Share

Kabanata 005

AT THE HOSPITAL

Nagmamadali akong pumasok  sa kwarto ng ospital, dala ang ilang supot ng prutas at gamot para kay Mama.

"Mama" parang akong bata na pinakita ang supot na aking dala "binilhan kita ng mga paborito mong pagkain at prutas, kamusta ka naman po dito ? sa susunod bibilhan kita ng tablet para may pagkakalibangan ka kapag nasa trabaho ako. parang bored na bored ka na dito e" nakangiti kong sabi sa kaniya habang binabalatan ko ang orange na aking nabili para sa kaniya.

Nagtataka man si Mama pero napangiti pa rin siya ng makita ako. Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti, bakas ang panghihina ng kaniyang katawan, at ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kaniyang lakas. Hindi na siya kasing sigla gaya noon.

“Anak… baka wala nang natitira para sa’yo,” mahinang pagkakasabi sakin ni Mama, pilit man niyang itago sa akin ang kaniyang totoong nararamdaman ay dama ko ang sakit sa kaniyang mga mata sa tuwing makikita niya ako. Alam kong sumasama ang loob niya dahil palagi niyang iniisip na pabigat siya sa akin. “Alagaan mo rin ang sarili mo… Hindi na natin kayang ituloy pa ang ganitong kalaking gastos. Sapat na ang ibinibigay mo para sa akin. Huwag mo nang isakripisyo ang kinabukasan mo. Okay na ako anak, atleast mawala man ako sa mundong ito alam kong nasa maayos kang kalagayan”

Hindi ko mapigilan ang bahagyang panginginig ng aking mga kamay, ngunit alam kong kailangan kong magpakita ng katatagan sa harapan ni Mama, hindi niya pwedeng makita na nalulungkot ako. Lumapit ako sa gilid ng kama ni Mama at maingat na hinawakan ang kaniyang mga kamay na puno ng swero.

“Wag kang magsalita ng ganyan, Ma… kahit anong mangyari gagawan natin ng paraan para mapagamot ka. Tayo na nga lang ang magkasama sa mundo tapos ganyan pa ang iisipin mo! basta magpaka-lakas ka dahil madami pa tayong pupuntahan ng magkasama, Diba gusto mo ng snow? pwes pupunta tayo ng Europe. Promise ko yan one day magkakasama tayong dalawang mag travel kahit saan natin gustuhin." sabi ko kay Mama na halos pabulong na lang, pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha sa kaniyang harapan. "saka wag mong isipin ang gastos kasi may binigay si Sir Steven sakin na partime sa restaurant kaya , kayang-kaya ko namang tustusan ang lahat ng pangangailangan mo sa ospital… Basta magpalakas ka. Hindi kita pababayaan. I love you Mama” malambing kong yumakak sa kaniya. Kahit hindi ko sabihin, halatang may ideya na si Mama ., ngunit pinilit lamang nitong ngumiti. Habang tahimik akong nakaupo sa tabi niya, hindi maiwasang bumalik sa aking isip ang mga ngyari kagabi, gabi na puno ng sakripisyo at pait. 

Sa gabing iyon, habang nakatitig ako kay Mama habang nahihimbing siya sa kaniyang pagtulog, nanumpa ako sa aking sarili na hindi na ako muling magpapagamit sa kahit na sino man ng dahil sa pera. 

"sige na Mama inaantok ka na ata, magpahinga ka na muna. Dito lang ako buong gabi, hindi kita iiwan. Nag leave na din naman ako muna sa partime ko kaya mababantayan na kita ng maayos. Nami-miss din kasi kitang ka-kwentuhan" sabi ko kay Mama

"ganun ba anak, naku salamat naman. Hindi na ako mag-aalala sayo araw-araw. " nakangiting sabi ni Mama. "sige magpahinga ka din mamaya, okay naman ako." sabi pa niya

"opo Ma," humalik ako sa kaniyang noo at hinayaan na munang magpahinga si Mama.

Pinagmamasdan ko si Mama sa kaniyang mahimbing na pagtulog, sa bawat tahimik na segundo, bumabalik sa aking isip ang mga gabing puno ng pagluha at sakripisyong pilit kong itinago sa likod ng maskara, ang mga kamay na humawak sa tuwing sasayaw ako sa stage at mga matang humusga. 

Pinilit kong huminga nang malalim para pigilan ang mga luhang pabagsak na naman sa aking mga mata. Ngunit sa aking puso, ramdam ko pa rin ang apoy ng determinasyon at galit sa nagawa kong katangahan kagabi. Hinawakan ko ang kamay ni Mama, at sa gitna ng katahimikan ng silid, tahimik akong nanumpa.

“Ma, hindi ko na hahayaang gamitin o saktan ako ng kahit sino. Hindi na nila ako mababali o madudurog para lang sa pera,” bulong ko sa aking sarili, puno ng pangako.

Kinabukasan paggising ni Mama ay ginawa ko ang daily routine namin, pinaliguan ko siya, nilagay ko siya sa kaniyang wheelchair at nagpaaraw kami sa labas at saglit na nagkwentuhan sa park ng hospital.

“Anak… bakit parang may bumabagabag sa’yo?” mahina nitong tanong, habang nakatitig sa akin nang malalim.

Napahinto ako sa aking ginagawa, pilit na pinapanatili ang ngiti sa aking mga labi, ngunit ramdam kong unti-unti na akong nadudurog sa ilalim ng mapanuring mga mata ni Mama. “Wala, Ma. Ayos lang ako. Huwag mong isipin ‘yon. Ang mahalaga, gumaling ka.”

Ngunit hindi nagpatinag si Mama. “Marielle… alam kong marami nang naubos dahil sa pagpapagamot ko. Nahihirapan ka na ba?”

Sandali akong napataingin sa sahig, pilit nilulon ang mga luhang nagbabanta nang kumawala. “Hindi, Ma. May part-time ako… stable naman. Kaya ko pa. Huwag mo akong alalahanin, ha? napag-usapan ”

“Anak, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin,” sabi ni Mama sa akin “Hindi ko gustong mabuhay kung ang kapalit ay ang pagkakabasag ng pagkatao mo.”

"Ma, napag usapan na po natin to. Hanggat kaya ko, hanggat may paraan aalagaan kita. Hindi ako papayag na ihinto mo ang pagpapagamot mo." mariin kong sabi sa kaniya.

Nagulat ako ng hawakan ni Mama ang aking kamay, mahigpit at puno ng pagmamahal. “Anak, gusto kong mabuhay, pero hindi kung ikaw ang mawawala. Ayokong dumating ang araw na masaktan ka pa nang husto… Marielle, huminto ka na kung ano man yang partime na sinasabi mo." nag-aalalang sabi ni Mama.

"Ma, huwag na pong matigas ang ulo. Huwag niyo ng ipilit pa sakin na ihinto ang pagpapagamot sa inyo. Ano ka ba Ma, cancer lang yan. Ikaw kaya si Martha Arevallo. Hindi tayo susuko. Si Papa lang naman madaya, maagang sumama kay Bro. Kaya wag kang susuko. Kasi ayun ang hindi ko kakayanin. Mama tandaan mo ikaw ang buhay ko. Kung mawawala ka, isipin mong wala na din ako.Kaya Ma, pakiusap ko sayo. Magpagaling ka. Okay. Kasi ako lahat gagawin ko para lang magkasama pa tayo ng mas matagl pa" saka lang ako nakahinga ng maluwag ng sumang ayon si Mama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status