Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pumanhik sa tabi niya. Ano na ba ang gagawin ko? Kasabay ng mga tanong na ito ang pagkulo ng damdamin ko sa galit at hinanakit kay Jacob. Hindi ko matanggap na kailangan kong ibigay ang buong buhay ko sa kanya, kapalit ng kaligtasan ni Mama. Ngunit ano nga ba ang laban ko?
Kaya ng hindi ko na mapigilan ang aking sarili, kinuha ko ang telepono at tinawagan ko si Jacob . "Yes Marielle nakapag deisyson ka na ba?" tanong ni Jacob na halatang excited sa aking sasabihin. Walang salitang lumabas sa bibig ko nang sagutin niya ang aking tawag. Tila ba naramdaman niyang sa mga sandaling iyon, ako’y sumuko na sa kanyang bitag. “Handa na ako,” mahina kong sabi, halos pabulong sa telepono. “Magandang desisyon, Marielle. Bukas na bukas din, lilipat na si Mama mo sa mas magandang kwarto at ngayon din ay magpapahanap ako ng donor para sa kanya," nakakalokong tugon niya. Hindi ko na napigilan ang mga luhaJACOB SOBELHabang tahimik akong nagmumuni muni sa aking opisina. Hindi ko namamalayang napapahigpit na pala ang pagkapit ko sa aking computer table dahil sa kakaisip ko kay Marielle. Hindi na ako makapaghintay na maging sakin na ulit siya gayunpaman hindi ko kinakalimutan ang kapalit ng kaniyang pagpayag na maikasal sa akin. Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Harry sa loob ng aking opisina."Boss " pagbungad niyang bati sa akin."Harry , siguraduhin mong mamayang gabi ay nasa bahay na si Marielle,” sabi ko sa kaniya ng mga malamig na boses. Ramdam ni Harry ang bagsik sa bawat salitang binibitiwan ko. Kilala ako ni Harry kaya alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. “Gusto ko, pagdating ko, nandoon na siya. Huwag mo na siyang dalhan ng gamit, ako na ang bahala roon binilinan ko na ang sekretarya ko. Nagpabili na ako ng mga damit ni Marielle.“Boss,” bulong niya, bahagyang natitigilan, “paano nga pala ang nanay ni Marielle? May nahanap na tayong donor para sa kidney. Ikaw lang ang hi
Marielle pov Habang nakahiga si Mama sa kanyang hospital bed, pumasok si Harry na may ngiti sa kanyang mukha, tila dala-dala ang liwanag sa madilim na silid. “Marielle, may napakagandang balita mula kay Jacob!” Alam kong maganda ang kaniyang ibabalita dahil sa laki ng kaniyang mga ngiti. “Mayroon na tayong donor para sa operasyon ng Mama! ” Tila huminto ang mundo sa akin sa mga salitang iyon. Tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa, at ang aking isip ay mabilis na nagproseso ng posibilidad. “Talaga, Harry? Ibig sabihin, makakapag-opera na si Mama?!” tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-asa. Tumingin ako kay Mama, na ngayo’y nag-aantay din, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa at takot. Agad akong napasigaw sa saya, at si Mama ay tila hindi makapaniwala. “Talaga? Ibig sabihin, makakapag-opera na ako?” tanong ni Mama, na may halong pag-asa at pagdududa sa kanyang boses.Napaluha siya ng marinig iyon. “Oo! Ang lahat ay nakaayos na. Wala na kayong dapat ipag-alala,” sagot ni
PROLONGUE;Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Jacob kay Harry. “Harry, nakaalis na ba kayo ng ospital? Dumeretso na kayo kay Chelsea,siguraduhin mong aabot kayo sa oras ng appointment niya. Siya na ang bahala sa inyong dalawa.” matigas na tono ni Jacob. “Oo Jacob, nakaalis na kami. Pero, medyo alanganin kami sa oras. Traffic dito sa daan.” sagot ni Harry "pwes gawan mo ng paraan, hindi pwedeng mahuli kami sa okasyon mamaya" sagot ni Jacob sa tono niya ay alam ni Harry ang kahihinatnan niya kung hindi niya ito masusunod. "wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Aabot kami sa schedule namin" sagot ni Harry “Sige, basta pagdating niyo kay Chelsea, sabihin mo lang na pinapunta ko kayo. Siya na bahala sa fitting at sa lahat.” Sa tabi ni Harry, tahimik na nakikinig si Marielle. Nakatitig siya sa bintana ng sasakyan, ang mga mata niya’y puno ng lungkot at panghihinayang. Alam niyang wala na siyang magagawa, dahil pinipilit siyang kumapit sa kasunduan nila ni Jacob. Hindi siya
MARIELLE AREVALLO: Nang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Harry sa tapat ng isang botique. isang mamalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako pumasok sa loob ng shop. Ngumiti ang isang babae na sumalubong sa amin. Nailang ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. “So, ikaw pala si Marielle. I’ve heard so much about you. Now, let’s see what we’re working with.” nakangiti niyang sabi na tila ba may ibig sabihin. Hindi ako nakasagot. Habang umiikot siya sa akin na akala mo ay sinusuri ako ng xray machine. Ramdam ko ang lamig sa paligid namin sa bawat tingin na kaniyang ginagawa. Ilang minuto lang pala ang lumipas pero para sa akin parang oras na ang nagdaan sa ilalim ng masusing mata nito. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinitignan ako. Napapa buga na lang ako ng malalim na hininga. Napapa irap ako sa hangin sa mga ngyayari sa buhay ko. “Okay, you have good posture and a graceful build, pero may ilang bagay na kailangan natin i-enhance. Maraming kayang gawin
Maya-maya, bumukas ang kurtina ng dressing room, at dahan-dahang lumabas si Marielle. Suot niya ang simpleng gown na napili ni Chelsea, walang sobrang detalye ngunit eleganteng bumagay sa kanya, parang ipinanganak siya para dito. Napahinto ang buong paligid, nagulat at napangiti ako ng hindi inaasahan. Para bang sa unang pagkakataon, nakikita ko ang tunay na Marielle. Napakagandang pagmasdan ni Marielle. , para akong nakatingin sa isang obra. Nakamamanghang tanawin sa kanyang bagong ayos na nilikha ni Chelsea. Nakasuot siya ng isang strapless na gown na gawa sa malambot na itim na chiffon at satin, na umaagos sa kanyang katawan at nagdadala ng isang eleganteng aura. Sa kanyang mga paa, nakasuot siya ng mga satin na sapatos na mataas ang takong, kumikislap sa kaniyang bawat hakbang. Ang kanyang buhok ay inayos sa isang classy bun, na may mga maliliit na alon na bumabagsak sa kanyang mukha, na pinagdikit ng isang delicate na hairpin na may perlas at crystals. Ang kanyang make-up ay pe
JACOB SOBEL POV Confident akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin ni Marielle sa loob ng bahay, agad kong naramdaman ang bigat ng alaala at mga matang nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala, nakaupo si Lola, may mapagmahal na ngiti sa kanyang mga labi. “Jacob, wow apo mabuti naman at nakadalo ka. Akala ko makakalimutan mo na naman ang kaarawan ko.” Sabi ni lola ng may pagtatampo. “Siyempre hindi na this time.” Sagot ko naman kay Lola. Biglang tumayo si Jullian sa kaniyang pagkakaupo. May ngiti sa kanyang mga labi, pero alam kong may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, isang damdaming hindi ko kailanman maitatanggi. Ang taong minsan kong minahal nang sobra. Parang bumagal ang lahat ng makita ko siya, at biglang sumikip ang dibdib ko. Alam kong darating ang sandaling ito, pero hindi ko inasahan na magiging ganito kabigat ang unang beses ng muli naming pagkikita. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa boses “Jacob
Pakiramdam ko’y tinutulak ako pababa sa putik. Napatingin ako sa kanya, nagpipilit na maging matatag, pero kahit anong tapang ang pilit kong ipakita, nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Aalis na sana ako kaya lang humigpit ang hawak niya sa braso ko, halos masaktan ako “Ano? Wala ka bang sasabihin? Alam mo, masyado kang ilusyunada. Alam mo bang hindi akong kayang iwan ni Jacob kaya lang siya nagkakaganyan dahil nasaktan siya. Pero ngayong nandito na ko, tignan natin kung pipiliin ka pa rin ni Jacob. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. E ano ngayon kung pinili ka ni Jacob ngayon? Hindi ibig sabihin nun na karapat-dapat ka. Isang araw, iiwan ka rin niya. Magigising din siya at makikita niya kung gaano ka… kababaw.” Sa sobrang sakit ng mga salita niya, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Alam kong hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko, pero hindi ko na kayang labanan pa. Ramdam kong hinuhusgahan niya ako, binabasag ang kahit anong natitira kong pag-asa na ba
JACOB POV: “FVCK, NASAN KA BA, MARIELLE?!” Halos sumabog na ang boses ko habang muling sinubukan tawagan ang numero niya. Walang sumasagot. Ang bawat segundo na hindi ko siya nakikita ay parang patalim na tumatarak sa dibdib ko. Galit akong huminto sa gilid ng kalsada, pinindot ko ang speed dial at inutusan ang bawat tauhan ko. “Harry!” Sigaw ko sa telepono, halos mabasag na ito sa diin ng kamay ko. “Hanapin niyo si Marielle. Ngayon din. Ikutin niyo ang buong lugar, hindi niyo titigilan hangga’t hindi niyo siya nakikita. Kapag kailangan niyong baliin ang lahat ng pinto sa siyudad, gawin niyo. Huwag kayong babalik sa akin nang hindi siya kasama! Sabihan mo na din si Harvey at lahat ng mga tauhan. " sinabi ko kay Harry kung anong ngyari kanina at kung bakit umalis si Marielle sa bahay nila Mommy. Tahimik ang nasa kabilang linya, pero ramdam ko ang kaba ng mga tauhan ko. Alam nila ku
MARIELLE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa harap ng salamin. Ang make-up artist ay maingat na nilalapat ang foundation sa mukha ko, pero ramdam ko ang pagkatuliro sa dibdib ko. Ang araw na ito ang pinakamatagal kong hinintay, pero parang mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa mga oras sa relo. “Relax, Marielle,” sabi ng Mommy ni Jacob sa akin mula sa likod ko, hawak niya ang isang baso ng tubig na iniabot niya sa akin. “Ayokong makita kang umiiyak habang inaayusan ka. Makakasira iyan” Pero hindi ko magawang pigilan ang luha ko. Napatingin ako sa kanya, at doon na tumulo ang unang patak nito. luha ng matinding kaligayahan. “ahmmm Tita, hindi ko ma-explain. Parang… parang panaginip lang ang lahat,” halos bulong kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Ito na po talaga ’yun. Magiging asawa na ako ni Jacob ng totohanan at hindi dahil sa kahit na anong kontrata.” Ngumiti siya, pero ang mga mata niya ay namumula na rin. “Tama na yan Mariel
MARIELLE POV Magmula ng proposal ni Jacob ay pinagkatiwala na niya sa akin ang buong pag-pa-plano para sa kasal namin, at sa totoo lang, sobrang saya ko na hinayaan niya akong magdesisyon. Pero kahit ganoon, ramdam ko ang suporta niya sa bawat hakbang na ginagawa ko. Laging malambing ang approach niya at laging sinisiguro na okay ako. Sa lahat ng desisyon na ginagawa ko din ay palagi siyang kasama. Pag-uwi niya isang gabi mula sa kaniyang trabahi ay sinalubong ko siya sa pinto. Agad niyang tinanggal ang coat niya at nilapag ito sa gilid, saka ako hinila papunta sa sofa. “So , Kamusta na ang fiance ko? Ano na ang balita sa kasal natin love?!” Sabit niya sa akin habang haplos haplos niya ang braso ko. “Okay naman love. Medyo Hectic, pero nakakatuwa. Ang dami kong nakikilalang mga tao salamat na lang din sa mga koneksyon mo at nagiging madali ang lahat,” sagot ko habang iniikot ang mga mata ko. “Kanina lang, kinontak ko na yung florist. Sigurado akong magugustuhan mo yung setup.”
Ito ang huling gabi namin sa Paris. Malamig ang ngayong gabi kaysa sa inaasahan ko, pero hindi iyon sapat para patigilin ang mga pawis na dumadaloy sa kamay ko. Hawak-hawak ko ang kamay ni Marielle habang naglalakad kami sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw sa paligid ng Eiffel Tower. Tumigil kami sa tapat ng tower, at napatingala siya, para bang ngayon lang niya nakita ang isang bagay na kasingn ganda nito. “Jacob, sobrang ganda talaga dito! Never kong na imagine na isang araw ay makakapunta ako dito” bulalas niya, makikita ang pagkislap sa kaniyang mata senyales na sobrang saya niya. Napangiti ako habang tinitingnan siya. “Hindi pa ito ang pinakamaganda sa gabing ito,” bulong ko sa sarili ko, pero siyempre, hindi niya narinig iyon. “Gusto mo bang lumapit tayo??” tanong ko sa kaniya habang tinuturo ko ang direksyon ng tower kung saan nakatayo na ang grupo ng mga musikero na hinire ko para sa gabing ito. “Sure, pero ang daming tao ah baka mahirapan din tayong makakuha ng maga
JACOB POV Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang mga araw dahil sa pag iintindi namin sa kaso ng mama ni Marielle, mula sa matindinding stress ng kaso, at ang gulo sa pagitan ng mga pamilya niya ay alam kong kailangan naming magpahinga. Lalong-lalo na siya. Matagal ko nang iniisip ang ideya ng pagpunta sa Paris kasama siya, pero alam kong hindi siya basta-basta pumapayag sa mga ganitong plano. Kaya ginawa ko ang dapat gawin, inalis ko ang lahat ng excuses niya. Ginawa ko itong surpresa para sa kanya. “Jacob, ano na naman ’to?” tanong niya habang nakatingin sa nakabukas na maleta sa kama niya. Halatang naguguluhan siya, pero may bahagyang ngiti sa kanyang labi. “Alam kong napagod ka sa lahat ng nangyari, Marielle,” sagot ko, inilalapag ang pasaporte niya sa tabi ng maleta. “Kailangan mo ’tong trip na ’to. Tayong dalawa lang atleast ngayon tapos na ang lahat ng isipin, wala nang abala sa atin. Promise, mag-e-enjoy ka dito.” “Hindi ba pwedeng dito na lang tayo magp
Nagkagulo ang lahat ng tao sa korte. Umugong ang mga bulong bulungan at ang mga tingin ng mga hukom ay tila ba nagkaruon ng pagdududa sa parte namin. Hindi naman nagpatinag ang abugado namin. Lumapit siya sa witness stand ."Sergeant, kung wala kang kinalaman, paano mo maipapaliwanag ang text messages na ito?" Iniangat niya ang mga kopya ng ebidensya. "Paano mo maipapaliwanag ang bank transfers na natanggap mo mula kay Jullian? huwag mong sabihing regalo lang ang ganuon kalaking halaga? " tanong ng abugado namin. Napatingin siya sa pwesto nila Don Antonio. "bakit ka ngayon napapatingin sa pwesto nila Don Antonio, dahil hindi ka ba nasabihan ng isasagot mo sakaling matanong ka namin tungkol dito?" tanong ng abogado namin. "kaibigan ko lang si Jullian, donation niya yun para pasasalamat sa lahat ng ginagawa ng mga kapulisan para sa bayan" sagot niya Natawa ang abogado namin "talaga? kung gayun Miss Jullian pwede ka din ba naming maging kaibigan? napakabait mo naman palang kaibigan
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Ako si ‘Devil’s Dragon Lord.’ Ako ang head ng mafia. Ako ang kinatatakutan ng lahat ng nasa ilalim ng mundo ng sindikato.” Nanatili siyang tahimik, pero kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Kaya nagpatuloy ako. “Pero noong una kitang nakita, wala akong alam tungkol sa totoo mong pagkatao. Minahal kita bilang ikaw, ang Marielle na isang mapagmahal na anak sa kaniyang ina. I swear to God, hindi ko alam ang kaugnayan mo kay Don Antonio. Hindi ko inisip kung sino ka, hindi ko hinanap ang koneksyon mo sa kahit sinong maimpluwensyang tao.” Tumingin siya sa akin, pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. “Simula noong dumating ka sa buhay ko, unti-unti kong tinalikuran ang mga dating gawain ko. Pero ginamit ng mga kalaban ko ang kahinaan ko—ikaw. Sila ang dahilan kung bakit ito nangyari. Patawarin mo ako, Marielle. Pakiramdam ko, may kasalanan ako sa nangyari sa mama mo.” “Jacob…” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses. “Kung hindi dahil sa ak
JACOB SOBEL POV Kasama ko sina Hanz sa sala. Tahimik lang kaming nag-uusap, pero nararamdaman kong may tensyon sa paligid. Habang si Marielle ay abalang naghahanda ng hapunan namin sa kusina. Tila wala siyang pakialam sa mundo, tahimik na ginagawa ang nakasanayan niya. Sa kabila ng lahat ng gulo, parang normal ang araw na ito para sa lahat. Pero hindi. Kung sabagay ako lang ang nakakaalam ng tensyon na ngyayari sa pagitan namin at ni Don Antonio. Walang ka ide-ideya si Marielle sa totoong ugat ng kaniyang angkan. Biglang tumunog ang telepono ko, at nang makita kong ospital ang tumatawag, kumabog ang dibdib ko. Sinagot ko ito kaagad dahil alam kong tungkol na ito sa DNA na pinasagawa ko. “Hello?” “Sir Jacob, may update na po kami sa DNA test,” sabi ng boses sa kabilang linya. May bigat sa tono niya, na parang alam na niya ang magiging reaksyon ko. Tahimik akong nakinig at binatuhan ko ng isang tingin si Marielle, matamis siyang ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko din siya
“Bakit niyo ‘yun ginawa?!” sigaw ni General, habang ako ay nanunuod na lang sa salamin na tanaw at rinig ang lahat ng sinasabi at ngyayari sa loob ng interrogation room. “Bakit niyo pinatay ang mama ni Marielle?!” Malamig siyang ngumiti. “Dahil sagabal siya sa akin. Hindi siya pwedeng bumalik sa amin. Bibisitahin ko lang naman talaga dapat siya at binigyan ng 10 milyon para lumayo na ng tuluyan sa pamilya namin. At ng makita ko ang anak niyang si Marielle, wohhh" napapasipol niyang sabi, matandang maniyak ang walanghiya " sinabihan ko lang naman siyang kukuhain ko ang anak niya para gawin kong babae, tutal ay wala itong alam sa koneksyon niya sa akin pero mailap din ang anak niya kaya patatahimikin ko na lang din. Mga inutil, sagabal lang sa lahat ng plano ko!" mayabang na sabi nito. Hindi niya alintana an glahat ng kaniyang kakaharaping kaso sa lahat ng sinabi niya. Nag file na kami ng iba't ibang kaso laban kay Don Antonio. Pagdating sa pag interrogate kay Jullian ay agad niyan
“Jacob…” bungad ni Don Antonio, hindi maikubli ang takot sa mukha niya. “Akala mo ba, matatapos ito nang hindi kita kakaharapin?” sagot ko, ang boses ko’y malamig at puno ng galit. Isang matalim na tingin ang binigay ko kay Jullian na minsan kong minahal pero nag traydor lang din sa akin. “Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo, bata,” sagot niya, pilit na nagpapakitang matatag. “Alam ko kung sino ka, Don Antonio. Isang matandang hayop na walang ginawa kundi kayan-kayanin lang ang mga taong walang laban at inosente, pero ngayon sinisigurado ko sayong tapos na ang paghahari-harian mo!." Biglang sumingit si Jullian, pilit na nagpapaliwanag. “Jacob, hindi ko ginusto ito! Napilitan lang ako! maniwala ka sakin. Pinilit lang ako ni Don Antonio!” natatawa naman si Don Antonio sa inakto ng kaniyang anak-anakan “Huwag mo akong gawing tanga, Jullian,” sigaw ko. “Ginamit mo ako! Ginamit mo ang tiwala ko para ipahamak si Marielle!” “Jacob, hayaan mo akong ipaliwanag!” sigaw niya ulit, ha