MABILIS ang lakad ni Cain pabalik sa sariling opisina, na umiigting ang panga at mariing nakakuyom ang kamay.
Mukha man natural ang ekspresyon ngunit sa loob-loob ay gusto na niyang magwala. Pabagsak pa nga niyang binuksan at sara ang pinto. Pagkatapos ay walang ingat na naupo sa swivel chair sabay dukot sa bulsa at hagis ng ring box sa office table dahil sa iritasyong nararamdaman. Nagagalit siya ngayon dahil sa nobya-- dating nobya matapos nitong iwan siya at makipaghiwalay sa text. Plano pa man din niyang mag-propose ngayon pero ito, halata namang hindi na matutuloy. Problema niya ngayon ang Abuelo na inaapura na siyang magpakasal bago man lamang ito mawala sa mundo. Kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay paniguradong matatanggalan siya ng mana at babawiin sa kanya ang posisyon sa kompanya. "Hindi pwede 'to," aniya saka tinawagan si Margaret. "Sagutin mo, ano ba!" May kumatok sa pinto sabay bukas. Papasok sana ang sekretarya'ng si Katherine nang sigawan ni Cain, "Labas!" Sa gulat ng sekretarya ay natapon nito ang dalang tasa ng kape. "S-Sorry po, Mr. President," anito na natataranta at hindi malaman ang gagawin. Kung aalis ba o lilinisin muna ang natapong kape sa sahig. "Hindi mo ba ako narinig?!" Sa takot na muling sigawan ay mabilis na lumabas ng opisina ang sekretarya. Matapos ay buong maghapong mainit ang ulo ni Cain. Sa halip na umuwi sa mansion ay mas minabuti na lamang niyang magtungo sa bar, doon magpapalipas ng init ng ulo kasama ang kaibigang si Jared. Ngunit panga-alaska lang ang natanggap niya mula rito. "'Nu ka ba naman, Cain. Hindi mo dapat pinoproblema ang mga ganyang bagay. Ika nga nila... maraming isda sa dagat, mamingwit ka lang, paniguradong makakahuli ka." "Anong gusto mong palabasin?" aniya matapos uminom ng alak. Tapik sabay akbay ang ginawa ni Jared. "Maghanap ka ng pakakasalan tapos ipakilala mo sa Lolo mo. Easy, 'di ba?" "Gag*, kung makasabi ka ng easy parang 'kala mo madali talaga. Kasal pinag-uusapan dito hindi simpleng paghahanap ng babae dahil kaya ko 'yun." Natawa si Jared. "Edi, 'wag mong pakasalan. I-bahay mo na lang." "Bago mangyari 'yun, paniguradong binitay na 'ko ni Lolo." "I-hired mo bilang asawa, 'yung mga napapanuod sa TV. Gawin mo 'yun." Tinulak ni Cain ang kaibigan na muntik mabuwal sa kinauupuan. "Alam mo, lasing ka na kaya mas mabuti pang itigil na natin 'to't umuwi na." "Teka, teka. Hindi ako lasing, okay? Ang sinasabi ko rito. Humanap ka ng babaeng pwedeng i-kontrata bilang asawa. Tapos 'pag nakuha mo na 'yung mana mo-- hati tayo, a? Basta, 'pag nakuha mo na saka mo hiwalayan, i-terminate ang kontrata. 'Di ba, ang dali lang?" "Kalokohan. Uminom ka na nga lang kaysa kung ano-ano pa'ng sinasabi mo." ~*~ MALAMYOS na tugtugin at malamlam na ilaw ang bumungad kay Katherine pagpasok sa bar. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang bestfriend na si Lian. "Sa kotse na lang ako maghihintay," aniya. "Hindi pwede, magtatagal ako kaya tara na," ani Lian sabay hawak sa kamay ng kaibigan. Matapos ay tinungo ng dalawang babae ang VIP room kung saan naghihintay ang fiance ni Lian. Ngunit ang totoong dahilan ni Lian kaya isinama si Katherine sa bar ay dahil sa kaibigan ng kanyang fiance. Pagkatapat nila sa pinto ay binulungan niya si Katherine, "Nasa loob ang crush mo." Nanlaki ang mga mata ni Katherine at nagtangkang umalis nang mabilis na pigilan ni Lian. "Uuwi na 'ko, marami pa 'kong gagawin sa bahay," palusot ni Katherine. Hinawakan ni Lian ang magkabilang balikat ng kaibigan. "Hindi ka pwedeng umalis, bakit? Kasi kailangan ka niya. Alam mo bang nag-break na sila ng girlfriend niya? It means, malungkot siya ngayon. Kailangan niya ang kalinga at pagmamahal mo," aniyang may halong pagbibiro. "Ayoko pa rin," ani Katherine kahit nabigla sa ibinalita nito. "Sad boy siya ngayon. Saka, minsan lang 'to mangyari, palalampasin mo pa ba?" Bigla namang bumukas ang pinto at nagpakita mula sa loob si Jared. "Babe, kanina ka pa ba riyan?" Lumingon sabay halik sa labi si Lian. "Kararating lang namin." Saka lang napansin ni Jared ang kasama ng fiancee. "Oh, kasama mo pala ang kaibigan mo. Tara, pasok kayo." Saka nilakihan ang bukas ng pintuan. Napasinghap naman si Katherine nang magtagpo ang tingin nila ni Cain. Ang kanyang boss at ang lalaking tinutukoy kanina ng kaibigan. Ang mali lang ni Lian... ay hindi na simpleng crush ang nararamdaman ni Katherine. Matagal na niya itong minamahal... walong taon, simula ng una niya itong masilayan. Ganoon katagal niyang itinago ang nararamdaman at wala siyang balak, ni minsan kahit sa isip man lang na ipagtapat ang pag-ibig kay Cain. Wala siyang karapatan. Sa agwat ng estado nila sa buhay, maghahangad pa ba siya? Siyempre, hindi na. "Anong ginagawa mo rito?" Biglang natigilan sa pag-upo si Katherine sa tanong ng amo. "S-Sorry po, Mr. President--" Biglang natawa si Jared kaya natigilan si Katherine. "Nakakatuwa rin 'tong kaibigan mo, babe. Kahit wala na sa trabaho ay tinatawag pa rin si Cain na Mr. President." "'Wag mong pagtawanan si Katherine kundi mag-aaway tayo," babala ni Lian. Sabay-sabay naman silang natahimik hanggang sa nagkanya-kanya na ng mundo. Si Jared at Lian ang magkausap at kapwa intimate sa isa't isa ng mga sandaling iyon. Habang sina Katherine at Cain ay tahimik lang sa kanya-kanyang puwesto. Nang medyo nakakarami na silang lahat ng inom ay umalis muna si Cain para magbanyo saglit. Ang medyo lasing na si Jared ay hindi napigilang idaldal ang problema ng kaibigan. Kung ano-ano na ang pinagsasasabi habang si Lian at Katherine ay nagkakatinginan sa isa't isa. "May mali ba sa suggestion ko?" ani Jared. "Magandang solution naman ang mag-hired na lang siya ng pakakasalan, 'di ba?" "Ay naku, lasing ka na, babe. Kung ano-ano nang sinasabi mo kay Cain," ani Lian. Ngunit ang ikinuwento nito ay tumatak sa isipan ng lasing na si Katherine. At nang pauwi na silang apat ay biglang humirit si Jared, "Cain, pwedeng isabay mo na si Katherine?" Habang akbay ang fiancee. "Babe, isinama ko rito si Katherine, 'di ko siya pwedeng iwan," ani Lian. May kung anong ibinulong si Jared sa fiancee na agad nitong ikinahiya. "Ang bastos mo talaga~" ani Lian. "Ano, Cain? Pwede bang ikaw na ang maghatid sa sekretarya mo?" ani Jared. Nagkatitigan ang magkaibigan saka iiling-iling na binalingan si Katherine. "Tara sa kotse," ani Cain. Tahimik namang sumunod si Katherine matapos magpaalam sa kaibigan. Nang nasa sasakyan na ay mas lalo siyang kinabahan. Paulit-ulit sumasagi sa isip ang ikinuwento ni Jared. "Kaya ba mainit ang ulo mo kanina sa office, kasi naghiwalay kayo ng girlfriend mo?" lakas-loob niyang tanong. Kunot-noo'ng lumingon si Cain. "At sino naman ang nagsabi sa'yo niyan? Saka, baka nakakalimutan mo kung sino ako? Kung kausapin mo 'ko--" "Wala naman tayo sa trabaho kaya hindi mo 'ko secretary ngayon," mapangahas na wika ni Katherine. "Lasing ka ba?" "... Kung kailangan mo ng babaeng magpapanggap bilang asawa mo ay ako na lang." Biglang natawa si Cain. "Nasisiraan ka na ngang talaga." "Kailangan mo ng babaeng mapagkakatiwalaan, malapit sa'yo at handa kang paglingkuran... at ako 'yun, ang sekretarya mo." Napatiim-bagang si Cain. Sa isang iglap ay hinawakan niya ang batok nito sabay siil ng halik sa labi.MAHINANG pisil sa balikat ang nagpabalik kay Katherine sa kamalayan. Matapos ay nilingon ang katabing si Cain."Kanina ka pa tulala," anito.Bago pa makapagsalita ay agad na siyang hinalikan sa labi sabay bangon nito sa kama at nagtungo sa banyo na hubo't hubad.Sinundan lang ito ng tingin ni Katherine saka muling sumagi sa isip ang sinabi sa kanya ng doctor kahapon matapos magtungo sa ospital."Congratulations, Ms. Garcia... you're pregnant."Maganda mang balita at tunay na masaya si Katherine sa pagbubuntis ay hindi niya maiwasang mabahala.Sa loob ng dalawang taon. Simula ng magpresenta siyang contractual wife ni Cain ay hindi sila nagmintis na maging maingat at laging gumagamit ng proteksyon.Isang beses lang hindi gumamit si Cain at noong nakaraang buwan iyon matapos dumalo sa isang selebrasyon na may kinalaman sa kompanya.Hindi niya akalaing ang isang gabing iyon ay agad na magbubunga. Ngayon ay pinag-iisipan ni Katherine kung sasabihin niya ba sa asawa o hindi ang pagdadalang-
ASIWA ang ngiti ni Katherine ng mga sandaling iyon. "H-Hello po, Mr. Dominguez," bati pa niya. Nanliit naman ang tingin ni Levi sa sekretarya at asawa ng kaibigan. Halata niyang may narinig ito sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Cain. "Kanina ka pa ba rito?" aniyang naniniguro. Umiling si Katherine. "N-Ngayon lang, ibibigay ko sana 'tong dokumento kay Mr. President." Bago pa magisa ng tanong ay nilampasan na niya ito para harapin si Cain. "Good morning, Mr. President. May kailangan po kayong pirmahan," aniya. Nag-angat naman ng tingin si Cain. Narinig niya ang pinag-usapan nito at ni Levi sa may pinto pero wala siyang balak magtanong. Kung alam na ni Katherine ang article ay wala na siyang magagawa pa roon. Wala rin siyang balak magpaliwanag pero hindi niya nais na magtampo ito. Dahil kahit contractual ang kasal nila ay asawa niya pa rin ito. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Tumango lang si Katherine. "N-Nasa trabaho tayo ngayon," paalala niya. Sekreto at ilang piling tao la
MAYA'T MAYA ang tingin ni Katherine sa oras ng suot na relos. Kanina niya pa hinihintay na matapos si Cain sa pakikipag-usap sa isang excutive ng kompanya.Ngayon ang napag-usapang araw na dadalawin nila ang kanyang Lola sa ospital matapos itong magka-inflammation sa pancreas. Inaalala niyang baka matapos ang visiting hour. Kaya napagpasiyahan niyang i-text si Cain na mauuna na siya sa kotse at bilisan nito ang pakikipag-usap.Ngunit habang naghihintay ay hindi ang asawa niya ang dumating kundi si Joey. "Pinapasabi ni Mr. President na sasamahan ko na lamang kayo sa ospital.""Hindi pa ba siya tapos makipag-usap?"Umiling lang ito bilang sagot kaya walang nagawa si Katherine kung hindi umalis na hindi ito kasama.Pagdating sa ospital ay bakas ang saya sa mukha ni Lucinda nang makita ang apo. "Mabuti at napadalaw ka, Katherine.""Kamusta po kayo rito, 'La?" aniya sabay yakap sa matanda."Mabuti naman, pakiramdam ko'y pwede na 'kong bumalik sa probinsiya, apo.""Hindi pa po pwede, 'La. H
BAGO pa tuluyang lumalim ang ginagawa ay agad na silang nagambala ng pagtunog ng cellphone ni Cain.Sa isang iglap ay bigla itong bumangon at sinagot ang tawag. Ang exposed na katawan ni Katherine ay agad niyang binalutan ng kumot.Ilang sandali pa matapos ang tawag ay humarap si Cain. "May pupuntahan lang ako, matulog ka na.""Saan?"Hindi sinagot ni Cain at basta na lamang nagpalit ng damit. Sa hindi nito pagsagot ay nakumpirma ni Katherine na si Margaret na naman ang dahilan ng pag-alis.Ang dalaga na naman ang pinipili nito... At heto siya, parang tangang umaasa na mapapahalagahan din, kahit hindi naman talaga.Pagkaalis ni Cain ay saka lang hinayaan ni Katherine na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Bumangon siya sa kama at nagbihis. Nandidiri at hiyang-hiya para sa sarili. Para siyang isang mababang uri ng babae na pagkatapos magamit ay basta na lamang iiwan para sa babaeng tunay nitong minamahal. Matapos ay kinuha niya ang sonogram sa drawer at pinagpupupunit. Nagpasiyang
BAGO pa makapagsalita si Katherine ay naunahan na siya ni Sam, "Hindi ko rin alam kung anong nanyari sa kanya, Lian. Bigla na lang niya 'kong sinigawan nang kausapin ko siya.""Sinungaling!" ani Katherine saka binalingan ang kaibigan. "Narinig ko siyang may masamang balak sa'yo ngayong gabi.""Pwede ba, 'wag mo 'kong pagmukhaing masama sa harap ng girlfriend ko. Dahil lang sa hindi ko binigay ang number ko sa'yo kaya ka nagi-imbento ng kuwento?"Nagtaas-baba ang dibdib ni Katherine sa labis na emosyong nararamdaman. Nanginginig siya sa galit dahil sa pinagsasasabi ni Sam.Si Lian na naguguluhan ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Sam... linawin mo nga'ng sinasabi mo. Ba't gustong hingin ni Katherine ang number mo?"Napangisi si Sam habang may kakaibang tinging ipinupukol kay Katherine. "Hindi ko rin alam. Palabas na nga sana ako sa restroom ng bigla siyang sumulpot at balak hawakan ang katawan ko. Type niya yata ako, e."Hindi makapaniwala si Katherine. Nanginginig ang nakakuyom
BAGO pa dumapo ang kamay nito ay isang maganda at malamyos na tinig ang tumawag sa pangalan ng dalaga, "Jean!"Sabay na napalingon ang dalawang babae. Natigilan si Katherine nang makitang papalapit si Margaret habang naka-wheelchair."Marga, hindi ka na sana sumunod pa. Mapapagalitan ako nito ni Cain, e," ani Jean sabay tingin kay Katherine na animo'y nagyayabang.Tuluyang nakalapit si Margaret at kunot-noo'ng napatingin kay Katherine."Oh by the way, Marga. Nakikilala mo ba siya?" ani Jean sabay turo kay Katherine. "Siya nga pala ang secretary ni Cain. Nang umalis ka ay siya ang nag-alaga sa kanya, umaga hanggang... gabi," makahulugan niyang saad.Hindi naman nakagalaw sa puwesto si Katherine. Gusto niyang magsalita pero napipi na siya ng reaksyon ni Margaret. Halatang gulat na gulat ito.Ilang sandali pa ay nagsalita, "Jean... pwede bang iwan mo muna kami. May gusto lang akong sabihin sa kanya.""Hindi pwede, baka saktan ka pa ng babaeng 'yan gaya ng ginawa niya sa'kin. Sinampal niy
NAPABALIKWAS ng bangon si Katherine. Pinagpapawisan at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa masamang panaginip.Buong akala niya ay totoo ang sinabi ni Cain. Sobrang takot na takot siya. Nang magawang pakalmahin ang sarili ay saka lang napansin kung nasaang lugar siya."A-Anong ginagawa ko rito?" aniya nang mapagtantong nasa ospital siya.Hinawi niya ang kurtina'ng tumatabing saka tiningnan ang paligid. Nakita niya sa hindi kalayuan ang kaibigan at may kasama itong isang lalake."Katherine!" Mabilis ang paglapit ni Lian nang makitang nagising na ang kaibigan. "Pinag-alala mo 'ko, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," aniyang halos maiyak-iyak.Sa halip na tumugon ay nabaling ang tingin ni Katherine sa kasama nito. Hindi niya akalaing magkikita silang muli ni Luke. "Anong ginawa mo rito?""Nagkita kami ni Lian sa parking lot. Tinulungan ko siya at magkasabay na umalis pero nang daanan ka'y nakita naming nasa kalsada ka na, walang-malay," paliwanag ni Luke."Binuhat ka ni
MATAGAL at pinag-isipang mabuti ni Cain ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Mula na naman kay Margaret ang tawag. Nang balingan si Levi ay nagkibit-balikat ito. "Sige na, puntahan mo na kung kailangan ka pero 'wag mong kakalimutang magpunta mamaya sa bar, 'kay?"Walang salitang umalis sa opisina si Cain. Nagtagpo pa nga ang mga mata nilang dalawa ni Katherine pero bago makapagpaalam ay umiwas na ito ng tingin kaya hindi na siya nagsalita pa.Pagdating sa ospital ay naabutan niyang inaasikaso ng Nurse si Margaret. Ayon dito ay mataas ang lagnat ng dalaga dahil sa bone marrow transplant. Nais din siya nitong makita."Cain..." lumuluhang sambit ni Margaret kaya agad itong lumapit. "Sobrang sakit ng katawan ko. Sa palagay ko'y hindi ko kakayanin ang ganitong treatment. Natatakot akong baka bigla na lamang mawala sa mundo.""Ano ka ba, 'wag kang magsalita ng ganyan," saway ni Cain."Hinahanda ko lang ang sarili ko kaya bago mangyari 'yun, pwede bang humiling?""Ano 'y
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka
UPANG itago ang nararamdamang hiya ni Ashley ay tinulak niya si Gab saka nagmartsa papasok sa kotse. Ang naiwan na binatilyo ay agad naman sumunod."Hindi mo naman ako kailangang itulak, muntik na 'kong matumba kanina," nagtatampong saad ni Gab."E, pano nangyayaka--" Mabilis na kinagat ni Ashley ang ibabang labi bago pa masabi ang hindi dapat. Nakakahiya lalo pa at kasama nila ang driver. "Kuya, umalis na tayo," utos niya na lamang."Masusunod po, Ma'am," anito saka mabilis na nagmaneho paalis sa lugar.Si Gab naman ay nanlalabo na ang paningin pero maayos pa ang pag-iisip. "Ayokong umuwi, sa bar tayo, Kuya."Tumaas ang kilay ni Ashely sa inis. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kanina?!""Ayoko nga, kung may iba kang alam na lugar na pwede akong mag-stay ay--""Wala, 'kay?!" singhal ni Ashley.Ngunit hindi sumuko si Gab na hinawakan ang kamay ng dalaga, naglalambing. "Sige na~"Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ashley at sa isang iglap ay binawi ang kamay saka lumipat sa passenger seat
SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit. "Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Ricafuerte, si Ashley!" Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--" "Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!" Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay. Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman n
TILA bumagal ang oras ng mga sandaling iyon para kay Katherine nang mawalan ito ng malay. "C-Cain! Gumising ka!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit ayaw talagang magmulat ng mata.Nanginig siya sa takot, sandaling natulala at nablangko ang isip. "I-Imulat mo naman ang mga mata mo, please. 'Wag 'yung ganito... tinatakot mo naman ako, e!" Namuo na naman ang luha sa mga mata. Takot na takot siya sa maaaring mangyari. "Cain, sige na, please gumising ka na!" Kulang na lamang ay yugyugin niya ang balikat nito.Mayamaya pa kumunot-noo si Cain habang nakapikit pa rin. "... Katherine... Okay lang ako, nawalan lang ako ng malay, but I'm fine," aniya saka umayos ng pagkakasandal sa passenger seat. "Magmaneho ka na't baka magising pa ang dumukot sa'yo, maabutan tayo rito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa silang harapin."Suminghot si Katherine, pinunasan ang pisngi saka muling binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar. Mahigpit ang hawak niya sa manibela dahil hindi niya