Share

Chapter 1.1 - Ikaw

Matapos makaligo si Marlo, lumabas na siya ng banyo na may twalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan. Ang lalaki ay mayroong makinis na balat, malapad na pangangatawan ngunit may kaliitan ang baywang. Sa tipo ng kanyang pangangatawan ay tiyak na makakapagpalingon ng kahit na sino!

Lumapit siya sa kama upang alisin ang kumot. Wala na rito ang babae ngunit may nakita siyang bahid ng dugo. Napakunot-noo siya sa kaniyang napagtanto.

Habang napapa-isip ay tumawag sakanya ang Assisstant nitong si Yesper.

“Sir MR, natagpuan na po yung nanggugulo kagabi. Isang tsimay mula sa Nova Vistas” aniya.

Bakit naman kaya siya hahamunin ng isang katulong? Interes? Pera? Espiya?

Si Marlo ay tinaguriang respetadong tao dahil sa malalim na reputasyong iniingatan ng kanyang pamilya. Bilang isang tagapagmana, tungkulin niyang ipagpatuloy ay pagsuporta sa mga proyekto ng naturang siyudad bukod sa kanilang family businesses.

“Yesper, listen to me. Nova Vistas must go bankrupt tonight.” aniya na may awtoridad sa kanyang tinig.

Nakuha niya agad ang nais ng amo mula sa kalamigan ng boses nito.

“Got it, sir MR”

Di maalis ang paningin ni Marlo sa kumot na may dugo habang siya ay nagbibihis ng kanyang malinis at bagong damit. Unti-unting kumakalat sa isipan niya ang kuryosidad sa babaeng nakasama niya silid.

“Isa pa, gusto ko hanapin mo yung babaeng nasa hotel room ko kagabi.”

Nagtaka naman si Yesper sapagkat siya ang nagsiguro ng kalagayan ng silid na iyon bago pa man siya magpatuloy sa ibang gawain.

“Yes, Sir MR. Bukod po dito, do you have any other instructions?”

Patapos na siyang suotin ang kanyang polo kung kaya ay tumugon siya sa kanyang kausap.

“Remember that woman that my Lola insisted? I need our divorce paper, now.”

Bakas sa boses nito ang lalim ng kanyang kamuhian sa babae. Nang mamatay ang tawag ay agad na kumilos si Yesper.

---

Nang makababa na ng bus si Kara, bumili na muna siya ng contraceptive pills. Naituro sa paaralan nila na kung mapasailalim ka ng unwanted sex ay dapat una mong hakbang ay protektahan ang iyong sarili. Alam niya sa sarili niya na darating ang panahon na siya’y iiwanan ng kanyang asawa at makikipagdivorce.

Sa panahon ngayon, maraming matatalas ang mata at matatabil ang dila upang paliguan ka ng panghuhusga sa araw-araw. Ayaw na niya ng gulo para na din sa ikatatahimik ng kanyang buhay at pamilya. Isa lamang siyang bente-anyos na babae, ni hindi pa nga tapos ng kolehiyo. Walang katayuan, walang pagkakakilanlan.

Habang naliligo napatingin siya sa kanyang maliit na salaminan sa banyo. Nakita niya ang kanyang amuhing mukha, clear-skin at maganda. Napansin niya ang kanyang namamagang mga mata na siyang nagpa-alala sa kanya ng mga nangyari kagabi. Namula na naman ng tuluyan ang kanyang mukha kung kaya umiwas muna sya ng tingin sa salamin.

Hiyang hiya siya kada maalala niya ang pagsamo ng lalaki sa kanya. Hindi mawari kung anong dapat bang madarama sapagkat kung iisipin ay asawa niya naman ito. Sa puntong ito, nananaig sa kanya ang takot at pangamba.

Matapos siyang makaligo ay agad siyang nakatulog.

Nahihimbing na si Kara sa kanyang pagtulog nang makaramdam siya ng matinding pananakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Balak niya sanang uminom na lang ng biogesic o alaxan ngunit di niya alam kung san nanggagaling ang sakit.

Dalian na lamang siyang pumuntang hospital.

Nang matignan ng doktor doon nakita ang kanyang laman sa loob ay naapektuhan ng malubha.

“Is this your first time?” pagsisiyasat ng doktor.

Maging si Kara ay nagulat dahil mukhang bata pa ang nagsusuri sa kanya. May makinis at malumanay na kamay. Tila ba’y anak mayaman sa kalambutan ng palad nito.

Sa paglipad ng isip ni Kara mula sa mga nangyari kagabi at dahil na din sa sakit na kanyang iniinda namula na lang ang dalaga habang natango.

“Your corpus luteum had a recent traumatic extraction. Sa madaling salita, nadamage kasi may dumali. Well good news, di naman nagdugo so I can prescribe you with conservative treatment to ease the pain” aniya

Nakinig na lamang siya sa lalaki para hindi na rin siya matanong nito.

“Miss, sigurado ka bang dalaga ka na? May tumarantado ba sayo? We can call for help sa mga kapulisan natin. They’re just a mile away from here!” pagsusuyo nito.

Bakas ang pag-aalala sa tono ng doktor sapagkat halata sa wangis ng naturang pasyente na para itong teenager. Hindi katangkaran, maliit ang mukha, makinis ang balat, at mayroong maliit na baywang. Ang mga mata rin nito ay namumugto na siyang indikasyon ng matinding paghikbi na para bang walang tigil ang kanyang pagtangis.

“Ay naku, hindi! Hindi po! Ahm-- sa asawa ko po. May asawa na po ako..” pagtanggi ni Kara.

Napakunot-noo man ang doktor kung ito ba ay paniniwalaan niya o hindi. Bago pa man siya makapagtanong uli ay may tumawag na sa kanya.

“Doc Caridad, patient in bed 5 need to fill at ICU” aniya. Tumalima naman ang lalaki upang gamutin ang nasabing pasyente.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Kara.

Nais niya lamang maibsan ang nararamdamang kirot sa kanyang kalamanan. Hindi para mausisa pa at mahusgahan pa. Bumili na siya ng kanyang gamot sa botika ng hospital at umuwi na agad. Naiisip niya pang pumasok sa trabaho kinabukasan ngunit grabe ang side-effects ng gamot kung kaya naisipan niya na lang mag-day off.

Halos katatapos lang magtanghalian nang magising siya sa pag-vibrate ng kanyang smartphone. Nang makita niyang tatay niya ang natawag ay agad niyang sinagot.

“Kara! Jusko, yung nanay mo! Di ko alam nangyari eh-- Basta natripan daw habang nagseserbedora sa Rise On Hotel!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status