MAHINANG pisil sa balikat ang nagpabalik kay Katherine sa kamalayan. Matapos ay nilingon ang katabing si Cain.
"Kanina ka pa tulala," anito. Bago pa makapagsalita ay agad na siyang hinalikan sa labi sabay bangon nito sa kama at nagtungo sa banyo na hubo't hubad. Sinundan lang ito ng tingin ni Katherine saka muling sumagi sa isip ang sinabi sa kanya ng doctor kahapon matapos magtungo sa ospital. "Congratulations, Ms. Garcia... you're pregnant." Maganda mang balita at tunay na masaya si Katherine sa pagbubuntis ay hindi niya maiwasang mabahala. Sa loob ng dalawang taon. Simula ng magpresenta siyang contractual wife ni Cain ay hindi sila nagmintis na maging maingat at laging gumagamit ng proteksyon. Isang beses lang hindi gumamit si Cain at noong nakaraang buwan iyon matapos dumalo sa isang selebrasyon na may kinalaman sa kompanya. Hindi niya akalaing ang isang gabing iyon ay agad na magbubunga. Ngayon ay pinag-iisipan ni Katherine kung sasabihin niya ba sa asawa o hindi ang pagdadalang-tao. Wala sa kontrata nila ang magbuntis siya. At hindi niya alam kung ikatutuwa ba ni Cain na magkakaroon na ito ng anak mula sa kanya. Legal man siyang asawa... pero hindi maipagkakaila na pinakasalan lang siya para sa mana at posisyon. Hindi nagbago ang pakikitungo ni Cain sa kanya sa umpisa pa lang. Mananatili siyang sekretarya hanggang makapagdesisyon nitong tapusin ang pinirmahan nilang contract marriage. Bumangon sa kama ang pawisan na si Katherine upang kunin sa drawer ang itinagong sonogram ng batang dinadala. Ilang segundo niyang tinitigan ang litrato hanggang sa napagdesisyunang sabihin na kay Cain ang totoo. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng banyo. Palabas na ang asawa at bago pa makapagsalita si Katherine ay bigla namang tumunog ang cellphone nito. Mabilis na sinagot ni Cain ang tawag saka nagtungo sa balcony upang doon kausapin ang caller. Kunot-noo'ng sinundan ito ng tingin ni Katherine. Maghahatinggabi na pero meron pa rin tumatawag? Ilang sandali pa ay bumalik ito sa kwarto at nagmamadaling magbihis. Saglit na lumingon si Cain. "Aalis ako, matulog ka na lang nang maaga." "Pero malalim na ang gabi, sa'n ka pupunta?" Lumapit naman si Cain matapos magbihis at sandaling pinisil-pisil ang earlobe ni Katherine, paraan niya para lambingin ito. Matapos ay dinampian ito ng halik sa labi. "May importante lang akong pupuntahan." Pagkatapos ay kinuha lang ang wallet at susi ng kotse saka tuluyang umalis. Si Katherine na ninanamnam pa ang halik ay agad natauhan at mabilis itong hinabol na kumot lang ang bumabalot sa hubad na katawan. "S-Sandali lang, Cain!" "Bakit?" anito matapos lumingon. Nablangko si Katherine at tuluyang nawala sa isip ang nais sabihin. "A-Ano... pwede mo ba akong samahan sa... ospital, dalawin natin si Lola," aniya. "Bukas na lang natin 'to pag-usapan at nagmamadali na 'ko." Sa isang iglap ay tuluyang naglaho sa paningin ang asawa. Nagsisising hindi man lang nasabi ni Katherine ang pagbubuntis. Bigo at bagsak ang balikat niyang bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit kahit anong gawin niya, papaling-paling ng puwesto sa kama ay hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Sa huli ay napagpasiyahang bumangon at magtimpla ng gatas. Baka sakaling tuluyan siyang makatulog. Pagbalik sa kwarto ay tiningnan niya muna sa tablet ang schedule ni Cain para bukas. Nakaugalian din niyang tingnan kung may balita o article ba tungkol sa asawa, mapa-good news o bad news man. Ngunit isang hindi inaasahang balita ang sa kanya ay bumungad. Bumalik na sa bansa si Margaret, ang dating nobya ni Cain, na ngayon ay isang sikat na designer sa ibang bansa. Nakuhanan ito ng litrato na papaalis ng airport na may kasamang lalake, ngunit hindi pinangalanan at blurred rin ang kuha. Ngunit kahit hindi malinaw ang litrato ng naturang lalake sa article ay hindi maaaring magkamali si Katherine. Kilalang-kilala niya kung sino ito... walang iba kundi si Cain. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso, na kaya pala nagmamadali ang asawa'ng umalis kanina ay dahil bumalik na ang babaeng tinatangi nito. Nakaramdam siya ng takot at kaba sa pagdating ni Margaret. Paano kung muling magkabalikan ang dalawa? Ano na ang mangyayari sa kanya? Matatapos na ba ang kasunduan sa kanilang dalawa ni Cain? Tuluyan na ba silang maghihiwalay? Nanginginig ang kamay niyang tinawagan ang numero ng asawa. "Hello--" aniya nang matigilan dahil magkasabay silang nagsalita ng tao sa kabilang linya. Ngunit sa halip na boses ni Cain ang marinig ay boses ng isang babae ang sumagot. Mas lalong sumidhi ang nararamdaman niyang kaba sa mga sandaling iyon sanhi upang bumaliktad ang kanyang sikmura. Mabilis siyang nagtungo sa banyo at sumuka. Matapos ay lupaypay ang katawan niya sa pagod. Hindi na rin niya namalayan kung paano nakabalik sa kama at nakatulog. Nang magising ay maliwanag na. Kahit nanghihina pa ang katawan ay hindi pwedeng balewalain ang trabaho. Isang panibagong araw upang makipagbakbakan hindi lang sa sandamakmak na gawain maging sa mga kapwa empleyadong masama ang tingin sa kanya. Sa loob ng dalawang taon ay hindi na mawala-wala sa espekulasyon ng mga ito na hindi lang siya isang simpleng sekretarya ng Presidente ng kompanya. May naririnig siyang kuwento na matagal na niyang inaakit si Cain o hindi kaya ay nagpapagamit bilang parausan. Dahil lang sa siya ang nag-iisang sekretaryang babae na natanggap at nagtagal sa trabaho. Masakit marinig ang mga ganoong kuwento pero tiniis iyon ni Katherine. "Good morning," bati ni Joey, ang assistant ni Cain. Pagkaisahan man siya ng mga empleyado sa kompanya. At least, si Joey, kahit hindi sila gaanong malapit sa isa't isa ay alam nito kung ano siya sa buhay ni Cain. "Good morning, Assistant Joey," aniya saka naupo sa sariling desk sabay sulyap sa opisina ng Presidente. "Dumating na ba si Mr. President?" Kunot-noo'ng tumango ang assistant na nginitian lang niya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya nagtatanong gayong sila ang mag-asawa ni Cain at nakatira sa iisang bubong. Mayamaya pa ay may lumapit na empleyado. "Pakibigay naman ito kay Mr. President." Tumango sabay tayo sa kinauupuan si Katherine upang ibigay kay Cain ang dokumento. Ngunit bago kumatok ay napansin niyang bahagyang bukas ang pinto at may naririnig siyang ingay mula sa loob. Mukhang may kasama at kausap si Cain. Inilapit niya ang tenga sa pinto upang marinig kung ano ang pinag-uusapan sa loob. "May nakakatuwang article akong nabasa kaninang umaga. Umamin ka nga, Cain... ikaw 'yung kasama ni Margaret kagabi, 'di ba?" Sa boses pa lang ay nakikilala na ito ni Katherine. Si Levi, isa sa mga kaibigan ng asawa. "Ako nga." Biglang tumawa si Levi. "Buong gabi kayong magkasama? Wow! Pa'no ang asawa mo?" "Hinaan mo nga ang boses mo't baka may ibang makarinig," saway ni Cain. "Okay, my bad. Pero, ngayong bumalik na si Margaret ano nang sunod na mangyayari? Hihiwalayan mo ba si-- I mean, 'yung babae?" pigil ni Levi na banggitin si Katherine. Nang hindi sumagot si Cain ay nagpatuloy pa si Levi. "Umamin ka nga... sa loob ng dalawang taon. Nagustuhan mo na rin siya, 'no?" Katahimikan muli ang namayani sa loob ng opisina. Si Katherine na kanina pa nakikinig ay gustong marinig ang sagot ng asawa. Hanggang sa bigla na lamang bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harapan si Levi at pareho pa silang nagkagulatan. "Katherine?!"ASIWA ang ngiti ni Katherine ng mga sandaling iyon. "H-Hello po, Mr. Dominguez," bati pa niya. Nanliit naman ang tingin ni Levi sa sekretarya at asawa ng kaibigan. Halata niyang may narinig ito sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Cain. "Kanina ka pa ba rito?" aniyang naniniguro. Umiling si Katherine. "N-Ngayon lang, ibibigay ko sana 'tong dokumento kay Mr. President." Bago pa magisa ng tanong ay nilampasan na niya ito para harapin si Cain. "Good morning, Mr. President. May kailangan po kayong pirmahan," aniya. Nag-angat naman ng tingin si Cain. Narinig niya ang pinag-usapan nito at ni Levi sa may pinto pero wala siyang balak magtanong. Kung alam na ni Katherine ang article ay wala na siyang magagawa pa roon. Wala rin siyang balak magpaliwanag pero hindi niya nais na magtampo ito. Dahil kahit contractual ang kasal nila ay asawa niya pa rin ito. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Tumango lang si Katherine. "N-Nasa trabaho tayo ngayon," paalala niya. Sekreto at ilang piling tao la
MAYA'T MAYA ang tingin ni Katherine sa oras ng suot na relos. Kanina niya pa hinihintay na matapos si Cain sa pakikipag-usap sa isang excutive ng kompanya.Ngayon ang napag-usapang araw na dadalawin nila ang kanyang Lola sa ospital matapos itong magka-inflammation sa pancreas. Inaalala niyang baka matapos ang visiting hour. Kaya napagpasiyahan niyang i-text si Cain na mauuna na siya sa kotse at bilisan nito ang pakikipag-usap.Ngunit habang naghihintay ay hindi ang asawa niya ang dumating kundi si Joey. "Pinapasabi ni Mr. President na sasamahan ko na lamang kayo sa ospital.""Hindi pa ba siya tapos makipag-usap?"Umiling lang ito bilang sagot kaya walang nagawa si Katherine kung hindi umalis na hindi ito kasama.Pagdating sa ospital ay bakas ang saya sa mukha ni Lucinda nang makita ang apo. "Mabuti at napadalaw ka, Katherine.""Kamusta po kayo rito, 'La?" aniya sabay yakap sa matanda."Mabuti naman, pakiramdam ko'y pwede na 'kong bumalik sa probinsiya, apo.""Hindi pa po pwede, 'La. H
BAGO pa tuluyang lumalim ang ginagawa ay agad na silang nagambala ng pagtunog ng cellphone ni Cain.Sa isang iglap ay bigla itong bumangon at sinagot ang tawag. Ang exposed na katawan ni Katherine ay agad niyang binalutan ng kumot.Ilang sandali pa matapos ang tawag ay humarap si Cain. "May pupuntahan lang ako, matulog ka na.""Saan?"Hindi sinagot ni Cain at basta na lamang nagpalit ng damit. Sa hindi nito pagsagot ay nakumpirma ni Katherine na si Margaret na naman ang dahilan ng pag-alis.Ang dalaga na naman ang pinipili nito... At heto siya, parang tangang umaasa na mapapahalagahan din, kahit hindi naman talaga.Pagkaalis ni Cain ay saka lang hinayaan ni Katherine na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Bumangon siya sa kama at nagbihis. Nandidiri at hiyang-hiya para sa sarili. Para siyang isang mababang uri ng babae na pagkatapos magamit ay basta na lamang iiwan para sa babaeng tunay nitong minamahal. Matapos ay kinuha niya ang sonogram sa drawer at pinagpupupunit. Nagpasiyang
BAGO pa makapagsalita si Katherine ay naunahan na siya ni Sam, "Hindi ko rin alam kung anong nanyari sa kanya, Lian. Bigla na lang niya 'kong sinigawan nang kausapin ko siya.""Sinungaling!" ani Katherine saka binalingan ang kaibigan. "Narinig ko siyang may masamang balak sa'yo ngayong gabi.""Pwede ba, 'wag mo 'kong pagmukhaing masama sa harap ng girlfriend ko. Dahil lang sa hindi ko binigay ang number ko sa'yo kaya ka nagi-imbento ng kuwento?"Nagtaas-baba ang dibdib ni Katherine sa labis na emosyong nararamdaman. Nanginginig siya sa galit dahil sa pinagsasasabi ni Sam.Si Lian na naguguluhan ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Sam... linawin mo nga'ng sinasabi mo. Ba't gustong hingin ni Katherine ang number mo?"Napangisi si Sam habang may kakaibang tinging ipinupukol kay Katherine. "Hindi ko rin alam. Palabas na nga sana ako sa restroom ng bigla siyang sumulpot at balak hawakan ang katawan ko. Type niya yata ako, e."Hindi makapaniwala si Katherine. Nanginginig ang nakakuyom
BAGO pa dumapo ang kamay nito ay isang maganda at malamyos na tinig ang tumawag sa pangalan ng dalaga, "Jean!"Sabay na napalingon ang dalawang babae. Natigilan si Katherine nang makitang papalapit si Margaret habang naka-wheelchair."Marga, hindi ka na sana sumunod pa. Mapapagalitan ako nito ni Cain, e," ani Jean sabay tingin kay Katherine na animo'y nagyayabang.Tuluyang nakalapit si Margaret at kunot-noo'ng napatingin kay Katherine."Oh by the way, Marga. Nakikilala mo ba siya?" ani Jean sabay turo kay Katherine. "Siya nga pala ang secretary ni Cain. Nang umalis ka ay siya ang nag-alaga sa kanya, umaga hanggang... gabi," makahulugan niyang saad.Hindi naman nakagalaw sa puwesto si Katherine. Gusto niyang magsalita pero napipi na siya ng reaksyon ni Margaret. Halatang gulat na gulat ito.Ilang sandali pa ay nagsalita, "Jean... pwede bang iwan mo muna kami. May gusto lang akong sabihin sa kanya.""Hindi pwede, baka saktan ka pa ng babaeng 'yan gaya ng ginawa niya sa'kin. Sinampal niy
NAPABALIKWAS ng bangon si Katherine. Pinagpapawisan at sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa masamang panaginip.Buong akala niya ay totoo ang sinabi ni Cain. Sobrang takot na takot siya. Nang magawang pakalmahin ang sarili ay saka lang napansin kung nasaang lugar siya."A-Anong ginagawa ko rito?" aniya nang mapagtantong nasa ospital siya.Hinawi niya ang kurtina'ng tumatabing saka tiningnan ang paligid. Nakita niya sa hindi kalayuan ang kaibigan at may kasama itong isang lalake."Katherine!" Mabilis ang paglapit ni Lian nang makitang nagising na ang kaibigan. "Pinag-alala mo 'ko, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," aniyang halos maiyak-iyak.Sa halip na tumugon ay nabaling ang tingin ni Katherine sa kasama nito. Hindi niya akalaing magkikita silang muli ni Luke. "Anong ginawa mo rito?""Nagkita kami ni Lian sa parking lot. Tinulungan ko siya at magkasabay na umalis pero nang daanan ka'y nakita naming nasa kalsada ka na, walang-malay," paliwanag ni Luke."Binuhat ka ni
MATAGAL at pinag-isipang mabuti ni Cain ang sasabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Mula na naman kay Margaret ang tawag. Nang balingan si Levi ay nagkibit-balikat ito. "Sige na, puntahan mo na kung kailangan ka pero 'wag mong kakalimutang magpunta mamaya sa bar, 'kay?"Walang salitang umalis sa opisina si Cain. Nagtagpo pa nga ang mga mata nilang dalawa ni Katherine pero bago makapagpaalam ay umiwas na ito ng tingin kaya hindi na siya nagsalita pa.Pagdating sa ospital ay naabutan niyang inaasikaso ng Nurse si Margaret. Ayon dito ay mataas ang lagnat ng dalaga dahil sa bone marrow transplant. Nais din siya nitong makita."Cain..." lumuluhang sambit ni Margaret kaya agad itong lumapit. "Sobrang sakit ng katawan ko. Sa palagay ko'y hindi ko kakayanin ang ganitong treatment. Natatakot akong baka bigla na lamang mawala sa mundo.""Ano ka ba, 'wag kang magsalita ng ganyan," saway ni Cain."Hinahanda ko lang ang sarili ko kaya bago mangyari 'yun, pwede bang humiling?""Ano 'y
NAKAHINGA nang maluwag si Cain nang marinig ang sinabi nito. Sa hindi malaman na dahilan ay napanatag siyang ayaw pirmahan ni Katherine ang divorce aggrement."B-Bakit, may hindi ka ba nagustuhan? Nakukulangan ka ba sa mga matatanggap mo?"Umiling si Katherine. "Hindi mo na kailangang bigyan pa ako ng property. Kapag maghihiwalay tayo, gusto ko ay 'yung walang remembrance. Ayoko ng kahit anong may kinalaman sa'yo, Cain. Mag-divorce tayo ng tahimik at magkalimutan na parang hindi magkakilala."Napatiim-bagang si Cain. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Alam mo'ng imposible 'yang sinasabi mo. Secretary kita--""Magri-resign ako pagkatapos. May nakahanda ng resignation letter at bukas ko ipapasa. But don't worry, hindi agad ako aalis sa kompanya ng walang nahahanap na kapalit, 'yung papasa sa standard mo."Kumuyom ang kamay ni Cain. "Sigurado ka ba? Baka magsisi ka lang.""Matagal na 'kong nagsisisi," bulong ni Katherine, sapat upang hindi nito marinig.Tumayo si Katherine. "Kung wa
SA KABILANG DAKO naman, kasama ni Jared ang fiancee dahil dalawang linggo na lamang ay gaganapin na ang kasal. Nasa venue sila ng reception room at tinitingnan kung wala bang magiging aberya.Habang kinakausap ni Sheena ang organizer ay yakap niya sa bewang si Jared nang bigla na lang itong humakbang palayo. "Sa'n ka pupunta?""May kokontakin lang ako." Nang makalayo ay tinawagan niya si Lian ngunit panay ring lang at ayaw sumagot. Makailang-beses niya pa iyong inulit ngunit wala talaga kaya si Ulysses ang tinawagan niya, "Si Lian, nakuha na ba sa ospital?"Palapit naman ng sandaling iyon si Sheena at narinig ang sinabi nito kaya hinila niya sa braso. "Ba't ang babaeng 'yun pa rin ang inaalala mo? Malapit na tayong ikasal pero busy ka pa rin sa kanya."Napabuga ng hangin si Jared saka tinago sa bulsa ang phone. "Sorry.""Bumalik na tayo," inis na sabi ni Sheena saka ito hinila.Nagpatianod naman si Jared hanggang sa tumunog ang phone."'Wag mong sasagutin," agap agad ni Sheena."Baka
NAPAKUNOT-NOO si Lian dahil tila pamilyar sa kanya si Jason ngunit nasisiguro naman na ngayon niya lang ito nakita."B-Ba't mo 'ko dinala rito?" Halata ang pag-iingat sa kilos ni Lian at makailang ulit pang tiningnan ang pinto."Don't worry, you'll be safe here."Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ni Lian. "Sino ka ba, hindi naman kita kilala para dalhin ako sa lugar na 'to."Umismid at natatawa pa nga si Jason sa narinig. "Hindi mo 'ko kilala kahit nagpakilala na 'ko sa'yo kanina?" Matapos ay humakbang palapit. "Uulitin ko, I'm Jason Enriquez. Kapatid ni Sheena."Biglang nanghina ang tuhod ni Lian sa narinig. Kung ganoon ay ito ang taong dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay doon sa Nursing Home. Ang siyang dahilan kung bakit siya nakunan at nagdurusa ngayon."A-Ano pa bang kailangan mo sa'kin?!"Nagkibit-balikat si Jason. "Wala naman, gusto lang kitang makilala ng mabuti." Sabay lahad ng kamay.Ngunit tiningnan lang ito ni Lian. "Papatay*n mo ba ako? Dahil naging palpak ang pl
MAKALIPAS ang ilang araw ay unti-unti nang gumagaling at bumubuti ang kalagayan ni Lian. Sa mga panahong iyon ay walang palyang pumupunta si Jared upang siya ay bisitahin.Hanggang sa dumating ang araw na ililipat siya sa mas malapit na ospital, ngunit siya na mismo ang nag-request na ilabas na lamang siya at ayaw niyang mas magtagal pa sa ospital."Gusto ko nang lumabas, Jared. Nag-aalala na 'ko para kay Mommy at Daddy, walang nag-aasikaso sa kanila maging sa naiwan kong trabaho.""'Wag kang mag-alala, tinutulungan ko ang mga subordinate mo habang hindi ka pa makakabalik. Tungkol naman kay Tita, wala kang dapat na ipag-alala dahil hindi niya alam ang nangyari sa'yo. Buong akala niya ay magaling ka na't abala lang sa trabaho."Kahit may assurance ang pagkakasabi nito ay hindi pa rin maiwasan ni Lian na mabahala. Dahil maituturing pa rin na kalaban si Jared, hindi niya pwedeng ipagkatiwala rito ang negosyo o pagkatiwalaan ang sasabihin nito.Lalo pa at main goal nito ay ang bumagsak si
NAPANSIN ni Katherine ang pagkuyom ng kamay at ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ni Cain.Walang duda na galit ito.Dumistansiya siya ngunit agad nahablot ang kanyang braso."Ba't hindi mo masabi sa'kin ang totoo?" anito."A-Ano bang sinasabi mo?" sa kaba ay nautal pa si Katherine saka binawi ang braso."'Wag ka nang magmaang-maangan pa, may sinabi si Luke bago natin siya iwan kanina." Habang ang mga mata ang nangingilatis, tila binabasa ang mukha nito.Kinabahan naman si Katherine, nananalangin sa isip na huwag sana ang pinagbubuntis niya ang sinabi nito. "A-Ano naman 'yun?"Napatiim-bagang si Cain. Hindi niya magawang sabihin ang nasa isip, baka masaktan lang siya kapag nalaman ang totoo. "Wala, magbihis ka na't baka malamigan ka pa," iyon na lang ang sinabi niya saka naglakad patungo sa pinto.Paglabas nito ay saka lang nakahinga nang maluwag si Katherine. Pagkatapos ay kumuha siya ng maipantatakip sa pagkain. Kahit muling naduduwal ay nagawa naman niyang takpan kaya hindi na
MAY PUNTO man ang sinasabi ni Cain ay hindi pa rin maatim ng konsensiya ni Katherine na hayaan na lamang ang dating kaibigan. "Hindi ba natin siya pwedeng tulungan, kailangan niyang madala sa ospital."Tiningnan ni Cain ang side mirror. "Kaya niyang makatayo nang maayos, it means, kaya niyang pumunta roon ng mag-isa."Nagbaba ng tingin si Katherine. Gusto niya talagang tulungan si Luke dahil sa kabila ng masama nitong ginawa ay may kabutihan pa rin itong ipinakita."Iyang awa mong 'yan talaga ang magpapahamak sa'yo," ani Cain saka ito inabot sa passenger seat.Awtomatiko naman na lumayo si Katherine nang biglang sumagi sa isip niya ang ginawang pananakit ni Luke. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay ramdam niya pa rin ang ginawa nitong pagsak*l.Napakunot-noo naman si Cain sa naging reaksyon nito. "Bakit, may problema ba?"Umiling-iling lang si Katherine, saka inayos ang collar ng suot na teacher's uniform. Hindi niya gustong makita nito ang kanyang leeg."Patingin ako," pangungulit
NANG mapansin ni Luke na tinutumbok sila ng pamilyar na sasakyan ay hindi na agad siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na minaneho paatras ang kotse."A-Anong ginagawa mo?!" hiyaw ni Katherine habang ang kamay ay nasa magkabilang tenga. Naiingayan sa malakas na busina ng paparating na sasakyan."Bw*sit ka, Cain!" sigaw ni Luke saka inilikong bigla ang kotse upang maayos siyang makapagmaneho.Nag-angat ng tingin si Katherine nang marinig iyon. Hindi akalaing ang sumusunod sa kanilang sasakyan ay si Cain ang nagmamaneho.Gusto niyang titigan nang mabuti upang makasiguro pero hindi siya makapag-focus gawa ng nasisilaw sa ilaw ng head light."Pa'no niya nalaman na nandito tayo?!" ani Luke saka nilingon ang katabi. "Ikaw?!"Umiwas lang ng tingin si Katherine saka binalik ang atensyon sa kotse ng asawa. Malinaw na niyang nakikita na si Cain nga ang nagmamaneho matapos nitong patayin ang ilaw at nakakabinging busina."Hindi ako makakapayag, hindi ka niya makukuha sa'kin!" makaputol-litid na
NAGLAHO bigla ang ngiti sa labi ni Luke. Hindi niya gustong iniiwasan na siya ngayon ni Katherine."Ihahatid na nga--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang itong naglakad palayo.Hindi na siya nag-isip pa at agad lumabas sa kotse upang habulin ito.Lakad-takbo ang ginawa ni Katherine makalayo lang, ngunit nagawa pa rin siyang mahabol nito at maharangan sa daraanan. Humigpit ang kapit niya sa bag at nanlalamig na sa kaba. Pakiramdam niya ay may gagawin itong hindi maganda kahit pa maraming tao sa paligid."A-Alis, sisigaw ako," babala niya.Ngunit balewala iyon kay Luke na bumuntong-hininga lang. "Katherine, hindi naman kita sasaktan. Hindi ako tulad ni Cain, kaya sumama ka na sa'kin, pwede ba?"Nagpalinga-linga sa paligid si Katherine, naghahanap ng daan para makatakas nang walang ano-ano, sa isang hakbang ni Luke ay napasinghap siya nang maramdaman sa tagiliran ang kakaiba at matulis na bagay. Akmang titingnan niya kung ano iyon nang akapin na siya nito at igiya pab
PAUWI na si Katherine ng mga sandaling iyon matapos ang panghapon na klase. May mangilan-ngilan pang estudiyante ang nasa eskuwelahan na nakakasabayan niya sa pag-alis."Goodbye, Ma'am~" sabi pa ng ilang mag-aaral habang kinakawayan siya."Ingat kayo sa pag-uwi," tugon naman ni Katherine habang palabas na ng gate.Sakto naman na tumunog ang phone niya sa bag kaya tumigil muna siya at sinagot ang tawag mula kay Cain, "Hello?""Tapos na klase mo, baby?" malambing na sabi ni Cain sa kabilang linya.Kumibot ang kilay ni Katherine, hindi pa rin sanay na tinatawag na siyang ganoon ni-- Asawa na nga pala niya ito kaya hindi na siya dapat pang magreklamo."Hmm, tapos na," aniya saka nagbaba ng tingin."Sige, hintayin mo lang ako sandali riyan."Huminga nang malalim si Katherine saka nag-angat ng tingin. "Pero nasa sakayan na 'ko ngayon-- May bus ng parating," pagsisinungaling niya pa. Kung kinakailangan ay iiwasan niya ito sa abot ng makakaya.Dahil hindi naman niya kailangan na magpaka-asawa
NAPAIGTAD sa gulat si Sheena at biglang naglaho ang tapang nang sumigaw ito. Nakaramdam siya ng panlalamig siya sa paraan ng pagtitig nito."Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!" singhal ni Jared. "Iyang magaling mong kapatid, pinapapat*y si Lian!""E, ano naman ngayon? Mahalaga pa rin ba sa'yo ang babaeng 'yun para magalit ka ng ganito?" Kahit may kabang nararamdaman ay sinagot-sagot pa rin ito ni Sheena.Nagngitngit ang bagang ni Jared sa galit at hindi na nga nakapagpigil, hinawakan nang mahigpit ang braso nito."A-Aray! Ano ba, nasasaktan ako!" ani Sheena na nagpupumiglas."'Di ba, ilang beses ko nang sinabi na 'wag na 'wag mong pakikialaman si Lian? Ba't ang tigas ng ulo mo?!" Habang nanlilisik ang mga mata ni Jared.Naluha si Sheena dahil nasasaktan na siya sa paraan ng paghawak nito. "Pakawalan mo na 'ko, Jared. Masakit na," pakiusap niya pa.Marahas naman na binitawan ni Jared ang braso nito sabay talikod. Dahil maiinis lang siya nang husto kung makikita niya itong umiiyak.Hin