BAGO pa dumapo ang kamay nito ay isang maganda at malamyos na tinig ang tumawag sa pangalan ng dalaga, "Jean!"
Sabay na napalingon ang dalawang babae. Natigilan si Katherine nang makitang papalapit si Margaret habang naka-wheelchair. "Marga, hindi ka na sana sumunod pa. Mapapagalitan ako nito ni Cain, e," ani Jean sabay tingin kay Katherine na animo'y nagyayabang. Tuluyang nakalapit si Margaret at kunot-noo'ng napatingin kay Katherine. "Oh by the way, Marga. Nakikilala mo ba siya?" ani Jean sabay turo kay Katherine. "Siya nga pala ang secretary ni Cain. Nang umalis ka ay siya ang nag-alaga sa kanya, umaga hanggang... gabi," makahulugan niyang saad. Hindi naman nakagalaw sa puwesto si Katherine. Gusto niyang magsalita pero napipi na siya ng reaksyon ni Margaret. Halatang gulat na gulat ito. Ilang sandali pa ay nagsalita, "Jean... pwede bang iwan mo muna kami. May gusto lang akong sabihin sa kanya." "Hindi pwede, baka saktan ka pa ng babaeng 'yan gaya ng ginawa niya sa'kin. Sinampal niya ko't pinahiya sa harap ng mga empleyado ni Cain." "Don't worry. I'm sure na wala naman akong sasabihin na ikasasama ng loob para sampalin niya ako sa mukha," ani Margaret. Napakurap si Jean at tila nakaramdam ng hiya ng matamaan sa sinabi nito. "O-Okay, 'wag kang masiyadong magtatagal." Pagkaalis ni Jean at maiwan ang dalawa ay agad nag-iba ang ekspresyon ni Margaret. Biglang tumapang at halatang may panghahamak sa mga mata. "Totoo ba ang sinabi niya? Kung gano'n ay maraming salamat at inaalagaan mo ang Cain ko, kung 'yun nga ang ginagawa mo. Pero kung hindi, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa sa kanya," babala ni Margaret. Hindi naman nagustuhan ni Katherine ang timbre ng boses nito. Halatang may pinupukol tungkol sa kanya. "Kung ano man ang trabaho ko bilang sekretarya niya ay labas ka na 'ron," matapang niyang saad. Nagtaas ng isang kilay si Margaret. "Ako ang girlfriend, secretary ka lang." Napangisi si Katherine. "Wala bang nakapagsabi sa'yo na bukod sa pagiging sekretarya ni Cain... ay asawa niya rin ako? Legal na asawa, kinasal kami at nagsasama sa iisang bahay." Mas lalong nawindang si Margaret. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Gusto niyang abutin si Katherine at sabunutan pero nahagip ng mga mata niya ang paglapit ni Cain. Sa isang iglap ay bigla na lamang natumba sa harapan ni Katherine si Margaret. Nagtaka siya kung anong ginagawa ng dalaga sa sarili. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng wheelchair at umaray pa ito sa sakit. Bago pa man ito matulungan ni Katherine ay narinig niya ang boses ng asawa. "Margaret!" Paglingon ay patakbong lumapit si Cain upang tulungan ang dalaga. "Cain..." iyak ni Margaret sabay yakap sa bisig nito. Nang makita ni Cain na may dugo sa noo ang dalaga ay galit niyang binalingan si Katherine. "Ba't mo siya tinulak?!" "Nagkakamali ka, wala akong ginawa sa kanya," depensa ni Katherine sa sarili. "At magsisinungaling ka pa? Kitang-kita kong natumba siya," ani Cain. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Katherine upang hindi maiyak. Bago pa niya maipagtanggol ang sarili ay bumalik si Jean. "Cain, nakita kong tinulak ng babaeng 'yan si Marga!" Sabay turo kay Katherine. Kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang nakita at nais lang isisi rito ang nangyari ng makaganti. Umiling si Katherine. "Cain, maniwala ka sa'kin hindi ko siya--" "Enough! Tama na, Katherine, 'wag ka ng magpaliwanag." Pagkatapos ay binuhat si Margaret upang isakay sa kotse at nang madala sa ospital. Nanlamig sa kinatatayuan si Katherine. Nasasaktang mas pinaniwalaan pa ng asawa ang ibang tao kaysa sa kanya. "Buti nga sa'yo," pahabol ni Jean bago sundan ang dalawa. Nang mag-isa na lamang si Katherine ay saka lang niya pinakawalan ang pinipigilang luha. "'Wag kang umiyak," paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili ngunit bigo siya. "Sorry, baby. Sobrang hina ni Mommy. Hindi niya man lang nagawang ipagtanggol ang sarili," kausap niya sa anak habang hinahaplos ang tiyan. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone at sinagot niya ang tawag ni Lian. "Sissy, sorry at ang tagal ko, may nakaharang kasing sasakyan sa kotse. Hinihintay ko pa 'yung driver para maitabi ang sasakyan." Suminghot si Katherine at iningatang huwag pumiyok habang kausap ang kaibigan. "Ayos lang, maghihintay na lang ako rito." ~*~ SA OSPITAL, matapos magamot ang sugat sa noo ni Margaret ay saglit na nagpaalam si Cain upang tawagan ang assistant. "Pasensiya na, Mr. President pero wala na po siya rito," ani Joey mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga siya matapos ang narinig. Ipinag-utos niya kasi sa assistant na puntahan si Katherine sa lugar kung saan ito iniwan ngunit nahuli na si Joey at wala na roon ang asawa. Nasigawan niya ito kanina at kitang-kita na natakot ito. Kaya ngayon naman ay nag-aalala siya lalo pa at mukhang mag-isa lang ito sa naturang lugar. Hindi talaga maalis sa isip niya ang mga mata nitong nasaktan at nalungkot. Pakiramdam niya ay mali siyang nagawa. Bumabagabag sa isip niya na baka totoo talagang wala itong ginawa kay Margaret? Na hindi totoong tinulak nito ang dalaga. Matagal na niyang kilala si Katherine. Alam niyang hindi nito magagawang manakit ng iba. Ngunit pinagdudahan niya pa rin ito dahil sa labis na pagkabigla nang makitang natumba at nasugatan si Margaret. "Cain?" Narinig niya ang boses ni Margaret na tumatawag kaya bumalik siya sa ward. May luha pa rin sa mga mata ng dalaga nang bigla itong yumakap paglapit niya. "Bakit, masakit pa rin ba?" aniya. Tumango lang ang dalaga saka siya tiningala. "I'm fine as long as nandito ka kasama ko." Hinaplos naman ni Cain ang buhok nito bilang tugon. "Pero... talaga bang tinulak ka ni Katherine?" Napakurap si Margaret at nag-iwas ng tingin. Nalilito kung anong dapat niyang sabihin ng mga oras na iyon. "Ang totoo... s-sinubukan niyang itulak ang wheelchair ko dahil nasa gitna kasi ng daan. Concern siya na baka maaksidente ako," kabado niyang pagsisinungaling. "So, it means ay... hindi ka niya tinulak?" Pigil hininga siyang umiling. "Mukhang tinulak niya 'ko pero hindi talaga." "Ba't hindi mo sinabi?" Ngayon ay mas lalong nagi-guilty si Cain. Dahil nasigawan at napagbintangan niya si Katherine. "U-Umiyak na kasi ako dahil sa natamong sugat," dahilan pa ni Margaret. "Gusto ko ng magpahinga," agap niya upang hindi na matanong. Pagkaalis ni Cain ay halos magwala siya sa sobrang galit. Hindi niya akalaing sa ginawang pag-arte kanina ay pagdududahan pa siya nito? Pero mas mainam na inunahan na niya si Katherine bago pa nito masabing na-frame up lang. Kapag nangyari iyon ay magmumukha lang itong masama sa paningin ni Cain at hindi siya. Pero namumuhi pa rin siyang isipin na mas matimbang na ito kumpara sa kanya. Dahil ba sa mag-asawa ang dalawa? Pero bakit hindi niya alam? Hindi man lang nagawang sabihin ni Cain ang totoo. Bakit inililihim ng dalawa? ~*~ "KATHERINE!" Napalingon siya ng marinig ang sariling pangalan. Hindi niya inaasahang binalikan siya ni Cain. "Bumalik ka," aniyang gusto itong hawakan. Pero mabilis na lumayo si Cain. "Sabihin mo sa'kin ang totoo... buntis ka ba?" Napasinghap siya saka tumango ng may ngiti sa labi. "Oo, magiging ama ka--" "Ipalagl*g mo 'yan, ayoko sa batang 'yan!" ani Cain.NAPABALIKWAS ng bangon si Katherine. Pinagpapawisan at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa masamang panaginip.Buong akala niya ay totoo ang sinabi ni Cain. Sobrang takot na takot siya. Nang magawang pakalmahin ang sarili ay saka lang napansin kung nasaang lugar siya."A-Anong ginagawa ko rito?" aniya nang mapagtantong nasa ospital siya.Hinawi niya ang kurtina'ng tumatabing saka tiningnan ang paligid. Nakita niya sa hindi kalayuan ang kaibigan at may kasama itong isang lalake."Katherine!" Mabilis ang paglapit ni Lian nang makitang nagising na ang kaibigan. "Pinag-alala mo 'ko, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," aniyang halos maiyak-iyak.Sa halip na tumugon ay nabaling ang tingin ni Katherine sa kasama nito. Hindi niya akalaing magkikita silang muli ni Luke. "Anong ginawa mo rito?""Nagkita kami ni Lian sa parking lot. Tinulungan ko siya at magkasabay na umalis pero nang daanan ka'y nakita naming nasa kalsada ka na, walang-malay," paliwanag ni Luke."Binuhat ka ni
MATAGAL at pinag-isipang mabuti ni Cain ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Mula na naman kay Margaret ang tawag. Nang balingan si Levi ay nagkibit-balikat ito. "Sige na, puntahan mo na kung kailangan ka pero 'wag mong kakalimutang magpunta mamaya sa bar, 'kay?"Walang salitang umalis sa opisina si Cain. Nagtagpo pa nga ang mga mata nilang dalawa ni Katherine pero bago makapagpaalam ay umiwas na ito ng tingin kaya hindi na siya nagsalita pa.Pagdating sa ospital ay naabutan niyang inaasikaso ng Nurse si Margaret. Ayon dito ay mataas ang lagnat ng dalaga dahil sa bone marrow transplant. Nais din siya nitong makita."Cain..." lumuluhang sambit ni Margaret kaya agad itong lumapit. "Sobrang sakit ng katawan ko. Sa palagay ko'y hindi ko kakayanin ang ganitong treatment. Natatakot akong baka bigla na lamang mawala sa mundo.""Ano ka ba, 'wag kang magsalita ng ganyan," saway ni Cain."Hinahanda ko lang ang sarili ko kaya bago mangyari 'yun, pwede bang humiling?""Ano 'y
NAKAHINGA nang maluwag si Cain nang marinig ang sinabi nito. Sa hindi malaman na dahilan ay napanatag siyang ayaw pirmahan ni Katherine ang divorce aggrement."B-Bakit, may hindi ka ba nagustuhan? Nakukulangan ka ba sa mga matatanggap mo?"Umiling si Katherine. "Hindi mo na kailangang bigyan pa ako ng property. Kapag maghihiwalay tayo, gusto ko ay 'yung walang remembrance. Ayoko ng kahit anong may kinalaman sa'yo, Cain. Mag-divorce tayo ng tahimik at magkalimutan na parang hindi magkakilala."Napatiim-bagang si Cain. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Alam mo'ng imposible 'yang sinasabi mo. Secretary kita--""Magri-resign ako pagkatapos. May nakahanda ng resignation letter at bukas ko ipapasa. But don't worry, hindi agad ako aalis sa kompanya ng walang nahahanap na kapalit, 'yung papasa sa standard mo."Kumuyom ang kamay ni Cain. "Sigurado ka ba? Baka magsisi ka lang.""Matagal na 'kong nagsisisi," bulong ni Katherine, sapat upang hindi nito marinig.Tumayo si Katherine. "Kung wa
HINDI naman makapaniwala si Belinda sa narinig. "'Pa! Palalayasin mo kami ng apo mo para sa--" nagpigil at hindi niya tinuloy ang sasabihin sa takot na mas lalo pang magalit si Ramon.Kaysa mapahiya pa nang husto ay hinila na lamang niya ang anak. "Tara, Jean. Umalis na lamang tayo rito."Nagmartsa paalis ang mag-ina na masama ang loob kaya nabahala si Katherine. Baka balikan siyang muli ni Jean dahil sa nangyaring ngayon."Ayos ka lang ba, Hija?" ani Ramon.Tipid na tumango si Katherine."Kung gano'n ay pumasok na tayo sa loob at masamang pinaghihintay ang pagkain."Magkasabay na pumasok ang mag-asawa sa mansion. "Ayos ka lang ba talaga? Pwede mo namang sabihin sa'kin kung nahihiya kang magsabi kay Lolo," ani Cain.Saglit na sulyap ang ginawa ni Katherine sa asawa. Kaya nahihirapan siyang magalit o magtampo rito nang matagal dahil kung umakto ito ay para talaga silang tunay na mag-asawa."Ikaw, hindi mo na ba ako balak iwasan?" aniya.Natigilan at saglit na napatitig si Cain saka nap
BAGO pa man masagot ni Cain ang tanong nito ay tumunog na ang kanyang cellphone.Mabilis naman ibinaling ni Katherine ang tingin sa labas ng kotse. Sa pagpikit ng mga mata ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Hingang malalim ang kanyang ginawa bago magtanong, "Sinong tumawag?"Hindi agad nakasagot si Cain kahit hawak na ang cellphone at nakikita sa screen ang pangalan ni Margaret."Hello?" malumanay at halos pabulong niyang sagot mula sa kabilang linya."Cain, puntahan mo naman ako rito," saad ng dalaga mula sa kabilang linya. "Natatakot ako," dagdag pa ni Margaret.Dahil nasa passenger seat lang si Katherine ay nahimigan niya ang boses ng dalaga mula sa kabilang linya.Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling humikbi."Wala ba si ate Lyn diyan na makakasama mo?" tanong ni Cain na panaka-naka ang tingin sa asawa."Hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta. Puntahan mo naman ako rito, nahihirapan akong huminga."Napabuga ng hangin si Cain. Gusto niyang intindihin
PAPALAPIT na ang dalawa sa puwesto ni Katherine. Sa emosyon niya ngayon ay hindi niya nais na makaharap ang mga ito kaya tumalikod siya at nanghintay ng ilang sandali. Nais niyang lagpasan siya ng dalawa.Ngunit hindi umaayon sa kanya ang pagkakataon. Sa labis na kaba ay nabitawan niya ang hawak na paperbag saktong pagdaan ng dalawa."Katherine?" ani Cain na agad namukhaan ang sekretarya ng pulutin nito ang nahulog kaya lumapit siya upang ito ay tulungan.Una niyang napulot ang libro at nabasa nang bahagya ang naka-imprinta.'Pregnancy'Nang mabilis na hinablot ni Katherine ang libro sa takot na maghinala ito kung ano talaga ang totoo niyang kondisyon."Ano 'yang librong 'yan?" ani Cain.Umiling si Katherine saka mabilis na lumayo. "Wala lang 'to."Mapagduda ang tingin ni Cain lalo na nang titigan ang mukha nitong tila namumutla. "Ayos ka lang ba?"Tipid na tumango si Katherine.Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Cain at akmang sasalatin ang noo nito. Pero gaya ng ginawa kanina ay umil
NANG malayo-layo na si Katherine ay biglang natigilan si Cain. Hindi niya ito nais na umalis nang ganoon na lamang.Akmang hahabol siya nang mabilis pigilan ni Margaret. "Sa'n ka pupunta? 'Wag mo sabihing hahabulin mo siya matapos ng ginawa niya sa'kin?""Kaya nga dahil kung totoong sinaktan ka niya, hindi ko palalampasin ang ginawa niya," ani Cain. Matapos ay tinawag si Joey na nasa malapit. "Ikaw na ang maghatid sa kanya pabalik sa ospital," utos niya sa assistant. Pagkatapos ay sinundan si Katherine.Si Margaret ay bigla namang namutla dahil kapag nalaman ni Cain ang totoo ay paniguradong mag-iiba ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa inis ngunit dahil kasama niya ang assistant nito ay hindi niya magawang maglabas ng frustration.Ang tangi na lamang niyang nagawa ay hawakan nang mahigpit ang wheelchair na kinauupuan. Hindi niya matanggap na mas matimbang na si Katherine sa buhay ni Cain.Hindi niya maisip kung paano iyon nangyari pero hinding-hindi niya hahayaang magbag
MATAPOS ang nangyaring alitan sa kanilang dalawa ni Cain ay hindi na ito umuuwi, mahigit isang linggo na ang nakakalipas.Sa isip-isip ni Katherine ay tumutuloy ito sa sarili nitong condo o hindi kaya ay kasama lang palagi si Margaret.Masakit man isipin pero ganoon talaga ang buhay. Magtatapos na ang kanilang relasyon-- mali, dahil kasunduan nga lang pala ang namamagitan sa kanilang dalawa."Ayos lang po kayo, Ma'am?" tanong ng katulong matapos mapuna na walang ganang kumain ang amo'ng babae.Tipid na ngumiti si Katherine. "Igawa mo na lang ako ng sandwich at sa office na 'ko kakain," aniya saka tumayo upang kunin ang gamit sa kwarto.Sa pagbaba ay inabot ng katulong ang pagkain na kailangan niya. "Salamat," aniya saka nagtungo sa kotse."Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng driver.Napabuntong-hininga si Katherine. "Ikaw na po ang pangalawang taong nagtanong sa'kin niyan.""Gano'n po ba, Ma'am? Mukha po kasi kayong matamlay ngayon."Malungkot na napangiti si Katherine. Hindi na r
HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s
KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba
SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.
LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal
ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,
TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam
SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka
UPANG itago ang nararamdamang hiya ni Ashley ay tinulak niya si Gab saka nagmartsa papasok sa kotse. Ang naiwan na binatilyo ay agad naman sumunod."Hindi mo naman ako kailangang itulak, muntik na 'kong matumba kanina," nagtatampong saad ni Gab."E, pano nangyayaka--" Mabilis na kinagat ni Ashley ang ibabang labi bago pa masabi ang hindi dapat. Nakakahiya lalo pa at kasama nila ang driver. "Kuya, umalis na tayo," utos niya na lamang."Masusunod po, Ma'am," anito saka mabilis na nagmaneho paalis sa lugar.Si Gab naman ay nanlalabo na ang paningin pero maayos pa ang pag-iisip. "Ayokong umuwi, sa bar tayo, Kuya."Tumaas ang kilay ni Ashely sa inis. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kanina?!""Ayoko nga, kung may iba kang alam na lugar na pwede akong mag-stay ay--""Wala, 'kay?!" singhal ni Ashley.Ngunit hindi sumuko si Gab na hinawakan ang kamay ng dalaga, naglalambing. "Sige na~"Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ashley at sa isang iglap ay binawi ang kamay saka lumipat sa passenger seat
SA LAKAS ng sampal ay pumutok ang labi ni Gab. Muntik rin siyang matumba dahil sa impact kung hindi lang agad nakabawi. Mahilo-hilo pa siya sa nangyari pero mabilis siyang tumayo ng tuwid sa harap ng Ama habang nakatungo. Hindi niya gugustuhing magtagpo ang tingin nila dahil nakakatakot talaga ito kung magalit. "Mukhang masiyado ata kitang hinayaan sa mga kalokohan mo pero sumusobra ka na sa pagkakataong 'to! Hindi lang si Cain ang napahamak ngayon, maging si Katherine at ang anak ni Mr. Ricafuerte, si Ashley!" Nanatiling nakatungo si Gab habang hawak ang pisnging nasampal ng Ama. "S-Sorry--" "Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil hindi ako ang nakaratay ngayon, si Cain! Hindi ako ang muntik ng mapahamak sa kamay ng ibang tao kundi si Katherine!" Naglakas-loob si Gab na tingnan ang Ama ngunit agad rin siyang nagsisi ng makita kung gaano ito kagalit. Namumula at nanlilisik ang mga mata na ngayon lang niya nakita sa tanang-buhay. Sa madaling salita ay sukdulan ang nararamdaman n