Share

Chapter 14

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-17 23:07:22

NANG malayo-layo na si Katherine ay biglang natigilan si Cain. Hindi niya ito nais na umalis nang ganoon na lamang.

Akmang hahabol siya nang mabilis pigilan ni Margaret. "Sa'n ka pupunta? 'Wag mo sabihing hahabulin mo siya matapos ng ginawa niya sa'kin?"

"Kaya nga dahil kung totoong sinaktan ka niya, hindi ko palalampasin ang ginawa niya," ani Cain. Matapos ay tinawag si Joey na nasa malapit. "Ikaw na ang maghatid sa kanya pabalik sa ospital," utos niya sa assistant. Pagkatapos ay sinundan si Katherine.

Si Margaret ay bigla namang namutla dahil kapag nalaman ni Cain ang totoo ay paniguradong mag-iiba ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa inis ngunit dahil kasama niya ang assistant nito ay hindi niya magawang maglabas ng frustration.

Ang tangi na lamang niyang nagawa ay hawakan nang mahigpit ang wheelchair na kinauupuan. Hindi niya matanggap na mas matimbang na si Katherine sa buhay ni Cain.

Hindi niya maisip kung paano iyon nangyari pero hinding-hindi niya hahayaang magbag
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 15

    MATAPOS ang nangyaring alitan sa kanilang dalawa ni Cain ay hindi na ito umuuwi, mahigit isang linggo na ang nakakalipas.Sa isip-isip ni Katherine ay tumutuloy ito sa sarili nitong condo o hindi kaya ay kasama lang palagi si Margaret.Masakit man isipin pero ganoon talaga ang buhay. Magtatapos na ang kanilang relasyon-- mali, dahil kasunduan nga lang pala ang namamagitan sa kanilang dalawa."Ayos lang po kayo, Ma'am?" tanong ng katulong matapos mapuna na walang ganang kumain ang amo'ng babae.Tipid na ngumiti si Katherine. "Igawa mo na lang ako ng sandwich at sa office na 'ko kakain," aniya saka tumayo upang kunin ang gamit sa kwarto.Sa pagbaba ay inabot ng katulong ang pagkain na kailangan niya. "Salamat," aniya saka nagtungo sa kotse."Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng driver.Napabuntong-hininga si Katherine. "Ikaw na po ang pangalawang taong nagtanong sa'kin niyan.""Gano'n po ba, Ma'am? Mukha po kasi kayong matamlay ngayon."Malungkot na napangiti si Katherine. Hindi na r

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-17
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 16

    SANDALING na blangko ang isip ni Katherine sa tanong ng biyenan. Gustuhin niya mang magsinungaling para pagtakpan si Cain, ay ayaw niya namang lokohin si Helen. Dahil malalaman at malalaman din naman nito ang totoo."Hinubad ko po, Ma'am.""Mama or Mommy," ani Helen."Po?" naguguluhang tanong ni Katherine."Iyon ang itawag mo sa'kin. Dapat masanay ka na dahil magulag mo na ako simula nang pakasalan mo ang anak ko."Mariing naglapat ang labi ni Katherine. Hindi niya kayang tawagin ito sa ganoon dahil... para saan pa kung malapit na silang maghiwalay ni Cain."May problema ba?" tanong ni Helen. Agad napansin ang lungkot sa mga mata ng manugang.Umiling si Katherine sabay ngiti upang itago ang tunay na nararamdaman.Marahan namang humaplos si Helen sa braso at buhok nito. "Hindi mo kailangang magkunwari. Kitang-kita kong may pinagdadaanan ka... dahil ba kay Cain?""H-Hindi po," react ni Katherine na agad nagsisi nang mautal. Talagang hindi niya kayang magsinungaling ng hindi pinaghahanda

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-19
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 17

    NAUUNANG maglakad si Helen at naabutang gising na si Katherine na nagtatangka pang bumangon, inaalis ang kumot gamit ang kamay na nasugatan."'Wag ka munang kumilos," aniya sa manugang."Ayos na po ako at sa bahay na lang magpapahi--nga," ani Katherine nang sa paghawi sa kurtina ay tumambad sa kanya si Cain.Gusto niyang itanong kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon ngunit nag-aalangan siya lalo sa harap ni Helen. Baka mauwi lang sila sa pagtatalo.Lumapit si Cain habang nakatitig sa kamay ng asawa na nababalutan ng benda. "Masakit ba?"Tumango si Katherine saka nag-iwas ng tingin."Ba't mo naman hinarap 'yung magnanakaw? Tingnan mo'ng nangyari sa'yo. Kung alam mo'ng delikado ay hindi ka na dapat pa--"Hampas sa likod ng anak ang ginawad ni Helen. "Ba't mo ba siya pinapagalitan?! Dapat nga ay magpasalamat ka dahil naibalik sa'kin ang bag. Alam mo bang nasa loob pa ang gamot ko sa asthma? Napakahalaga niyan dahil mismong doctor ko ang nagprescribe at hindi basta-basta nabibili kung

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-23
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 18

    WALA pang diyes minutos ay tumawag na si Lemuel, "Sir, nandito po ako ngayon sa police station kung saan dinala 'yung taong nagnakaw ng bag ni Madam Helen at nanakit kay Ma'am Katherine. Kaso... wala na po siya rito, nakalaya po matapos makapagbayad ng piyansa."Napakunot-noo si Cain. "Gano'n kabilis?" nagtataka niyang tanong.Hindi pa lumilipas ang dalawang oras matapos ang ginawa nitong krimen pero nakalaya na agad."Mukhang nagmula pa po 'yung lalake sa maimpluwensyang pamilya, Sir. Dahil ang sabi ay may kasamang attorney ang nagpiyansa," pahayag pa ni Lemeul."Alamin mo kung sa'ng lupalop ng Metro Manila ang lalakeng 'yun. At kung sa'ng pamilya siya nagmula," utos ni Cain."Masusunod po, Sir."~*~PASADO alas-diyes ng gabi ay pumarada ang isang pamilyar na sasakyan sa labas ng kilalang club sa lugar.Lumabas mula sa kotse si Joey at Lemuel. Pinagbuksan ng huli si Cain na nasa may backseat."Dito niyo siya natagpuan?""Yes, Sir. Ang sabi ng informant ay halos gabi-gabing nagtutungo

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-26
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 19

    MADALING nahanap ng mga tauhan ni Antonio ang taong nanakit sa anak na si Juancho.Ayon sa impormasyong binigay sa kanya ay kasalukuyang nasa isang kilalang gym ang tinutukoy na lalake, na walang iba kundi si Cain.Kaya sinadya niya, kasama ng mga tauhan ang naturang gym. Binayaran ni Antonio ang may-ari ng malaking halaga para magsara ng maaga sa araw na iyon ang gym.Dahil nasilaw sa pera ang may-ari ay agad niyang pinag-utos sa mga staff na maagang magsara at paalisin ang mga customer, maliban sa isa... si Cain, na nang mga sandaling iyon ay nasa locker room. Katatapos lang nitong mag-gym at magsa-shower nang walang ano-ano ay lumagapak ang pinto at pumasok ang hindi bababa sa limang kalalakihan.Pawang malalaki ang mga katawan at nakakatakot ang itsura, tila ano mang sandali ay mananakit.Pang huling pumasok si Antonio saka naglakad sa unahan ng limang tauhan. "Ikaw ba ang bumugbog sa anak ko?"Si Cain sa kabila ng hindi magandang kutob sa pagpasok ng mga ito sa locker room ay nan

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 20

    ILANG ORAS nagpahinga si Katherine at nang magising ay madilim ang buong kwarto. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na gabi.Ramdam niya ang hapdi at pangangati ng nasugatang kamay. Mukhang kailangan na niyang uminom ng gamot pero tinatamad siyang bumangon at ninamnam lang ang lambot ng kama.Ilang segundo siyang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone. Tuluyan na siyang bumangon sa kama para abutin ang gamit sa side-table. Pero kahit sa pagkuha ay pahirapan din.Hindi niya mahawakan ng maayos ang cellphone. Kumikirot ang kamay niya sa kaunting galaw. Slowly but surely ang ginagawa niya. Nang tuluyang mabuksan ang message ni Lian ay problema naman niya ngayon ang mag-reply.Ayon sa mensahe ng kaibigan ay may mini-reunion bukas. Magba-bonding silang magkakaibigan noong college pati iyong nasa malalayo ay pupunta.Pero dahil sa kalagayan ni Katherine ay hindi siya pwedeng magpakita bukas. Hin

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 21

    ANG libreng kamay ni Cain ay humaplos at pumirmi sa baba ni Katherine upang ipuwesto nang maayos ang mukha nito. Dahil gusto niyang angkinin nang buong-buo ang labi nito.Sa kabila ng nararamdamang gigil ay nagawa niya pa ring kontrolin ang sariling emosyon. Hinalikan niya ito nang marahan sa labi. Ninanamnam ang lambot, tamis at bawat sandali na animo ay sila lang ang tao sa mundo.Dahan-dahan namang bumaba ang depensa ni Katherine. Ang paunti-unting galaw ng labi ay tuluyan nang sumasabay sa halik ni Cain.Nag-iiba na rin ang kanyang pakiramdam. Mula sa lamig ay unti-unting umiinit. Ang marahang halik na kanilang pinagsasaluhan ay unti-unting bumibilis.Nagiging mapaghanap at mapusok. Kinakapos na ng hangin si Katherine pero tuloy pa rin siya.Hanggang sa bigla na lamang natigilan at huminto sa paghalik si Cain nang maramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ni Katherine.Lumuluha ito!"B-Bakit?" tanong ni Cain saka bahagyang lumayo upang matingnan nang buo ang mukha ng a

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-01
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 22

    SA NARINIG ay biglang nagkatinginan si Levi at Jared. Nang muling balingan si Cain ay bigla na lamang humalakhak nang tawa si Levi."P*ta , Pre! Ito na ata ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko ngayong araw," ani Levi.Sinamaan naman ito ng tingin ni Cain pero sa halip na tumigil ay tuloy lang ito sa pagtawa. Hawak-hawak na nga ang tiyan at nagrereklamo sa sakit."Anong meron kay Katherine? Maghihiwalay na kayo, 'di ba?" ani Jared."Baka na-realize niya na mas convenient ito kumpara kay Margaret na may sakit," si Levi."Kanina ka pa, naiirita na 'ko sa'yo," ani Cain.Pero balewala lang kay Levi ang mababala nitong tono at tingin. Hanggang sa biglang nagseryoso. "Mahal mo na ba kaya mo iniisip kaysa kay Margaret?"Napahilamos si Cain sa mukha. Alam niya sa sariling si Margaret ang tinitibok ng kanyang puso pero may parte sa likod ng utak niya na nagsasabing may mali... may kulang. May hindi tama.Pero hindi niya mapangalanan kung ano man iyon."Hindi," aniya sa tanong ng kaibigan

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-02

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 172

    SUNOD-SUNOD at malalim ang ginawang paghinga ni Katherine. Salita lang ang sinabi ni Cain pero para na siyang maloloka sa kilig. Oo, inaamin na niya sa sariling lumukso ang puso niya sa sinabi nito.Sinubukan naman niyang pigilan ang emosyon pero ito na nga ata ang isa sa pinakapangit niyang katangian... ang pagiging marupok sa lalaking unang nagpatibok at nagwasak ng kanyang puso.Ramdam na niya ang pamumula ng mukha kaya pasimple siyang tumalikod, tinapik-tapik ang pisngi para magising at muntik pang mangiti.Pagkatapos ay tumikhim siya at muli itong hinarap. "Nasa'n ba mga kaibigan mo't ako ang pinupurwisyo mo?" Pagmamataray niya pa."Busy sa mga babae. Walang panahon ang dalawang 'yun na dalawin ako.""E, si Ashley o 'di kaya si Margaret? Siguradong isang tawag mo lang agad silang pupunta para samahan ka.""Ba't naman sila nasali sa usapan? Ikaw ang gusto kong makasama ngayon," ani Cain. Pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at naupo. "Mag-stay ka muna, please?"Umiw

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 171

    NANGINIG ang kamay ni Katherine sa inis. "Ang kapal naman talaga ng apog mong sabihin 'yan. Kahit kailan ay hinding-hindi kita sasagutin, manigas ka!"Humalakhak si Cain sa linya. "Kanina pa naninigas."Napasinghap si Katherine at biglang namula ang pisngi sa hiya. "Bastos!"Muling tumawa si Cain. "Anong bastos do'n? Wala naman akong sinabing nakakabastos, a? Ikaw lang 'yung nag-iisip diyan."Nanginig ang ibabang labi ni Katherine sa pagpipigil na sigawan ito sa linya. Sa huli ay pinili na lamang babaan ito ng tawag dahil mas lalo lang siyang mapo-frustrate.Pagkatapos ay tinulungan na lamang niya ang delivery man na ipasok sa apartment ang mga basket."Mukhang mahal na mahal po kayo ng sender nito, Ma'am," komento pa nito.Tipid na pagngiti ang tinugon ni Katherine dahil baka kung ano pang masabi niya at ma-offend lang ito. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito sa paghatid ng mga bulaklak. Binigyan niya naman ng maiinom na tubig upang mapawi ang pagod at mainit pa naman sa labas, pi

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 170

    HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 169

    KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 168

    SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 167

    LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 166

    ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 165

    TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 164

    SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status