Share

Chapter 3 - Pagkilatis

Sinubukan niyang tumakbo paloob ng silid, humanap ng maaaring matakasan na daanan. Ngunit di pa man siya nakakalayo ay nahablot na ng lalaki ang kanyang braso.

“Are you scared, my Princess?” mapang-akit na suyo nito na may ngisi sa kanyang mga labi.

“Ano ba tong ginagawa mo, Edgar?! Bitawan mo ko!”

“Aba, Kara, ibinenta ka sakin ng tatay mo. Tamang-tama lang pagdating mo para pa-initin ako..”

Hindi maintindihan ni Kara kung san galing ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking ito. Nananatili sa kanyang isip na nais niyang mapatunayang ligtas ang kanyang ina kahit anong mangyari.

“Lasing ka ba? Coz’ you’re saying non-sense!” tugon nito.

“Fernando Tisoy. Tatay mo diba?” ani ni Edgar na may hindi mapawing ngisi.

Pinakita ni Edgar ang kanyang smartphone sa dalaga ang isang online cash transaction app. Nakalagay dito ang resibo ng pagpapadala niya ng pera.

‘₱200,000. Yan lang ang halaga ko sa kanya?’ sumiklab ang galit sa puso ni Kara matapos niyang makita ang resibo.

Yumakap sa kaniya ang lalaki at bumulong, “Kung di ka pa kasi nagpakipot, hindi na ko magiging marahas sayo” aniya habang marahang hinahaplos ang balikat nito.

Nang makita ni Edgar ang picture ng dalagang ipinakita ni Fernando, sinigurado niyang makakasama niya ito sa isang silid.. isang di malilimutang gabi.

“You don’t have to worry, Princess. Maliit na bagay lang yung pera na yon.. kapag napaligaya mo ko ngayon, madadagdagan pa yan..” bulong ni Edgar habang lumalapit sa kaniya, sumusubok makakuha ng halik!

Pilit na ibinaling ni Kara ang kanyang ulo mula kanan hanggang kaliwa ng paulit-ulit habang tikom ang bibig upang maiwasan ang nais ni Edgar. Hinapit siya sa baywang ng lalaki ngunit nagpupumiglas pa rin ang babae. Sobrang nais nang mahagkan ni Edgar ang babae kung kaya’t nandilim ang paningin niya sa ginagawang pagtanggi nito.

Hinawakan niya ang buhok nito at hinagis ang babae sa may coffee table!

Sa pagtilapon ni Kara naramdaman niya ang matinding kirot sa kanyang likuran. Matinding kirot na nagdudulot kung bakit hirap siyang huminga ng panandalian. Di rin nagtagal ay nalasahan niya ang kaniyang sarilin dugo mula sa kanyang bibig. Tila ba galing sa loob  ng kanyang katawan ang pagdurugo!

“Wag mo na kasi ko pahirapan pa! Tamo nasaktan ka pa!”

Tinignan lamang siya ni Kara ng masama. Wala siyang balak pag-aksayahan ng oras ang lalaking ito. Kailangan na niyang makaalis ng silid na iyon para sa nanay niya.

“Ah gusto mo harasang paraan ha, sige jan tayo magsisimula..” muling bumalik ang kalandian sa tono ng pananalita nito.

Hinablot ng lalaki ang buhok ng babae gamit ang kanyang kanang kamay. Kasabay nito ang pagbukas ng kanyang zipper gamit isa pa.

Ayaw ni Kara mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong paraan hihinto ang kanyang buhay. Nang dahil sa desperasyon, gagamitin na niya ang kanyang alas..

“Kasal na ko, g*go ka! Di mo nanaisin makipagbanggan sa asawa ko!”

Natigilan si Edgar sa kanyang ginagawa. Binitawan ang babae saglit at pinagatawanan siya.

“Pucha, wala kong pakialam kung may asawa ka. Ako si Edgar Felipe, sinong hahamon sakin?!” pagmamayabang nito.

Mukhang hindi rin naman natinag ang lalaki kaya namutla si Kara sa kanyang narinig. Akmang babalik na sa dating pwesto ang binata kung kaya nag-isip muli ng paraan ang babae.

Walang sinumang ordinaryong tao ang makakapanindak sa kanya. Kung ang lalaking ito ay isa sa mga mayayamang korporal sa bansang ito, malamang isang mayaman din ang makakapagligtas sa kanya. Alanganin mang banggitin ngunit ito na ang tamang oras para dito.

“I am married with Marlo Akijo Razon!”

Napahinto sa pagkilos si Edgar. Ang pangalan na iyon ay isa sa mga importanteng pangalan. Nangunguna sa pinakanirerespeto ng kaniyang pamilya.

“Marlo? Yung Senior Executive ng Razon Corporation?”

Tumango si Kara bilang tugon. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nais maniwala ni Kara na ito na ang kaniyang pagkakataon upang mangibabaw sa kalokohan ito. Naglaho ang pag-asang iyon nang matawa ang binata.

“Isang Razon? HAHAHA! Ikaw pala tong hibang eh. Baka kumain pa ko ng lupa kung totoong asawa mo yon!”

Sa pagitan ng pagtawa nito ay lalo lang naiinis si Edgar dahil para bang iniinsulto siya nito. Nais na niyang magawaran ng serbisyo dahil di rin naman siya magbibigay ng effort sa silid na iyon kung di dahil sa nabiling magandang dilag na ito.

Sinubukan ni Kara tumakas sa silid na iyon. Nagpatuloy ang hatakan nila hanggang sa nalaglag mula sa bag ng babae ang isang box ng pills. Napansin ito ni Edgar at agad na kinilatis.

Humahanap ng maaaring takasan ang babae sa bintana. Habang ginagalaw niya ang bisagra, nilapitan siya ni Edgar upang kilatisin ang katawan ng babae.

Hinatak ng lalaki ang polo ng babae na siyang naglantad ng mga pulang marka sa kanyang eskapula. Nagbalik sa kanyang ala-ala ang pagpapaubaya ni Fernando sa kanya na para bang humihiling ng pag-iingat sa babae. Inakala niyang malinis at birhen pa ang babae ngunit nang makita niya nag pill, sigurado siyang marami na itong nakalantaring lalaki.

“Akala ko pa naman virgin ka pa… iba’t ibang lalaki na pala ang lumaway sayo” napawi ang ngisi sa labi ng binata, “Kung ganon, kaya mo na din gawin kahit ano.” malagom na sabi nito at itinulak ang dalaga sa pader.

Hinawaka niya ng mahigpit ang dalwang kamay ng dalaga sa ibabaw nito. Mariin niyang inilapit ang kanyang sarili upang makahalik ngunit nakarinig sila ng doorbell.

Ito na ang pagkakataon ni Kara, buong lakas siyang sumigaw, “Tulong!!!”

Lumawak muli ang ngisi ni Edgar, sumigaw din ito, “Come in!”

Mula sa pintuan ay pumasok ang isang personnel na may dalang cart.

“Sir Felipe, ito na po yung ni-request niyo..” banggit nito habang inaayos ang ilang mga lamanin ng cart.

Marahas siyang binitawan ni Edgar. Kumuha ng isang wine at isang baso ang personnel. Hinawakan ni Edgar ang baso at saka naglagay ng alak ang personnel.

Nanlumo siya si Kara sa kanyang nakita. Mukhang na-kontrata na ang lalaking iyon. Hindi siya makakakuha ng tulong sa kahit na sino mula doon.

Nasilayan ni Edgar ang kawalan ng pag-asa sa kaniyang mukha. Kaya ginamit niya itong oportunidad para mas lambingin pa ang babae.

“Why don’t you save your energy, baby? For sure marami pa tayong sigawan session mamaya…” aniya habang hinahalo ang wine.

Akmang paalis na ng personnel. Nakakita na naman ng pagkakataon si Kara. Alam niyang di na siya makakaalis sa kwartong ito kapag nagsara ang pintuang iyon kasama ang lalaki.

Naglakas loob siya at hinarangan ang cart. Buong lakas na itinulak sa personnel na siyang rason para maatrasan din si Edgar!

Kumirot muli ang kanyang tyan at likuran, ngunit walang oras na masasayang! Pinilit niyang tumayo at tumakbo sa direksyon ng pintuan. Dapat makaalis na siya roon dahil mukhang malabong makita pa ang nanay niya sa lugar na iyon.

“Lintek kang puta ka! Humanda ka sakenn!!” narinig ni Kara bago siya makalabas ng kwarto.

Wala na siyang pakialam basta ang nasa isip niya ngayon ay makarating sa lobby ng hotel. Alam niyang maraming tao don at safe don. Mula sa kilalang pamilya ang mga Felipe kaya di niya gugustuhin gumawa ng gulo!

Sa pagliko niya, natanaw niya na agad ang elevator. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki ang pumasok rito.

“Sandale!” hirap man ay napasigaw pa rin siya upang umabot siya sa elevator.

Natigilan ang lalaki sa may pintuan ng elevator. Kung kaya kumaripas ito ng takbo gamit ang maliliit nitong mga bias. Nang makalapit siya, di na kinaya ng kanyang katawan ang pagod at mga iniindang sakit sa katawan kung kaya napahulog siya sa bisig ng binata. Sinubukan niyang habulin ang kanyang hininga..

“Sorry.. mayroon kasing..” nais magpaliwanag ni Kara upang humingi ng tulong.

Sa kasamaang palad.. kilala niya ang lalaking nasa harapan niya.

Bakit sa lahat pa ng lalaki sa mundo ay siya pa? Hindi siya pwedeng magkamali dahil itong makisig at gwapong lalake na nasa harap niya may malalim na pagkamuhi sa kanya..

It is her husband.. Marlo Akijo Razon.

Namula ang mga mata ni Kara, na siyang naging hudyat ng luha sa kanyang mga mata. Kasabay nito ang mahigpit na kapit niya sa braso ni Marlo.

Ang halimuyak ng babae ay nagbibigay ng kakaibang feeling kay Marlo. Parang pamilyar ito ngunit hindi niya mawari kung mula saan. Tumigil ang tibok ng puso niya nang maalala niya ang isang babae. Yung babaeng naka-one night stand niyang biglaang nawala sa hotel room..

Nabalik siya sa katinuan nang maramdaman niyang magsasara na ang elevator. Kung kaya naitulak niya ang babae palayo sa kaniya. Naramdaman ni Kara ang paghampas ng katawan niya sa haligi ng elevator door, muling kumikirot ang mga pinsala sa kanya.

Tinignan niya ng may kalamigan ang dalaga hanggang sa umiwas siya ng tingin. Hindi ito importante sa kanya at para bang nagiinarte lamang ito para sa awa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status