Share

Classified Wife: The Mistaken Hooker
Classified Wife: The Mistaken Hooker
Author: Sinag

Chapter 1 - Ikaw

Isang liwanag ang dumadampi sa kanyang mga mata ang nagpadilat sa dalaga.

Sinubukan nyang bumangon upang takluban ang nakasisilaw na liwanag ngunit nayupi siya sa kirot na kanyang naramdaman. Halos ang buong katawan ay napadaan sa matinding pakikipaglaban. Hindi malaman kung ano ang kaniyang unang iindahin.

Upang malibang mula sa sakit, naisipan niyang sipatin ang paligid. Kanyang nasilayan ang silid na para bang dinaanan ng bagyo dahil sa kalat nito. Unti-unting pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kagabi.

Naramdaman niyang bigla ang lamig ng paligid na siyang nagpa-alala sa kanya na siya’s kasalukuyang n*******d.

Lumingon siya sa kanyang kanan at dun natagpuan ang lalaki.

Ito ay ang kanyang asawa.

Naalala nito ang bawat hawak at haplos ng lalaki sa kanya. Ang mariing pagdiin ng kanilang katawan sa isa’t isa. Maging ang pagsamo nitong ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Ang mukha ng dalaga ay tuluyan nang namula.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay nakarinig siya ng isang vibration. Agad siyang nahiga sa sobrang pagkabalisa. Ang kanyang mamula-mulang mukha kanina ay napaltan ng kaputlaan sa kaba.

Bumangon ang matangkad na lalaki mula sa pagkakahiga habang sapo ang kanyang noo, lumakad siya patungo sa mesa at sinagot ang tawag sa kanyang smartphone.

“Hmm?” usal nito na may pagkagaralgal.

“Ayo Marlo pare--, yung boses mo” puna ng nasa kabilang linya, “Teka nga, pinaglaruan mo yung babae jan magdamag?”

Lumingon ang lalaki sa direksyon ng dalaga na payapang natutulog sa kama.

Habang pinagmamasdan niya ito, nagbabalik sa kanyang ala-ala ang pangangatawan nito. Ang kanyang manipis na baywang, hanggang sa bawat parte ng kanyang malambot na katawan.

Ang kanyang pagtangis ang isa sa pinaka nagustuhan nito. Sapagkat ang kanyang bawat hiyaw ay parang panghaharana sa kanyang pandinig.

“Pag-usapan na lang natin yung chat mo..” saad ng binata para iwasan ang katanungan sa kanya.

“Eh kelan ka nga ba free to party? Tagal mo sa ibang bansa eh”

“Next week.”

“Alright..” pag-sang-ayon nito. “Nga pala, isama mo yung asawa mo. Yung pinakasal sayo ng Lola mo? Di manlang namin na-meet pre!”

Nang marinig ito ni Marlo, agad siyang nakaramdam ng kayamutan sa kanyang kausap at napakunot noo.

“Don’t expect. She won’t have my name anyway”

“Oooh, sounds like divorce! Papayag kaya yung babae?”

Napangisi ang binatilyo. “That’s the least of my concern. Maraming natural ways for that matter.”

“Dami mong satsat, gusto mo pa-Psych Test na kita? Baka after effects lang yan ng byahe mo from Macao!” pabirong ani ng kanyang kausap.

“If this is your way of telling me that you are free right now, Sean.. kaya ko magpadala ng mga ikakabusy mo.” aniya gamit ang malagom nitong boses.

“Damn bro, di ka naman mabiro eh. Ikaw naman. Busy kami” tugon nito.

Di na pinagtuunan ng pansin ni Marlo ang mga sinasabi ng kanyang kausap at pinatay ang tawag. Tumungo na siya sa banyo upang maglinis ng katawan nang madaanan niya ang kama.

Doon nakahiga ang babaeng nakasama niya ng buong gabi. Nararamdaman niya ang kagustuhang tanggalin ang kumot upang makitang muli ang katawan nitong nakapagpahina sa kanya kagabi.

Mukhang malalim naman ang tulog ng dalaga kung kaya napagpasyahan na lamang niyang ipagpatuloy ang planong maligo.

Ang tubig ay patuloy na lumalagaslas sa sahig nang maisipan nang bumangon ng babae. Narinig niya ang bawat salitang lumabas sa bibig ng lalaki.

Ayaw nito sa kanya.

At kung malaman nito na siya pala ang asawa niya, malamang ay baka kung ano pa magawa nito sa kanya. Kahit na mag-asawa sila sa papel. Hindi pa rin niya kilala ng lubusan ang lalake.

Bago pa man siya makita ni Marlo, agad na siyang nagbihis at umalis ng hotel room.

Nang makasakay sa jeep, agad niyang ipinahinga ang kanyang sarili sa upuan katabi ng bintana. Dinadama ang bigat ng kanyang mga karanasan.

Nakaraang taon nang malaman ng kanyang pamilya ang masamang karamdaman ng kanyang lola. Sa huling hininga nito, hiniling niya na magkaroon lamang maayos na tahanan at pamilya ang kanyang apo.

Nais niyang buhayin ang pangarap na ito ng kanyang lola. Upang kahit papano sa kanyang pagpanaw ay mabuhay pa rin ang diwa niya. Kung kaya napagdesisyonan niyang pumunta sa mga blind dates. Habang papunta siya sa kanyang blind date ay nakasalubong niya ang isang babaeng naging pamilyar sa kanya.

Ito ay naging kaibigan niya mula sa Alice Wonderland na isang ampunan na siyang boluntaryong sinusuportahan ng mga ito. Kinikilala siyang si Nanay Espi.

At nang malaman ng babae ang nais makipag-date ng dalaga ay agad siyang nakaisip ng paraan.

“Ay naku, Kara, iha, yung apo ko naghahanap ng mapapangasawa! Siya na lang kaya ang pakasalan mo?” aniya ng matanda.

Nais man tumanggi ng dalaga ngunit napaisip siya. Matagal na niyang kilala ang matanda. Halos best-friends na nga sila nito sapagkat madalas sila magkwentuhan maging pagtapos ng mga boluntaryong gawain. Mag-iisang taon na rin silang magkakilala nito.

Kung ang babaeng kausap niya ay may pusong mamon, may busilak na hangarin, at masiyahin na tao, ano pa kaya ang kaniyang apo?

Sa ganitong kaisipan, buong pusong tinanggap ni Kara ang alok na kasal.

Di naglaon ay ikinasal sila virtually at maging sa kasal ay halatang busy ang lalaki. Nang matapos ay nakuha naman nila ang kanilang marriage certificate. Dito napagtanto ni Kara na ang kanyang napakasalan pala ay ang magmamay-ari ng Razon Corporation.

Tinaguriang Senior Executive ng kumpanya ngunit ikinokonsiderang tagapagmana ng business ng pamilyang ito.

Ang nakatagpo niyang lalaki noon at ngayon ay siyang tunay na magkaibang pagkatao.

Kahit noon pa man, busy na talaga sa trabaho si Marlo. Mula noon wala nang naging ibang pagkikita ang mag-asawa.

Kung alam lang ni Kara kung gaano kalalim ang pagkasuklam ng lalaki sa kanya ay siya na mismo ang aatras sa kasal. Kahit na sinong babae naman ay aayaw sa isang kasal kung hindi naman siya nanaisin.

Napilitan lamang si Marlo sa kasalang iyon dahil nagpumilit si Lola Esperanza na magkaroon ng asawa ang apo. Hindi ito kumain ng limang araw hanggang sa pumayag ang binata sa gusto nito.

Para kay Kara, natupad na niya ang kahilingan ng kanyang lola sa kasal na ito. Sapagkat naniniwala siya na mapayapa na ang pagkakahimlay nito.

Isa sa pinakapinaguusapan sa siyudad si Marlo dahil siya ay isa sa mga pinakasubaybayang bachelors dito. Kahit na sino ay nais siyang malapitan dahil sa kagwapuhan nito.

Kaya nung nalaman ni Kara mula sa mga chismosa na nakauwi na sa Pilipinas ang kanyang asawa ay agad siyang tumungo sa hotel na hawak ng mga Razon.

Anim na buwan na din ang nakalilipas at walang paramdam ang binata. Naiisipan na din niya na baka hindi rin ito ang nais nung tao kung kaya nagpasiya na siyang makipag-usap para sa divorce.

Habang naglalakad sa lobby, bigla siyang hinablot ng isang lalaki.

Nais niya humingi ng tulong ngunit di alam kung pano.

Mabilis ang pangyayari kung kaya napatakip na lamang ng siya ng mata at nanalangin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status