MARIELLE POV:
Nang makaalis si Jacob ay naiwan akong tulala sa aking pagkakatayo, pinipilit kong intindihin ang bigat ng kanyang alok. Habang naglalakad pabalik sa ospital, pakiramdam ko ay bumabaon sa lupa ang bawat paghakbang na ginagawa ko, sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ba kasi kami pinanganak na mahirap. Tila lalong nagiging masakit ang bawat patak ng pawis sa aking noo. Hindi ko maintindihan kung anong gagawin ko. Ililigtas ko ba si Mama sa kapahamakan o ibibigay ko ang sarili ko kay Jacob? "hay Marielle kaya mo yan. Wag kang magpakita ng kahinaan sa Mama mo. Please lang" pangungumbinsi ko sa sarili ko. Inayos ko ang aking itsura at pilit na ngumiti kahit na pumipintig na sa sakit ang ulo ko. Pagpasok ko sa kwarto ni Mama, tahimik siyang nakahiga, nakapikit at bahagyang nakangiti. Siguro ay nananaginip siya ng masayang alaala namin ni Papa. Natuwa din ako dahil magmula ng dumalaw si Jacob ay tumatawa na ulit si Mama. Pero sa tuwing nPinunasan ko ang luha sa aking mata at pumanhik sa tabi niya. Ano na ba ang gagawin ko? Kasabay ng mga tanong na ito ang pagkulo ng damdamin ko sa galit at hinanakit kay Jacob. Hindi ko matanggap na kailangan kong ibigay ang buong buhay ko sa kanya, kapalit ng kaligtasan ni Mama. Ngunit ano nga ba ang laban ko? Kaya ng hindi ko na mapigilan ang aking sarili, kinuha ko ang telepono at tinawagan ko si Jacob . "Yes Marielle nakapag deisyson ka na ba?" tanong ni Jacob na halatang excited sa aking sasabihin. Walang salitang lumabas sa bibig ko nang sagutin niya ang aking tawag. Tila ba naramdaman niyang sa mga sandaling iyon, ako’y sumuko na sa kanyang bitag. “Handa na ako,” mahina kong sabi, halos pabulong sa telepono. “Magandang desisyon, Marielle. Bukas na bukas din, lilipat na si Mama mo sa mas magandang kwarto at ngayon din ay magpapahanap ako ng donor para sa kanya," nakakalokong tugon niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha
JACOB SOBELHabang tahimik akong nagmumuni muni sa aking opisina. Hindi ko namamalayang napapahigpit na pala ang pagkapit ko sa aking computer table dahil sa kakaisip ko kay Marielle. Hindi na ako makapaghintay na maging sakin na ulit siya gayunpaman hindi ko kinakalimutan ang kapalit ng kaniyang pagpayag na maikasal sa akin. Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Harry sa loob ng aking opisina."Boss " pagbungad niyang bati sa akin."Harry , siguraduhin mong mamayang gabi ay nasa bahay na si Marielle,” sabi ko sa kaniya ng mga malamig na boses. Ramdam ni Harry ang bagsik sa bawat salitang binibitiwan ko. Kilala ako ni Harry kaya alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. “Gusto ko, pagdating ko, nandoon na siya. Huwag mo na siyang dalhan ng gamit, ako na ang bahala roon binilinan ko na ang sekretarya ko. Nagpabili na ako ng mga damit ni Marielle.“Boss,” bulong niya, bahagyang natitigilan, “paano nga pala ang nanay ni Marielle? May nahanap na tayong donor para sa kidney. Ikaw lang ang hi
Marielle pov Habang nakahiga si Mama sa kanyang hospital bed, pumasok si Harry na may ngiti sa kanyang mukha, tila dala-dala ang liwanag sa madilim na silid. “Marielle, may napakagandang balita mula kay Jacob!” Alam kong maganda ang kaniyang ibabalita dahil sa laki ng kaniyang mga ngiti. “Mayroon na tayong donor para sa operasyon ng Mama! ” Tila huminto ang mundo sa akin sa mga salitang iyon. Tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa, at ang aking isip ay mabilis na nagproseso ng posibilidad. “Talaga, Harry? Ibig sabihin, makakapag-opera na si Mama?!” tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-asa. Tumingin ako kay Mama, na ngayo’y nag-aantay din, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa at takot. Agad akong napasigaw sa saya, at si Mama ay tila hindi makapaniwala. “Talaga? Ibig sabihin, makakapag-opera na ako?” tanong ni Mama, na may halong pag-asa at pagdududa sa kanyang boses.Napaluha siya ng marinig iyon. “Oo! Ang lahat ay nakaayos na. Wala na kayong dapat ipag-alala,” sagot ni
PROLONGUE;Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Jacob kay Harry. “Harry, nakaalis na ba kayo ng ospital? Dumeretso na kayo kay Chelsea,siguraduhin mong aabot kayo sa oras ng appointment niya. Siya na ang bahala sa inyong dalawa.” matigas na tono ni Jacob. “Oo Jacob, nakaalis na kami. Pero, medyo alanganin kami sa oras. Traffic dito sa daan.” sagot ni Harry "pwes gawan mo ng paraan, hindi pwedeng mahuli kami sa okasyon mamaya" sagot ni Jacob sa tono niya ay alam ni Harry ang kahihinatnan niya kung hindi niya ito masusunod. "wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan. Aabot kami sa schedule namin" sagot ni Harry “Sige, basta pagdating niyo kay Chelsea, sabihin mo lang na pinapunta ko kayo. Siya na bahala sa fitting at sa lahat.” Sa tabi ni Harry, tahimik na nakikinig si Marielle. Nakatitig siya sa bintana ng sasakyan, ang mga mata niya’y puno ng lungkot at panghihinayang. Alam niyang wala na siyang magagawa, dahil pinipilit siyang kumapit sa kasunduan nila ni Jacob. Hindi siya
MARIELLE AREVALLO: Nang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Harry sa tapat ng isang botique. isang mamalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako pumasok sa loob ng shop. Ngumiti ang isang babae na sumalubong sa amin. Nailang ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. “So, ikaw pala si Marielle. I’ve heard so much about you. Now, let’s see what we’re working with.” nakangiti niyang sabi na tila ba may ibig sabihin. Hindi ako nakasagot. Habang umiikot siya sa akin na akala mo ay sinusuri ako ng xray machine. Ramdam ko ang lamig sa paligid namin sa bawat tingin na kaniyang ginagawa. Ilang minuto lang pala ang lumipas pero para sa akin parang oras na ang nagdaan sa ilalim ng masusing mata nito. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinitignan ako. Napapa buga na lang ako ng malalim na hininga. Napapa irap ako sa hangin sa mga ngyayari sa buhay ko. “Okay, you have good posture and a graceful build, pero may ilang bagay na kailangan natin i-enhance. Maraming kayang gawin
Maya-maya, bumukas ang kurtina ng dressing room, at dahan-dahang lumabas si Marielle. Suot niya ang simpleng gown na napili ni Chelsea, walang sobrang detalye ngunit eleganteng bumagay sa kanya, parang ipinanganak siya para dito. Napahinto ang buong paligid, nagulat at napangiti ako ng hindi inaasahan. Para bang sa unang pagkakataon, nakikita ko ang tunay na Marielle. Napakagandang pagmasdan ni Marielle. , para akong nakatingin sa isang obra. Nakamamanghang tanawin sa kanyang bagong ayos na nilikha ni Chelsea. Nakasuot siya ng isang strapless na gown na gawa sa malambot na itim na chiffon at satin, na umaagos sa kanyang katawan at nagdadala ng isang eleganteng aura. Sa kanyang mga paa, nakasuot siya ng mga satin na sapatos na mataas ang takong, kumikislap sa kaniyang bawat hakbang. Ang kanyang buhok ay inayos sa isang classy bun, na may mga maliliit na alon na bumabagsak sa kanyang mukha, na pinagdikit ng isang delicate na hairpin na may perlas at crystals. Ang kanyang make-up ay pe
JACOB SOBEL POV Confident akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin ni Marielle sa loob ng bahay, agad kong naramdaman ang bigat ng alaala at mga matang nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala, nakaupo si Lola, may mapagmahal na ngiti sa kanyang mga labi. “Jacob, wow apo mabuti naman at nakadalo ka. Akala ko makakalimutan mo na naman ang kaarawan ko.” Sabi ni lola ng may pagtatampo. “Siyempre hindi na this time.” Sagot ko naman kay Lola. Biglang tumayo si Jullian sa kaniyang pagkakaupo. May ngiti sa kanyang mga labi, pero alam kong may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, isang damdaming hindi ko kailanman maitatanggi. Ang taong minsan kong minahal nang sobra. Parang bumagal ang lahat ng makita ko siya, at biglang sumikip ang dibdib ko. Alam kong darating ang sandaling ito, pero hindi ko inasahan na magiging ganito kabigat ang unang beses ng muli naming pagkikita. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa boses “Jacob
Pakiramdam ko’y tinutulak ako pababa sa putik. Napatingin ako sa kanya, nagpipilit na maging matatag, pero kahit anong tapang ang pilit kong ipakita, nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Aalis na sana ako kaya lang humigpit ang hawak niya sa braso ko, halos masaktan ako “Ano? Wala ka bang sasabihin? Alam mo, masyado kang ilusyunada. Alam mo bang hindi akong kayang iwan ni Jacob kaya lang siya nagkakaganyan dahil nasaktan siya. Pero ngayong nandito na ko, tignan natin kung pipiliin ka pa rin ni Jacob. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. E ano ngayon kung pinili ka ni Jacob ngayon? Hindi ibig sabihin nun na karapat-dapat ka. Isang araw, iiwan ka rin niya. Magigising din siya at makikita niya kung gaano ka… kababaw.” Sa sobrang sakit ng mga salita niya, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Alam kong hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko, pero hindi ko na kayang labanan pa. Ramdam kong hinuhusgahan niya ako, binabasag ang kahit anong natitira kong pag-asa na ba
Isang tahimik na pag-ungol ang pumutol sa aking pag-iisip. Kumalas si Lilly sa pagkakayakap ko, ginalaw niya ang mga braso niya. Pero nilagay ko ang kamay ko sa tiyan niya, hinila ko siya palapit sa akin, at hinalikan ko siya sa batok."Good morning," diretso kong bati sa tenga niya habang hinihimas ang lobe niya.“Good morning handsome!” nakangiti niyang bati sa akin na halos inaantok pa. Napangiti ako sa kaniyang mumunting tinig.““Hindi ko maitatanggi na napakasarap gumising ng katabi ka, sweetie. Alam mo bang mas magaling ka pang magpa-init kaysa sa heater ngayong taglamig. “ kinikilig kong sabi , pilit naman niyang inaabot ang aking kamay para pigilan ang paglalakbay nito sa kaniyang katawan.“Teka anong oras na?”“Maaga pa, mag aalas sais pa lang. Bakit?”“Nagugutom na kasi ako. Hindi pala ako naka-kain kagabi” “Ow sweetie, wag mo akong lokohin. Umiiwas ka lang, makakalimutan mo ang lahat pero hindi ang pagkain. Kilala kita!” Saway ko sa kanya habang kinikiliti ang kanyang tiy
“Wag na nating pag-usapan ang tungkol sa madilim kong buhay.. nandito ka na ngayon Lilly.. ikaw ang magsisilbing ilaw sa landas na aking tatahakin” Napa-awang ang aking bibig at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Hmmm what you mean?” Tanong ko sa kaniya “Wala kang ideya kung pano mo ko binaliw! Hindi mo alam kung gaano ako ka excited araw-araw na masilayan ko ang araw dahil ibig sabihin noon ay oras na din para magsama tayo sa hapag.” ang weird. Biglang pumatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa naging epekto ko sa kaniya “Stop it Harley! Please lang wag mo ng sabihin yan. Hindi ako nababagay sa mundo mo. Iba ang mundong ginagalawan ko.” “Lilly, iba ka sa lahat. Alam ko kung nasasaan ka sa puso ko!” Napatalon ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko.LILLY POVInangat ko ang pisngi ko para salubungin na ang kaniyang mga mata“Ewan ko Harley, pero natatakot ako. Alam kong pagdating sa dulo ang ako lugi dito. Ayokong maiwan na duguan a
“Ah.. hindi? Siyempre naman hindi” confident kong sagot, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko, na hindi niya gagawin pero God! Magmula ng makita ko sa internet ang kaya niyang gawin natakot na ako. Alam kong kaya niya iakong patahimikin panghabambuhay , ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit lahat ng taong nakakakilala sa kaniya ay takot na takot sa kaniya. Dahil isa siyang Don. “Okay!” bumaling ako at humarap sa kaniya . magkatapat ang aming mga mukha at matapang akong nagtanong “sige…. May nalaman ako sa internet at gusto ko sanang ikaw mismo ang magsabi sa akin pero huwag na lang.” “Naiitindihan ko ang ibig mong sabihin, may karapatan kang malaman kung sino ako! Dahil ako na ang makakasama mo sa habang panahon!” Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang aking buhok bago nagsimulang magsalita. Sa unang pagkakataon nakita kong naging seryoso ang mukha ni Harley habang kaharap ako. “Magmula ngayon ayoko ng magtago sayo Lilly, gusto kong sabihin ang lahat ng tungkol s
Napaupo ako bigla, tumingin sa paligid ng kwarto. Napakatahimik ng kwarto, at ang tanging liwanag ay nanggagaling sa nakabukas na pintuan na banyo. At pagbaling ko ng aking paningin sa coach sa gilid ng kama sa paanan ko ay namataan ko si Harley. Nakamasid siya sa akin at halos mapatalon ako sa kama sa sobrang pagkagulat, nakasuot lang siya ng stripe na pajama at walang pang itaas na suot. Hindi ko pa siya nakitang kalahating hubad, ngunit hindi ko itatago kung gaano ako kasaya sa nakikita ko. Hindi ko naiwasang makagat ang pang-ibabang labi ko. Hinahangaan ko ang matipuno niyang mga braso, katawan, bawat hiwa ng abs sa kanyang tiyan. Nang makita ko ang maitim na buhok na nagtatago sa ilalim ng nababanat gitnang bahagi ng kaniyang pajama, nararamdaman ko ang kakaibang pamamasa sa pagitan ng aking mga binti. Shit! Bakit sobrag hot niya? "Hello sweetie," mahinang sabi niya at dinilaan ang ibabang labi. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya na parang nahihipnotismo. Oh God
Bago ko pa man tapusin ang ilusyon ko kay Harley, nagulat na ako at napapikit nang bigla kong maramdaman ang mainit na palad na kumapit sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon at tignan kung sino ang pumasok sa loob ng shower area nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa akin. “Oh God!” napasingap ako ng hangin ng maramdaman ko ang basa at sexy niyang katawan. Ang kaniyang tit* na tumutusok sa aking likuran. Napapaiktad ang aking katawan, gusto kong tumanggi pero ang buong pagkatao ko ay gustong magpatuloy ang lalaking ito sa kaniyang ginagawa. Ang kaniyang kamay ay naglakbay sa aking tiyan at huli sa aking balikat, nagsimula siyang masahihin ako. Hinayaan ko siyang haplusin ang aking katawan. At worst kusang humilig ang aking katawan sa kaniyang dibdib. “Ow sweetie…” bulong niya sa aking tainga, bahagyang dumikit ang kaniyang ilong sa aking tainga. Isang pamilyar na panginginig ang dumaloy sa aking katawan, na dumadaloy sa pagitan ng aking mga hita. Tanga, traydor
LILLY POV Tang ina talaga! Ano ba namang buhay mayroon ako dito? Bakit ba parang sunod-sunuran ako sa mga taong ‘to? Hindi ko naman obligasyon ang kahit na sino dito! Umiikot ang aking mata sa pag-iisip ng mapaet kong buhay sa piling ng mga hudlong ito. Kaya lang kahit anong tigas ng ulo ko ay siya namang lambot ng tuhod ko. Ayaw makisama sa pagrerebelde ng utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig ang paa ko habang naglalakad sa pasilyo ng bahay ni Harley, para akong batang nakasunod sa paglalakad ni Jake na akala mo ay nakagawa ako ng isang napakalaking kasalanan na anumang oras ay maari akong hatulan. Mas gugustuhin kong maligo at tumalon sa kama para magpahinga pero pakiramdam ko ay hindi ko magagawa iyon anumang dahil sa mga kinikilos ng ungguy na to sigurado akong may hindi magandang nangyayari. Ano yun? Hindi ko din alam. Hindi man lang magsalita ‘tong hayop na to kung bakit na naman ba ako pinapatawag ni Harley. “Lilly, binababalaan kita, mag behave ka s
“Ano ang gusto kong mangyari? “ sumimangot ako, tumalon sa aking mga paa. Ibinaba ko ang baso na halos mabasag sa lakas ng pagkakabagsak ko sa lamesa. Lumakad ako papunta sa aking fiance. Ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa at hinaranangan siya para hindi makatayo, tinignan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. “Marneth, alam mo bang nasobrahan ka sa pagkalasing at nagkalat sa event ng aming pamilya? Nakita ng lahat ang mga kalokohang pinag-gagagawa mo!”“Oh come on Harley, masyado kang nagiging exagerated. Nakatayo pa naman ako sa mga sarili kong paa, hindi naman ako ganoon kalasing!” Malutong akong tumawa. “Sa tingin mo ba pinaghihigpitan kita?” my God! Binibiro mo ba ako?” suminghap ako ng mapang asar. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ng leeg niya at medyo na tense siya . ALam na niya ang kasunod noon. “Na-dis-appoint ako sa ugali mo kahapon. Ikaw ang fiance ko at kung sa tingin mo hahayaan ko lang ang ginawa mong kahihiyan kahapon? Then nagkakamali ka! Ito ang tandaan mo, hin
“Hello Sir, good morning po. Nakita ko po sa wall ko ang job hiring niyo, available pa po ba?” tanong ko sa lalaki sa kabilang linya. Umaasa akong matatanggap ako sa trabahong ito. “Yes, avaialble pa. Mag co-conduct lang muna ako ng small interview. “ sumang-ayon ako. Ilang minuto din kaming nag-usap ng interviewer. “So ganito, kung avaialble ka sa monday para sa final interview, para kasi ito sa expansion ng aming restaurant. “ sabi niya sa akin“Okay Sir, if ever po ano po ba ang magiging work ko?” Tanong ko sa lalaking nasa kabilang linya.“Hindi naman mahirap ang task mo, usually mag bus out. Then delivering food sa table ng mga customer. May kaniya-kaniya kayong designated area ng pagtatrabahahuhan. “ natuwa ako, dahil mukhang kaya ko naman ang trabaho. “Okay Sir, what time po?”“Be at 8 in the morning, i expect you to come!” “Okay Sir, thank you so much . It really made my day.”“Okay, so see you then!” pagkasabi ko ay nagpaalam na din ako sa kausap ko. Natuwa ako dahil sa il
”Ayan tignan mo nga ang ginagawa mo samin ngayon. Anak ka namin! Pero nakakaya mo kaming tiiisin. Bakit hindi ka umuwi? "Kasi lumipat po ako," ungol ko bilang tugon, hindi ako makatinging sa kanila bagkus ay nakatingin lang ako sa aking mga kamay. ”ewan ko ba sayong bata ka! Bakit ka pa nagpapakahirap sa buhay mo! Pwede ka namang bumalik sa bahay natin . Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpapahirap sa trabahong halos wala ka nang sahurin! Tapos yung apartment na nilipatan mo?!sobrang panget. Daig pa yung tambakan natin ng gamit. Mabuti pa yung bahay ng aso natin mabango! Ano bang gusto mong palabasing bata ka!” “Gusto ko ng katahimikan!” Malakas kong sagot kila Papa. Nilingon ko ang paligid ng restaurant at tinignan ko kung may nakarinig sa pinag uusapana namin. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya halos walang nakarinig sa amin. “Anong pinagsasabi mo?” Galit na sabi ni Papa pero halata ang pagpipigil sa kaniyang boses. “Alam niyo Mama, Papa. Magmula bata ako. Wala na akon