Share

Chapter 12

BAGO pa man masagot ni Cain ang tanong nito ay tumunog na ang kanyang cellphone.

Mabilis naman ibinaling ni Katherine ang tingin sa labas ng kotse. Sa pagpikit ng mga mata ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Hingang malalim ang kanyang ginawa bago magtanong, "Sinong tumawag?"

Hindi agad nakasagot si Cain kahit hawak na ang cellphone at nakikita sa screen ang pangalan ni Margaret.

"Hello?" malumanay at halos pabulong niyang sagot mula sa kabilang linya.

"Cain, puntahan mo naman ako rito," saad ng dalaga mula sa kabilang linya. "Natatakot ako," dagdag pa ni Margaret.

Dahil nasa passenger seat lang si Katherine ay nahimigan niya ang boses ng dalaga mula sa kabilang linya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling humikbi.

"Wala ba si ate Lyn diyan na makakasama mo?" tanong ni Cain na panaka-naka ang tingin sa asawa.

"Hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta. Puntahan mo naman ako rito, nahihirapan akong huminga."

Napabuga ng hangin si Cain. Gusto niyang intindihin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
More update plssss divorce mo na para d ka n masaktan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status