Rise On Hotel. Elevate your stay.
A place with world-class amenities. Upon admission, spa treatment and relaxation activities is offered to every client. A dedicated set of individuals are ready to elevate the experience.
Tumigil sa entrance ng hotel na ito ang isang Rolls-Royce Droptail. Ang mga tauhan ay pumila upang sabay sabay na batiin ang pagdating ng bisita. Isang binatilyo ang marahang bumaba rito na parang bang ito ang pinakaiintay ng lahat.
Si Marlo.
Ang kanyang kisig na hindi maitatagong dahilan ng paglingon na kahit na sinuman. Pansinin din sa binata ang tangkad ng kanyang pangangatawan dahil sa kanyang mahabang bias.
Kasunod niya sa pagbaba si Yesper, hawak ang dokumentong naglalaman na ng divorce agreement. Sa kanilang pagpasok sa establishamento, nagsalita ito.
“Sir MR, you mentioned that you want to purchase a land. Earlier, I have arranged a land with small vacation house in Tagaytay for Ms. ER’s Lady. Malapit ito sa sakayan at palengke. You think it’s enough?”
“Yeah” walang alinlangang tugon ni Marlo.
Hindi naman bago sa kanya ang perang lulustayin. Ang Lola Esperanza niya lang naman ang may gusto sa babae, hindi siya!
Nakaramdam siya ng pagkakasala sa babaeng yon matapos siyang maka-one night stand ng ibang babae. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng awa ngunit isa na din itong paraan para mabayaran na lang ang kabaitan nito sa lola niya.
“Don’t let Lola Espi know about this, got it?” pagsiguro ng lalaki.
Kahit anong mangyari, hindi dapat lumala ang sitwasyon ng kanyang lola.
Natigilan sa paglalakad nang huminto si Yesper. Umusal ng katanungan si Marlo dahil hindi basta-basta nahinto ang kanyang Assistant ng walang ibang rason.
“I cannot be mistaken.. That’s her!” aniya habang patuloy ang pagtitig sa isang dalagang kakapasok lang ng hotel.
Ang babae ay may suot na puting polo, baston na jeans, at para bang may student ID pang suot. Siya’y hindi katangkaran, maputi ang kutis, maganda at clear-skin, at mayroong maliit na baywang.
Sa isipan ni Marlo naglalaro ang mga katanungan. Hindi niya natitigan ng maayos ang babaeng ipinakasal sa kanya online. Busy siyang pumirma ng mga papeles kung kaya wala siyang oras upang magbigay pa ng oras. Ni kahit isang lingon ay di niya manlang naibigay para sa dalaga.
Kahit na ito ang unang beses na makita niya ang babae, sa totoo lang ay nakakaramdam si Marlo ng kakaiba. Tila ba’y nagkita na sila noon?
Matalas pa rin naman ang memorys niya ayon sa kanyang paniniwala. Kung kaya sigurado siya na di niya pa nakikita ang dalaga kahit kailan.
Mula sa kinatatayuan nila, tanaw nila ang sitwasyon ng babae. Inalalayan siya ng isang clerk patungo sa elevator ng Crimson Hub. Hiwalay na floor para sa lahat ng mga guests na nais magparty during their stay.
May dumaang dalawang personnel mula sa club ang dumaan sa kanilang gilid habang tulak ang isang cart.
“Ano pre, may nakalimutan pa ba tayo? Tandaan mo si Sir Edgar to! Ayaw mo naman magalit yon diba?”
“Oo naman! Kahit ang weirdo lagi ng mga requests non. Partida yung babae pang sinundo jan sa help desk parang bata pa ata eh. ‘Di ba delikado yon?”
“Manahimik ka nga. Pasalamat ka na nga lang at tiba-tiba kung magbigay eh! Saka anong malay mo baka trabaho na talaga yun nung babae”
“Kunsabagay, iba talaga magagawa ng pera no? Kayang gumanda basta pera ang pinampapahid. Gaano kadaming lalaking may-asawa na kaya nai-kama non?”
Tuluyang nagkukwentuhan habang naglalakad ang mga personnel hanggang sa narating na nila ang elevator.
Nais mamanggitan ni Yesper. Hindi natural para sa isang kolehiyanang dalaga ang pumasok sa isang club. Napapansin niya ang pagkunot-noo ng kanyang amo kung kaya di na niya napigilang magprisenta.
“Do you want me to investigate on her, Sir MR?” aniya
Agad napalingon si Marlo sa katanungang ito at tumugon!
“Well, of course!” aniya.
Ang babae nga kayang ito ay isang chipipay na naghahangad lang ng kayamanan ng kanyang pamilya? Dahil kung hindi, ano ang gagawin ng dalagang ito rito?
Higit sa lahat ng kanyang kinaiinisan.. ay ang mga sinungaling.
Sa panig naman ni Kara, ay napupuno ng kaba ang kanyang damdamin. Hindi sinasagot ang kanyang bawat pag-ring sa smartphone. Nananalangin kasabay ng bawat hakbang na sana ligtas ang kanyang ina. Higit na makapangyarihan ang pag-aalala niya para sa kanyang ina kaysa sa kahit anumang karamdaman niya ngayon.
Naihatid siya ng personnel sa isang silid kung kaya’t pumasok na siya. Sa loob ay isang magandang kwarto na may mamahaling kagamitan.
Wala rito ang kanyang ina.
Paalis na siya ng silid nang marinig niya ang pagkandado sa labas ng pinto. Sa kanyang pagtataka hinawakan at kinatok niya ang pintuan.
“Finally, my baby is here..”
Isang mapang-akit na tinig ang nakapagpangilabot kay Kara..
“Ikaw..? Anong binabalak mo?” pagtatakang tanong ng babae.
Pagkalingon niya ay namataan ang isang pamilyar na lalaki. Ang pormahan nito ay paranng nasa bakasyunan. May suot na ternong floral-printed na polo at short na may puting shirt sa loob.
Sa pagkilatis ni Kara sa kanyang mukha, nakilala niya ito. Kaklase niya ito, minsan lang pumasok pero laging mataas ang grado. Madalas siyang magsuspetya na ang lalaki ay may palihim na kalakaran sa kanilang paaralan dulot na rin ng kayamanan nito. Ngunit hindi na ito pinapansin pa ni Kara sapagkat busy siya mag-ipon ng pera at mag-aral.
Mukhang nais rin naman siyang gapiin ng lalaking ito. Masama ang kutob ni Kara sa sitwasyong ito..
Sinubukan niyang tumakbo paloob ng silid, humanap ng maaaring matakasan na daanan. Ngunit di pa man siya nakakalayo ay nahablot na ng lalaki ang kanyang braso.“Are you scared, my Princess?” mapang-akit na suyo nito na may ngisi sa kanyang mga labi.“Ano ba tong ginagawa mo, Edgar?! Bitawan mo ko!”“Aba, Kara, ibinenta ka sakin ng tatay mo. Tamang-tama lang pagdating mo para pa-initin ako..”Hindi maintindihan ni Kara kung san galing ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking ito. Nananatili sa kanyang isip na nais niyang mapatunayang ligtas ang kanyang ina kahit anong mangyari.“Lasing ka ba? Coz’ you’re saying non-sense!” tugon nito.“Fernando Tisoy. Tatay mo diba?” ani ni Edgar na may hindi mapawing ngisi.Pinakita ni Edgar ang kanyang smartphone sa dalaga ang isang online cash transaction app. Nakalagay dito ang resibo ng pagpapa
Dahil sa aksidenteng pagkukrus ng landas ni Marlo at Kara, nagsagawa ng imbestigasyon si Yesper.Mayroong isang former employee ang siyang kamakailangan napabalitang naglalabas ng impormasyon ng kumpanya. Aniya, may isang babae ang nagnanais malaman kung ano ang pangalan ng Senior Executive ng kumpanya. Hindi rin naman siya tumanggi ipagsabi sapagkat may kapalit naman daw itong sapat na halaga.Inamin ng manggagawa na ang babae ay nagngangalang Kara Tisoy. Isang motibong na nagpapatunay na ang kasalan ni Kara at Marlo ay planado magmula sa pagmamanipula ng kabaitan ni Ms. Esperanza Razon.Ibinalita ito ni Yesper sa kanyang amo na siyang atomatikong nagpakulo ng dugo nito. Kung hindi dahil sa kasalang ito, hindi magpapakagutom ang babae na magdadala sa kasamaan ng kanyang karamdaman. Naiisip niyang sisihin ang kanyang sarili. Paano niya nagawang pabayaan ang kanyang lola na makatagpo ng mga ganitong klaseng tao?&n
Isang liwanag ang dumadampi sa kanyang mga mata ang nagpadilat sa dalaga.Sinubukan nyang bumangon upang takluban ang nakasisilaw na liwanag ngunit nayupi siya sa kirot na kanyang naramdaman. Halos ang buong katawan ay napadaan sa matinding pakikipaglaban. Hindi malaman kung ano ang kaniyang unang iindahin.Upang malibang mula sa sakit, naisipan niyang sipatin ang paligid. Kanyang nasilayan ang silid na para bang dinaanan ng bagyo dahil sa kalat nito. Unti-unting pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kagabi.Naramdaman niyang bigla ang lamig ng paligid na siyang nagpa-alala sa kanya na siya’s kasalukuyang nakahubad.Lumingon siya sa kanyang kanan at dun natagpuan ang lalaki.Ito ay ang kanyang asawa.Naalala nito ang bawat hawak at haplos ng lalaki sa kanya. Ang mariing pagdiin ng kanilang katawan sa isa’t isa. Maging ang pagsamo nitong ipagpatu
Matapos makaligo si Marlo, lumabas na siya ng banyo na may twalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan. Ang lalaki ay mayroong makinis na balat, malapad na pangangatawan ngunit may kaliitan ang baywang. Sa tipo ng kanyang pangangatawan ay tiyak na makakapagpalingon ng kahit na sino!Lumapit siya sa kama upang alisin ang kumot. Wala na rito ang babae ngunit may nakita siyang bahid ng dugo. Napakunot-noo siya sa kaniyang napagtanto.Habang napapa-isip ay tumawag sakanya ang Assisstant nitong si Yesper.“Sir MR, natagpuan na po yung nanggugulo kagabi. Isang tsimay mula sa Nova Vistas” aniya.Bakit naman kaya siya hahamunin ng isang katulong? Interes? Pera? Espiya?Si Marlo ay tinaguriang respetadong tao dahil sa malalim na reputasyong iniingatan ng kanyang pamilya. Bilang isang tagapagmana, tungkulin niyang ipagpatuloy ay pagsuporta sa mga proyekto ng naturang siyudad bukod sa kani