Marielle pov Habang nakahiga si Mama sa kanyang hospital bed, pumasok si Harry na may ngiti sa kanyang mukha, tila dala-dala ang liwanag sa madilim na silid. “Marielle, may napakagandang balita mula kay Jacob!” Alam kong maganda ang kaniyang ibabalita dahil sa laki ng kaniyang mga ngiti. “Mayroon na tayong donor para sa operasyon ng Mama! ” Tila huminto ang mundo sa akin sa mga salitang iyon. Tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa, at ang aking isip ay mabilis na nagproseso ng posibilidad. “Talaga, Harry? Ibig sabihin, makakapag-opera na si Mama?!” tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-asa. Tumingin ako kay Mama, na ngayo’y nag-aantay din, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa at takot. Agad akong napasigaw sa saya, at si Mama ay tila hindi makapaniwala. “Talaga? Ibig sabihin, makakapag-opera na ako?” tanong ni Mama, na may halong pag-asa at pagdududa sa kanyang boses.Napaluha siya ng marinig iyon. “Oo! Ang lahat ay nakaayos na. Wala na kayong dapat ipag-alala,” sagot ni
PROLONGUE;Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Jacob kay Harry. “Harry, nakaalis na ba kayo ng ospital? Dumeretso na kayo kay Chelsea,siguraduhin mong aabot kayo sa oras ng appointment niya. Siya na ang bahala sa inyong dalawa.” matigas na tono ni Jacob. “Oo Jacob, nakaalis na kami. Pero, medyo alanganin kami sa oras. Traffic dito sa daan.” sagot ni Harry "pwes gawan mo ng paraan, hindi pwedeng mahuli kami sa okasyon mamaya" sagot ni Jacob sa tono niya ay alam ni Harry ang kahihinatnan niya kung hindi niya ito masusunod. "wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Aabot kami sa schedule namin" sagot ni Harry “Sige, basta pagdating niyo kay Chelsea, sabihin mo lang na pinapunta ko kayo. Siya na bahala sa fitting at sa lahat.” Sa tabi ni Harry, tahimik na nakikinig si Marielle. Nakatitig siya sa bintana ng sasakyan, ang mga mata niya’y puno ng lungkot at panghihinayang. Alam niyang wala na siyang magagawa, dahil pinipilit siyang kumapit sa kasunduan nila ni Jacob. Hindi siya
MARIELLE AREVALLO: Nang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Harry sa tapat ng isang botique. isang mamalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako pumasok sa loob ng shop. Ngumiti ang isang babae na sumalubong sa amin. Nailang ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. “So, ikaw pala si Marielle. I’ve heard so much about you. Now, let’s see what we’re working with.” nakangiti niyang sabi na tila ba may ibig sabihin. Hindi ako nakasagot. Habang umiikot siya sa akin na akala mo ay sinusuri ako ng xray machine. Ramdam ko ang lamig sa paligid namin sa bawat tingin na kaniyang ginagawa. Ilang minuto lang pala ang lumipas pero para sa akin parang oras na ang nagdaan sa ilalim ng masusing mata nito. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinitignan ako. Napapa buga na lang ako ng malalim na hininga. Napapa irap ako sa hangin sa mga ngyayari sa buhay ko. “Okay, you have good posture and a graceful build, pero may ilang bagay na kailangan natin i-enhance. Maraming kayang gawin
Maya-maya, bumukas ang kurtina ng dressing room, at dahan-dahang lumabas si Marielle. Suot niya ang simpleng gown na napili ni Chelsea, walang sobrang detalye ngunit eleganteng bumagay sa kanya, parang ipinanganak siya para dito. Napahinto ang buong paligid, nagulat at napangiti ako ng hindi inaasahan. Para bang sa unang pagkakataon, nakikita ko ang tunay na Marielle. Napakagandang pagmasdan ni Marielle. , para akong nakatingin sa isang obra. Nakamamanghang tanawin sa kanyang bagong ayos na nilikha ni Chelsea. Nakasuot siya ng isang strapless na gown na gawa sa malambot na itim na chiffon at satin, na umaagos sa kanyang katawan at nagdadala ng isang eleganteng aura. Sa kanyang mga paa, nakasuot siya ng mga satin na sapatos na mataas ang takong, kumikislap sa kaniyang bawat hakbang. Ang kanyang buhok ay inayos sa isang classy bun, na may mga maliliit na alon na bumabagsak sa kanyang mukha, na pinagdikit ng isang delicate na hairpin na may perlas at crystals. Ang kanyang make-up ay pe
JACOB SOBEL POV Confident akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin ni Marielle sa loob ng bahay, agad kong naramdaman ang bigat ng alaala at mga matang nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala, nakaupo si Lola, may mapagmahal na ngiti sa kanyang mga labi. “Jacob, wow apo mabuti naman at nakadalo ka. Akala ko makakalimutan mo na naman ang kaarawan ko.” Sabi ni lola ng may pagtatampo. “Siyempre hindi na this time.” Sagot ko naman kay Lola. Biglang tumayo si Jullian sa kaniyang pagkakaupo. May ngiti sa kanyang mga labi, pero alam kong may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, isang damdaming hindi ko kailanman maitatanggi. Ang taong minsan kong minahal nang sobra. Parang bumagal ang lahat ng makita ko siya, at biglang sumikip ang dibdib ko. Alam kong darating ang sandaling ito, pero hindi ko inasahan na magiging ganito kabigat ang unang beses ng muli naming pagkikita. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa boses “Jacob
Pakiramdam ko’y tinutulak ako pababa sa putik. Napatingin ako sa kanya, nagpipilit na maging matatag, pero kahit anong tapang ang pilit kong ipakita, nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Aalis na sana ako kaya lang humigpit ang hawak niya sa braso ko, halos masaktan ako “Ano? Wala ka bang sasabihin? Alam mo, masyado kang ilusyunada. Alam mo bang hindi akong kayang iwan ni Jacob kaya lang siya nagkakaganyan dahil nasaktan siya. Pero ngayong nandito na ko, tignan natin kung pipiliin ka pa rin ni Jacob. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. E ano ngayon kung pinili ka ni Jacob ngayon? Hindi ibig sabihin nun na karapat-dapat ka. Isang araw, iiwan ka rin niya. Magigising din siya at makikita niya kung gaano ka… kababaw.” Sa sobrang sakit ng mga salita niya, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Alam kong hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko, pero hindi ko na kayang labanan pa. Ramdam kong hinuhusgahan niya ako, binabasag ang kahit anong natitira kong pag-asa na ba
JACOB POV: “FVCK, NASAN KA BA, MARIELLE?!” Halos sumabog na ang boses ko habang muling sinubukan tawagan ang numero niya. Walang sumasagot. Ang bawat segundo na hindi ko siya nakikita ay parang patalim na tumatarak sa dibdib ko. Galit akong huminto sa gilid ng kalsada, pinindot ko ang speed dial at inutusan ang bawat tauhan ko. “Harry!” Sigaw ko sa telepono, halos mabasag na ito sa diin ng kamay ko. “Hanapin niyo si Marielle. Ngayon din. Ikutin niyo ang buong lugar, hindi niyo titigilan hangga’t hindi niyo siya nakikita. Kapag kailangan niyong baliin ang lahat ng pinto sa siyudad, gawin niyo. Huwag kayong babalik sa akin nang hindi siya kasama! Sabihan mo na din si Harvey at lahat ng mga tauhan. " sinabi ko kay Harry kung anong ngyari kanina at kung bakit umalis si Marielle sa bahay nila Mommy. Tahimik ang nasa kabilang linya, pero ramdam ko ang kaba ng mga tauhan ko. Alam nila ku
Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero wala akong magawa kundi ang magngitngit sa galit. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita, hindi ako susuko kahit pa mapagod ako, kahit pa mawala ang hininga ko. Tumatagal na ang mga sandali at wala pa ring tumatawag sakin para magbalita. Kaya naman ako na ang tumawag sa aking mga tauhan , bawat isa’y mahigpit kong kinukulit. “Harry, saang area na kayo?!” tanong ko nang may matinding galit sa telepono. “Nasa harap na kami ng isa pang eskinita, boss. Hindi kami titigil. Binabaybay namin bawat sulok ng kanto sa lugar na to, wag kang mag-alala boss” nanginginig na sagot ni Harry "pasensya na boss medyo magulo dito sa lugar na to kaya nahihirapan kami dahil madaming tao" sagot ko sa kaniya “Hindi ko kailangan ng paumanhin niyo, Harry,” sagot ko sa malamig na boses. “Kapag hindi siya nakita sa loob ng oras na i
Napangiti si Evony, mukhang gumaan ang pakiramdam niya. "Salamat, Jacob. Ayoko lang na ma-misinterpret." Habang kumakain kami, bumalik ang natural na kulitan. Pero sa kabila ng mga ngiti, naramdaman kong mas maingat na si Evony. At si Jacob, bagamat nakangiti, parang may hinahanap na hindi niya masabi. Pagkaalis ni Evony, napabuntong-hininga si Jacob habang nakaupo sa sofa. "Okay naman siya," sabi niya, pero parang nag-iisip. "Bakit? Ano'ng iniisip mo?" tanong ko, naupo sa tabi niya. "Wala naman," sagot niya, tumingin sa akin. "Pero sana nga, tuluyan nang maayos ang lahat. Ayoko lang na magkaroon ng problema. "Promise, wala nang magiging problema," sagot ko saka ko siya niyakap. Pero sa loob ko, hindi ko maiwasang magtanong. Totoo na ba talagang maayos ang lahat? O may mga bagay pa ring nananatiling nakatago? Kinabukasan abala na naman sa trabaho buong araw. Walang kalagyan ang pagod ko ngayong mga panahon na to. Ang daming meetings at mga pinapagawa ng aming mga boss. Ma
MARIELLE POV “Girl nasa gate na ko!” Sabi ni Evony ng sagutin ko ang tawag mula sa kaniya. “Sige pasok ka na binuksan ko na yan.” Sagot ko naman sa kaniya. Maikling kamustahan lang kami at dumiretso na kami kaagad sa aming hapag. Nauna na samin si Jacob doon. Habang kumakain kami, biglang nagtanong si Evony ng diretsahan. "Jacob, if you dont mind may ex ka ba na taga Makati ?” Napatingin si Jacob sa kanya, mukhang nagulat sa tanong. "Oo, pero matagal na 'yun. Bakit mo naman natanong?" “Wala lang," sagot ni Evony, ngumiti nang bahagya. "Gusto ko lang malaman kung naalala mo pa yung nakaraan mo! Para kasing napaka perfect mo batay sa kwento sakin ni Marielle" Napatingin ako kay Evony, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit parang ang lalim ng interes niya kay Jacob? Tama nga ba ang hinala sa kaniya ng asawa ko? "Evony," sabat ko, pilit na tinatawag ang tensyon, "it was all in the past kaya hindi ko na dapat balikan." Sagot ni Jacob “isa pa sa tagal na nun hindi
Bago pa man ako makapagpatuloy ng pag-iisip, naramdaman kong may mga mata sa aking likuran. Tumigil ako sandali at muling tinanaw si Marielle. Hinahanap ko ang mga mata niya, ngunit nakayuko siya, tila abala sa pagkain. Tinutok ko ang aking pansin kay Harry. “Babalik na ako. Huwag mong pabayaan ’yan, ha?” mahigpit kong sinabi, sabay patay ng telepono. Habang papalapit ako kay Marielle, napansin ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya. May kabuntot na katanungan sa mga mata niya, at bago ko pa man matanong, nagsalita siya. “Jacob, may nangyayari ba na hindi ko alam?” Dahil sa tanong niyang iyon, sumagi sa isip ko ang mga bagay na hindi ko pa kayang isiwalat. Iba ang nararamdaman ko kay Evony; ayokong madamay si Marielle sa anumang kaguluhan na dadating sa buhay ko. “Wala naman love , tungkol lang sa pinag utos ko kay Harry. Hindi pa rin kasi nila makuha kuha ang dapat nilang gawin sa isang project namin kaya tumawag ulit siya.” Pagsisinungaling kong sabi kay Marielle. Ayoko
MARIELLE POV At the office Hindi ko mapigilang mapansin ang pagiging mausisa ni Evony tungkol kay Jacob. Sa tuwing magkasama kami sa opisina, laging napupunta ang usapan sa kanya kahit na malayo ang nasimulan naming topic. “Marielle, curious lang ako girl. Paano kayo nagkakilala ni Jacob?" tanong niya isang hapon habang nasa pantry kami. “Actually matatawa ka kung saan kami nagsimula. Diba nga yung rumors about sa pagiging stripper ko ?! Totoo naman yun. At hindi ko yun kinakahiya. Pero hindi ako yung tipong bayarang babae. Entertainer lang ako. Dun kami unang nagkita ni Jacob sa bar na pinagtatrabahuhan ko.," sagot ko sa kaniya. Naging sariwa sa aking isip ang mga kaganapan sa unang pagkikita namin ni Jacob. Naalala ko sa isip ko ang unang maglapiat ang mga labi. Bahagya akong kinilig kaya napangiti ako kay Evony "actually hindi kami talaga nag click kagad sa isa’t isa. Hindi ko talaga siya gusto hanggang sa dumating ang panahon parang bigla na lang akong nahulog sa kaniya.
Kinabukasan Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Evony. Masaya siyang nakangiti at seryoso, halatang may gusto siyang sabihin. "Marielle, salamat kagabi, ha. Kahit ayaw ko talaga noong una, naging okay naman," sabi niya sa akin, pero parang may iba sa tono niya. "Of course! Alam kong mag-eenjoy ka. Si Jacob nga, natuwa rin na makilala ka," sagot ko, pero ramdam kong parang may bigat ang usapan. Ngumiti siya nang bahagya pero hindi sumagot agad. "Alam mo, Marielle, may gusto lang sana akong itanong sa'yo. Huwag kang magalit, ha?" "Oo naman, ano 'yun?" sagot ko, bahagyang kinakabahan. Nagbuntong-hininga siya bago magsalita. "Sigurado ka bang okay si Jacob para sa'yo? Alam mo na... parang hindi ko lang siya narraamdaman na genuine." Parang tinamaan ako ng kung ano sa sinabi niya. "Evony, seryoso ka ba? Si Jacob ang pinaka-supportive na tao sa buhay ko. Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Pasensya na," sabi niya, medyo tumingin sa malayo. "Pero noong gabing 'yun, par
Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ay agad kong nilapitan si Evony sa kaniyang desk. "Good morning Evony, may sasabihin sana ako," bungad ko sa kaniya, kinakabahan ako pero excited din at the same time. "hindi ka ba busy?" "Hindi naman, bakit Marielle?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo, pero bakas ang interes sa kanyang mukha. "Gusto sana kitang imbitahan na mag dinner sa bahay," sagot ko sa kaniya. "Para sana magpasalamat sa lahat ng tulong mo sa akin. “ Napataas ang kilay niya. "Ha? Bakit? Hindi na kailangan, Marielle. Natural lang 'yun bilang kaibigan mo. Hindi naman big deal sakin yun! I just help because you needed help” sabi pa niya sakin "Hindi, seryoso ako," pagpupumilit ko sa kaniya “Gusto ko talagang magpasalamat nang maayos. Tsaka, gusto ko ring magkakilala kayo ni Jacob." "Si Jacob?" tanong niya, mukhang nag-aalangan. "Hindi kaya awkward 'yan? Marielle, promise hindi na kailangan. Okay na ako kahit wala ng ganyan. Saka nakakahiya naman sa asawa
HIndi ko inaasahang pupunta din talaga kagad si Evony sa HR Manager para kausapin ito. Pagkatapos niya ay agad siyang nagpunta sa pantry para kausapin ako Kitang-kita sa mukha niya ang inis at pagod. “Marielle, kinausap ko na ang HR tungkol dito,” sabi niya, diretso ang tono. “At ano ang sabi nila?” tanong ko, umaasang may mabuting balita. Umiling siya, halatang dismayado. “Final na raw ang desisyon. Hindi na nila babawiin ang warning na binigay sa’yo. Mas pinaniniwalaan nila ang mga ‘testigo’ ni Alyssa. Yung mga taong sunod-sunuran sa kanya.” Napabuntong-hininga ako. “Hayaan na lang natin, Evony. Mas lalaki lang ang gulo kung ipipilit pa natin.” “Pero mali ito, Marielle! Wala kang ginawang masama,” pilit niyang sagot. “Alam ko,” sagot ko, pilit na pinapakalma siya. “Pero hindi na natin mababago ang desisyon nila. Ang mahalaga, nandito pa rin ako. Ayoko ding gumawa pa ng ingay sa kompanya dahil mas matagal sila sa akin kaya sigurado akong kayang kaya nilang paikutin ang mga tao s
MARIELLE POV Nagdaan ang mga araw parang mas lalong tumitindi ang eksenang nangyayari sa opisina, mas matitindi ang ginagawang pagpapahirap sa akin nila Alyssa. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nila towards me. Hindi na lang ito panlalait—ginagawa na nila akong alipin. Pero dahil ayokong masira sa trabaho ay hinayaan ko lang silang mag utos pero hindi to the point na sasaktan nila ako dahil lalaban talaga ako. “Marielle, i want Starbucks. Ngayon na. Gusto ko ng dalawang caramel macchiato. Siguraduhin mong malamig pa ’yan pagbalik mo!” Pag -uutos ni Alyssa, halos sumigaw mula sa cubicle niya. Tiningnan ko siya, pero hindi ako nagsalita. Tumango na lang ako at sumunod dahil ayaw ko ng gulo. Ayoko ding makarating pa ito kay Jacob dahil kilala ko siya. Alam kong hindi siya papayag pag nalaman niyang ginagawa lang akong alipin ng mga bruhang to. Pagbalik ko sa opisina, bitbit ang tray ng mga in-order nila, nakasalubong ko si Evony sa hallway. “Marielle?” tanong niya, ti
Tahimik na ang pantry nang tumalikod si Evony sa akin. Ngumiti siya, pero matigas pa rin ang boses. “Okay ka lang ba? pagpasensyahan mo na, matagal na din sila nasa line for termination dahil sa mga alligations sa kanila, ang hirap kasi walang proof na makuha sa kanila dahil tinutuon nilang mambully sa mga blind spot ng CCTV” sabi niya sa akin. Napangiti din ako sa kaniya “Oo, salamat. Okay lang ako, i'm sorry about that scene, nadamay pa po tuloy kayo dahil sa akin.” sagot ko sa kaniya. “actually pinipigilan ko dina ng sarili ko dahil mga seniors ko sila pero minsan kasi sumosobra na sila. SO hindi lang pala ako ang kauna unahang binully nila.” “Natural lang ’yung may mga ganiyang emplerado pero sumosobra na sila. Hindi namin tinotolerate ang bullying dito. Hindi ako papayag na ganyanin nila ang kapwa empleyado ko. By the way, im Evony.” Iniabot niya ang kamay niya. “Marielle. Salamat po ulit. Mam” “Small thing and don't call me Mam, just Evony,” sagot niya, pero halata sa tono