Dahil sa aksidenteng pagkukrus ng landas ni Marlo at Kara, nagsagawa ng imbestigasyon si Yesper.
Mayroong isang former employee ang siyang kamakailangan napabalitang naglalabas ng impormasyon ng kumpanya. Aniya, may isang babae ang nagnanais malaman kung ano ang pangalan ng Senior Executive ng kumpanya. Hindi rin naman siya tumanggi ipagsabi sapagkat may kapalit naman daw itong sapat na halaga.
Inamin ng manggagawa na ang babae ay nagngangalang Kara Tisoy. Isang motibong na nagpapatunay na ang kasalan ni Kara at Marlo ay planado magmula sa pagmamanipula ng kabaitan ni Ms. Esperanza Razon.
Ibinalita ito ni Yesper sa kanyang amo na siyang atomatikong nagpakulo ng dugo nito. Kung hindi dahil sa kasalang ito, hindi magpapakagutom ang babae na magdadala sa kasamaan ng kanyang karamdaman. Naiisip niyang sisihin ang kanyang sarili. Paano niya nagawang pabayaan ang kanyang lola na makatagpo ng mga ganitong klaseng tao?
Mas lalong nagliyab sa galit ang binata. Kung kaya’t sinamahan ni Marlo sa elevator si Yesper at inutusan ito.
“Close the door.” aniya. Itinaas ni Yesper ang kamay upang abutin ang button.
Mula sa di kalayuan ay may natatanaw silang pigura ng isang lalaki. Namukhaan ito ni Kara at walang iba kundi ang lalaking nais ang katawan niya. Kilala niya si Edgar bilang isang bully sa paaralan at wala talagang nakakatakas sa paghihiganti niya.
Wala nang ibang pamimilian si Kara kundi ang lalaking nasa elevator ngayon. Ito na ang huling tali niya.
“Honey.. ako ito. Hindi mo ba ako nakikilala?”
Nang marinig ito ni Marlo, namintig ang kanyang tenga. Isang sampal sa kaniya ang pagsasalita ng babaeng ito sa kanya. Walang kibot o kahit anong bakas ng pagkadismaya, tumugon siya.
“You signed a contract for a secret marriage. Do I have to remind you that?”
Ramdam ni Kara ang panlalamig ng lalaki sa kanya sa bawat kumikirot niyang kalamnan. Naalala niya na matapos ang kasalan ay pimirma sila ng kontrata na nagsasaad ng confidentiality na walang sinuman ang dapat makaalam ng kanilang pag-iisang dibdib bukod sa mga taong pinagkakatiwalaan ng pamilya nila.
Sa puntong ito, wala namang pakialam si Marlo sa kanya.
Nakahabol sa babae si Edgar at nais na sanang magmura sapagkat pinahabol siya nito. Napansin ni Marlo ang pagdating ng binata kung kaya nagtanong ito.
“What brings you here?”
Nanginig ang mga tuhod ni Edgar nang marinig niya ang tinig ng lalaki sa elevator. Sa isipan nito ay malas niya sa pagkakataong ito at baka mahuli pa siya ng lalaking yon. Hindi kakayanin ng buong pamily ang mga Felipe na bastusin ang kahit na sino man mula sa mga Razon. Kailangan niyang magpabango ng pangalan, yan ang kanyang misyon.
“Ah, de ano--, wala yung kaklase ko lang, inaya lang ako dito..” tugon niya.
Hindi maatim ni Kara ang sagot niya kung kaya nagsalita siya, “May balak siyang galawin ako!” buong lakas niyang sambit.
“Pucha, manahimik kang p*ta ka! Ikaw nga tong nang-aakit saken eh!” sagot nito. Ayaw ni Edgar na madungisan ang pangalan ng kanyang pamilya kung kaya gagamitin niya na itong pagkakataon para magpakitang gilas.
“Malandi na, sinungaling pa! Aba, nakipagkontsabahan pa sa tatay niya para sa pera ko, Bro!” giit pa nito. Dumukot siya sa kanyang bulsa at ipinakita sa mga lalaki..
“Marlo, tignan mo nalaglag pa tong mga pills sa bag niya. Kung di siya kaladkarin eh bakit may ganto?!” sumabat pa nito.
Hindi makapaniwala si Kara sa mga naririnig niya kay Edgar. Talagang balak siyang siraan ng lalaking ito sa asawa niya. Halos manakit na rin ang kanyang lalamunan sa pagipit ng nagbabadyang luha.
“Hindi, hindi ganun yun…” mahinang usal ng babae.
“Hindi? Edi masisisiguro mong maibabalik mo ang perang tinangay ng tatay mo saken?” panguudyok pa ni Edgar.
Maraming alas na hawak ang lalaki. Sigurado na, na wala nang ibang rebat pa si Kara sa sitwasyong ito. Kahit ano namang sabihin niya, wala parin siyang ligtas. Walang maniniwala na maging siya ay naloko ng tatay niya, nagawa siyang ibenta para lang sa sapat na halaga.
Sa paningin ni Marlo, nanahimik ang babae kasi guilty siya. Pinatunayan lang nito na isa siyang magnanakaw, huwad, and walang ibang inisip kundi pera lang.Isang liwanag ang dumadampi sa kanyang mga mata ang nagpadilat sa dalaga.Sinubukan nyang bumangon upang takluban ang nakasisilaw na liwanag ngunit nayupi siya sa kirot na kanyang naramdaman. Halos ang buong katawan ay napadaan sa matinding pakikipaglaban. Hindi malaman kung ano ang kaniyang unang iindahin.Upang malibang mula sa sakit, naisipan niyang sipatin ang paligid. Kanyang nasilayan ang silid na para bang dinaanan ng bagyo dahil sa kalat nito. Unti-unting pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kagabi.Naramdaman niyang bigla ang lamig ng paligid na siyang nagpa-alala sa kanya na siya’s kasalukuyang nakahubad.Lumingon siya sa kanyang kanan at dun natagpuan ang lalaki.Ito ay ang kanyang asawa.Naalala nito ang bawat hawak at haplos ng lalaki sa kanya. Ang mariing pagdiin ng kanilang katawan sa isa’t isa. Maging ang pagsamo nitong ipagpatu
Matapos makaligo si Marlo, lumabas na siya ng banyo na may twalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan. Ang lalaki ay mayroong makinis na balat, malapad na pangangatawan ngunit may kaliitan ang baywang. Sa tipo ng kanyang pangangatawan ay tiyak na makakapagpalingon ng kahit na sino!Lumapit siya sa kama upang alisin ang kumot. Wala na rito ang babae ngunit may nakita siyang bahid ng dugo. Napakunot-noo siya sa kaniyang napagtanto.Habang napapa-isip ay tumawag sakanya ang Assisstant nitong si Yesper.“Sir MR, natagpuan na po yung nanggugulo kagabi. Isang tsimay mula sa Nova Vistas” aniya.Bakit naman kaya siya hahamunin ng isang katulong? Interes? Pera? Espiya?Si Marlo ay tinaguriang respetadong tao dahil sa malalim na reputasyong iniingatan ng kanyang pamilya. Bilang isang tagapagmana, tungkulin niyang ipagpatuloy ay pagsuporta sa mga proyekto ng naturang siyudad bukod sa kani
Rise On Hotel. Elevate your stay.A place with world-class amenities. Upon admission, spa treatment and relaxation activities is offered to every client. A dedicated set of individuals are ready to elevate the experience.Tumigil sa entrance ng hotel na ito ang isang Rolls-Royce Droptail. Ang mga tauhan ay pumila upang sabay sabay na batiin ang pagdating ng bisita. Isang binatilyo ang marahang bumaba rito na parang bang ito ang pinakaiintay ng lahat.Si Marlo.Ang kanyang kisig na hindi maitatagong dahilan ng paglingon na kahit na sinuman. Pansinin din sa binata ang tangkad ng kanyang pangangatawan dahil sa kanyang mahabang bias.Kasunod niya sa pagbaba si Yesper, hawak ang dokumentong naglalaman na ng divorce agreement. Sa kanilang pagpasok sa establishamento, nagsalita ito.“Sir MR, you mentioned that you want to purchase a land. Earlier, I have arranged a
Sinubukan niyang tumakbo paloob ng silid, humanap ng maaaring matakasan na daanan. Ngunit di pa man siya nakakalayo ay nahablot na ng lalaki ang kanyang braso.“Are you scared, my Princess?” mapang-akit na suyo nito na may ngisi sa kanyang mga labi.“Ano ba tong ginagawa mo, Edgar?! Bitawan mo ko!”“Aba, Kara, ibinenta ka sakin ng tatay mo. Tamang-tama lang pagdating mo para pa-initin ako..”Hindi maintindihan ni Kara kung san galing ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaking ito. Nananatili sa kanyang isip na nais niyang mapatunayang ligtas ang kanyang ina kahit anong mangyari.“Lasing ka ba? Coz’ you’re saying non-sense!” tugon nito.“Fernando Tisoy. Tatay mo diba?” ani ni Edgar na may hindi mapawing ngisi.Pinakita ni Edgar ang kanyang smartphone sa dalaga ang isang online cash transaction app. Nakalagay dito ang resibo ng pagpapa