fault..." I whispered to myself.Kung sana nakausap ko lang ng maaga si Reiz, kung sana tinanggap ko na lang rin kung ano ang nararamdaman ko at sinunod ang gusto ng puso ko, ay bak
I looked at my wristwatch. Nasa tatlong oras na ata akong namamalagi dito sa villa ni Leonariz. Pagkatapos ko na magluto ng pancit canton niya ay inalalayan ko naman siyang umakyat sa silid niya at dahil bigla daw siyang nahilo, napakataas pa naman ng kwarto niya, sa third floor pa. And when I was about to leave when I saw that he's okay, nakapikit na noon ang mga mata niya, eh.Nagulat ako nang magsalita at sabihin naman na magluto daw ako ng hapunan niya. Sagot ko ay magpadeliver na lang siya kaso naalala ko nga pala na hindi siya basta-basta kumakain ng mga pagkain na hindi luto ng kilala niya. Pero hindi na ako nagreklamo at sinunod na lang ang gusto niya. Kaso syempre nainis ako dahil pakiramdam ko inaalipin naman na niya ata ako.Nang makatapos naman ako sa pagluluto ng ay umakyat ako ulit, nadatnan ko naman siya na nagbabasa ng libro. Nagtaka pa ako non kasi nahihilo daw pero nagbabasa naman? Nang magpaalam ulit ako na aalis na ay huwag daw muna hangga't hindi dumadating ang sek
I honestly thought Ariston wouldn’t bring this up dahil ilang beses na kaninang hinintay ko siyang magsabi, but it seems like what’s happening is really bothering him.“How could Mr. Montes have such a massive debt? The last time we talked, your company was doing well, and the sales were still stable.”“Kaya nga. Nagtataka rin ako. Malaking halaga ang nabanggit ni Hazel, that's fckng 50 million. Saan dadalhin ‘yon ni Dad? Wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa bagong negosyong itinatayo niya. This is giving me a headache right now. Hindi ko rin muna pwedeng sabihin ‘to kay Ara hangga’t hindi ko nalalaman ang buong dahilan—mas lalo lang siyang mag-aalala at mag-iisip. Ang dami na rin niyang iniintindi lately…”I looked at my phone, still open to my conversation with Arazella Fhatima.She hadn’t replied yet. I sighed, running a hand through my hair. This whole situation was a mess, and Ariston’s frustration was rubbing off on me.“Have you tried calling him again?” I asked.“Of course,
Pagkauwi ko rin galing London, sinimulan ko na ‘yon. May nagawa na ako—actually, mas mabilis kaysa sa dati kong mga tinatrabaho. Maybe because I am excited to give this to her?“Premium materials pa, hindi ka naman gagawa ng ganito for business, imposible ‘yon,” rinig kong sambit pa ni Ariston. Lumalakad ang kamay niya sa lamesa kung nasaan ang iba pang mga gamit. And when he looked at me, I tilted my head and smirked.“What?” tanong ko.“You, ass. Hindi ko na kailangan pang itanong kung para kanino ‘to.”Humalukipkip ako at lumapit sa kaniya. “Don’t you even dare stop me from giving this to your sister–”“Ang piano nga hindi ko na binanggit pa kahit alam kong galit sa ‘yo!” asik niya na ikinangiti kong lalo.“Pero damn you, Leo, sana kahit sa piano na ‘yon hinayaan mo na lang ako at si dad. Iyon ang balak namin na iregalo kay Ara sa graduation niya, eh.”Speaking of graduation, kung hindi sana ako naging duwag, magandang regalo sana ito. But the graduation is near, hindi ko na matata
While I was listening to this ass, I understood more how love can change a person. I was a witness too, because I even experienced how it could turn your world upside down—how it could make you do things you never thought you would, how it could make you weak and strong at the same time. “Reizzan’s presence is my peace, my sanity. Kapag nandito siya, everything feels lighter, mas madali, mas may sense. Pero kapag wala siya… parang loading palagi ang utak ko. Saka iniisip ko pa lang na dalawang linggo? Fck, isang araw nga hindi ako makatagal.” Napailing siya at napabuntong-hininga, saka uminom ulit ng alak. Hindi ko naman napigilan na mapangisi. “Pero hindi na bago na loading ang utak mo.” And he glared at me again. “Gago, kung makapagsalita ka naman parang sobrang close natin. Hindi nga tayo magkaibigan—” “Aren’t we close, Ariston? Ilang beses na kitang tinulungan noon. Hindi pa ba sapat ‘yon?” Sinamaan niya lalo ako ng tingin. “Ngayon inuungkat mo kasi manliligaw ka ng kapatid
Ariston looked at me, but it was fast, now he’s smiling while still browsing on his phone.“Sa itsura mo ay parang wala ka ngang alam,” naiiling niya na sagot sa akin.“Ariston–” nauubos ang pasensiya na tawag ko sa kaniya pero napatigil rin ako nang magsalita ulit siya.“Masyado ka bang na-broken? Talagang nagpakalayo-layo ka na ayaw mong may marinig sa kapatid mo at kay Ara? Nahuli ka rin tuloy sa balita na wala na sila, pati ang kagaguhan na ginawa ng kapatid mo, hindi mo tuloy alam.”“The fck. What is it? At bakit ba ang tagal mong sabihin?” Tumaas ulit ang boses ko dahil talagang binibitin niya pa ako.Wala naman kasing nakarating sa akin. Saka, sino ang magsasabi? Joey knows Lander, but I never asked him to report what my brother was doing o kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Isa pa, wala na rin akong naging balita pagkaalis ko ng Pilipinas. Lalo at hindi naman rin ako madalas kausapin ni Lander, hindi na siya sumasagot sa mga mensahe ko.“Huwag mo akong sigawan, at baka pag
“He’s not in the company? Hindi ko siya matawagan.”Nang marinig ko ulit si Ariston ay napatingin ako sa kaniya.“Oo. Kapag dumating si Dad, pakisabi na nag-aalala na kami ni Ara sa kaniya. He’s not like this before.”What I heard piqued my curiosity. Pagkababa ng cellphone ay napatingin sa akin si Ariston at napabuntong hininga.“So, yun na nga, pumunta rin talaga ako dito para makausap ka sa balak mong panliligaw sa kapatid ko, ayokong mapanatag ka at isipin na boto na ako sa ‘yo.”“I wasn’t thinking like that, Ariston. Alam ko naman na ayaw mo rin talaga ako para sa kapatid mo at napipilitan ka lang.”Sa mga sinabi ko ay mula kanina, ngayon siya ngumiti ng malawak–gago.“Buti alam mo, ‘no? Kung may paraan nga para makalimutan ka ni Ara, gagawin ko.”My eyes sharpened at him when I heard what he said. Napaayos ako bigla ng upo at naramdaman ko ang pag-ahon ng inis sa akin. But in the middle of seeing red, I composed myself, trying to calm down. Nangako ako kay Arazella Fhatima na hi
What if Lander knew? But why is he not doing anything?Nanatiling tahimik si Ariston, he’s waiting for me to speak, pero ang ginawa ko ay nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko at inisang lagok ‘yon. Ang isipan ko ngayon ay puno ng mga nangyari bago ako umalis ng Pilipinas—kung paano ako pakitunguhan ni Lander, hanggang ngayon na nakabalik na ako na sigurado akong alam na rin niya.Kahit hindi ko siya tawagan para ipaalam, I know he knows I am back.“Hindi kami nagkakausap ng kapatid mo, hindi rin kami madalas magkita dahil nga naghiwalay na rin sila ni Ara. Pero sa huling dinner namin, napansin ko agad na may mali sa kaniya nang kausap siya ni Dad. He wasn’t like that before while he was talking about you. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, Leo?”I was just looking at him. Napailing pa siya bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.“He used to talk about his younger brother with so much pride. Sige, sasabihin ko na sa ‘yo—I was jealous before, lalo na kung paano ka purihin ni dad at ni
LeonarizWhen I came back, I wasn't really expecting to meet Arazella Fhatima so soon, knowing that reaching her would never be easy for me. Balak ko na bumalik sa dati na magpadala lang ng mga bulaklak sa kaniya, ng mga regalo nang hindi inilalagay na galing ang mga 'yon sa akin.I told to myself first that I still had to consider Lander, even though I really planned to be a jerk and take Arazella away from him, and then there's also that damn Ariston, who I knew wouldn't back down, especially since I openly told him before that I wanted to get his sister... at alam niya non ang ibig kong sabihin. Like I just wanted to play with her, mess with her emotions, and see how far I could push things.Ang gago ko lang rin talaga non.Wala rin sa isipan ko na magmadali para sabihin kay Arazella ang nararamdaman ko dahil alam ko naman na maaaring hindi niya ako paniwalaan. But then, when I saw her last night in the racetrack, everything I had planned and was already fixed in my mind broke.Ang
Pero obvious na si Kade ang tinutukoy niya kay Leonariz! Hindi ko naman manliligaw ‘yon!Me: Wala akong ibang manliligaw at pakisabi kay kuya, umuwi na siya!Napapikit ako ng mariin at napasandal sa kinauupuan ko pagkasend ko non. Nahilot ko rin ang sintido ko. Bakit ba naniwala ako kay Kuya Ariston na wala siyang sasabihin na iba?Syempre! May init pa siya ng ulo kay Leonariz!Nagpadala na rin ako ng mensahe kay kuya at sinabi kong tigilan na niya ang pagsasabi ng kung ano-ano. I also told him to go home early, alam kong susunod siya agad lalo kung malalaman niyang kasama ko si Reiz pag umuwi.Leonariz: Can we see each other now?Pero imbis na reply ni kuya ang matanggap ko ay itong si Leonariz ulit. Napailing na lang ako dahil talagang aaraw-arawin niya ata akong tanungin kung pwede ba kaming magkita.Kaso may kasunduan kami ni kuya. May punto rin naman siya na dapat ayusin ko muna lahat. Kausapin ang dad, si Lander–Si Lander… ramdam kong ayaw niyang marinig sa akin kung sino ang l
Ngayon ay naglilinis kami dito sa shop. A few minutes after we both cried because of her condition.Ngumiti naman ako ng tipid at umiling. “Mababaw lang rin ang luha ko, saka sino ang hindi maiiyak sa balita na ‘yon, Reiz? Sa kotse pa lang nung nagmamaneho ako grabe na ang kaba ko.”“Sorry, Ara…” hingi niya naman ng paumanhin.“Siguro nablangko lang rin ako at hindi nakapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng resulta. Ang talagang pumasok sa isipan ko ay iwan na ang kuya mo dahil ayokong patagalin ang relasyon namin tapos makikita niya akong nanghihina, that would really break me, ang huling gusto kong makita ay masaktan ko si Ariston, Ara.”“Pero masasaktan mo rin siya kung aalis ka ng walang paalam at hindi na babalik pa,” sagot ko.“Babalik ‘yon sa dating buhay niya, magiging babaero ulit,” dagdag ko pa na ikinabuntong hininga ni Reiz.“I prefer this… kaysa ‘yong magdusa siya sa pag-aalaga sa akin, tapos iiwan ko rin siya sa huli… aalis ako na wala nang balikan pa.”“Reiz naman…” sambit